Chapter 03
“Ahhh! Nakakatamad! Wala na ba tayong ibang lakad ngayon? Kailan ba ulit ang deliver natin kay Pareng Kwon? Wala ba tayong ibang gagawin ngayon o kaya ha-huntingin kasi kinakalaban ang negosyo ni Kuya Paxton?!”
“Will you f*cking shut up Laochecko! Nakakarindi na ‘yang bunganga mo!”sitang singhal ni Rukh kay Maki na nakasimangot na binalingan si Ruhk na prenteng naka-upo sa pang-isahang upuan at naka dekwatro pa.
“Anong pakielam mo sa bunganga ko Verchez? Masama bang maglabas ng pagka bored ko sa araw na ‘to ha?”inis na reklamo ni Maki na poker face na binalingan ng tingin ni Ruhk
“Nakakabobo kasi ang tanong mo Laochecko, you knew that we're not having any delivery for this day or any f*cking task because Ignacio vacant this day as a day off for him so he can take care of Irish. If your f*cking bored, hang yourself in the tree outside and be quite thin head.”
“Tangna Ruhk palaboy, ang harsh ng huli mong sinabi. Tss! Palibahasa ikaw hindi naiinip dahil may Liana kang pinagkaka-abalahan pag wala tayong trabaho. Teka, bakit andito ka pala at wala sa bahay ng Liana mo?”pag-iibang tanong ni Maki na saglit na ikinawalan ng imik Ruhk at ibinalik ang tingin niya sa movie na pinapanuod niya na ikinangisi ni Maki.
“Ah! Alam ko na, kick out ka na naman sa bahay ng Liana mo nuh? Sino na naman ang pinagselosan mo at pinadala mo sa ospital Verchez?”
“Tss! Wala akong pinadala sa ospital Laocheko, nabugbog oo pero magpasalamat nga ang gago na ‘yun because I just f*cking beat him up slightly into pulp.”sambit na pahayag ni Ruhk na kitang-kita ni Maki ang pagseselos nito sa mga mata nito lalo na ang pag-igting ng bagang nito.
“Aish! Kung ako sayo Verchez, babawasan ko ang pagiging seloso ko. Wala pa nga kayong label ni Liana kung makabakod ka wagas.”
“Hinihingi ko ba opinyon mo Laochecko! Manahimik ka nalang sa tangnang pwesto mo pwede?”sitang singhal ni Ruhk na naiiling na ikinangisi lang ni Maki ng mapalingon siya kay Trace na pababa ng hagdanan.
“Trace, may lakad ka ba ngayon?”tanong ni Maki dito na malamig na tingin na nilingon siya nito.
“I’m going to my father’s hotel that he's staying at, why?”walang emosyon na pahayag ni Trace na ikinagiwi ni Maki dito.
“Wala naman, naitanong ko lang. Ingat ka ha.”sagot ni Maki na wala ng imik na ikinalakad na palabas ni Trace sa bahay ni Paxton.
Sinabihan ni Paxton si Trace na huwag na munang sumunod sa kanila dahil Phantoms naman ang kasama nila ni Irish na walang reklamong ikinapayag nito at sakto naman na tumawag sa kaniya ang kaniyang ama at pinapupunta siya sa hotel na tinutuluyan nito bago ito bumalik sa USA.
Walang imik na sumakay si Trace sa motor niya at pagka suot niya sa kaniyang helmet ay agad niya na itong pinaharurot palayo sa bahay ni Paxton.
Mabilis na tinahak ni Trace ang daan papunta sa hotel na tinutuluyan ng kaniyang ama, nang makarating na siya ay agad niyang itinigil ang motor niya sa tapat ng hotel at dere-deretsong naglakad papasok sa loob ng hotel na walang staff at guard na pumigil sa deretso niyang pagpasok dahil kilala na siya ng mga ito at nasabihan na ang mga ito ng ama ni Trace dahil alam nito na ayaw ni Trace na pinipigilan ito at inaabala ang oras nito. Deretso lang na sumakay si Trace sa elevator at pinindot ito papuntang 25flr, ng magsasara na ito ay may dalawang kamay na pumigil sa pagsara ng elevator na agad na binuksan iyon at sumakay na walang pakiealam si Trace.
“Sorry ha, nagmamadali kasi ako.”paumanhin ng babaeng kasabay niya na sa loob ng elevator na hindi binigyang pansin ni Trace.
Tahimik lang si Trace sa kinatatayuan niya ng pagkatitigan siya ng babaeng kasabay niya sa elevator na sobrang nagwapuhan sa kaniya dahil sa kinang ng mga mata nito habang nakatitig kay Trace.
“Artista ka ba? Ang gwapo mo kasi eh, dito ka ba sa hotel na ‘to tumutuloy? Same tayo, sa may 22flr ako nags-stay. Anong Floor ka para naman mabisi---“kusang tumigil sa pagsasalita ang babaeng nagpapakita ng interest kay Trace ng walang emosyon at malamig na tingin ang ibinaling ni Trace sa kaniya na parang ikinasamid ng dila niya sa klase ng blankong ekspresyon ni Trace na bahagya pang ikinaatras nito palayo kay Trace.
“Keep f*cking quiet, don’t talk to me nor flirt with me woman.”malamig na sambit ni Trace na agad na ikina-iwas ng tingin ng babae kay Trace at bahagya pang lumayo sa kaniya na ikinatahimik na muli ni Trace sa kinatatayuan niya.
Si Trace ang klase ng tao na walang pakielam sa paligid nya o sa mga taong nakakasalamuha niya maliban kay Paxton, at Irish. Kahit kina Ruhk at Maki ay napapakitaan niya ng malamig na pakikitungo, tinuturing lang ni Trace ang dalawa na kasama lamang sa trabaho kaya para sa kaniya wala siyang obligasyon na makisama sa dalawa o makapag-usap lalo na kung hindi related sa trabaho nila.
Ayaw ni Trace ng mga taong mag-aalala sa kaniya tulad ng pinapakita nina Ruhk dahil kaya niyang mag-isa ang sarili niya. Lumaki siyang hindi umaasa sa iba at lumaki siyang hindi alam kung ano ang pag-kakaibigan dahil tandang-tanda ni Trace ang sinabi ng kaniyang ama noon na sagabal ang kaibigan sa mga plano at lakad. Hindi rind apat pagkatiwalaan ang kahit na sino dahil lahat ng mga ito ay pwedeng magtaksil anumang oras.
Lumaki si Trace na walang ibang alam na emosyon, kahit sakit phiysically ay hindi niya ramdam na kahit makakuha siya ng malalim na sugat ay balewala lang sa kaniya. Minsan ay sinasabihan siya ni Irish ng ilang emosyon na pinapakita nito sa kaniya na itatanong niya lang dito kung anong emosyon ‘yun pero makakalimutan niya sa mga susunod na araw. Nasanay si Trace na walang emosyon na pinapakita kaya hanggang sa paglaki niya ay nadala niya ‘yun at tuluyan niyang nakalimutan ang mga emosyon na dapat ay meron siya.
Nang makarating na ang kasabay niyang babae sa 22flr ay agad itong lumabas sa elevator pagkabukas palang nito at mabilis na lumayo doon na hindi man lang nilingon si Trace na wala namang pakielam. Nang makarating naman si Trace sa 25floor at pagkabukas ng elevator ay deretso niyang tinahak ang room number ng kaniyang ama ng may lalaking mabilis ang takbo na sasalubong sa kaniya na agad na iniwasan si Trace at rinig pa niyang napamura dahil hindi siya gumilid sa dadaanan nito.
Mabilis ang kilos na agad itong sumakay sa elevator na ikinalingon ni Trace dito na pinakitaan pa siya ng middle finger bago tuluyang magsara ang elevator.
“Trace.”
Ibinaling ni Trace ang tingin niya sa kaniyang ama nan aka roba lang na suot kalmadong naglalakad palapit sa kaniya.
“Have you seen a man in a hurry?”tanong nito na ikinabalik ng tingin ni Trace sa nagsaradong elevator.
“He’s gone.”walang emosyon na sambit nito na ikinabuntong hininga ng kaniyang ama.
“That man is a henchman of Thomas Jones from Arkaides mafia clan. That dirty small clan came here to the Philippines for me to get the usb I have for the biddings that will happen in Chicago. He forcedly open my room while I’m in the bathroom and he snatch the usb. Can you chase that sly servant of Jones for me and retrieve the thing that he stole? We need the files in that usb, I don’t want Sagario to nag about me letting the enemies get what’s ours.”pahayag ng kaniyang ama na ikinasimula niya ng ikalakad paalis para sundan ang pinapahabol ng kaniyang ama na sigurado siyang ang lalaking nakasalubong niya ang kumuha ng usb na pagmamay-ari ng kaniyang ama.
“Don’t kill him son, we need him to wrap and bring back to his master, be careful too, because I think that man came here with comrades.”bilin ng kaniyang ama na walang emosyon na ikinapasok na ni Trace sa elevator at nakita pa niyang kinawayan siya ng kaniyang ama.
Nang makababa si Trace sa ground floor ng hotel ay dere-deretso lang siyang naglakad palabas at pinuntahan ang motor niya na hindi man ang inalis sa kinapupuwestuhan nito tulad din ng bilin ng ama ni Trace sa mga staff na huwag gagalawin anumang pagma-may ari ng kaniyang anak.
Agad na sumakay si Trace sa kaniyang motor at sinuot ang helmet niya bago pinaandar ang makina ng motor niya. Hindi niya na naabutan ang lalaking hahabulin niya pero alam ni Trace kung paano ito masusundan ng walang kahirap-hirap.
“Bilisan mo ang pagde-deliver niyan Bliss ha, huwag ka na kung saan-saan pumupunta dahil marami ka pang trabaho dito sa shop! Ayusin mo naman, kailangan mong madala kay Mrs. Ursula ang mga order niyang magnolia flower naiintindihan mo ba?”masungit na bilin ni Margareth kay Bliss na maingat at maayos na nilalagay sa motor bike niya ang mga bulaklak na ide-deliver niya ngayon sa suki nilang costumer na mabait sa kanila pero pag nakatalikod ito ay kung ano-anong panlalait ang naririnig niya sa mag-ina tungkol dito.
Ilang beses nang binibilin ni Margareth na dapat ayusin ni Bliss ang deliver niya ng mga bulaklak na kaunti nalang ay masisira na ang eardrum ni Bliss sa boses nang anak ng may ari ng flowershop na pinagtatrabahuan niya. Alam niyang inis ito sa kaniya sa hindi niya malaman na dahilan pero pinapalagpas niya nalang ang mga ginagawa nitong pagsusungit at panalalait sa kaniya dahil ayaw niyang mawalan ng trabaho. Sinasarili niya nalang inis at nilalabas nalang iyon minsan [ag nagkikita sila ng kaibigan niyang si Heaven na sa tingin niya ay abala ngayon dahil hindi na masyadong dumadaan sa flowershop para bumili ng sunflower kaya sa isa pa niyang kaibigan na si Pietro siya naglalabas ng pagka inis sa mag-ina.
“Nakikinig k aba Bliss?!”sigaw sa kaniya ni Margareth na lihim na ikinaikot ng mga mata ni Bliss bago ngiting nilingon ito.
“Rinig na rinig ko Margareth, ilang beses mo ba namang ibilin ‘yan eh. Akong bahala sa delivery kay Mrs. Ursula kaya kalma ka lang diyan.”pahayag ni Bliss na ikinaungos nito sa kaniya.
“Bilisan mong ideliver ‘yan, wala si mama at ayokong maiwan dito mag-isa para lang magbantay ng shop. Bumalik ka kaagad dahil aalis din ako.”pahayag nito na inirapan pa si Bliss bago naglakad papasok sa loob ng shop na pigil ang inis na ikinataas lang ng kanang kamay ni Bliss at pinormang hahabulin ng suntok si Margereth na agad niyang ibinaba at itinago sa kaniyang likuran ng masungit siya nitong balingan ng tingin mula sa glass wall na mapagkunwaring ikinangiti lang ni Bliss bago niya ito tinalikuran at sumakay na sa motor bike niya.
“Dapat palitan na nila ang pangalan ng shop nila, hindi bagay sa ugali nila ang naisip nilang pangalan ng shop nila. Sunshine Flowershop? Mas bagay pa ang pangalan na witch flowershop dahil mga witch ang may ari nito. Aish! Pasalamat sila mahaba pasensya ko dahil nakakapagtimpi pa ako sa mga ugali na pero kung hindi naku!! Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho hindi ako magtityaga sa mag-ina na ‘yan.”angal na reklamo ni Bliss na pinaandar na ang motor bike niya para ideliver na ‘yun kay Mrs. Ursula.
Sa araw-araw na ginawa ng Dios at sa pagpasok niya sa trabaho niya ay hindi pwedeng hindi siya aawayin ni Margareth na minsan pa ay pinagtutulungan siya ng ina nito. Grabeng pasensya ang binibigay ni Bliss sa mag-ina at pinipigilan niyang hindi maputol ‘yun dahil sa hirap ng buhay ay baka pati tirahan ay mawalan siya.
Hindi na naman niya pinakielaman at pinaglaban ang yaman na naiwan sa kaniya ng mga magulang niya na kinamkam ng mga kamag-anak niya dahil wala din naman siyang magagawa, isa pa ayaw niyang maalala pa ang mga nangyari noon kaya lumayo siya para kalimutan na ang nakaraan niya.
Maingat lang na nagmamaneho si Bliss sa motor bike niya hanggang sa dumating siya sa isang daan na madalang ang mga sasakyan na pumapasok at iyon ang medaling way para makarating agad siya sa bahay ni Mrs. Ursula na mahilig sa magnolia flower na pinagtatawanan naman ng mag-ina.
Nang makaliko na siya sa daan para sa mabilis na way niya ay wala pa man siya sa kalagitnaan ng magulat siya sa mga motor at isang itim na kotse na sasalubong sa kaniya na mabilis niyang ikinagilid at ikinatigil sa daan at napahiyaw nalang si Bliss ng makarinig na sya ng mga putukan na ikinaalis niya sa pagkakaupo sa motor bike niya at patagong umupo dahil sa takot nab aka matamaan siya ng ligaw na bala.
“Anong bang nangyayari dito?”natatakot na sambit ni Bliss na mas naririnig niya ang putukan na papalapit pa sa kaniya nang humarurot ng mabilis ang mga motor at ang itim na kotse na nilagpasan siya.
Nakahinga ng maluwag si Bliss dahil akala niya ay madadamay siya sa isang gulo na ikinatayo niya na at ikinahila niya na sa motor bike niya at hinahabol tingin ang mga dumaan sa gilid niya ng pagharap niya sa unahan ay ganun nalang ang panlalaki ng mga mata niya sa isang motor na malapit na sa kaniya na agad niyang ikinagilid dahil babangga ang motor sa kaniya dahilan para ang motor bike niya mabundol ng kasalubong niyang motor dahilan para matumba ang motor bike niya kasama ang mga bulaklak na ide-deliver niya ganun din ang motor na bumangga sa motor bike niya kasama ang driver nito na lalong ikinalaki ng mga mata niya ng makita niya itong nadadag-anan ng motor na bumunggo sa motor bike niya na napiyaot ang unahan.
“N-no..Oh my gosh!”mahinang bulaslas ni Bliss sa mga nangyari habang nakatingin sa mga magnolia flower na sira-sira na at hindi na mapapakinabangan na lalo pang nasira ng apakan ito ng lalaking may ari ng motor na bumangga s motor bike niya na parang walang nangyaring tinatayo nito ang motor niya at akmang sasakay ng mabilis ang kilos na ikinaharap ni Bliss sa dadaanan ng lalaki na masamang tingin ang agad niyang ipinukol dito.
“Ano ‘yun? Aalis ka na parang walang nangyari? Nakikita mo ba ang purwisyo na ginawa mo?!”inis na reklamo ni Bliss sa lalaking tinanggal ang suot na helmet at tinapun iyon sa daan at walang emosyon na binalingan ng tingin si Bliss na bahagya niyang ikinatigil ng makita niyang gwapo ang lalaki pero agad binalewala ‘yun dahil mas mahalaga ang mga bulaklak niya na sinira ng lalaking nasa harapan niya.
“You’re blocking my way woman.”malamig na sita sa kaniya ng lalaki na asar niyang bahagyang ikinatawa dito.
“So bakit parang kasalan ko pa na nakaharang ako dadaanan mo? Nakikita mo ‘yang mga inaapakan mo at ang motor bike kong binangga mo lang naman!”singhal ni Bliss na ikinababa ng tingin ng lalaki sa mga naapakan niyang bulaklak at sa nayuping motorbike.
“Sinira mo lang naman ang ide-deliver ko Mr! Bakit kasi magmamaneho ka lang ng motor mo hindi mo pa inayos! Alam mo bang ako ang mapapagalitan dahil sa ginawa mo!”singhal pa ni Bliss na muling ikinalingon ng lalaki sa kaniya ng walang emosyon.
“I’ll pay just move.”sambit na taboy nito na lalong ikinaasar ni Bliss para dito.
“Ganun lang ‘yun? Babayaran mo pero ako parin ang kawawa. Ano ‘to hindi k aba marunong man lang humingi ng sorry Mr?”singhal na sermon niya sa lalaki na hinawakan siya sa balikat niya at marahas na itinulak patagilid na hindi makapaniwalang ikinatitig ni Bliss dito.
“Huh! Grabe? kabastos ng lalaking ‘to!”inis na kumento ni Bliss na hindi hinayaang takasan siya ng lalaki at muli siyang humarang sa daraanan nito na kahit malamig at walang emosyon na tingin ang binibigay nito sa kaniya ay hindi niya pinansin dahil mas nag-uumapaw ang inis niya sa nangyari dahil alam niyang siya ang puputakan ng mag-ina dahil sa nangyari.
“Ang kapal naman ng apog mong umalis nalang at iwan ang ginawa mo! Reckless driving ang ginawa mo at muntik mo pa akong sagasaan na buti nalang hindi ako nadamay pero ‘yung de-delivery ko sinira mo tapos walang sorry na manga-galing sayo?! Nagkakalokohan tayo dito Mr.”sermon ni Bliss sa lalaking blanko pa din ang binibigay na tingin sa kaniya.
“I said don’t block my way woman.”
“Nabangga mo ang motor bike mo sinira mo pa ang kabuhayan ko.”
“Move woman.”
“Muntik mo kong masagasaan Mr?”seryoso ng sambit ni Bliss na ganun pa din ang nakikita niya sa mga mata ng kausap niyang lalaki blanko
“I don’t care as long as I chase what I need to catch woman, so move out in my wa---“
Hindi nito natapos ang sasabihin niya kay Bliss ng dumapo na sa kaniyang kaliwang pisngi ang malakas na sampla mula kay Bliss na seryosong nakatingin sa kaniya na ikinatitig nito Bliss dahil sa ginawa nito.
“Ayos lang sayo na may masaktan kang ibang tao basta magawa mo ang gusto mo. Wala kang pakialam kahit may napurwisyo kang nagtatrabaho ng maayos na kahit sorry hindi kayang bigkasin ng labi mo. Galit ako sa mga katulad mong walang pakielam sa ibang tao kahit na makasakit sila o makapatay!”pahayag ni Bliss inalis na ang tingin sa lalaking ramdam niyang nakatingin parin sa kaniya pero hindi nalang niya binigyang pansin.
Itinayo niya ang kaniyang motor bike at sinuri ito kung magagamit pa niya, nasisiguro ni Bliss na ibabawas ng ina ni Margareth ang mga nasirang magnolia flower sa sasahurin niya na alam niyang kulang pa sa pang-araw-araw niyang gastusin. Bagsak ang balikat na hinila na ni Bliss ang motor bike at iniwan ang lalaking kunot ang noong habol tingin sa kaniyang paglayo.