Chapter 06
Sa buhay ng isang tao, ang makapag-pahinga ng maayos na walang iniisip na trabaho o mga taong nagpapasakit ng ulo mo ang pinaka kumportable sa lahat. Nagpapasalamat si Bliss dahil sa anim na araw na tinitiis niya ang ugali ng mag-ina sa shop ay may isang araw na pahinga siya para i-enjoy ang araw niya na walang Margareth na walang ibang ginawa kundi ang bwisitin at pahirapan siya.
Maganda ang gising ni Bliss ngayong umaga at laking pasasalamat niya dahil hindi siya tuluyang nagkasakit dahil alam niyang gagastos siya kung nagkataon. Nagtitipid si Bliss ng pera niya dahil sa dami ng gastuhin hindi siya pwedeng bili ng bili. Marami siyang binabayaran, upa sa apartment, sa ilaw at pang araw-araw pa niyang expenses kaya isa sa iniingatan ni Bliss ay hindi siya magka sakit.
“Sa pitong araw na likha ng Diyos, ang linggo ang pinaka paborito ko. Makakapagpahinga ako ng ayos at free stress ako sa maghapon. Kailangan ko ‘to para sa anim na araw na sasabak na naman ako sa pagtitiis ng ugali ni Margareth at ng nanay niya.”sambit ni Bliss sa sarili na bumangon na sapagkakahiga niya at nag-ayos ng kaniyang sarili.
Nang matapos siya sa morning routine niya ay lumabas na siya sa kwarto niya para magluto ng umagahan niya, hindi pa man siya nakakapagbukas ng kalan niya ng may sunod-sunod na kumatok sa pintuan niya na ikinasalubong ng kilay niyang nilingon ang kaniyang pintuan.
“Mukhang may pakiramdam na ako kung sino ang kumakatok sa pintuan ko ah.”suspetsang sambit ni Bliss na naiiling na naglakad papuntang pintuan at pinagbuksan ang kumakatok na malawak ang ngiting isinalubong sa kaniya.
“Goodmorning gorgeous Bliss, napag-isipan mo na ba?”ngiting tanong nito na naiiling na tinalikuran niya na alam niyang nakasunod na sa likuran niya.
“I told you Pietro, ayoko.”sagot ni Bliss na deretso sa kusina niya para ituloy ang naudlot niyang pagluluto.
“Bliss naman, pagbigyan mo na ako. Wala ka bang tiwala sa akin?”nakangusong tanong ni Pietro na buntong hiningang ikinalingon ni Bliss sa kaniya.
“May tiwala ako sayo Pietro, kaibigan kita eh. Kaya lang hindi ko gusto ang raket na inaalok mo.”sagot ni Bliss na kita niyang ikinalungkot ng kaibigan.
Nang marinig ni Bliss ang raket na inaalok ni Pietro at kung anong gagawin niya ay agad siyang umayaw sa kaibigan dahil alam niya sa sarili niya na hindi niya ‘yun kayang gawin.
*FLASHBACK*
“BUNNY GIRL.”
“Ayy, grabe namang maka sigaw bakla.”sambit ni Pietro kay Bliss na agad ikina-iling nito.
“Sorry Pietro pero ngayon palang tatanggihan ko na ang raket na ‘yan.”pag-ayaw ni Bliss na nag-ayos nalang ng mga ide-deliver niya na ikinahawak ni Pietro sa braso niya.
“Pumayag ka na Bliss, malaki ang kikitain mo dito.”pangungulit nito sa kaniya na kunot noong ikinalingon ni Bliss sa kaibigan.
“Sabihin mo nga? Kung tatanggapin ko ‘yang raket na ‘yan, ano namang gagawin ko as a bunny girl aber?”
“Isasalang ka sa auction tapo----“
“Ano?! Gusto mong pasukin ko ‘yang bunny girl na ‘yan tapos isu-subasta ako? Seryoso ka ba sa raket na gusto mong pasukin ko Pietro?!”singhal ni Bliss sa kaibigan
“Makinig ka muna kasi sa akin Bliss, i-a-auction lang naman kayo tapos kung may pumili sa inyo ang gagawin mo lang ay samahan sila sa buong isang araw, parang date ganun tapos wala na. Promise, sasamahan mo lang ang makakakuha sayo, makikipag-kwentuhan ka lang viola malaki na ang makukuha mo.”paliwanag ni Pietro na di makapaniwalang ikina-iling ni Bliss.
“Sorry Pietro pero tatanggihan ko ang raket na alok mo, masyadong delikado ang ganyan. Paano kung may gawing hindi maganda ang mga makakuha sa akin? Hindi ko maipagtatanggol ang sarili ko.”
“Safe ‘to Bliss promise, may rules na hindi ka pwedeng hawakan ng makakakuha sayo. Ikaw din ang magdedesisyon kung saan kayo pupunta para magawa mo ang isang araw na sasamahan mo ang sinuman na makakakuha sayo. Hindi ‘to delikado Bliss, kaya pumayag ka na.”pangungulit na paliwanag ni Pietro na seryosong ikinatitig ni Bliss dito.
“Kaibigan kita Pietro pero ‘no’ ang sagot ko diyan.”
*END OF FLASHBACK*
Hindi sa wala siyang tiwala sa kaibigan niya, wala siyang tiwala sa raket na sinasabi nito dahil alam niyang maraming tao ang pwedeng mag take advantage at gumawa ng hindi maganda. Ayaw ni Bliss na ipasok ang sarili sa isang sitwasyon na walang darating para iligtas siya.
Ilang beses niya ng naranasan ‘yun na sarili niya lang ang kaniyang inasahan para iligtas ang kaniyang sarili. Sa buhay na mag-isa siyang lumaki ay maraming nangyari sa kaniya dahilan para mas pag-ingatan ang kaniyang sarili dahil walang iba siyang mahihingan ng tulong kundi ang sarili niya lang. Naalala ni Bliss noong nasa bahay ampunan pa siya, nang doon siya dalhin ng mga kamag-anak niya ay muntik na siyang pagsamantalahan ng mga kabataan na matagal ng naninirahan sa bahay ampunan. Sinubukan niyang magsumbong sa mga madre pero walang naniniwala sa kaniya, alam ni Bliss na walang tutulong sa kaniya sa oras na pagbalakan na naman siya kaya ginawa niya lahat para hindi siya magalaw ng mga kabataan na ‘yun. Nagtiis si Bliss na tuwing gabi ay naghahanap siya ng mapagtata-guan para hindi siya makita ng mga ito. Tiniis niya ang ganung set-up hanggang sa lumaki na siya at magpasiyang umalis sa bahay ampunan.
Dahil napag-aral naman siya ng mga madre kahit high school lang ang natapos niya ay pinilit niyang makahanap ng trabaho pang tustos sa mga gastos niya ngayong mag-isa nalang siyang namumuhay. Hindi rin naging madali kay Bliss ng makalabas siya sa bahay ampunan, marami siyang sinubukang pasukan at ilan doon ay muntik na din siyang gawan ng masama. May lalapit sa kaniya para gawing model at dahil kailangan niya ng pera ay tinanggap niya ‘yun pero at the end ay gusto siyang paghubarin ng mga ito kaya ginagawa niya lahat para makatakas sa mga ito. Kahit papaano ay nagpapasalamat si Bliss dahil kahit sakit sa ulo ang mag-ina na shop na pinagta-trabahuan niya alam niyang mas ok na ‘yun.
Lumaki si Bliss na walang nagtatanggol o nagpoprotekta sa kaniya kaya hangga’t kaya niya ay siya ang gagawa nun para sa kaniyang sarili.
“Sorry kung pinipilit kita Bliss, ikaw lang talaga ang huling pwede kong alukin ng trabaho na ‘to. Hindi ko gusto na ipahamak ka kaya talagang sinugurado ko na walang ibang gagawin ang sinuman na makakuha sayo, gusto ko lang din naman na tulungan ka. Alam kong kulang ang budget mo para sa pambayad ng apartment mo at sa iba pang mga gastusin mo kaya inaalok ko ‘to sayo. Isang araw lang naman eh, pero kung hindi talaga kita mapipilit ok lang naman.”pahayag ni Pietro na na-appreciate ni Bliss ang tulong ni Pietro sa kaniya na ikinabuntong hininga.
“Isang araw lang ah.”sambit niya na nagliliwanag ang mga matang ikinalingon nito sa kaniya at malawak ang ngiting hinawakan nito ang dalawa niyang kamay.
“Papayag ka na?”
“Ayoko parin naman talaga Pietro pero nakikita ko na ginagawa mo ‘to para sa akin kaya kahit hindi ako sure sa pagiging bunny girl na ‘yan at i-auction pa ay gagawin ko parin para sayo. Isa pa, tama ka. Makakatulong sa akin kahit papaano ang kikitain ko sa pagba-bunny girl na ‘yan pero sigurduhin mo Pietro na wala akong ibang gagawin kundi samahan lang ang kung sinoman ang makakakuha sa akin and please no touch just talking lang.”pahayag na sambit ni Bliss na sunod sunod na ikinatango ni PIetro with matching taas pa ng kanang kamay niya
“Pangako Bliss, ie-entertain mo lang siya, walang hawak-hawak kundi usap lang.”assurance nito na ikinatango ni Bliss.
“Kailan nga gaganapin ‘yan?”
“This coming week na, salamat Bliss!”masayang sambit nito na ikinayakap pa nito kay Bliss.
“Papayag lang din ako sa pagba-bunny girl na ‘yan basta hindi revealing ang isusuot ko. Aayaw talaga ako pag nakita kong pati kaluluwa ko makikita ko sa susuotin ko.”sambit ni Bliss na ikinaalis ni Pietro sa pagkaka-yakap sa kaibigan bago tumago sa kaniya.
“Noted Bliss! Huwag kang mag-alala simpleng bunny uniform lang ang susuotin mo.”pangako ni Pietro na ikinatango ni Bliss
“Siya, tulungan mo na akong magluto ng umagahan para makakain na tayo, alam ko naman na isa din ‘yan sa idinayo mo dito eh.”
“Ay grabe Bliss ha, hindi naman ganun ang intensyon ko pero dahil sinabi mo wala naman masamang sabayan ka sa pagkain.”pahayag ni Pietro na bahagyang ikinatawa ni Bliss.
IBINAON ni Trace ang hawak niyang tubo sa huling kalaban niya na may hawak ng usb na kinuha nito sa kaniyang aman na nagawa pang hawakan ang kamay niya na gamit niya sa pagbaon ng tubo sa katawan nito na napasuka ng dugo na tumalsik sa dibdib ni Trace na walang emosyon na pinabayaan nito. Inalis niya ang pagkakahawak sa tubo dahilan para deretsong bumagsak sa lupa ang katawan ng kalaban niya na wala ng buhay.
Dahil madami-dami ang tinapos ni Trace na buhay ay talagang nagkalat sa buo niyang katawan at sa ilang bahagi ng mukha niya ang mga dugo ng mga napatay niya na wala lang sa kaniya ang pagkitil na ginawa niya. Walang nararamdaman na awa si Trace sa mga napatay niya dahil bata palang siya ay nasasaksihan niya na ang mga ganitong bagay at sa murang edad ay nagawa na din niyang dungisan ang kaniyang mga kamay.
Bata pa lang siya nang ituro sa kaniya ng kaniyang ama na huwag siyang mag-alinlangang tumapos ng buhay lalo na at hindi karapat-dapat mabuhay ang isang tao. At dahil doon, sa murang edad niya ang unang dugong dumanak sa kaniyang mga kamay ay dugo ng kaniyang ina.
Pa squat na umupo si Trace sa tabi ng walang buhay na katawan ng kaniyang huling kalaban na pinatay at hinanap sa mga bulsa nito ang usb na kailangan niya na agad naman niyang nakuha at agad na tumayo. Nagkalat ang mga walang buhay na katawan nang mga tinapos ni Trace sa lugar na kinalalagyan niya. Nag-umpisang maglakad si Trace paalis sa lugar na ‘yun at tinatahak na ang daan kung saan niya ipinarada ang motor niya. Kinuha ni Trace ang cellphone niya at agad na kinontak ang kaniyang ama na naka tatlong ring lang ng sagutin nito ang tawag niya.
(Hello, son. Did you have it already?)
“Yes, I’m taking it back to you father.”malamig na sagot ni Trace bago walang paalam na pinatay na ang tawag niya sa kaniyang ama at dere-deretso ng naglakad sa kinalalagyan ng motor niya ng matigilan siya sa dalawang tao na nakatayo sa tabi ng kaniyang motor.
“Mukhang naging madugo ang laban mo Tracey ah.”punang kumento ni Maki na walang emosyong ipinagpatuloy ni Trace sa kaniyang paglalakad palapit sa kaniyang motor.
“You killed all of your enemies in that place?”tanong naman ni Ruhk na walang emosyon na ikinalingon ni Trace sa kaniya.
“Why are you here?”
“Were here to see if kaya mo talagang tapusin ang mga kalaban mo ng hindi nasasaktan. We know that you don’t like any of us meddle in your business but you can’t stop us to feel worry about you, fighting alone.”pahayag ni Ruhk na ikinaalis ng tingin ni Trace sa kaniya
“Isa pa Tracey, pinasunod kami ni Kuya Paxtond dito. Alam niyang kaya mong mag-isa ang laban mo pero tao ka parin, pwede kang masaktan.”sambit ni Maki na ikinahawak ni Ruhk sa kanang braso ni Trace na blankong napatingin sa kaniya ng itaas nito ang manggas niya at tumambad sa harapan nina Ruhk ang malaking hiwa dito na may dugo pang lumalabas dito na ikinatabig ni Trace sa pagkakahawak ni Ruhk sa kanang braso niya.
“Langya De Leon! Trip mo ang mag-ipon ng peklat sa katawan mo?”sambit ni Maki na walang emosyon na ikinasakay ni Trace sa motor niya.
“I know that your numb in pain, you don’t feel the pain De Leon but your wound needs to be cure.”sambit ni Ruhk na blanko ang tingin na ibinigay ni Trace sa kaniya.
“I can cure my own wound Verchez, I don’t need that worries you said.”
“Hindi mo kailangan ng pag-aalala namin, alam namin ‘yan De Leon but can you accept even once our help that we offer to you?”seryosong pahayag ni Ruhk na ikinaalis ng tingin ni Trace sa kaniya.
“I don’t trust anyone of you, so how can I accept that help you were offering? I don’t need someone to help me De Leon, even worries from others. Were just comrade not friends, yet both of you still stranger for me.”walang emosyong pahayag ni Trace bago sinuot ang helmet niya at pinaandar ang kaniyang motor at iwan ang dalawang kahit papaano ay naapektuhan sa mga sinabi niya.
Pinaharurot ni Trace ang kaniyang motor palayo sa lugar na pinuntahan niya upang puntahan narin ang kaniyang ama at ibigay ang usb na kailangan nito.Dahil sa hangin ay natutuyo ang mga dugong nasa damit niya at nasa mga kamay niya pero balewala ‘yun sa kaniya. Dere-deretso lang siya sa pagda-drive niya ng hanggang sa makarating siya sa hotel na tinutuluyan ng kaniyang ama.
Pinagtitinginan si Trace ng mga staff at mga taong labas pasok sa hotel dahil sa itsura niya at sa mantsa ng dugo na nakadikit sa kaniya na walang pakiealam si Trace sa kung anong tingin ng mga ito at patuloy lang siyang sumakay sa elevator hanggang sa makarating na siya sa palapag kung nasaan ang kwarto na tinutuluyan ng kaniyang ama. Nang malapit na siya sa room nito ay agad na sumalubong sa kaniya ang isang magandang babae nan aka all black na suot, naka pony tail ang buhok na tulad ng kay Angelina Jolie sa Tom Raider at bahagyang yumuko sa kaniya.
“Young Master, I’m here to submit to you and obey everything you want me to do.”pahayag nito na walang emosyon lang na tinitigan ni Trace
“Why are you here, Isla?”malamig na tanong ni Trace na ikinatunghay nito sa kaniya.
“You’re father ask me to come he—“
“I don’t need you here.”walang emosyon na putol ni Travce dito na nilagpasan ito at deretsong pumasok sa kwarto ng kaniyang ama na prenteng naka-upo sa pang isahang kahoy na upuan habang may pagkain sa harapan nito na agad niyang ipinatong ang usb sa mesa na ikinatingin ng kaniyang ama sa kaniya na ikinasalubong ng kilay nito.
“You’re soaking in blood son, I think you should take a bath.”
“When is your flight to go back in Heldrich headquarters?”malamig na tanong ni Trace na bahagyang ikinangiti ng kaniyang ama.
“Do you want me to go home that bad?”
“No, but I know that you have so many work you need to do father.”sagot ni Trace na ikinatayo ng kaniyang ama sa pagka-kaupo nito.
“That’s true, tomorrow afternoon is my flight. I will not oblige you to come home in our country, I can still manage the clan. I’ll just call you if I need you to do something but for now, enjoy your vacation here with your friends and cousins.”pahayag na sambit ng ama ni Trace na blankon tingin lang ang binigay sa kaniyang ama.
“I have no friend’s father, they are not my friends. You told me that I shouldn’t trust that word because they will betray me at end. I don’t want to trust them, so I won’t think of killing them.”malamig na sagot ni Trace bago napalingon sa babaeng kausap niya kanina bago binalik ang malamig niyang tingin sa kaniyang ama.
“Take Isla with you, I don’t need a butler to f*cking take care of me when I can handle my own.”
“Let Isla stay here, she can be a big help to you someday.”pagpupumilit ng kaniyang ama na mas lalong ikinalamig ng tingin ni Trace sa kaniyang ama na ikinabuntong hininga nito.
“Did I made you like that son? I know that I told you that making friends will betray you at the end, trust is not in your vocabulary since that day but you should try that with them. Ignacio, Verchez and Laochecko are good people to give your trust.”sambit ng kaniyang ama na ikinatalikod ni Trace sa kaniya.
“As I told you father, I don’t need friends. I’m loyal to Master Paxton but I’m not considering him as a friend even Verchez and Laochecko. I’m serving Master Ignacio because I awe my f*cking life to him, I vowed myself to serve and protect him but not befriends with him. Take Isla with you father, I don’t need her here.”walang emosyon na pahayag ni Trace bago deretso ng lumabas sa kwarto ng kaniyang ama.
Hindi mapigilan ni Uncle na sisihin ang sarili sa kinalabasan ng kaniyang anak, siya ang dahilan kung bakit naging kasing lamig ng yelo ang kaniyang ama. Dahil sa galit niya noon, dahil sa pananaw niya noon hindi naging maganda ang pagpapalaki niya kay Trace, he treated him as a kid that needs to be train as his heir but not a son to be love and to be taken care off.
At hindi man niya ginagawa ang bagay na iyon dahil alam niyang wala siyang karapatan na hingin iyon ay piping hiniling ni Uncle Lucian sa Diyos na mabago pa ang kaniyang anak upang maranasan naman nito ang maging masaya at malaya.