Chapter 10 (Trust Issue)

1757 Words
Malungkot na tumingin sa akin ang dad ni Cleyeol. Saad niya, "Iha, pagpasensiyahan mo na ang mga sinabi ng Mama mo. Nadala lamang siya ng kaniyang emosyon. Alam ko naman na alam mo na hindi niyang intensyong masaktan ang kalooban mo. Magpahinga ka na muna. Para sa iyo rin ang ginagawa namin. Hindi man namin masabi ngayon, pero delikado ang buhay mo kapag nalaman ng iba na buhay ka," saad ng dad ni Cleyeol. "Naniniwala ako na wala kang kabit dahil nakita ko kung gaano mo kamahal ang anak ko noon bago mangyari ang trahedya. Sa ngayon ay kailangan mo lamang munang mag-tiwala sa amin." Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil sa sinabi ng dad ni Cleyeol. Sana ay totoong naniniwala siya na hindi ako masamang tao. Buti na lamang at mabait ang dad ni Cleyeol at mukhang mapagkakatiwalaan talaga ito. Hindi tulad ng Mom niya. Tumingin ako kay Cleyeol. Nakatingin lamang siya sa pader. Talagang umiiwas sa akin dahil sa mga paratang niya. Akala ko ay hihingi siya ng sorry, hindi pala. Napakatigas at lamig pa rin talaga ng puso niya. Akala ko pa naman ay may sasabihin na siya para maayos, kahit paano, ang sitwasyon. "Ewan ko sa iyo. Pinakita na nga ni Ploira ang picture, hindi ka pa naniniwala? Kelan ba nagsinungaling ang mga kongkretong ebidensya? Hay nako, hindi ko alam kung bakit ayaw niyong maniwala kay Ploira. Mapagkakatiwalaan naman ang babaeng iyon at sigurado ako roon," saad ng mom ni Cleyeol. "Isang larawan lang po ang ipinakita sa inyo, tapos naniwala na kayo na may kabit ako? Paano po kung na-frame up lang po ako? Baka po hindi ninyo alam na mahal ni Ploira si Cleyeol. Baka po hindi ako ang dapat ninyong bantayan, si Ploira po. Siya ang pumipilit na masira ang relasyon naming dalawa ni Cleyeol. Mukhang nalasan na niya nang tuluyan ang isip niyo at ni Cleyeol. At kung delikado ang buhay ko, bakit po? May nagtatangka po bang punatay sa akin dahil ako ang asawa ni Cleyeol? O baka naman po ipinagkalat ni Ploira na kabit ako kahit walang masyadong ebidensiya? Kaya niyo ako itinatago rito?" paliwanag ko. Hindi ko na mapigilan na lumabas ang mga salita sa bibig ko. Punong-puno na rin kasi talaga ako kaya sumabog na ang mga emosyon ko. Natawa pa ako dahil ang dali pala nilang utuin. Nang dahil lang sa isang larawan, naniwala sila na may kabit ako. O baka kaya lang pinapanigan ng Mom ni Cleyeol si Ploira ay dahil nga sa kapit ng tatay nito sa politika? Hindi malabong mangyari iyon. Gusto niya na rin kasi talagang mawala ako sa buhay ni Cleyeol. "Aba teka, iha. Kelan ka pa nagkaroon ng karapatang makipag-usap sa akin ng ganiyan? Pero kung sabagay, kahit paano ay may punto ka naman. Okay, let's say na isang larawan nga lang iyon. Kailangan mo pa rin patunayan sa amin na wala kang kabit kapag bumalik na ang mga alaala mo. Tandaan mo, nakakadiring tingnan ang mga kabit. At gaano ba katagal ang kailangan nating hintayin para bumalik iyang ala-ala mo? Baka mamaya ay niloloko mo na lamang pala kami, na kunwari ay hindi mo pa naaalala ang lahat. Oh well, kahit ano pa man ay good luck sa iyo," saad ng mom ni Cleyeol bago umalis ng kwarto ko. "Pagpasensiyahan mo na lang talaga ang Mama mo, Flixira. Masyado kasi siyang protective sa nag-iisa niyang anak. Hayaan mo, pagsasabihan ko siya. Pasensya ka na sa mga binitawan niyang mga salita. Huwan mo na lang sanang isipin at masamaain ang mga iyon," saad ng dad ni Cleyeol. "Ayos lang po. Alam ko naman pong wala na po silang tiwala sa akin at naiintindihan ko po iyon. Hindi na po ninyo kailangan na pagsabihan po siya dahil baka mag-away pa po kayo. Ayos lang naman po sa akin ang ganito. Sanay na po ako. Si Ploira naman po talaga ang totoong may kasalanan kung bakit kami nagkakaganito. Sinisiraan niya ako kay Cleyeol at kay Madam," saad ko. Maya-maya ay nagpaalam na rin siya at sinundan si Madam. Si Cleyeol na lamang ang natira sa kwarto at hindi pa rin siya makatingin sa aking ng harapan. Nakatingin lamang siya sa ibang direksyon. Tumalikod na ako para hindi makita ang pagmumukha niya. Naiinis laman ako pag nakikita ko ito. Wala man lamang siyang ginawa. Hindi man lamang niya ako naipagtanggol sa kaniyang Mom. Narinig ko ang mga hakbang niya paalis ng kwarto. Akala ko ay susubukan niyang ayusin ang relasyon namin, hindi pala. Paglabas niya ng kwarto ay isinarado lamang niya ang pinto nang walang kibo. Katulad pa rin ng nakagawian, malamig na pakikitungo sa akin. Ewan ko ba kung bakit umaasa pa rin ako na magkaka-ayos kami. Kita ko naman na wala siyang pagmamahal sa akin at walang pakialam sa aking nararamdaman. Isa pa, wala rin ata siyang balak magkaroon kami ng anak. Hindi ko alam kung bakit, pero siguro ay may konting pagmamahal pa rin talaga akong natitira para sa kaniya kahit na sobra ang galit ko sa kaniya. Kahit ako ay nalilito sa nararamdaman kong ito. Hindi ko na rin alam kung tama pa ba na mag tira ng kaunting pagmamahal sa kaniya. Bumuntong hininga ako. Siguro ay kailangan yata na ako na lamang ang unang makikipag-ayos sa kaniya. Kahit papaano naman ay gusto kong isalba ang samahan namin. Nakakalungkot lang isipin na inako niya ang kasalanan pero hindi rin naman ako kinausap. Kaso hindi ko rin kasi maalis ang pag-aalinlangan na baka pinapaikot lang ako ni Cleyeol. Kahit papaano ay mahal pa rin o nag-aalala pa yata sa akin si Cleyeol. Hindi ko lamang maintindihan kung bakit kailangan niya pa akong pahirapan ng ganito. Dumating si Manang na may dala ulit na tray ng pagkain. Mabuti na lamang ay hindi niya ako sinusukuan kahit na ang kulit at pasaway ako. Siya ang laging nariyan para sa akin at hindi niya ako pinapabayaan palagi. "Kamusta iha? Ayos ka lamang ba? Eto at nagdala ako ng kaunting pagkain dahil baka nagugutom ka. Gusto mo bang kumain kahit kaunti?" pag-aalalang tanong ni Manang. "Naku, Manang, huwag na po. Anong oras na rin po kasi at ayoko na pong kumain. Salamat na lamang po," tugon ko. "Ay ganun ba? O sige, iiwan ko na lamang ito dito sa table mo para kung sakaling nagutom ka at gusto mo kumain," ika niya. "Maraming salamat po, Manang. Nakakatuwa na hindi po ninyo ako pinapabayaan. Kayo na lamang po ang mayroon ako. Sana ay huwag po kayong magsawa sa kakaintindi sa akin. Kung wala ka ay siguradong down na down na ako ngayon," saad ko. "Huwag ka mag-alala, Klej. Alam mo ba? Na para na rin kitang sariling anak kaya hindi kita pababayaan. Sa ngayon ay mag-pahinga ka na lang muna kung ayaw mong kumain para lumakas ang iyong katawan. Masama rin na palagi kang nakahiga. Mag-exercise ka rin minsan para hindi ka lantutay," ika ni Manang. Medyo natawa ako sa huli niyang sinabi. Mukha na ba akong lantutay sa kaniyang paningin? Pumayat kasi ako kaya tingin niya ay nanghihina ang aking katawan. Kahit na ganoon, kumain pa rin ako. Masarap naman ang mga pagkain dito, hindi ko lang ma-enjoy dahil parang hindi ko naman sila pamilya. "Bakit po ganoon ang pakikitungo sa akin ng mom ni Cleyeol? Parang sinisisi niya po ako sa kasalanang hindi ko naman ginawa o sinadya? Marami na po bang nakaka-alam ng pinagkalat ni Ploira na may kabit po ako? Ano na lamang ang sasabihin ng pamilya ko kapag nalaman nila ang tungkol doon?" sunud-sunod na tanong ko. Gusto ko lamang nang paunti-unting malalaman ang katotohanan. Kaunting detalye mula sa kanila ay dagdag tulong na rin sa pag-alala ko ng nakaraan. Naniniwala ako na hindi ko magagawa ang mga binibintang nila. Hindi ako ganoon klase ng babae at kaya kong panindigan iyon. Siguradong may kinalaman si Ploira kung bakit naging ganon ang nasa picture na ipinakita niya sa Mom ni Cleyeol. "Naagapan agad nila Madam ang pagkalat ng tungkol diyan dahil ayaw nilang mapahiya si Cleyeol. Ayaw nilang nadudungisan ang pangalan nila, lalo na ang Lixzin family. Isa rin iyan sa rason kung bakit ayaw makipaghiwalay sa iyo ni Cleyeol. Kapag nalaman ng mga tao na divorced kayo, iisipan kayo ng kung anu-ano hanggang sa humantong sa malalang issue," paliwanag ni Manang. Talagang imahe lamang nila ang iniisip nila. Hindi man lang naisip na hindi sasaya ang anak nila kapag nakatali sa babaeng hindi naman niya mahal. Hindi rin nila iniisip ang kalagayan ko. Kahit alam nila na labag sa loob ko na ilagay ako sa ganitong sitwasyon ay patulog pa rin sila sa pagpapahirap sa akin dito. "Sino po ang sinasabi nilang lalaki ko? Bakit po nila nasabi na may relasyon po kami? Hanggang ngayon ay naniniwala po ako na inosente ako. Nagbase lang naman po sila sa isang larawan. Madali lang naman po i-edit ang larawan sa panahon po na ito. At sigurado kasi talaga ko sa aking sarili na hindi ko kayang gawin ang ganoon," ika ko. "Si Adrian ang kasama mo sa picture. Kaibigan mo siya at matagal na rin naming alam na may gusto siya sa iyo. Kinuwento mo na umamin siya sa iyo pero tinanggihan mo dahil may asawa ka na nga. Makulit siya at nakikisama pa rin sa iyo kahit may asawa ka na. Hindi ka niya iniwan. Tapos ayun, si Ploira, kinuhanan ata kayo ng larawan na mahigpit na nakayakap sa isa't-isa na kayong dalawa lang. Iyon ang ipinakita niya sa Mom ni Cleyeol at doon yata nag simula ang pangit na pakikitungo niya sa iyo," paliwanag pang muli ni Manang. Magkayakap lang, kabit na agad? Ganoon na ba kahinang mag-isip si Cleyeol para sabihin na kabit ko nga iyon? Iba na talaga ang epekto ng Ploira na iyon. Talaga palang sinasadya niyang siraan kaming mag-asawa. Kailangan maka-gawa ako ng paraan para mawala si Ploira sa buhay namin. Siya ang puno at dulo ng mga kaguluhan dito sa bahay na ito kung tutuusin. Si Ploira ang isa ko sa dapat na bantayan. Hindi talaga siya gagawa ng tama kung nagseselos siya sa akin. Matagal na niyang mahal si Cleyeol kaya baka sinadya niyang kunan kami ng larawan ng Adrian na iyon. Pero kahit na mahal niya si Cleyeol at kung hindi man sinasadya na makunan niya kami ng llitrato, nakay Cleyeol pa rin naman kung maniniwala siya. Pinakita lamang ni Cleyeol na wala siyang tiwala sa akin. Nalungkot ako dahil sa iba pa siya unang naniwala kaysa sa asawa niya. Kaya sobrang lamig na pakikitungo niya sa akin ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD