Chapter 9 (Mom's bet)

2181 Words
Ilang araw na akong hindi lumalabas ng aking kwarto. Kahit ang mga magulang ni Cleyeol ay ayokong makita. Nanglulumo lamang ako sa tuwing may makikita ako kahit isa sa pamilya ni Cleyeol. Sa tuwing nakikita ko sila ay para bang sinasakal ako tulad ng ginagawa nila sa akin na panggigipit. Naganap na ang event na sinasabi nila. Masaya silang nagkakaroon ng event doon samantalang ako ay nakakulong ngayon dito sa aking kwarto. Tulad nga nang sinabi ni Manang na magiging bantay sarado nga ako, nagkatotoo. Wala namang something special sa akin para ganituhin nila ako. Sa labas pa lamang ng aking kwarto ay bantay sarado na agad ng mga gwardya ni Cleyeol. Kahit saang anggulo ko tingnan ay wala akong pag-asa na makatakas mula sa lugar na ito. Kailangan ko mag isip ng paraan para makalayas na sa lugar na ito. Hindi ko lamang talaga inaasahan na talagang babantayan nila ako nang ganito kahigpit. Talaga ngang inaasahan nila na may gagawin ako sa oras ng event nila. Ang binigay sa akin na cellphone ng kapatid ng Mom ni Cleyeol ay gumagana pero pang games lamang para malibang ako habang nakakulong sa bahay. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa kaniyang ginawa ko mas lalong lamang maasar. Hindi magamit ang ibang app sa cellphone dahil naka-lock ang mga app na nakalagay rito. At dahil wala rin namang kuwenta ang phone, hindi ko na lamang ito ginagalaw. Baka masira ko lamang iyon dahil sa sobrang inis ko. Maya-maya pa ay kumatok si Manang sa aking pintuan. Buti pa si Manang ay nag-aabalang bisitahin at kumustahin ang kalagayan ko rito sa sa aking kwarto. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na napakawalang kwenta ng pamilya ni Cleyeol. "Klej? Pwede ba akong pumasok?" tanong ni Manang pagkatapos niyang kumatok sa pinto. "Sige po, Manang. Bukas ang pinto, pumasok ka lamang," tugon ko naman. Pagkapasok ni Manang ay nakita niya akong nakahiga sa kama ko. Sinarado niya ang pinto at tiniyak na na-lock niya ito. Agad naman niya akong nilapitan at hinaplos ang aking likod na nakaharap sa kaniya. "Klej, kailangan mo pa ring magpahangin sa labas. Baka kung mapaano ka na rito. Buong araw ka lamang nasa loob ng kwarto mo. Halika at sasamahan kita lumabas kung gusto mo para naman hindi ka maburyo rito sa loob," saad ni Manang. "Manang, lalabas naman po ako kapag siguro naisipan ko nang lumabas. Gusto ko pong isipin ni Cleyeol na wala ng ibang option kung hindi ang maghiwalay kami. Pinapahirapan na lamang po namin ang isa't-isa habang nakatali pa rin sa contract marriage na ito. Wala na rin naman pong patutunguhan ito at ako lamang ang mas nahihirapan sa sitwasyon na ito," ika ko. "Sayang nga at walang balcony ang kwarto mo. Talagang sinigurado nila na hindi ka makakatakas. Nakalulungkot isipin na ikinukulong ka nila rito. Pero Klej, alam kong may magandang rason sila kung bakit ka nila itinatago. Hindi ko lang rin alam kung ano iyon. Alam ko namang wala sialang masamang intensyon sa iyo. Gusto lamang siguro nilang makatiyak na nasa ligtas kang kalagayan. Hindi ko lamang mawari kung bakit sa ganitong paraan," saad pa ni Manang. Nagkibit balikat na lamang ako sa sinabi ni Manang. Kahit ano naman ang magiging rason nila, dapat sinasabi nila sa akin. Hindi iyong ganito na nagmumukha akong ewan sa harap nila dahil para akong mangmang. Pakiramdam ko ay isa akong preso at ang bahay na ito ang kulungan na pinag-lagyan nila sa akin. Wala akong kalayaan dito kaya kailangan ko na makalayas mula dito. Kapag nakakuha ako kahit ng isang pagkakataon ay hindi ko ito palalampasin. Malaki rin ang aking ipinayat dahil hindi rin ako masyadong nagkakakain. Gusto ko talagang makita nila na nahihirapan na ako sa kalagayan ko at baka sakaling maawa sila sa akin at hayaan na ako. Okay pa rin naman ang aking katawan at pakiramdam ko kahit na hindi ako gaanong kumakain. Kumakain naman ako ng mga prutas at hindi ko pinalabayaan ang sarili ko. Kailangan ko pa rin naman ng lakas kung sakaling makatakas ako sa bahay na ito. Ilang minuto pa lamang pagkatapos makarating ni Manang sa kwarto ay biglang may kumatok sa pinto. Hindi ko alam kung bakit pero malakas ang kutob ko na si Cleyeol ang kumakatok sa pinto. Ano kaya ang kailangan niya sa akin at pumunta pa siya rito? "Klej, mukhang si Cleyeol ang kumakatok. Pagbubuksan ko ba? Baka may maganda balita siyang dala. Sayang naman kung hindi mo siya kakausapin kahit saglit," tanong niya. Umiling ako. Sagot ko, "Ayoko pa po siyang makausap. Baka lalo lamang po lumala ang sitwasyon. Gusto niya lang din naman po akong pahirapan. Inamin na rin naman po niya iyon." "Kung sabagay nga naman. O siya, magpahinga ka na muna. Anong oras na rin naman na. Dapat ay natutulog ka nang maaga, tigilan mo na ang pagpupuyat at baka magkasakit ka pa sa ginagawa mo. Ako na lamang muna ang kakausap sa kaniya." "Sige po, Manang. Sabihin mo na lamang na tulog na ako at masama ang pakiramdam ko kaya hindi na ako bumabangon. Huwag na rin muna niya kamo ako gambalain sa aking pag-papahinga," ika ko. "Kung ganoon ay ako na ang bahala. Basta ay magpahinga ka na lang muna riyan, Klej. Sana ay gumaan na rin ang iyong loob kahit paano," tugon ni Manang. Sumang-ayon na lamang ako kay Manang. Siya na ang bahalang humarap kay Cleyeol. Hanggang ngayon ay wala akong ganang lumabas ng kwarto. Pagkatapos ng mga nalaman ko, ano pa ang rason para makipag-usap sa kanila? Sinasadya nilang gawing miserable ang buhay ko. Ano naman kaya ang mapapala nila sa akin kung patuloy pa nilang gagawin ito? Napakasama nilang lahat. Nagulat ako nang biglang nagbukas ang pintuan ng aking kwarto. Mabilis akong natalukbong sa kumot at nagpanggap na natutulog. Marami akong narinig na mga yabag ng mga paa. Mukhang hindi iisa lamang ang papunta sa aking kama. Ano kaya ang ginagawa nila rito? "She's sleeping." sabi ng isang lumapit sa akin. Hindi ako nagkakamali, si Madam ito. Ang mom ni Cleyeol. Kahit sinabi nila na puwede ko silang tawaging Mama at Papa, hindi ko magawa dahil sobrang layo ng loob ko sa kanila. Para na akong nakikipaglokohan sa sarili ko kung itatrato ko pa silang pamilya pagkatapos ng ginawa nila sa akin. Ayoko namang makipag-plastikan sa kanila, lalo na at hindi naman ganoon kaganda ang ipinapakita nila sa akin. "Ano na ba ang nangyayari sa kaniya? Dapat lagi mong kinukumusta ang kaniyang kalagayan. Kung may naaalala siya, hindi dapat siya nagkakaganiyan, Cleyeol. Dapat hindi mo siya pinapabayaan. Tell me, what happened?" tanong ng dad ni Cleyeol. Kahit papaano ay naririnig ko naman na concerned minsan sa aking ang mga magulang niya lalo na ang dad niya. Kaso lamang ay may kakaiba naman akong pakiramdam sa mom niya. Kitang-kita ko na masungit ito. Halata ko naman na ayaw ng mom ni Cleyeol sa akin at ang gusto nito para kay Cleyeol ay si Ploira, kahit sinusubukan niyang hindi ipahalata sa akin. Napansin ko na parang hinila ni Cleyeol ang mga magulang niya palayo sa aking kama. Baka sinisigurado niyang hindi ko marinig ang kanilang mga pinag uusapan, kahit akala nila na tulog na ako. "Kasalanan ko po. Nagkausap po kami at hindi po magaganda ang mga nasabi ko. Pinalala ko pa po ang sitwasyon niya. Gusto ko po sanang humingi ng pasensiya kahit hindi niya man paniwalaan, kaso ayaw naman niya po akong makausap," pabulong na sagot ni Cleyeol. Rinig ko pa rin ang kanilang usapan kahit na lumayo sila dahil tahimik sa aking kwarto. Rinig na rinig ang mga salitang sinasabi nila. "Is it because of Ploira? Pansin ko ay hindi na dumadalaw ang kaibigan mo na iyon. May masama bang nangyari sa inyo kaya hindi na siya dumadalaw dito? Wait, matanong ko lang, kaibigan nga lang ba ang turingan ninyo? Napapansin ko na rin kasi ang pagiging sobrang malapit niyo sa isa't isa. Parang may something sa inyo, lalo na kapag nahuhuli kong nakatingin sa iyo si Ploira. Nako, Cleyeol, inasabi ko sa iyo ha. Alagaan mo ang reputasyon mo at huwag magkakaroon ng kabit. Iyan ang pinaka iiwasan mo sa lahat. Hayaan mo nang---" "Mom, stop it," pigil ni Cleyeol sa sasabihin ng kaniyang mom. Natatawa ako dahil alam ko na rin naman na paparatangan nila akong malandi at may kabit. Kahit na ang totoong may kabit ay ang anak nila. Mukhang alam na rin naman ng buong angkan nila ang tungkol sa kabit. Hindi ko lamang matanggap na wala akong maalala at hindi ko maipagtanggol ang sarili ko dahil ako mismo ay hindi mapatunayan na wala akong kabit. Pero sigurado naman ako sa sarili ko na hindi ko kayang gawin ang bagay na iyon. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko matanggap ang mga paratang nila sa akin. "Wala po kaming relasyon ni Ploira. Noon pa man ay kaibigan lamang po ang tingin ko sa kaniya at hanggang doon na lamang po iyon. Nakita po ako ni Flixira na hinalikan ni Ploira sa labi. Hindi ko po iyon ginusto dahil biglaan po ang ginawa ni Ploira. Nagalit din po ako sa kaniya noon kahit inamin niyang mahal niya ako. Hindi ko lamang alam kung paano magpapaliwanag kay Flixira ito dahil alam ko namang hindi niya rin ako pakikinggan o paniniwalaan," paliwanag ni Cleyeol. Gusto ko man paniwalaan si Cleyeol, baka alam niya lamang na gising ako kaya niya nasasabi iyan. Baka nagsisinungaling lang din siya sa kaniyang mga magulang. Hindi ko na rin kayang paniwalaan agad ang mga sinasabi niya. Sigurado naman akong planado niya na pumunta dito at iparinig ang mga sinasabi niya sa akin para maniwala ako. Alam ko na tuso rin si Cleyeol. "Sayang lamang dahil hindi mo nagustuhan noon si Ploira na pakasalan. Okay siya para sa akin. Mabait at napakaganda niya para sa akin. Boto pa naman ako sa inyong dalawa kahit noon pa man. Isa pa, malaki ang maitutulong ng Papa niya sa business natin dahil mataas ang katungkulan niya sa pulitika. Kung ako lamang ang masusunod ay noon pa lamang siya na sana ipinakasal ko sa iyo. Siguradong mas lalago ang mga business natin kung siya ang naging asawa mo," saad ni Madam. Sinasabi ko na nga ba, si Ploira ang gusto niya at hindi ako. Halatang business lang din ang habol niya kay Ploira dahil nga mayaman ang tatay nito at may koneksyon sa politika. Nagpapakitang tao lamang siya sa akin at halata ko naman na iyon, matagal na. Pero alam kong darating ang araw na magpapakatotoo siya sa akin. Inaasahan ko nang hindi magiging maganda ang susunod nilang magiging pakitungo sa akin. Lalo na ngayon na sinabi na niya ang katotohanan kay Cleyeol. Pero siguro alam na rin naman ni Cleyeol na gusto ng kaniyang mom si Ploira kahit noon pa man. "Mom, kaya ko pong patakbuhin ang business na walang tulong ng mga opisyal sa politika o sa tatay ni Ploira. Hindi ko kailangan ang pamilya ni Ploira at hindi ko siya gusto para maging asawa ko. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya at hanggang doon na lamang talaga iyon. Ayos na po sa akin si Flixira at sana ay matanggap po ninyo siya dahil kayo lang din naman po ang rason kung bakit kami nagpakasal," saad ni Cleyeol. Isang malakas na sampal ang aking narinig. Muntik na akong mapasinghap sa nangyari. Hindi ako makapaniwala na magagawa iyon ng kaniyang ina sa kaniya. Sobrang sakim pala talaga ng kaniyang ina pag tungkol na sa negosyo ang pinag-uusapan. "Nagiging bastos na ang bibig mo, Cleyeol. Tandaan mo anak lamang kita at ako pa rin ang iyong ina. Sinasabi ko lang sa iyo na hindi ko na siya gusto para sa iyo. Noong una ay gusto ko siya dahil masipag, matalino, mabait at maalagain sa iyo. Pero pagkatapos kong malaman na may iba siya, nagbago na ang tingin ko sa kaniya. Malanding babae pala talaga. Tama pala ang hinala ni Ploira na may iba siyang kinikitang lalaki. Kung puwede lang sana ay hiwalayan mo na siya para hindi na natin siya kargo pa rito. Pabigay laman sa iyo ang babaeng iyan," saad ng mom ni Cleyeol. Agad akong bumangon at tumingin sa kaniya. Nagulat siya at umatras dahil sa sama ng aking tingin. Masyado na siyang maraming sinasabing masasama tungkol sa akin at hindi ko na kayang pigilin ang galit ko. Sobra na ang kaniyang mga paratang sa akin. "Kaya po pala nagsisinungaling lang po kayo sa akin na darating ang mga magulang at kaibigan ko. Ang totoo ay itinatago ninyo lang din po ako sa kanila para pahirapan ako. Hindi po ninyo ako itinuturing na pamilya at iyon po ang masakit sa akin. Intended po ang pagpapahirap ninyo at pagkukulong sa akin. Kapag bumalik ang mga alaala ko, patutunayan ko po na wala akong kabit. Kahit wala akong naaalala, alam ko po sa sarili ko na hindi ko iyon magagawa," singhal ko habang tumutulo na ang mga luha. Nanlaki naman ang mata ng Mom ni Cleyeol at hindi makapaniwala na gising pa pala ako. Napa-atras siya sa kaniyang kinatatayuan at ganun din si Cleyeol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD