Chapter 3

1505 Words
Enjoy reading! NAKARAMDAM ako nang takot sa pagsigaw niya. Mali yata na tinanggap ko ang alok niya na paaralin ako kapalit na maging Personal Assistant niya. Nakakatakot siya. Hindi siya ang Governor Harley na kilala ng lahat dito sa bayan. Hinila niya ang braso ko palapit sakanya at kinuha ulit ang kwentas at pinasuot sa akin. Pumunta siya sa likod ko para isuot sa akin iyon. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. At napaigtad ako nang maramdaman ko ang labi niya na humahalik sa leeg ko. "Huwag mong tatanggalin ang kwentas na 'yan. Naiintindihan mo?"bulong niya sa tainga ko. Agad akong tumango. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang malaking paper bag na dala-dala ko kanina. Binigay niya sa akin ulit iyon. Kaya wala akong nagawa kundi ang kunin iyon. "L-labas na po ako. S-salamat po"nauutal kong sabi at agad na lumabas nang office niya. At hindi ko na napigilan ang luha ko. Hindi ko na kayang tumagal pa sa kanya. Baka kung ano pang gawin niya sa akin. Agad akong nagpunas ng luha ko at bumaba na. Nang makarating ako sa sala ay nakita ko doon si madam Helena. Siya ang mommy ni gov Harley. "O iha saan ka pupunta?"tanong niya sa akin. "Uuwi lang po ako saglit. Kakain lang po. Babalik din po ako kaagad"sagot ko. Halatang nagulat siya sa sagot ko. "What? Hindi kapa kumakain nang tanghalian? Hindi kaba pinakain ni Harley?"tanong niya. "Okay lang po madam. Hindi naman po ako obligasyon ni gov para pakainin"sagot ko. Agad siyang tumayo at hinawakan ako sa braso. "No. Halika sa kusina dito kana kumain. Let's go"sabi niya at hinila ako papunta sa kusina. Nakita ko doon si nanay na nag huhugas ng mga plato. Napatingin siya sa amin ng makita niya kami. "Naku Beth itong anak mo hindi pa na nanghalian. Kaya hinila ko na dito sa kusina"sumbong niya kay nanay. Napangiti nalang si nanay at binigyan ako ng plato. Maraming nakahain sa lamesa. "Sige na kumain kana"sabi ni madam. Agad akong nagsandok nang kanin at kumuha nang ulam na nasa harapan ko. At habang kumakain ako ay nag-uusap kami ni madam Helena. "Kumusta ang pagiging Personal Assistant mo sa anak ko?"tanong niya. "O-okay naman po"sagot ko at ngumiti nang kaunti. "Mabuti naman. Hindi kaba pinapahirapan ni Harley?"tanong niya ulit. Umiling lang ako bilang sagot. Nasa kalagitnaan na ako nang pagkain ko nang pumasok sa kusina si Gov Harley. "O anak. Kumain kana ba? Halika sabayan mo si Jane dito"pag-aaya niya kay Gov. Pero nanatili lang na nakatingin sa akin si Gov. Kaya bigla akong kinabahan na baka makahalata na si nanay at madam Helena sa ginagawa niya. Agad akong uminom nang tubig at tumayo na. "Tapos na po akong kumain. Salamat po"bigla kong sabi kaya napatingin sila sa akin. "Kailangan ko na ang PA ko dahil pupunta pa kami sa Munisipyo"sagot naman ni gov. Agad kong dinala ang pinagkainan ko sa lababo. "Ako na dito anak. Sige na samahan mo na si gov"sabi ni nanay at kinuha sa akin ang plato. "Sige po"sagot ko. "Aalis na po kami madam. Nabusog po ako. Salamat po"paalam ko. Ngumiti lang siya sa akin. Agad namang humalik si gov sa pisngi nang mommy niya. Nauna siyang naglakad palabas nang kusina habang ako ay nakasunod lang sakanya. Huminto kami sa harap nang chevrolet camaro niya. Agad siyang pinagbuksan nang driver niya. Habang ako ay umikot para doon umupo sa shotgun seat pero hindi pa ako nakakalayo sakanya nang hinawakan niya ang braso ko. "Where do think you're going?"seryoso niyang tanong. "Sa unahan po ako uupo gov"sagot ko. "No. Dito ka sa tabi ko. Get in"utos niya at hinila ako papasok sa loob. At katulad nang ginagawa ko ay dikit na dikit ako sa pinto. Habang siya naman ay dikit din nang dikit sa tabi ko. "Damn it! Lumapit ka sakin Jane. May sakit ba akong nakakahawa?"inis niya sabi at umisod sa gitna. Hinila niya ako palapit sakanya at hinawakan sa bewang. Huminto ang sasakyan namin sa tapat nang Munisipyo. Agad kaming pinagbuksan nang driver niya at nauna akong bumaba at sumunod siya. Hinintay ko siyang maunang maglakad pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at naglakad kaya sumunod ako sakanya. Napatingin ako sa paligid at baka may makakita sa amin. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak. Kaya pumantay ako sakanya sa paglalakad. "Gov yung kamay ko po. Baka po may makakita sa atin sa ginagawa mo"bulong ko sakanya. Agad siyang huminto sa paglalakad at tiningnan ako. "Huwag kang lalayo sa akin at huwag kang makikipag usap sa ibang lalake dito. Naiintindihan mo?"diin niyang sabi. Tumango nalang ako bilang sagot. Agad niyang binitawan ang kamay ko at naunang naglakad. ——— KINABUKASAN ay pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad akong pumunta sa kusina at nadatnan ko doon si nanay na nilalagay ang baunan ko sa plastic. "O anak umupo kana para makakain kana"sabi niya. "Hindi na po ako kakain nay. Busog pa po ako"sagot ko. "Ganon ba? O sige heto ang baon mong kanin"sabi niya at binigay sa akin ang baon kong kanin. Agad kong nilagay iyon sa bag ko. "Alis na po ako nay"paalam ko. Nakita ko pa ang kapatid kong lalake na nag aayos nang mga gamit niya sa bag. "Bye ate. Bilhan mo ako nang siopao mamaya pag uwi mo ha!"sigaw niya. Tumango lang ako. Habang naglalakad ako papunta sa terminal nang mga jeep ay may biglang huminto na isang itim na sasakyan at alam ko kung kanino ang chevrolet camaro na ito. Bumukas ang bintana sa backseat at bumungad ang mukha ni gov na naka shades pa. "Get in"utos niya. Pero hindi ko iyon sinunod. "Salamat nalang po. Pero magje jeep nalang ako"sagot ko. "Sasakay ka o bubuhatin kita para maisakay ka dito"seryoso niyang sabi. Agad na bumaba ang driver niya at pinagbuksan ako sa backseat. Wala akong nagawa kundi ang sumakay nalang. Agad kong pinagitna ang bag ko at dumikit sa pinto. Habang siya ay narinig kong tumawa nang mahina. Agad na pinaandar nang driver niya ang sasakyan. Habang nagba-byahe ay ramdam ko ang kamay niya sa palda ko. Agad kong inalis iyon. "Gov an---hhmmpp!"bigla niya akong hinalikan. Marahas ang pagkakahalik niya sa akin. Habang pilit ko siyang tinutulak sa dibdib niya pero hindi ko kaya. Pilit niyang pinapasok ang dila niya sa loob nang bibig ko. Kinagat niya ang labi ko kaya agad na nakapasok ang dila niya. Naiiyak na ako sa ginagawa niya. Maling-mali itong ginagawa niya. Buong lakas ko siyang tinulak kaya nagkahiwalay ang mga labi namin. At dahil sa gulat ay agad ko siyang sinampal. Nagulat ako sa ginawa ko pati ang driver niya ay ganon din pero patuloy parin ito sa pagda- drive. "Isang tawag mo pa sa akin nang gov hindi lang yan ang matitikman mo. Naiintindihan mo?"sabi niya habang nakatitig sa akin. Patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko dahil sa ginawa niya. "A-ayoko na. Aalis nalang po ako bilang PA niyo"umiiyak kong sabi. Halatang nagulat siya sa sinabi kong iyon. "No! HINDI KA PWEDENG UMALIS. NGAYON PABA KITA PAPAKAWALAN? NGAYON PABA KUNG KAILAN MALAPIT KANA SA AKIN? KUNG KAILAN NASA AKIN KANA? HINDI MANGYAYARI IYON!"galit niyang sabi. Napahagulhol nalang ako nang iyak. Nang malapit na kami sa university na pinapasukan ko ay agad kong pinunasan ang luha ko. Huminto ang sasakyan medyo malayo sa gate nang pinapasukan kong university. Hindi kasi kami pwedeng makita nang mga tao na magkasama. Ano nalang ang sasabihin nila tungkol sa amin. Pero bago ako bumaba sa sasakyan ay hinawakan niya ang braso ko. "Huwag kang makikipagusap sa mga lalake. Naiintindihan mo?"banta niya. Hindi ako sumagot at agad akong bumaba nang sasakyan at dire-diretso sa paglalakad papasok sa loob nang school. Kailangan kong makaisip nang paraan para umalis sa pagiging Personal Assistant ni gov Harley. Hindi na tama ang mga ginagawa niya sa akin. At habang tumatagal ay mas lalo akong natatakot sa maaari niya pang gawin sa akin. Kanina pa nag dismiss ang professor namin pero nandito parin ako sa upuan ko. Iniisip ko kung anong dapat kong gawin para makaalis sa pagtatrabaho kay gov. Pero kapag ginawa ko iyon ay siguradong babalik na naman si nanay sa bangko para mangutang para may pambayad sa school ko. Naaawa na ako sa nanay ko. Wala na kasi kaming tatay. Sumama siya sa babae niya. Hanggang ngayon ay galit parin ako sakanya. Dahil kung hindi niya kami iniwan noon siguro hindi nahihirapan si nanay sa pag papa-aral sa amin ni Justine ngayon. "Hey Jane. Okay kalang?"napakurap ako nang may nagsalita sa tabi ko. "Jace.." "Okay kalang ba? Tulala ka kanina pa"tanong niya. "Oo okay lang ako"sagot ko. "Kumain kana ba?"tanong niya. "Hindi pa"sagot ko. "Tara kain tayo sa canteen"sabi niya at hinila ako palabas nang room. "Huwag kang makikipagusap sa mga lalake. Naiintindihan mo?" "Huwag kang makikipagusap sa mga lalake. Naiintindihan mo?" "Huwag kang makikipagusap sa mga lalake. Naiintindihan mo?" Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang sinabing iyon ni gov Harley kanina. Napatingin ako sa kamay ko na hawak ni Jace ngayon. Agad kong tinanggal ang pagkakahawak niya kaya napatingin siya sa akin. "Kaya ko namang maglakad. Tara na"sabi ko at naunang naglakad papunta sa canteen. — ©Miss_Terious02 All Rights Reserved 2019.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD