Chapter 2

1547 Words
Enjoy reading! NAPALAKI ang aking mga mata sa sinabi ni nanay sa akin. Papa-aralin kasi ako ni Governor Harley. Hindi na ma-momoblema si nanay sa pag-aaral ko. Kaya sobrang saya ko. Pero bigla akong kinabahan ng makita ko na si Gov. Naiilang kasi ako kapag nakatitig siya sa akin. Kaya napapayuko nalang ako. "Jane samahan mo ako," napatayo ako nang marinig ko ang boses ni Gov. Nakaupo kasi ako sa sofa dito sa sala ng Mansion nila. "S-saan po Gov?" Nauutal kong tanong. "Sa mall. May bibilhin lang ako." Sagot niya at naglakad na. Kaya sumunod na ako. At habang bumabyahe ay hindi ako umiimik. Magkatabi kaming dalawa sa backseat. Dikit nang dikit na ako sa bintana ng sasakyan habang siya ay dikit din nang dikit sa akin. Naiilang tuloy ako. Nagulat pa ako ng may binigay siya sa akin. Yung cellphone niya at wallet? "Ikaw ang humawak ng mga 'yan. Personal Assistant kita." Simple niyang sabi habang nakatingin sa akin. "P-pero Gov. Y-yung wallet niyo po ikaw na ang humawak," nauutal kong sagot. "Tss. Kapag Personal Assistant dapat lahat ikaw ang magdadala." Wala na akong nagawa kung hindi ang kunin ang mga iyon. Nilagay ko sa sling bag ko. Huminto kami sa isang sikat na mall. Agad kaming pinagbuksan ng driver. Hinintay kong maunang maglakad si Gov pero nanatili parin siyang nakatayo sa gilid ko at nakatingin sa akin. "B-bakit po?" Tanong ko. "Sabay na tayong maglakad. Dito kalang sa tabi ko." Sagot niya. Agad niyang hinawakan aking kamay at naglakad na. Pero agad ko ring kinuha ang kamay ko na hawak niya. Kaya napahinto siya sa paglalakad at tumingin sa akin. "Gov okay lang po ako. Huwag niyo na po akong alalahanin. Kaya ko pong maglakad"sagot ko. "Sa akin hindi okay, Jane. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nakatingin sayo na ibang lalaki. Kaya kung gusto mong mabuhay pa sila sumunod ka sa akin"galit niyang sabi. Bigla akong kinabahan sa mga sinabi niya. Bigla akong natakot. "Gov...." "Sumunod ka nalang, Jane"diin niyang sabi. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya. Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad kami sa loob nang mall. Napapayuko nalang ako. Para kaming may relasyon sa ginagawa niya. Bakit ganito siya? Pumunta kami sa nagbebenta ng mga kwentas. Hawak niya parin ang kamay ko habang tumitingin sa mga kwentas na naka display. Minsan ay pilit kong tinatanggal ang kamay niya ngunit mas lalo lang niyang hinihigpitan ang pagkaka-hawak. "Sir meron na po ba kayong napili?"tanong ng sales lady. "Yeah. I want this"turo niya sa isang necklace. Agad namang kinuha iyon ng sales lady at binalot. "Fifthy thousand sir"napalaki ang mga mata ko sa sinabi ng babae. Bakit ang mahal? Meron namang nagbebenta sa gilid- gilid na tig- isang daan lang. Ang swerte naman ng pagbibigyan nito. Kanino naman kaya niya ibibigay 'yan? "Ibigay mo ang credit card"utos niya. Akmang kukunin ko na ang isang kamay ko nang hinigpitan niya ang pagkakahawak. Napatingin ako sakanya. "Gov yung kamay ko po"mahina kong sabi. "Just open your sling bag. Kaya nang isang kamay 'yan"seryoso niyang sagot. Wala akong nagawa kundi ang buksan ang sling bag ko na gamit ang isang kamay. Nang makuha ko ang wallet niya ay agad kong binigay sakanya. Kinuha niya gamit ang isa niyang kamay. "Kunin mo ang isang credit card"utos niya. Kinuha ko iyon at binigay sa babae. Nakita kong nakangiti pa ang babae habang nakatingin sa amin. "Ito na po ma'am, sir"nakangiti paring sabi ng babae at inabot sa akin ang biniling kwentas at ang credit card. Pero nagulat ako dahil sobrang lapit nang mukha ni Gov sa mukha ko. At naramdaman ko nalang na binuksan niya ang sling bag ko at nilagay doon ang wallet niya at kinuha sa akin ang kwentas. Pagkatapos ay agad na kaming umalis. Sunod lang ako nang sunod sakanya kung saan siya pupunta. May nadaanan kami na nagbe-benta ng mga damit. Napatingin ako doon. Nagagandahan lang ako sa mga damit na naka display. Pero ayokong bilhin ang mga iyon. Siguradong mahal. "You like that dress?"napatingin ako sakanya. "H-ha? H-hindi po Gov. Napatingin lang po ako roon"pagsisinungaling ko. "Tss."sabi niya at hinila ako sa mga naka display na mga damit. Sinalubong kami nang isang babae. "G-gov hindi po ako bibili ng mga damit"sabi ko. Pero hindi siya nakinig. Sa halip ay kinuha niya ang mga damit na napili niya. "Pakisamahan siya sa fitting room"utos niya sa babae at binigay ang mga damit. Ayoko pa sana pero tinitigan niya ako. Pagkatapos kong sukatin ang mga damit ay agad na akong lumabas nang fitting room dala-dala ang mga damit na sinukat ko. "Sir kasya po lahat kay ma'am"nakangiting sabi ng babae. "Good. How much?"tanong niya. "Sandali lang po sir. Total ko pa po"magalang na sagot ng babae at kinuha sa akin ang mga damit. Maya-maya lang ay nagsalita na ang babae. "7,479 po sir"napalaki ang mga mata ko sa sinabi ng babae. "Gov huwag na po natin bilhin ang mga 'yan. Sa Divisoria nalang po ako bibili ng mga damit. Tara na po"sabi ko at aalis na sana nang hawakan niya ulit ang kamay ko. "Stay.here"diin niyang sabi. Kinuha niya sa sling bag ko ang wallet niya at kinuha ulit ang credit card. Pagkaraan ay binigay na sa amin ng babae ang nakabalot ng mga damit. Hindi ko kinuha iyon. Hindi ko matatanggap ang mga 'yan. Nakakahiya. "Tss"siya na mismo ang kumuha ng isang malaking paper bag at umalis na kami. Lumabas na kami nang mall at hinanap kung saan naka park ang sasakyan niya. Nang makita kami ng driver ay agad nitong kinuha ang mga dala namin at nilagay sa compartment. Agad ko namang kinuha ang kamay ko na hawak-hawak parin ni Gov. Siguradong nakita 'to kanina ng driver niya. Nakakahiya. Ano nalang ang iisipin niya. Ako na mismo ang unang pumasok sa loob ng kotse. Hindi ko na hinintay na pagbuksan pa kami. Kaya pati siya ay pumasok na rin. Habang nagba-byahe ay hawak niya parin ang kamay ko. "G-gov yung kamay ko po"napatingin siya sa akin. "Jane..." "G-gov please po. Yung kamay ko po. Hindi na po tama 'to."kinakabahan kong sabi. Biglang dumilim ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Ang bilis na nang t***k ng puso ko. Kinakabahan ako sa mga kinikilos niya simula pa kanina. "Ilang taon kitang hinintay Jane. Ilang taon akong nag-tiis na tignan ka lang sa malayo dahil hindi pa tama ang edad mo. Tapos sasabihin mong hindi 'to tama? Nasa tamang edad kana para maging akin"sobrang lapit nang mukha niya at ang higpit nang hawak niya sa mukha ko. Hindi ganitong Governor Harley ang kilala ko. Bakit nakakatakot siya? "G-gov, parang awa niyo na po. Bababa na po ako"pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkaka-hawak sa kamay ko. "No! Dito ka lang"galit niyang sabi. Napapa-tingin sa amin ang driver niya. Pero mukang wala itong paki-alam. "Gov.." "Isang tawag mo pa ng gov, Jane. Makakatikim ka sakin"galit niya paring sabi. Gusto ko nang umiyak dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon. Ang alam kong governor sa bayan namin ay mabait at matulungin. Pero bakit ngayon parang hindi siya si Governor Harley na kilala ko? Isa siyang demonyo! Tahimik lang ako sa byahe. Hawak-hawak niya parin ang aking kamay. Nakatingin lang ako sa labas nang bintana. Hindi parin mawala ang takot ko. Nang makarating kami sa Mansion nila ay agad kong binuksan ang pinto ngunit naka- lock. Gusto ko nang makaalis sa tabi niya. Hindi ko na tatanggapin ang inaalok niya na pagpapa-aral sa akin. "Sa tingin mo basta-basta ka nalang maka-alis? Pagkababa mo dito pumunta ka kaagad sa office ko sa taas. Subukan mong mag sumbong, Jane. Tatanggalan ko nang trabaho ang nanay mo"banta niya sa akin at naunang bumaba ng sasakyan. Agad na tumulo ang luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung pinaglalaruan niya lang ako ay dapat na niyang ihinto. Hindi na kasi nakakatuwa. "Ma'am Jane bababa na po ba kayo?"napapunas ako nang luha sa pisngi ko at agad na bumaba. Binigay sa akin ng driver ang isang malaking paper bag. Kailangan ko itong isauli sa kanya. Ayokong tanggapin ang mga ito. Pagkapasok ko sa loob ay agad akong pumunta sa office ni Gov. Kumatok muna ako bago pumasok sa loob. Nakita ko siyang hawak ang necklace na binili niya kanina. "Come here, Jane"utos niya. Lumapit ako sakanya. Binuksan niya ang naka box pang necklace at kinuha ito sa loob. Lumapit siya sa akin at akmang isusuot niya sa akin iyon nang umiwas ako. Halatang nagalit siya sa ginawa ko. "G-gov bakit niyo po pinapasuot sa akin 'yan?"tanong ko. "Bakit? Ayaw mo? Binili ko ito para sa'yo"seryoso niyang sagot. Para sa akin ang kwentas na 'yan? Pero bakit? "P-pero gov hindi ko po matatanggap 'yan"sagot ko na ikinagalit niya. Dinampot niya ang isang babasaging vase na nasa gilid niya at itinapon iyon sa sahig. Napalaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Bigla akong kinabahan. "f**k Jane! Whether you like it or not, isusuot ko 'to sa'yo!"galit niyang sabi at hinila ako papalapit sa kanya. Nagpumiglas ako at nakawala sakanya. Ipinatong ko sa lamesa na nasa harap namin ang isang malaking paper bag. "Hindi ko rin po matatanggap ang mga 'yan. Pati po ang alok niyo na pagpapa-aral sa akin ay hindi ko narin tinatanggap. Sige po aal---" "NO! WALANG LALABAS SA OFFICE KO!"sigaw niya na ikinatigil ko sa pagsasalita. — ©Miss_Terious02 All Rights Reserved 2019.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD