Chapter 4

1188 Words
Enjoy reading! PAGKATAPOS nang klase ko ay sabay kaming umuwi ni Kc. Siya ang kaibigan ko dito sa school. Wala akong masyadong kaibigan dito. Tanging si Kc at si Jace lang ang kaibigan ko. At kahit na mayaman silang dalawa ay tinuring nila ako bilang isang totoong kaibigan. "Sama ka sa akin, Jane"biglang sabi ni Kc habang naglalakad kami. "Saan naman?"tanong ko. "Sa bahay. Gagawa tayo ng mga kulang natin na project"sagot niya. Gusto ko sana sumang-ayon sa sinabi niya ngunit naisip ko na kailangan ko pang pumunta sa Mansion ng mga Callanta. "Gusto ko sanang sumama sa iyo Kc. Pero may kailangan pa akong gagawin"sagot ko. "Ano naman?"tanong niya. "Kailangan ko pang tulungan si nanay sa bahay ng mga Callanta"sagot ko. "Kasambahay ka na rin doon?"tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot. "O sige. Ako na lang mag-isa ang gagawa ng project ko"malungkot niyang sabi. "Sorry talaga Kc. Pero kailangan rin ako ng nanay ko ngayon"sagot ko. "Okay lang Jane. Sige mauna na ako. Bye see you tomorrow"paalam niya at sumakay sa kotse niya. Habang ako naman ay naglakad na pauwi. Sa terminal pa kasi ako ng mga jeep sasakay. Pero hindi pa ako nangangalahati sa paglalakad papunta sa terminal ng jeep ng may biglang huminto na chevrolet camaro sa gilid ko. At walang iba kundi si Gov Harley. "Get in"utos niya. Tumingin muna ako sa paligid ko. Baka kasi may makakita sa akin na sumakay sa isang magarang sasakyan. Nang makita ko na walang tao ay agad kong binuksan ang front seat. "Sinabi ko bang diyan ka umupo?"napahinto ako sa pagpasok dahil sa sinabi niya. Napatingin ako sakanya. "Dito ka sa tabi ko"utos niya habang nakatitig sa akin. Dali-dali kong sinarado ang pinto sa front seat at binuksan ang nasa likod. Hindi na ako umangal pa dahil matatagalan lang kami at baka may makakita pa sa akin. At palagi kong ginagawa ay dikit na dikit ako sa pinto habang siya naman ay todo dikit din sa akin. Gusto kong itulak siya palayo sa akin pero alam ko na magagalit siya kapag ginawa ko iyon. At napatingin ako sa dinadaanan namin. Hindi ito papunta sa bahay o sa bahay nila. Bigla akong kinabahan sa maaring mangyari. Kaya nataranta na ako. "Hindi ito ang daan pauwi. Saan mo ako dadalhin?"kinakabahan kong tanong sakanya. "Sa bahay ko mismo"simpleng sagot niya. Napalaki ang mga mata ko. "P-pero kailangan ko pang umuwi—" "Shut up Jane. Sumunod ka sakin kahit ngayon lang"inis niyang sabi. "P-pero gov kailangan ko munang---" "Tangina Jane! Tatahimik ka o hahalikan kita? At isa pang tawag ng gov malilintikan ka talaga sakin!"napatakip ako nang bibig sa sinabi niya. Hindi na ako nagsalita pa hanggang sa huminto kami sa isang malaking gate. Awtomatik na bumukas iyon at pumasok ang sinasakyan naming kotse. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang pababa kami ng kotse. Hanggang sa pumasok kami sa loob nang bahay ay ganoon pa rin ang ginagawa niya. Sinalubong kami ng isang medyo matanda ng babae. "Harley iho, kumain na ba kayo? Sino itong kasama mo?"salubong niya sa amin. Hindi siya pinansin ni Harley kaya ako na ang unang bumati. "Magandang hapon po"bati ko sakanya. Ngumiti siya sa akin. "Manang dito kami kakain"iyon lamang ang sinabi niya at hinila na ako. Umakyat kami sa hagdan habang hawak niya pa rin ang kamay ko. Ang bilis niyang maglakad kaya binilisan ko rin ang paglalakad ko. Nakapalda pa naman ako. Pumasok kami sa isang kwarto. Hinila niya ako palapit sa kama at pinaupo doon. "Diyan kalang"sabi niya at pumunta sa isang pinto. Pumasok siya doon. Inilibot ko naman ang paningin ko sa loob nang kwarto. Halatang panlalaki ang kulay. Malapad ang kama at malambot. May sariling tv at malaki pa. Napatingin ako sa bumukas na pinto at lumabas doon si Harley na may dala-dalang mga damit pambabae? Lumapit siya sa akin at binigay ang mga dala niya. "Magpalit ka"utos niya. Tiningnan ko naman ang mga damit at ang gaganda ng mga ito. Halatang mamahalin. Pero kanino ang mga ito? "Binili ko ang mga 'yan para sayo. Tutal malapit ka na din namang tumira sa bahay natin"napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya. "A-anong ibig mong sabihin?"naguguluhan kong tanong. "Tss. Papakasalan mo ako pagkatapos mong mag-aral. Next year gagraduate ka na diba?"tanong niya na ikinagukat ko pa. "Pero gov---I mean Harley madami pa akong pangarap sa buhay. Tsaka hindi tayo puwede"sagot ko. Biglang naging seryoso ang mukha niya at halatang nagalit siya sa sinabi ko. "f**k Jane! Sasamahan kitang tuparin ang mga pangarap mo. At kahit ilang beses mo pang sabihin na hindi tayo puwede pipilitin ko pa rin na maging tayo. Kasi hindi ako papayag na makawala ka pa sakin. Naiintindihan mo?"galit niyang sabi. Hindi ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sakanya. "Naiintindihan mo ba Jane?"ulit niya. Tumango lang ako bilang sagot. "Good. Magbihis ka na at kakain na tayo"utos niya at umupo sa tabi ko. Agad na akong tumayo at maglalakad na sana ng magsalita siya. "Saan ka pupunta? Dito ka magbihis sa harap ko"napalaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "A-ano? Pero nandito ka"sagot ko. "Ano naman kung nandito ako. Kapag sinabi kong dito ka magbihis dito ka magbibihis"wala akong nagawa kundi ang magbihis sa harapan niya. Sobrang nahihiya ako habang tinatanggal ko ang uniform ko. Tumingin ako saglit sakanya at bigla akong namula ng makita ko siyang nakatingin sa akin. Nang matapos na akong magbihis ay agad kong kinuha ang uniform ko. "Tapos na akong magbihis"namumula kong sabi. Tumayo siya at kinuha sa akin ang uniform ko na ikinagulat ko. "T-teka sandali. Bakit mo kinuha ang uniform ko?"tanong ko. "Papalabhan ko kay Manang Celia. Let's go kakain na tayo"sabi niya at hinawakan ang kamay ko at hinila ako palabas nang kwarto. Hila-hila niya pa rin ako habang pababa kami nang hagdan na para bang ayaw akong bitiwan. Dinala niya ako sa kusina at napatingin ako sa mesa na medyo mahaba. Meron nang mga nakahandang pagkain doon. "Sit here"sabi niya at hinila ang isang upuan. Agad akong umupo at ganoon din siya sa bakanteng upuan na malapit sa akin. Agad kong kinuha ang plato na nasa harapan ko. Kumuha ako nang kaunting kanin dahil parang busog pa naman ako at kaunting ulam. Napatingin din ako sakanya ng kumuha siya nang kanin at ulam. Sobrang dami ng inilagay niya sa plato niya. Mauubos niya ba 'yan? Hindi ko akalain na matakaw pala siya. Pero nagulat ako ng kunin niya ang pinggan ko at pinalitan nang pinggang niya. "Ubusin mo 'yan. Tignan mo nga ang sarili mo sobrang payat"sabi niya. Katamtaman lang naman ang katawan ko. "Pero hindi ko ito mauubos"sagot ko. "Huwag ka nang magsalita. Simulan mo nang kainin 'yan"sagot niya at nagsimula ng kumain. Napatingin naman ako sa pinggan ko. Paano ko mauubos ang mga ito? Bumuntong hininga muna ako bago ko sinimulan na ubusin ang pagkain ko. Napatingin ako kay Harley na ngayon ay tapos na sa pagkain. At nakatingin lang sakin habang pilit kong kinakain ang pagkain ko sa pinggan. Madami pang natira at sobrang busog na talaga ako. "Ayoko na. Busog na ako"sagot ko at inilayo ang pinggan sa harap ko. "Tsk! Manang paki-ligpit na ang mga ito. Let's go"sabi niya at hinila na ako palabas nang kusina. — ©Miss_Terious02 All Rights Reserved 2019.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD