Episode 13

2430 Words

Tanya's POV Nakauwi kami sa apartment na tinutuluyan namin ngunit hindi pa rin ako umiimik. Pinahid ko ang aking mga luha upang hindi na mag-alala pa si nanay. "Tanya okay ka lang ba talaga? Hayop na Isaac 'yan ang kapal ng mukha n'yang gawin sa iyo 'yan." Ani ni Michelle at nananahimik pa rin ako dahil parang sasabog na ang puso ko sa sakit na nararamdaman nito. Pakiramdam ko ay napakarumi kong babae dahil sa ginawa sa akin ni Isaac sa isang pam-publikong lugar. Masyado n'yang niyuyurakan ang pagkatao ko ngunit nagtataka naman ako sa aking sarili kung bakit hindi ko magawang magalit sa kaniya. Napayuko ako dahil hindi ko na kaya pang pigilang tumulo muli ang aking mga luha. Bakit kailangan kong maranasan ito? Bakit kailangan niyang gawin sa akin ang mga 'yon sa harapan ng maraming

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD