Episode 24

2271 Words

Habang papunta dito sa condo ko si Tanya ay busy naman akong nagluluto ng pagkain para sa kaniya, ngayon ko sisimulang magtapat ng damdamin ko at hindi ko alam kung matatanggap nya ba ako, hindi ako sanay sa ganito, hindi naman kasi ako marunong manligaw. Ang alam ko lang ay isang kindat lang sa babae at nakukuha ko na agad ang mga ito. Ngayon ko lang din ginawa ang magluluto ako para sa isang babae na kaylanman ay hindi ko ginagawa para sa kanila. Mas gusto kong ako ang pinagsisilbihan kaysa sa ako ang nagsisilbi. Napatingin ako sa aking orasang pambisig at mag-aalas sais na pala ng gabi kaya nakakasiguro ako na malapit ng makarating dito si Tanya. Sa loob ng tatlong buwan na nakasama ko si Tanya ay nakilala ko ang kabutihan ng kaniyang puso na hindi ko nakita nuong nabubulagan pa ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD