Chapter 5: Blood
Naiilang may pinilit ko paring kumbinsihin ang aking sarili na para ito sa buhay ko. Kung bibitaw ako sa kamay ni Stelian ay siguradong mamatay ako sa kamay ng mga bampira. Nagpapahila lang ako kay Stelian. Hindi ko alam kung saan kami papatungo. May maraming building at maraming bampira. Ito na yata ang sinasabing mundo ng mga bampira. Paminsan-minsan ay may tumitingin sa amin ngunit sandali lamang iyo at yumuyuko rin ang mga ulo ng mga ito.
Kung tutuusin ay sobrang normal tingnan ng mundong ito. Para lang sa mundo ng mga tao. Ang kaibihan lang ay mga bampira ang nakatira at parang makulimlim ang panahon na hindi naman umuulan. Mukhang ginawa ang mundong ito para talaga sa mga bampira.
Tumingin rin ako minsan sa mga tindahan. Karamihan ay mga bilihan ng damit, at wala itong ibang kulay. Itim lahat, wala akong nakikitang bilihan ng mga pagkain bukod sa isang tindahan na kaharap namin ngayon. Blood bank! Iyon ang pangalan.
“You wanna drink?” Biro ni Stelian sa akin ngunit malamig ang boses nito. Ang mukha, sobrang napaka-seryoso.
“You’re crazy, saan mo ba ako dadalhin, ha? Kanina pa tayo lakad ng lakad.” Kung puwede lang sana sabihin na chancing lang ang gagong ito. Sinasadya lang nitong maglakad para makahawak sa kamay ko.
“You need clothes, look at you, mukha kang tao.”
“Eh, tao naman ako, ha.” Bigla kong angal. Natigilan ako ng may napatingin sa aming mga bampira. s**t! Narinig nila ang sinabi ko, “taong sumisipsip ng dugo ng mga tao.” Dagdag ko.
Mukhang effective naman dahil umalis na ang mga bampirang nakatingin sa amin. Muntik na ako roon, ha.
“Next time, kailangan mong umakto na bampira ka.” Giit nito at nagpatuloy kami sa paglalakad.
Ang weird ng mokong na ito. Paano ako aakto na parang bampira eh parang tao lang naman silang kumilos lahat. At isa pa, hindi ako magaling sa mga aktingan na 'yan. Useless lang din naman kung magkukuwari ako lalo pa't matatalino yata ang mga bampira. Kung hindi ako nagkakamali ay basang-baba na nila ang kilos ng mga tao!
Pumasok kami ni Stelian sa isang boutique. Punong-puno iyon ng mga damit kagaya ng mga nauna kong nakita, itim ang mga ito. Mukhang walang taste ang mga bampira. Kung nasa mundo pa to ng mga tao siguradong walang papasok. Ang boring tingnan at isa pa, para yatang pang halloween ang theme!
May lumapit sa aming isang babae, medyo may katandaan ito sa amin pero isa siyang bampira. Ngunit kitang-kita parin ang hubog ng kanyang katawan. Maganda pa rin siyang tingnan at bumagay sa kanya ang suot na itim. Ngumiti siya sa aming dalawa ni Stelian ng napakatamis.
“Long time no see, Stelian.” Wika nang ginang na bampira. Tumingin ito sa akin at lumawak ang ngiti, “Hi, I’m Genev.” Bati niya. Mukhang nakikilala niya ang totoo kong pagkatao. Alam niya na isa akong mortal dahil sa kakaibang tingin niya sa akin. Ngunit hindi naman iyon dahilan upang matakot ako. Mabait siyang bampira, sa palagay ko.
“Hello. I’m Alex,” pakilala ko. Ibinalik ko sa kanya ang matamis na ngiti..
Napansin kong hindi kumikibo si Stelian kaya tiningnan ko siya. Nakakatitig lang siya kay Genev.
Akmang yayakapin ako ni Genev nang magsalita si Stelian. Hindi natuloy ang pagyakap ng babaeng bampira sa akin at hinarap nito si Stelian.
“Wala na bang bago rito sa mga damit mo?” Si Stelian. Parang wala itong modo. Hindi yata nito alam na Ginang na ang kaharap niya.
“Wala na, Stelian.”
“What is your size?” Humarap si Stelian sa akin at pinisil ng marahan ang aking kamay.
“Medium,” sagot ko.
“Tahian mo siya ng maraming medium size na damit. Gusto ko iyong magandang klase na tila.” Utos ni Stelian kay Genev.
“Masusunod, walang problema.” Magalang na wika ni Genev. Naaawa ako rito. Sobrang brusko ng lalaking ito.
Tumalikod na kami. Naunang humakbang si Stelian ngunit huminto ako. Nakasimangot niya akong tiningnan. Makikita mo ang pagkairita sa mukha ni Stelian.
“Mag-sorry ka.” Ani ko rito.
“What?” Hindi ito makapaniwala.
“Kailangan ko pa bang ulitin?” Hindi tama ang ginawa ng lalaking ito kay Genev. Dapat gumalang manlang ito dahil matanda ito sa kanya.
“Alex, hindi dapat na humingi ng tawad ang isang maharlika na bampira.” Biglang wika ni Genev.
Tiningnan ko si Stelian. Nakataas na ang isang kilay nito na para bang sinasabi niya na isa siyang maharlika at si Genev ay mababang uri lang na bampira.
“Hindi ako aalis rito kapag hindi ka humihingi ng sorry, wala akong pakialam kung maharlika ka.” Tinaasan ko rin siya ng kilay.
Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Stelian. Galit na ito. Hindi ako nagpatinag sa kanya. Kanina pa ako tinatakot ngunit wala namang ginagawang masama sa akin. Hindi na niya ako matatakot sa pabago-bago ng ekspresyon lang.
“I’m sorry, Genev.” Sa wakas ay sabi ni Stelian.
Tumingin ako kay Genev. Gulat na gulat ang mukha nito at halatang hindi makapaniwala na humingi rito ng tawad.
Hindi na namin ito hinintay ni Stelian na makapagsalita dahil hinala na ako ng gago palabas ng boutique. Nakita ko sa hindi kalayuan sa amin ang dalawang bampira na mukhang nag-aaway.
“Let’s go.” Si Stelian. Pilit akong nilalayo sa dalawang bampira.
“Wait muna.” Na-curious ako kung paano sila mag-away sobrang bilis at ang lakas nila. Ngunit ang ibang bampira ay nanood lang kagaya namin. Walang ginawa ang mga ito. Hanggang sa masakal ng isang bampira ang kalaban nito at walang kahirap-hirap na pinasok ang kamay sa puso ng kalaban. Napatakip ako ng bibig, parang ako ang nasaktan sa ginawa nong isang bampira. Narinig pa naming nagsisigaw ito. Mas lalo pa akong nagulat ng tanggalin nito ang puso. Sa sobrang takot ay napayakap ako kay Stelian. Hindi ko iyon inasahan. Unang beses ko pang makakita ng ganoon.
“Ganoon pumatay ng bampira. Hindi mo mapapatay ang halimaw kung hindi mo natatanggal ang puso nito o hindi mo dudurugin.”
Kumiwala ako sa pagkakayakap kay Stelian. Para iyong double meaning. Pinariringgan niya ako dahil nasaksak ko ito sa leeg kaninang umaga. Mukhang mahirap ngang patayin ang mga kagaya ni Stelian. Masiyado silang malakas. At hindi basta-basta.
Umalis kami sa harap ng boutique ni Genev. Sa pagkakataong iyon ay hindi na kami naglakad. Ginamit ni Stelian ang kapangyarihan nitong maglaho bigla. Hindi ko alam kung saan na naman kami pupunta. Hindi na ako nagtanong, hindi ko rin naman alam ang mundo nila.
Nakarating kami sa loob ng isang malaking bahay. Hindi ito ang bahay ni Stelian dahil iba ang desenyo niyon.
“Oh, welcome back Stelian.”
May lumapit sa aming lalaki. Itim ang suot nito kagaya ng kay Stelian. Gwapo rin ito pero mas hamak na lamang na lamang rito si Stelian. Tumingin ito sa akin bahagyang inilabas ang pangil. Humigpit ang kapit ko kay Stelian. Ngunit nagulat ako ng bitawan nito ang kamay ko. Mabilis akong napakapit sa braso nito.
“Sira ka ba? Ipapakain mo ako sa halimaw na ito.” Galit kong bulyaw kay Stelian.
“Ouch, ang sakit magsalita ng tao na ito.” Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Para itong nalungkot sa sinabi ko.
Hindi ako kumibo dahil totoo namang halimaw ang mga ito. Nanatiling nakahawak ako sa braso ni Stelian. Natatakot ako na baka sunggaban niya ako.
“Hindi ka niya sasaktan. He is Denrek.”
Medyo niluwagan ko ang pagkahawak sa braso nito. Tiningnan ko si Denrek, nakangiti na siya ngayon.
“How are you, Alexandra?” Tanong ni Denrek.
“It’s Alex.” Pagtatama ko, “I’m good, thank you for asking.”
“Hindi ko alam na sobrang cool ng kaibigan ni Loraine.” Sambit ni Denrek.
Naningkit ang mga mata ko. Kilala rin nito si Loraine. “Si Loraine. Saan siya?” Hindi ko mapigilang tanong.
Malungkot na tumingin sa akin si Denrek. Agad akong kinabahan. Anong ibig sabihin ng ekspresyon ng mukha niya?
“Sad to say Alex, nasa mga kamay siya ni Leon.”
Kanina ko pa naririnig ang pangalang Leon. Sino ba talaga ang Leon na iyon? Kung sino man siya ay sigurado akong mapanganib ito.
“Bakit niya pinadukot si Loraine?” Tanong ko.
Napatingin si Denrek kay Stelian. Ilang sandali pa ay sa akin na ito tumingin.
“Malalaman mo rin. Hindi pa sa ngayon.” Si Stelian.
Bakit ba tinatago ng mga ito ang Leon na iyon? Gaano ba ito kapanganib para itago nila iyon sa akin. Tiningnan ko ang ekspresyon ng mukha ni Denrek. Blangko na ito ngunit hindi nakakatakot tingnan. Maging si Stelian ay ganoon rin. Tila nag-uusap sila sa kanilang mga isipan. Hindi ko mawari.
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Parang mga baliw. Nakatingin ang mga ito sa isa't-isa. Ang mga mata nila ay hindi kumukurap.
Dahil sa naiinip ako sa dalawa ay bumitaw ako sa braso ni Stelian. Hindi parin sila gumagalaw. Inikot ko ang aking mata sa malaking bahay na iyon. May napansin akong isang frame. Frame ng isang babae. Lumapit ako at tiningnan ito ng maigi. Napakunot ang noo ko nang parang pamilyar ang frame sa akin. I mean ang babae sa frame. Medyo hawig ito sa akin o namamalik mata lang ako? Maputi ito, medyo pula ang kulay ng buhok at maiksi.
"Let's go."
Napatalon ako nang bigla akong hinawakan ni Stelian sa aking kamay.
"Teka lang, nakatingin pa ako sa frame." Giit ko. Para talagang magkahawig kami. Ang kaibahan ay bampira ito, tao naman ako.
"Hindi ka na safe rito."
Nag-aalala na ngayon ang mukha ni Stelian. Ano ang ikinakatakot nito? Akala ko ba maharlika ito? Makapangyarihan!
Naglaho na naman kami. Nakarating kami sa isang lugar na hindi ko alam. Ang buong akala ko ay babalik kami sa bahay nito ngunit parang mali yata itong napuntahan namin. Isa iyong bahay pero hindi na kalakihan.
Biglang dumating si Denrek. Tuguan ang kamay nito. Nakaramdam ako ng kaba. Mukha ngang hindi na ako safe rito.
"Anong nangyayari?" Mayroon silang hindi sinasabi sa akin. Hindi ang mga ito mapakali. Nag-iba ang kulay ng mata ni Stelian. Kakaiba iyon, asul na ito na may halong puti. Sobrang kakaiba!
"Stay here." Aniya.
Hanggang sa naglaho sila pareho. Naiwan ako ngayon sa loob ng bahay na hindi ko alam kung kanino ito. Hindi ako mapakali sa sobrang takot. Hindi ako nag-alala para kina Stelian, mas nag-aalala ako sa maaring mangyari sa akin. Wala akong kalaban-laban kung baka sakaling may pumasok rito.
Matagal pa akong naghintay kina Stelian ngunit hindi parin ang mga ito bumabalik. Kinakabahan ako. Paano kung napatay ang dalawang iyon? Ano na ang mangyayari sa akin? Nai-stress ako habang hinihintay sila.
Napatayo ako sa aking kinauupuan nang biglang dumating ang dalawa kong hinihintay. Nanlaki ang mga mata ko nang mapabagsak si Stelian sa sahig. Pareho silang sugatan ngunit malala ang kay Stelian. Sobrang dami nitong sugat. May mga dugo na rin rito.
Lumapit ako at napaluhod para masuri si Stelian. Gumagalaw pa ang lalamunan nito. Ibig sabihin buhay pa siya.
"Bantayan mo siya, Alex. Haharapin ko lang ang mga kalaban." Utos ni Denrek at bigla na naman itong nawala.
Kaagad na akong kumilos ago paman mahuli ang lahat para sa bampirang ito. Hinawakan ko si Stelian para makatayo ito. Sobrang bigat ng gago ngunit tiniis ko siya.
"Dahan-dahan mong iangat ang katawan mo," utos ko sa kanya. Labis-labis na ang kanyang panghihina. Ngunit nabigo ako. Ayaw nang gumalaw ng katawan ni Stelian. Hindi ko rin naman ito mahila dahil sobrang laki niyang lalaki.
"Hoy, ayos ka lang ba?" Medyo nag-alala ako ng kunti. Nakakaawa itong tingnan. Gusot ang damit nito, ang mga sugat niya ay hindi gumagaling. Anong ginawa ng mga kalaban kay Stelian?
Hindi na gumagalaw ang lalamunan ni Stelian. Hindi ko mawari kung buhay pa ba ito o patay na. Wala akong nakikitang palatandaan na buhay pa siya.
Shit! Saan ako hihingi ng tulong nito? Patingin-tingin ako sa paligid baka may dumating na maaaring tumulong sa amin.
"Stelian." Itinaas ko ang ulo niya at inilagay iyon sa aking hita. "Kailangan mong gumising, Stelian." Tinapik-tapik ko na ang pisngi nito ngunit ayaw parin niyang magising. Patay na yata siya.
"Saan na ba si Denrek?" Sambit ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Ito lang ang makakatulong kay Stelian, baka napatay na ang bampirang iyon.
Gamit ang kamay ko ay binuka ko ang isang mata ni Stelian. I'm hoping na magising ko siya. Nagbago na ang kulay ng mata nito. Maitim na iyon. Mas lalo akong nabahala, mukhang patay na yata si Stelian. May kung anong lungkot akong naramdaman. Kahit sobrang sama ng gagong ito ay hindi niya ako nagawang saktan. Will, maliban nalang sa pagsunog nito sa bahay ko. Wala itong kasalanan sa pagdukot kay Loraine. Hindi ko alam ang mga plano nila ngunit nakakasiguro akong aabot kami roon. At hindi namin mapipigilan ang panahon. Lalapit ang tadhana para sa amin.
Nakakita ako ng pag-asa nang muling magbalik si Denrek. Mas lalo pa itong nasugutan ngunit malakas ito kagaya ni Stelian, unti-unti na rin itong nanghihina. Napaluhod siya at sinuri si Stelian.
"He needs blood." Seryosong wika niya.
Agad akong kinabahan. Ako lang ang tao sa aming dalawa. Parang nakikiusap ang mga mata ni Denrek na dapat kong iligtas si Stelian.
"Kung hindi siya makakainom ng dugo ay mamatay siya. At wala na akong laban sa mga tauhan ni Leon. Marami sila." Mukhang nawawalan na nga ng pag-asa si Denrek. Agad akong naawa. Kung hindi ko ililigtas si Stelian ay siguradong mapapahamak ako at kukunin ako ni Leon.
"May kutsilyo ka?" Tanong ko. Mas lalo pa akong kinabahan. Wala na akong pamimilian. Hindi naman siguro uubusin ni Stelian ang dugo ko. Sana nga lang! Sana hindi niya ako papatayin.
Umiling si Denrek, "itapat mo ang kamay mo sa bibig niya. Naririnig parin tayo ni Stelian. Gising ang diwa niya ngunit di na kaya ng kanyang katawan." Biglang nagabo ang kulay ng mata ni Denrek. Hindi ko alam kung bakit basta nagbago iyon. Naging normal na itong tingnan.
Napatango ako. Nanginginig ang kamay kong itinapat iyon sa bibig ni Stelian. Nakapilit lang ako. Hindi ko kayang makita ang pag-inom ni Stelian. Lalo pa't kakagatin niya ako.
"Stelian, kailangan mo ng dugo." Si Denrek.
Ilang segundo akong naghintay na may humawak o kagatin ako ni Stelian ngunit wala akong maramdaman. Naimulat ko ang aking mga mata. Wala paring nangyayari. Patay na yata si Stelian. Mukhang hindi na nito kayang kumagat.
"Kagatin mo ang kamay ko, Denrek. Mukhang hindi na kaya ni Stelian." Giit ko. Ito lang ang magandang option namin. Kailangan ng lalaking ito ang dugo ko.
Tumango si Denrek. Lumapit siya ng bahagya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Are you ready?"
Tumango ako bilang tugon. Napangiwi ako nang maramdaman ang pangil ni Denrek na tumutusok sa aking palad. Sobrang sakit at hapdi. Napangiwi ang mukha ko. Hindi ko inakala na ganito pala kasakit!
Pagkaalis ng pangil ni Denrek ay agad na nagsilabasan ang dugo ko.
"Kailangan ko munang umalis." Wika ni Denrek. May dugo ito sa bibig nito. Dugo ko iyon. Nanlaki ang mga ko nang mawala ang mga sugat sa katawan ni Denrek.
Nang makaalis si Denrek ay napatingin ako kay Stelian. Itinapat ko ng maigi ang kamay ko na may sugat upang masalo ng kanyang bibig ang mga patak ng dugo. Pumasok ang dugo ko sa bibig niya ngunit hindi ito parin gumagalaw. Naghintay pa ako. Kailangan kong maging patience. Ngunit habang hinhintay ko siyang gumalaw ay walang nangyayari!
Huminto na sa pagpatak ang aking dugo ngunit si Stelian nanatining nakahiga ay walang anumang senyales. Napatayo ako at kabadong hinanap si Denrel sa buong paligid. Wala ang lalaki. Mukhang umalis talaga ito para di maamoy ang aking dugo.
Binalikan ko si Stelian. Kaagad akong nanlumo, ayokong umiyak ngunit diko mapigilan ang aking sarili. Gago ang bampirang ito, baka dito na rin magtatapos ang aking buhay. Maaamoy ako ng mga bampira kapag lumabas ako!
Napahawak ako sa kanyang mukha. Malamig parin ang kanyang katawan ngunit bukod doon ay wala na talaga akong maramdaman!
Huli na ang lahat. Patay na siya!
-ATHAPOS