Chapter 4: World
Hindi ko alam kung matatakot ba ako o mamangha sa aking nakikita mula rito sa kwarto. Isang bagay lang ang aking masasabi. Hindi ito mundo ng mga tao, nasa mundo ako ng mga bampira.
Una, ang mga puno ay sobrang itim, walang dahon, may maraming uwak at wala kang makikitang buhay. Pangalawa, may araw, ngunit hindi iyon sapat para magliwanag ng buo ang paligid. Kung sa mundo ng mga tao ay sobrang init, ito hindi. Parang makulimlim na wala namang namumuong itim na ulap. At pangatlo, sobrang lawak, wala akong nakikitang bahay. Wala akong nakikitang pag-asa kung paano makatakas rito o mailigtas ang kaibigan kong si Loraine. Sobrang kakaiba ang lugar na ito. Tama nga iyong nabasa ko, may ibang dimensyon para sa mga bampira. Ngunit paano nila ito naitatago sa ganitong ka modernong panahon?
Napatingin lang ako sa kawalan at tila ba'y nawawalan na ako ng pag-asa. Ngunit hindi dapat ako panghinaan ng loob lalo pa't mga buhay na namin ang pinag-uusapan.
Kahit na napaka-peaceful ang tanawin na aking nakikita ay hindi iyonn sapat upang hindi ako mabahala.
Naibalik ko sa ayos ang kurtina nang may kumakatok. Pati ang aking sarili ay inayos ko na rin dahil medyo magulo ang aking buhok. Sinuklay ko ito gamit ang aking mga dailiri. At ang aking labi ay kinagat-kagat ko upang pumula ito.
Mabilis akong nagtungo sa pinto at binuksan iyon. Bumungad sa akin ang mainit na ngiti ni Charlie. May dala itong tray at isang pitsel ng tubig. Natuwa ako sa dala niya.
"Gusto ni Stelian na kumain ka, kaunti raw ang nakain mo at naisuka mo pa ito." Ani ni Charlie. Tumagilid ako para mabigyan ito ng daan. Nakatingin lang ako habang ilapag niya ang pagkain sa mesa.
"Charlie." Sambit ko sa pangalan niya. Tumingin siya sa akin at bahagyang itinaas ang dalawang kilay nito, "tao ka ba?" Hindi ko alam kung tama ba itong tanong kong ito. Ngunit nakita kong nagliwanag ang mukha ni Charlie.
"Oo, tao na tao." Sagot nito.
Napabuntong hininga ako. Kung ganoon ay hindi mapanganib si Stelian. Hindi ito kumikitil ng tao para makainom ng dugo.
"Bakit ka nandito? Diba't nasa mundo ka natin?" May kuryusidad parin sa akin. Lalo na sa bagay-bagay na mahirap paring ipaliwanag.
"Alam mo Alexa----." I cutted him.
"Alex nalang Charlie." Hindi ako komportable na marinig ang buong pangalan ko. Sobrang weird, hindi ako sanay.
"Okey, Alex." Ulit niya, "may mga bagay na mas pipiliin nating maging ligtas tayo." Wika nito.
Napakunot-noo lamang ako, kaya niya pinili ang manatili kay Stelian dahil ligtas siya rito? Hangga't nasa kamay kami ng mga halimaw ay mananatiling nasa panganib ang aming buhay.
"Marami ka pang hindi alam, Alex. Balang araw, malalaman mo lahat. At kapag nangyari iyon. Gusto ni Stelian na maging handa ka," seryoso niyang wika.
Napatulala ako sa sinabi ni Charlie. Ang ibig sabihin ay mananatili ako rito ng mahabang panahon? Ano ang ibig sabihin ni Charlie maging handa ako? Anong binabalak ni Stelian? Ano ang mangyayari sa akin sa mga susunod na araw? Naguguluhan ako sa kanya!
Nagising ako sa aking diwa nang marinig kong magsara ang pinto. Nakalabas na ng kwarto si Charlie na hindi ko namamalayan. Iginiya ko ang aking tingin sa mesa, muli ay kumalam ang aking sikmura.
Nilapitan ko ang tray at binuksan iyon. Isa iyong beef steak na wala ng sauce, plain na ang steak. Makikita mo lang rito ang pepper na inilagay at ibang seasoning na hindi ko na alam. Hinila ko ang mesa palapit sa kama. Nag-umpisa na akong kumain. Sobrang tahimik sa loob ng kwarto. Tanging tunog ng kutsara at tinidor lang ang maririnig mo, maliban sa aking bibig na sarap na sarap sa pagkain.
Hindi ako nagulat nang maubos ko ang pagkain. Sobrang sarap ng pagkakaluto ni Charlie at labis ko iyong nagustuhan. Parang isa iyong world class na menu na sa tanang buhay ko ay hindi ko pa natitikman. Paano'y nagtitipid ako sa aking pera at kita ng aking flower shop. Medyo kuripot din akong tao at hindi nagpapadala sa gusto ko lang. Sabi nga nila, buy what you need do not buy what you want.
Nilinis ko ang mesa at ibinalik ito sa pwesto. Pagkatapos ay nakatitig lang ako sa aking pinagkainan. Nagdadalawang isip ako kung lalabas ba o hindi. Ngunit nakakahiya naman kay Charlie kung kukunin pa niya ang mga ito.
Sandali pa akong nag-isip. Hanggang sa napagpasyahan ko nang ako na ang maghahatid. Dahan-dahan lang akong naglakad para hindi mahulog itong mga plato. Nang makita ko na ang pinto ay dahan-dahan ko iyong binuksan.
Sumilip na muna na muna ako at sinigurado kong tiningnan ang loob. Walang tao sa kanina'y pinagkainan namin. Baka nandoon si Charlie sa loob ng kitchen, baka nagluluto na naman ito. Dumiritso ako sa nakaawang na pinto.
"She's here." Rinig kong wika ni Stelian. May pinag-uusapan sila ni Charlie na hindi ko maaaring marinig.
May narinig akong mabilis na yapak ng mga paa at patungo ito sa aking direksyon. Mabilis na sinalubong ako ni Charlie. May ngiti sa kanyang labi na tila ba'y pinapahiwatig niyang na mas maging komportable ako rito. Malas lang dahil medyo hindi po iyon magagawa sa ngayon. Nasa-state of curiousity pa rin ako at pangamba. Agad nitong kinuha ang mga dala ko at inilipat iyon sa mesa.
Tiningnan ko ang malamig na si Stelian. Brusko parin itong makatingin. Sa tuwing nakikita ko ang gwapong mukha niya ay nabi-bwesit ako!
"How's the food?" Malamig na tanong niya sa akin.
Tiningnan ko ang mga mata niya, "f**k you." Matigas kong wika.
Gumalaw ang jawline nito at malang hindi nagustuhan ang sinabi ko. Hindi na ako magtatagal pa sa rito sa kitchen, eksaktong lalabas na ako ay bigla itong nagsalita.
“Your friend Loraine.”
Natigilan ako sa sinabi niya at seryoso ako ngayong nakatingin rito. Si Loraine, saan siya? Kumusta na ito?
"Where is she?" I tried to asked. Hoping he will give me an answer.
"She's with Leon." He said. Wala parin iyong kabuhay-buhay. Wala itong pakialam.
"Sinong Leon?" Malamang ay kagaya niya itong bampira. Ano pa nga ba.
"I'm glad that may ideya ka na tungkol sa amin, I must thank the author of twilight." Iniba niya ang usapan namin.
"Sino ang Leon na iyon?" Muli kong tanong.
"Makikilala mo siya soon, but the time na makaharap mo siya, you have to be prepared."
Hindi ko maintindihan si Stelian. Bakit kailangan ko pang maghanda, eh, wala naman akong kalaban-laban sa mga halimaw na ito. I don't know kung ano ang motibo ng mga bampirang ito sa akin o kay Loraine ngunit nararamdaman kong mayroon talaga ang mga binabalak ang mga ito. Lalo na sa akin! Hindi niya ako basta-basta dudukutin kung wala siyang matimbang na dahilan.
Naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni Loraine noon. Gusto nitong maging bampira! Mabilis na gumapang ang kilabot sa aking buong katawan.
"Ginawa bang bampira ni Leon si Loraine?" Medyo natatakot kong tanong.
"She's turning, she's still asleep." Walang buhay ang kanyang mga mata. As if hindi siya intresado at wala siyang pakialam sa aking kaibigan.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako tungkol kay Loraine dahil natupad nito ang gusto niya. O matatakot ako dahil magiging halimaw na ang kaibigan ko.
Ibinalik ko ang aking tingin kay Stelian. Nakatitig siya ngayon sa akin, sobrang lamig ng mga nito pero hindi na ako nagawang matakot rito. He's harmless, alam ko iyon. Isa lang ang kinakabahala ko, ang mga titig niya sa akin ay kakaiba. Hindi ko mapigilang pamulahan ng mukha.
"How about you? Kailan mo gustong maging bampira?" He smirked towards on me.
I didn't answer him. Tiningnan ko lang siya ng masama. Isang banta iyon. Sa oras na gagawin niya akong bampira na hindi ako pumapayag ay ito ang una kong papatayin. Itatapon ko ang katawan nito sa impyerno.
"Dapat na ba akong matakot sa titig mong iyan? Or you want me to kiss you again?"
Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Lakas makabwesit ng bampirang ito. Isang kalapastangan ang ginawa niya sa akin.
Inirapan ko na lamang ito, matatalo ako kung aangasan ko si Stelian. Alam na alam niya kung paano ako inisin.
Tiningnan ko si Charlie na tahimik lang na nakikinig sa amin, "maraming salamat sa pagkain, Charlie." Pilit akong ngumiti.
"Kay Stelian ka magpasalamat." Ani nito. Pinasalamatan na nga sobrang choosy pa.
Hindi na ako nagtapon ng tingin sa dalawa. Mga bwesit. Akmang lalabas na ako nang bigla na namang nagsalita si Stelian. Tumigil lang ako ngunit hindi ko siya tiningnan.
"At exactly 12, bumaba ka rito for lunch. Hindi ko na ipapadala ang pagkain mo kay Charlie. Hindi ka marunong magpasa--."
Hindi ko na siya pinagpatuloy magsalita. Binalibag ko ang pinto pasara. Alam ko ang sasabihin nito. Hindi ako marunong magpasalamat. Medyo nakaka-guilty ngunit hindi ko sinabi na magpahatid ng pagkain. At mas lalong hindi ko ginusto ang mapunta rito. Sila ang mag-adjust. Hindi ako!
NAGKULONG ako buong araw sa kwarto. Ni hindi ako lumabas para kumain. Wala akong gana kumain. Naubos ko ang steak at hanggang ngayon ay hindi pa ako natutunawan.
Yakap ko lang ang aking tuhod habang nakatulala. Wala akong maisip na matino. Nag-aalala parin ako para sa kalagayan ni Loraine. Sobrang gaga talaga ng babaeng iyon, inisip kaya nito ang magiging buhay niya kapag naging bampira na siya?
Gulong-gulo pa rin ako. Noong isang linggo lang ay kinuha si Loraine. Ngayon naman ay ako. Ayokong mang isipin, ngunit itinadhana kaming mamuhay kasama ang mga bampira. Alam kong hindi na kami basta-basta pakakawalan pa, kung gagawin nila iyon ay malalaman ng mga tao ang tungkol sa kanila. Lalong-lalo pa't ang tingin ng mga tao sa mga bampira ay fictional character lamang.
Nakagat ko ang aking labi sa sobrang stress. Bumalikwas ako ng tayo at naglakad papunta sa bintana. Hinawig ko ang ang kurtina at sobrang nanlaki ang aking mga mata.
Ang mga itim na puno kanina ay bigla nalang nagkaroon ito ng buhay. Buhay na buhay ito ngayon. Kakaiba ang lugar na ito, sobrang napaka-misteryoso.
Napansin kong may isang tao. Or hindi ko alam kung tao ba iyon o bampira. Nakaitim lahat ito, may kung anong ginagawa siya na hindi ko mabatid. Hindi ito si Stelian.
May isa pang lumapit rito. Si Stelian. Hindi ko inalis ang tingin sa kanila. Nag-uusap ang mga ito at ilang saglit pa'y itinaas ng lalaki iyong kamay niya at may kung anong umilaw rito. Maliit lang na ilaw iyon. Hanggang sa ang mga punong kahoy na puno ng dahon ay unti-unting namamatay. Naging itim na naman ang mga ito. Nagulat ako sa ginawa ng lalaki.
Napatingin si Stelian sa gawi ko kaya mabilis akong nakaalis sa bintana. Ano kaya ang hindi nagagawa ng mga bampira? May mga kapangyarihin sila. At si Stelian? Ano ang meron siya? Ang maglaho lang ba?
Bumalik ako sa bintana upang silipin sila ngunit wala na sila doon. Mukhang nakaalis na ang mga ito. At ang mga puno ay bumalik na ito sa dati. Walang buhay. Mayroon ng mga uwak na nakapatong.
Nagsawa na akong tumingin sa labas. Nag-umpisa na naman akong mabagot rito sa loob. Ayoko namang lumabas baka makita ko lang si Stelian at kasama nitong bampira kanina. Bumalik ako sa kama at humiga. Nakatitig ako sa kisame nang bumukas ang pinto. Agad akong napabangon at tiningnan iyon. Nai-lock ko ang pinto kanina, paanong bigla itong bumukas.
Sandali kong hinintay na may pumasok ngunit nanatili lang nakabukas ang pinto. Bumaba ako sa kama para isa ulit ang pinto. Baka hindi ko lang ito naisara ng maayos kanina.
Paghawak ko sa doorknob ay biglang sumulpot si Stelian. Napahawak ako sa aking dibdib sa gulat. Sobrang bwesit ng lalaking ito. Tiningnan ko siya ng masama!
"Come with me."
Napakunot ang noo ko, "saan?"
"Mamasyal."
Mamasyal? Anong nakain nito? At saan naman kami mamasyal? Sa mga patay na puno?
"Ayoko, mamasyal ka ng mag-isa."
Akamang isasara ko ang pinto ngunit mabilis niya itong napigilan. Nakalapit na siya sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin.
"You wanna see the real vampire world?"
Natamimi ako. Dadalhin niya ako sa mundo nila? Hindi pa ba mundo nila ito?
"Lumayo ka nga sa akin." Malakas ko siyang naitulak. Baka halikan na naman ako ng gagong ito. Bahagya itong napaatras, alam kong sinadya niya iyon. Nagpadala lang ito.
"Kung gusto mo ay ako na----."
"Sasama ako." Hindi ko alam ang kung ano ang napasok sa isip ko para masabi iyon.
Huli na para tumanggi ako dahil nahawan na ni Stelian ang kamay ko at bigla kaming naglaho. Para akong nahihilo, hindi ko alam kung bakit. Hanggang sa nakarating kami sa isang lugar na sobrang dami ng tao, ay mali! Mga bampira! Itim ang mga suot nila, kagaya sila ni Stelian, maputla ngunit ang pinagkaiba lang mas may kulay ang buhok nito kaysa sa iba.
"I warn you not to run, mga bampira lahat ang nandidito." Babala niya sa akin.
Bigla akong kinabahan. Paano kung maamoy nila ang dugo ko, eh, tokwa ako?
"Paano kong maamoy nila ang dugo ko? Gago ka ba?" Mas lalo niya akong pinapahamak.
"Hindi nila maaamoy ang dugo mo kapag kasama mo ako at nakahawak ka sa kamay ko." Ani niya.
Nilakihan ko ang aking mata. Dahan-dahan akong tumingin sa mga kamay naming magkahawak. Kukunin ko sana ito ngunit mabilis niya akong napigilan.
"Kasasabi ko lang, gusto mong mamatay ng maaga?" Naiinis ito. "Gusto mong masubukan?" Binitiwan ni Stelian ang kamay ko. Nagulat ako ng mag-iba ang kulay ng mata ng mga bampira.
Ako na ang nagkusang humawak sa kamay nito. Malamig iyon ngunit komportable naman ako. Unti-unting bumalik ang kulay ng mata ng mga bampira. Totoo nga ang sinabi nito.
"I told you." Bulalas niya at hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kamay ko. Medyo nag-iinit ang aking katawan dahil sa paghawak niya ng kamay sa akin. Dagdagan pa na ang mundong ito pinamamahayan ng mga bampirang naninispsip ng dugo.
Naging malikot ang aking mga mata. Kahit anong gawin kong panatag sa aking sarili ay hindi ko magawa. Paano ko gagawin iyon kung ang panganib na mangyayari sa akin ay isang dipa lang. Isang maling galaw ko lang ay baka katupusan ko na.
"Don't be afraid." Mahinang wika ni Stelian sa akin. Sapat na iyon para marinig ko. Pinisil-pisil niya ang aking kamay just to make feel na nandiyan siya sa akin. Ngunit hindi iyon sapat. Hindi ko pa lubusang nakikilala si Stelian baka nga ipapalapa niya ako sa mga halimaw na nandidito.
"Talaga bang nanunugod sila ng tao rito?" Sobrang hindi kong tanong. Kulang nalang ay matatawag na iyong bulong kay Stelian. But I guess narinig niya naman iyon dahil kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagngiti.
"Do you want a honest answer?"
"Yes." Sobrang bilis ng aking tugon. Para naman maging aware ako sa maaaring mangyari sa akin. It's not safe her.
"Vampires are gifted creatures like human. Ngunit kagaya ng mga tao ay may characteristics kaming minsan di naman nako-control ang aming isipan lalo na kapag nauuhaw kami ng dugo. Hanggang kaya naming pigilan ay makakaya namin but mayroong mga tendency na nau-surpass ng thirst ang aming kontrol sa sarili. That is why hindi napipigilan ang pag-ataki." Mahabang paliwanag ni Stelian na naiintidihan ko naman. Medyo magkalapit lang pala talaga ang mga bampira at tao. Iyon nga lang, vampires are dangerous preditor. They have powers at sigurado na walang kawala ang mabibiktima nila.
"Pero busog naman ang mga bampira rito, right?" Napalunok ako ng laway. What if gutom na gutom ang iilan rito.
"This area ay dinadayo ng mga uhaw na bampira. Not to kill at victim but to market a blood. This is the best place the quench thirst lalo na sa mga kagaya ko."
Mukhang totoo nga ang sinasabi ni Stelian at ang mga nakikita ko ngayon ang siyang patunay na talagang dinadayo ito ng mga bampira.
-ATHAPOS