CHAPTER SIX

2547 Words
Chapter 6: Dream  Pakiramdam ko ay huminto ang ikot ng oras. Hindi parin nagigising si Stelian. Hindi ko inalis ang tingin rito. Hindi ko magawang makagalaw. Ang sugat ko ay unti-unti nang nawawala ang kirot at hapdi. Wala na ring dugo na lumalabas kaya inalis ko na ang aking kamay. "Stelian,  kung naririnig mo ako,  kailangan mong gumising. Paano ako magiging handa na harapin si Leon kung mamatay ako ngayon?" Totoo ang sinabi ko. Hindi ko na pangangarapin ang makauwi sa mundo ng mga tao. Tinadhana na yata akong pumunta rito. Kumg hindi ako mamatay ay magiging bampira ako. "Takti, kung mapapatay ka man lang sana hindi mo nalang ako kinuha sa mundo kong saan ako nababagay. Hindi na sana parehong nanganib ang ating mga buhay." Napayuko ang aking ulo sa kadahilanang takot at ako nangamba sa maaaring mangyari sa akin ngayon! Napabuntong hininga ako ng may kung anong gumalaw sa leeg ni Stelian. Kumurap ang dalawang mata ko nang napamulat ng mata si Stelian. Nagiging puti at asul na ulit ang mga mata niya. May saya akong naramdaman at the same time kaba. Diyos ko, ang buong akala ko ay mamamatay na ang gagong ito. Tahimik akong pinagmasdan ang gwapo niyang mukha habang pinapakiramdaman nito ang paligid. Mabilis na nakatayo si Stelian. Naningkit ang mga mata ko nang mapansin ko ang mga kuryente na lumalabas sa katawan niya. Malakas na siya at kaya na nitong lumaban. "Bumalik na ang lakas mo." Tumayo ako at hinarap ko siya. "Bakit mo ginawa iyon?" Hindi ito makapaniwala. Titig na titig siya sa aking mukha at wari'y may gusto siyang sabihin sa akin. Nangungusap ang kanyang tingin. "Dahil kailangan mong mabuhay." Sagot ko. Iyon lang ang pinakasimpleng sagot ko sa ngayon. Mamamatay ako kapag wala na ito. Nasa panganib kami ngayon. Kung may iba pa man aking dahilan iyon ay hindi ko pa masasabi sa ngayon. "Tara na." Hinawakan ni Stelian ang kamay ko at bigla kaming naglaho. Nakaramdam na naman ako ng pagkahilo. Dahil siguro sa bilis at para akong nakalutang. Naabutan naming nakahandusay si Denrek. Napapalibutan ito ng maraming bampira. Wala na siyang kalaban-laban,  nakakaawang tingnan si Denrek. "Layuan niyo siya!" Sigaw ni Stelian. Ngayon sa amin sila nakaharap. Ang pupula ng mga mata nila. Mas lalong naging halimaw tingnan ang mga ito. "Puwede mo bang tulungan si Denrek?" Seryosong wika ni Stelian. Kinabahan ulit ako,  alam ko kung anong klaseng tulong ang hinihingi niya. Hindi na ako nakasagot dahil sumulpot sa tabi ko si Denrek. Hinang-hina na ito. Napaluhod siya sa lupa. "Ako na ang bahala sa kanya." Giit ko kay Stelian. Tumango lang ito mabilis itong naglaho. Nakita ko nalang na nakahadusay na ang mga masasamang bampira. Bukas na ang mga dibdib nito. "Kailangan mo ng dugo ko." Ani ko kay Denrek. Nag-aalangan itong tumingin sa akin. Alam kong natatakot siya na puwede niya akong mapatay kung baka sakaling hindi nito makontrol ang sarili. "Kaya mo iyan. Kontrolin mo lang ang sarili mo." Napaupo ako sa lupa at inilalayan siya upang hindi matumba. Labis na nanghihina si Denrk, ngunit kumpara kay Stelian kanina, higit na mas malakas pa ngayon si Denrek at hindi na matatagalan ang kanyang recovery. Tumingin muna siya bago hinawakan ang kamay ko na kinagat na niya kanina. Napapikit ako ng mata nang dahan-dahang lumabas ang pangil ni Denrek. Sobrang tulis at sobrang puti. "Alexandra." Mahinang wika niya sa akin. Humihingi siya ng permiso na gagawin na niya ang pagsipsip ng aking dugo. Tiningnan ko sa kanyang mga mata, "sige lang Denrek, huwag mo akong isipin. Pakiusap ko lang na huwag mo sana akong patayin." Hindi iyon biro. Totoo ang sinasabi ko. Baka mapatay niya ako dahil sa aking kagandahang loob na pagpapa-inom ng dugo sa kanya. "Maraming salamat, Alexandra." Iyon lang at naisubsob na ni Denrek ang ang kayang pangil sa aking kamay. Muli ay napangiwi ako sa sobrang sakit. Ramdam na ramdam ko ang aking mga dugo na papunta sa aking kamay. Walang duda, sobrang bilis ng daloy ng aking dugo. Sobrang weird ng nararamdaman ko.  Nanghihina ako, nagpatuloy parin sa pag-inom ng dugo ko si Denrek. Kung hindi siya hihinto ay mamatay ako. Ibinuka ko ang aking mga mata. "Denrek." Nanghihinang wika ko. Agad na nag-iba ang kulay ng mata niya. Naging berde ito na may halong puti. Nanghihinang binitiwan niya ako. Mabilis niya akong nasalo ng pabagsak na ang aking katawan. Ipinilit kong inimulat ang aking mga mata. Nakita ko si Stelian na nakalutang ang katawan nito sa eri. Biglang lumamig ang paligid, humangin ng malakas at ang mga ulap ay nagtitipon-tipon sa itaas na bahagi ni Stelian. Nanlaki ang mga mata ko sa sunod na nangyari. Nagpakawala ng kuryente si Stelian kasabay non ay ang paglabas ng malakas na kidlat sa ulap. Hindi ko maipikit ang mga mata ko. Tila nagagandahan akong tingnan ang kuryente. Ito ang kapangyarihan ni Stelian, ang kuryente! Kaagad na nasihiyawan ang mga bampira sa takot at pangamba. Ngunit huli na iyon para umatras pa si Stelian. Naluluto na ang katawan nila dahil sa kuryente. Nagsisigaw ang iba sa sobrang sakit ng katawan. Ramdam na ramdam ko ang kanilang iyak. Malas lang dahil dito na magwawakas ang kanilang walang hanggang buhay! "Hindi nila dapat ginagalit ang pinakamataas na maharlika." Nakangiting wika ni Denrek.  Iyon lang ang huli kong narinig rito bago ako nawalan ng malay. “ALAM na ni Leon na nasa atin si Alexandra.” Naalimpungatan ako sa mahinang pag-uusap na iyon. Naimulat ko ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang kahoy na kisame na mahogany ang kulay nito. "She's awake." Rinig kong wika ni Stelian. Dahan-dahan akong bumangon. Nagtaka ako nang may kung anong bagay sa aking braso. Doon ko napagtanto na inaabunuhan ako ng dugo. Tatlong bags ng dugo ang nakasabit. Hindi parin bumabalik ang lakas ng aking katawan. Mukhang naparami ng inom si Denrek kagabi. Tiningnan ko silang dalawa. Nakatingin lang sila sa akin sa mahinang nilalang na katulad ko. Naiilang ako sa kanilang mga tingin sa akin. Pakiramdam ko ay parang hihimatayin ako sa sobrang hiya sa mga ito. Ughh! Ito na yata ang kahinaan ng isang babae! Sa lahat ng ayaw ko ay tinitigan ako ng ibang tao. "Nagugutom ako." Wala sa sariling wika ko. Wala akong kain kagabi at sa tanghalian. Maganda na rin siguro itong dahilan upang ma-divert ko ang kanilang paningin na kanina pa titig na titig sa akin. "Ako na ang bahala sa pagkain mo, Alex. Denrek, ikaw na muna dito." Mabilis na naglaho si Stelian.  Lumapit si Denrek sa akin na may pag-aalala sa mukha. "Maraming salamat, Alex." Marahan siyang ngumiti. Ang ganda ng mga ngipin ni Denrek. Bagay itong maging advertiser ng colgate. "Wala iyon,  kailangan kitang iligtas kagabi." As is may choice ako, sa akin nakakasalalay ang kanilang buhay sa nangyari sa amin. Kung hindi ko gagawin iyon ay mamatay ang mga ito at baka tuluyan na akong makuha ng mga tauhan ni Leon. Nakakaawa itong tingnan. Puno ng sugat ang katawan at halos mawalan na ng ulirat. Kung hindi ito makakainom ng dugo kagabi ay tuluyan na talaga itong mamamatay. "May utang na loob na ako saiyo." Bumungisngis siya. Ngayon ay sobrang cute niyang tingnan. Hindi ito pang boyfriend material,  ang kagaya ni Denrek ay isang mabait at masayahin na kaibigan. Bumalik si Stelian na may dalang tray at pitsel ng tubig. Hinila niya ang mesa at inilapit sa akin. Dahan-dahan akong lumapit sa mesa. Dahan-dahan kong hinawakan ang kutsara ngunit nanginginig ako. Wala parin akong lakas. "Let me help you." Seryosong wika ni Stelian kaya mabilis akong napatingin sa kanya. "Kaya ko na." Nakakahiya kong ito pa ang magsusubo sa akin. "Hindi mo pa kaya." Giit niya at kinuha ang kutsara sa kamay ko. Nagulat ako dahil parang nakuryente ang aking katawan nang dumampi ang kamay niya sa akin. Napatitig ako sa kanya. At ganoon din siya sa akin. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. Ang kulay ng mga mata ni Stelian ay naging asul ito. Sobrang gandang tingnan dahil nahahaluan ito ng puti. "Hmmm." Si Denrek. Sabay kaming nag-iwas ng tingin ni Stelian, "maiwan ko muna kayo rito." Biglang naglaho ito at dalawa nalang kami na naiwan ni Stelian. "You need to eat well." Aniya. Nakatingin lang ako rito na kinuha ang takip ng pagkain. May kanin iyon at iba't-ibang klase ng ulam ngunit walang gulay. Puro karne. "Here." Iniharap ni Stelian ang kutsara na puno ng pagkain. Nahihiya akong ibuka ang aking bibig. Tiningnan ko muna siya. Nakatitig lang ito sa akin. Wala na akong nagawa, gutom na gutom na ako. Ibinuka ko ang aking bibig at mabilis na ipinasok ni Stelian ang kutsara sa bibig ko. Habang ngumunguya ay iginiya ko ang aking tingin sa paligid ng kwarto. Hindi ito ang kwarto ng bahay ni Stelian,  nasa ibang bahay kami. "Nandito tayo sa mundo ng mga tao." Wika ni Stelian mukhang nabasa nito ang iniisip ko. "At huwag kang magtangkang tumakas dahil hindi lang mga pulis ang naghahabol saiyo rito. Pati na ang mga bampira." Sobrang komplikado na ng lahat. Sobrang bilis ng pangyayari. Hindi ko inasahang aabot ako rito. Ngunit ano ang kailangan ng mga bampira sa akin? Nakuha na nila si Loraine,  bakit kailangan pa ako? "Here." Ibinuka ko ulit ang aking bibig. Ang napapansin ko sa mukha ni Stelian ay hindi na ito malamig. Parang umamo na ito. Dahil kaya sa tinulungan ko siya kagabi? O naawa lang siya sa akin? "Huwag kang mag-isip ng marami. Mas lalo ka lang mai-stress." Aniya. "Nababasa mo ang iniisip ko?" Manghang tanong ko rito. "No, nakikita ko sa mga mata mo…here." Hiniwakan ko ang kamay niya at inilayo ang kutsara sa akin. May marami akong kailangang malaman. "Kailangan mong ubusin ito." Aniya. "Kakain ako kung sasagutin mo ang tanong ko. One question katumbas ng isang subo." Giit ko kahit hindi ito papayag sa kondisyon ko. "What?" "Please." Sobrang naguguluhan na ako. Matapos ang nangyari kagabi ay deserve kong malaman ang lahat! Nag-alinlangan pa ang mukha ni Stelian. Nagdadalawang isip na ito, "okey." Napangiti ako. Inilapit ko ang kamay niya na nakahawak sa kutsara sa aking bibig. Mabilis ko iyong kinain. "First question." Ani ko, "sino si Leon?" Nakita kong medyo nagulat si Stelian sa tanong ko. Napapatitig siya sa akin. Tila may gusto siyang sabihin na hindi nito kaya. "He's demon. Nangunguha ng kapangyarihan sa ibang bampira." "Oh." Sobrang gago pala ng Leon na iyon. Kaya siguro hinahabol kami ng mga bampira dahil gusto nitong makuha ang kapangyarihan ni Stelian. "Here." Isinubo niya naman ang kutsara sa akin. "Second question…bakit pinadukot ni Leon si Loraine?" Siguradong may dahilan. "Ang alam ko lang ay gagamitin ni Leon si Loraine saiyo." Napakunot ang noo ko. Hindi ko maintindihan si Stelian. Bakit naman gagamitin ng Leon na iyon si Loraine sa akin? May alam ba ito na hindi ko alam? Naguguluhan ako. "One day,  malalaman mo rin." Seryosong tumingin sa akin si Stelian, "magpahinga ka na." Biglang naglaho ito dala ang tray. Iniwan niya ang pitsel na may tubig. Tulala lang ako. Alam kong may itinatago si Stelian sa akin at kailangan ko iyong malaman. May alam sila na hindi ko nalalaman. Ang pagdukot kay Loraine at hindi iyon aksidente lang dahil sa spell. Ang pagkuha ni Stelian sa akin at pagsunog ng bahay ko ay may dahilan iyon. Malakas ang kutob ko matagal na nila kaming minamanmanan. Pero bakit? Sobrang clueless ko sa pag-iisip, ano ang dahilan nila? Anong mayroon sa akin. Nakaramdam ako ng uhaw kaya tiningnan ko ang pitsel. Naningkit ang mata ko ng walang iyong baso,  paano ako iinom nito? "Ugghh." Hindi ko mapigilang sambitin. Gamit ang natitirang lakas ay tinungga ko ang tubig sa pitsel. Ibinalik ko ito sa mesa. Iniayos ko ang aking katawan para mahiga ulit. Kailangan kong magpahinga pa. Baka mamaya ay manumbalik itong lakas ko. Malapit na rin maubos ang isang bag ng dugo. Pipikit na sana ako nang bigla kong maalala ang larawan ng isang babae sa bahay na pinuntahan namin ni Stelian kahapon. May hawig talaga kami sa aspeto ng mukha. Hindi naman ang Mama ko iyon dahil may picture ako ng ina ko. At hindi rin ang Lola ako. Ay iwan! Baka coincidence lang iyon. Tama,  marami na ngayong magkakahawig ngunit hindi blood related. Iwinaksi ko na ang pag-iisip. Tama si Stelian,  hindi na dapat pa ako nag-iisip ng marami. Hindi ito nakakabuti sa akin,  hihintayin ko nalang ang araw na sasabihin na sa akin ni Stelian ang mga nalalaman nito. Sa ngayon,  kailangan kong magpalakas. Hindi ko batid ang mga mangyayari sa susunod na mga araw. Kailangan kong maghanda dahil nararamdaman ko na hindi magiging madali ang lahat. May marami pa kaming haharapin at susuonging problema. Hindi ko namamalayang unti-unti na pala akong dinalaw ng antok. Naipikit ko ang aking mga mata at natulog na. Nagising ako sa isang madilim na silid na kung saan wala kang makikitang kahit na ano. Maliban na lamang sa isang lampara na nagsisilbing ilaw roon. Wala akong ibang naalala. Tila ba'y nagising ako sa isang mahabang pagtulog. Isang pagtulog na walang panaginip! Hindi ko matandaan kung sino at ano ako. Sobrang gaan ng aking pakiramdam. Tila kaya kong magpalutang-lutang sa eri! Tumayo ako sa aking hinihigaan. Tinungo ko ang nakasaradong pinto. Binuksan ko iyon,  doon ko napagtanto na ako'y isang bilanggo! Ang silid na aking kinatatayuan ay isang kulungan. Kulungan na kung saan nakapatong sa isang malaking bato na napapalibutan ng tubig. Wala akong maalala,  hindi ko alam kung bakit ako nandito. Sino ang nagkulong sa akin? Muli na naman akong nanaginip. Pawis na pawis akong bumangon. Bakit iyon nalang ang napapaginipan ko? "Are you okey?" Biglang dumating si Stelian. Nag-aalala ang mukha nito.  "Nanaginip na naman ako." Ani ko. Tiningnan ko ang aking braso. Wala ng dextrose at mga bags ng dugo. Tanging bulak nalang ang nakadikit kung saan itinusok ang mga karayom. "Tell me." Mas lumapit ang katawan ni Stelian sa akin. Bumuntong hininga ako, "nagising ako sa isang kulungan na may malawak na tubig na nakapalibot." Giit ko. Kumunot lang ang noo ni Stelian. "Iyong kulungan ba ay nakapatong sa malaking bato?"  Sumerysoso ang mukha niya ngunit ang boses nito ay punong-puno ng pag-aalala. Tumango ako bilang sagot. Tama ito,  nakapatong ang kulungan na iyon sa isang bata. "Kulungan iyon ng mga masasamang nilalang." Walang gana nitong wika. Nanlaki ang mga mata ko. Kung kulungan iyon ng mga masasamang nilalang ay bakit nandoon ako? Bakit ako kinulong roon? "Panaginip lang iyon, posibleng hindi mangyari." "At posible ring mangyari. Malakas ang kutob ko na magkakatotoo ang panaginip kong iyon dahil matagal ko na iyong napapaginipan." Hindi ko na napigilan ang aking mga luha dahil sa sobrang takot. Bwesit,  baka doon na ako mamatay!  "Baka napaginipan mo iyon dahil mayroon kang misyon Alexandra. Bihira lang ang nakakapanaginip sa ganoong luagr." Nahihiwagaang wika ni Stelian na nagbigay kilabot sa akin. "Ano ang ibig mong sabihin Stelian? At anong misyon?" "Ang lugar na iyon ay tanging mga patay lang na kaluluwa ng mga bampira ang nakakapasok. At hindi iyon basta-basta napapasukan." "Patay na kaluluwa ng mga bampira?" Nanlaki ang aking mga mata, "paano iyon Stelian? Isa akong tao ay hindi ako bampira. At isa pa hindi ko nanaising mapatay." May kabang namumungay sa aking puso. Diyos ko naman, ano pa ba ang mangyayari sa akin sa susunod na mga araw? "Hindi ko alam Alex. Isa lang ang alam ko, may dahilan kung bakit mo iyon napapaginipan. Kung malapit lang sana tayo sa mga diwata ay baka matulungan ka nila." "Mga diwata?" "Oo mga diwata, hindi ko sila nakikita at hindi ko rin alam kung saan sila naninirahan dahil matagal ng panahon na wala kaming balita sa kanila. At patay na rin ang bampirang nag-uugnay sa mga ito." Sa sinabi ni Stelian ay parang pinaghinaan ako ng loob. Kung ganoon ay kailangan ko lang talaga palakasin ang aking loob. Ito lang ang puwede kong mapagkukunan ng lakas sa mga panahong sarili ko lang ang aking kakampi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD