Chapter 2: Halik
“Saan si Loraine?” Medyo natatakot kong tanong. Walang ka ekspresyon-ekspresyon ang mukha nito. s**t! Ngayon ay natatakot na ako. Hindi tao ang kaharap ko ngayon! Ngayon ko lang napatagtanto na katulad ito ng description ng twilight.
“Answer me.” Sana lang ay huwag nitong mahalata kung gaano ako ka tensyonado. Hindi ko parin mapigilang matakot baka sipsipin nito ang dugo ko!
"If you want to see her, be with us."
Anong be with us? Kailangan ko pang maging halimaw upang makita ko si Loraine? Mas lalo pa akong kinilabutan. Hindi ko maatim ang uminom ng dugo at kumitil ng isang buhay.
"It seems na hindi mo gusto ang offer ko."
Tiningnan ko siya ng masama. I know may ibang paraan pa para makita ko at mailigtas si Loraine! At hindi ang pagiging bampira!
"Kailanman ay hindi ako magiging halimaw kagaya ninyo." Diniinan ko ang salitang halimaw. Iyon naman talaga ang tawag sa kanila! Mga halimaw.
"Huwag kang magsalita ng tapos, Miss Alexandra."
Kilala niya ako! Umatras pa ako lalo. Si Loraine kaya ang nagsabi rito? Sobrang napaka-imposible. Hindi niya ako ipapahamak. Lalong-lalo na sa mga halimaw na ito.
"Umalis ka na." Utos ko, sana lang ay makinig ito. Dahil kanina pa ako nangangatog at naiihi dahil sa takot.
"As you wish."
Ang buong akala ko ay maglalakad ito pabalik sa kotse nito. Halos mamatay ako sa nerbyos nang bigla itong naglaho. Napatulala ako! Isa ba itong maharlika?
Hanggang sa makaalis ang kotse ay hindi parin ako makahuma. Nakabalik nalang ako sa aking diwa nang maramdaman ko ang mainit na likido sa aking dalawang paa.
Shit! Naiihi na ako!
Halos nilipad ko na ang CR sa loob ng bahay para lang makaihi. Hayop talaga ang lalaki na iyon. Sobrang gwapo nga pero halimaw naman.
Pagkatapos kong mag-CR ay nagpalit ako ng damit. Isinara ko na rin ang shop baka bumalik pa iyon. Kahit sobrang aga pa ay isinara ko na ang mga bintana at pintuan. Kahit alam kong wala naman talaga akong kawala sa kanila kung lulusubin nila ako rito. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit gusto nitong bilhin ang bahay at shop ko? Gago yata ang bampirang iyon! Baka trip niya lang para ma-open up nito ang tungkol kay Loraine.
Kumusta na kaya ang kaibigan ko ngayon? Sana ay totoo ang sinabi ng lalaki kanina na ayos lang ito. Habang tumatagal ay parang nanganganib ang buhay ni Loraine kung saan man ito dinala ng mga bampirang muklo na iyon.
Ang higit na ikinababahala ko ay ang kapalit sa kagustuhan kong makita si Loraine. Hindi ko kayang ibigay ang kaluluwa ko sa demonyo. At isa pa hindi ko mai-imagine na dugo na ang pagkain ko. Sobrang nakakadiri!
Napailing ako sa aking sarili, sobra na yata akong makapag-isip ngayon. Para na akong over acting. Ngunit nakakabahala naman talaga ang sinabi nito. Kung sa twilight movies mukhang masarap ang dugo na iniinom ni Bella ngunit movie lang iyon. Anong malay ko na juice lang iyon. Pero ito ngayon, totoo! Totoong-totoo! Mga animal sila!
Nang maggabi ay nanatili lang ako sa loob ng kwarto. Hindi ko magawang makahiga at makatulog. Natatakot akong baka sugurin ako ng mga bampira ngayon. Naging matalas na ang pakiramdam ko at ang katahimikan sa loob ng kwarto ay nakakabingi! Hanggang sa nakatulugan ko nalang ang sobrang takot.
Nagising ako sa isang madilim na silid na kung saan wala kang makikitang kahit na ano. Maliban na lamang sa isang lampara na nagsisilbing ilaw roon.
Wala akong ibang naalala. Tila ba'y nagising ako sa isang mahabang pagtulog. Isang pagtulog na walang panaginip!
Hindi ko matandaan kung sino at ano ako. Sobrang gaan ng aking pakiramdam. Tila kaya kong magpalutang-lutang sa eri!
Tumayo ako sa aking hinihigaan. Tinungo ko ang nakasaradong pinto. Binuksan ko iyon, doon ko napagtanto na ako'y isang bilanggo!
Ang silid na aking kinatatayuan ay isang kulungan. Kulungan na kung saan nakapatong sa isang malaking bato na napapalibutan ng tubig.
Wala akong maalala, hindi ko alam kung bakit ako nandito. Sino ang nagkulong sa akin?
Napabalikwas ako ng bangon nang bumalik na naman ang panaginip ko! Halos dalawang buwan na ang panaginip na ito. Hindi ako pamilyar sa lugar at hindi ko alam kung bakit nandoon ako at nakakulong. Nakakakilabot, nakakabahala lang dahil gabi-gabi ko na itong napapaginipan!
Sobrang basa na naman ako ng pawis. Nauuhaw rin ako kaya kailangan kong uminom ng tubig. Tatayo na sana ako nang maalala ko ang tungkol sa bampira. s**t, baka nasa loob ng bahay lang iyong lalaki. Minamanmanan ako, baka paglabas ko ay lalagutan ako ng hininga.
Pinilit kong humiga ulit baka pagtulog ko ay mawala ang aking uhaw. Napapikit na ang aking mga mata ngunit gising na gising ang diwa ko. Hanggang sa tuluyan na nga akong ninakawan ng antok.
Gumising ako kinaumagahan, agad akong dumiritso sa kusina para kumuha ng tubig. Nanunuyo na ang lalamunan ko sa sobrang uhaw. Mabuti nalang at ligtas ako kagabi. Hindi ako ginambala ng halimaw na iyon.
Napagpasyahan kong hindi na muna magbubukas ng shop sa takot na balikan ako. Ang kailangan kong gawin ngayon ay manaliksik pa tungkol sa mga bampira. Kung paano ko sila mapapatay. Babalik ako sa library, marami pa akong dapat na malaman.
"Tao po."
Kumunot ang noo ko nang may tao sa labas. Naningkit ang mga mata ko. Wala akong inaasahang bisita ngayon. Hindi muna ako lumabas at sinilip ko sa bintana kung sino ito.
Si Aling Magda! Isang matagal ko nang kapitbahay rito. Nakakatawa lang dahil hindi ko pa ito nakakausap simula nong bata pa ako. Palibhasa'y hindi talaga ito taga-rito sa aming lugar.
Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang maaliwalas na mukha ni Aling Magda. Nang makita ako'y agad naman itong napangiti ngunit hindi maipinta sa mukha nito ang pagtataka.
"Hija, saiyo ba ang hayop na ito?" Tanong ni Aling Magda na may tiningnan itong kung ano sa daan. Hindi ko makita kung ano iyon dahil sa bakod ng bahay.
"Wala po akong alagang hayop." Bukod sa allergy ako ay hindi ko rin gusto na nag-aalaga ako. Hindi ako mahilig sa hayop.
Ganoon paman ay lumabas ako sa gate. Nagulat ako nang may asong nakahandusay sa gilid ng daan.
"Nasagasaan po ba ito?" Naawa ako. Wala itong kabuhay-buhay.
"Hindi ko alam nadaanan ko lang kasi ito, ang akala ko ay alaga mo." Si Aling Magda.
"Kawawa naman." Marahan akong yumuko at titinitigan ng mabuti ang aso. Nakapagtataka lang dahil itong walang kahit na anong injury rito. Ni dugo ay wala rin!
"Parang iniwan ang aso niyang rito. Kung nasagasaan yan, eh, magsisigaw iyan pero wala naman akong narinig na sigaw ng aso kagabi."
Napatayo ako ng tuwid. Tama si Aling Magda, kung nasagasaan ito rito ay magsisigaw ito at sana narinig ko iyon dahil nasa tapat ng daan ang kwarto ko.
"Teka." Gamit ang isang sanga ng kahoy ay tiningnan ni Aling Magda ang leeg nito. "Parang kinagat yata ito ng anong hayop."
"Po?" Nagulat ako.
"Tingnan mo."
Kinuha ko ang kahay na ginamit ni Aling Magda at hinawi ang balhibo. Biglang lumakas ang tibo ng puso ko nang may dalawa itong butas ng sugat. At hindi iyon basta sugat lang! Ang linis ng pagkakasugat na tila tinusok lang ng dalawang maliit na bagay.
"Sandali lang, hija. Tatawagin ko ang asawa ko at anak para maipalibing ang aso na ito."
"Sige po."
Muli kong tiningnan ang sugat sa leeg nito. Nakapagtataka, malakas ang kutob ko na may kinalaman ang gwapong lalaki kahapon. Tinatakot niya ako! Nagparamdam siya kagabi ja hindi ko namamalayan!
Dumating ang asawa at anak ni Aling Magda at agad nilang kinuha ang patay na aso. Aligaga akong pumasok sa loob ng bahay. Ano ang gagawin ko? Kung aalis ako ngayon, wala iyong kasiguraduhang ligtas parin ako. Ayon sa nabasa kong libro kahapon ay may kapangyarihan sila. At napatunayan iyon ng hayop na lalaki dahil bigla itong naglaho sa harapan ko!
Pinilit kong alisin ang pangamba sa aking isipan. Naghanda na ako ng aking almusal. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagluluto nang may kumatok sa pinto ng bahay.
Nagsitayuan ang mga balhibo ko sa katawan. Bago ako pumasok kanina ay nai-lock ko ang gate!
Pinatay ko ang apoy ng kalan at kinuha ang matulis na kutsilyo. Nagdala rin ako ng asin!
Nanginginig akong tinungo ang pinto. Hindi ko iyon binuksan, hinintay kong kumatok ito ulit.
"Hindi mo ako mapapatay sa asin at kutsilyo."
Agad akong natigilan nang magsalita ito sa aking likuran. Nakapasok ito ng bahay. Hindi ko mapigilan ang sobrang kaba. Pinapawisan na ako. Pakiramdam ko ay sasabog itong puso ko dahil sobrang lakas ng t***k.
Dahan-dahan kong iniikot ang aking katawan at tiningnan siya. Nakaitim na ito, ito ang suot ng mga halimaw nang kinuha nila si Loraine. Mas lalo pa akong natatakot, kukunin ba niya ako?
"Anong ginagawa mo rito?" Tinigasan ko ang aking boses. Itinutok ko ang kutsilyo rito.
"Para kunin ka." Sobrang lamig at brusko ng boses ng hinayupak na ito.
"Mamatay muna ako bago mo ako makuha at maging halimaw kagaya ninyo."
"Okey." Hindi ito nagpatinag sa sinabi ko. Wala yatang pakiramdam ang isang ito! Nakakabwesit!
"Sasama ka ba o hindi? Of course dahil sa ayaw at gusto mo isasama kita."
Akmang hahawakan niya ako nang maunahan ko itong saksakin sa leeg. Walang kahit na anong dugo ang lumabas rito. Ang nakakatakot ay nagawa nitong ngumiti.
"I already told you. Hindi mo ako mapapatay sa ganyan." Walang kahirap-hirap niyang tinanggal ang kutsilyo at itinapon ito. Ang sugat nito sa leeg ay biglang gumaling.
Sa sobrang takot ay napasandal ako sa pinto. Nabitawan ko ang asin na hawak-hawak ko. There's no way of scaping this monster.
Agad na nanigas ang katawan ko nang hawakan niya ang aking kamay. Sobrang lamig ng palad nito, para itong yelo ngunit hindi ito ang kinakatakutan ko. Niyakap niya ako at isinubsob sa kanyang dibdib. Naramdaman ko nalang na para akong lumulutang sa hangin! Hindi ako makagalaw sa sobrang takot at gulat. Hindi lang brusko ang lalaking ito! Mapagsamantala pa!
"We're here." Binitiwan niya ako. Agad ko itong itinulak palayo. Naningkit ang mga mata ko nang hindi ko na kilala ang lugar.
Paano kami nakarating rito ng ganoon kabilis? At kaninong bahay ito? Sobrang ganda at laki.
"Saan mo ako dinala?"
"Sa bahay ko." Ngayon ay loko na itong ngumiti. Nabuhay na naman ang kaba ko. s**t! Kung gagahasain niya ako ay sigurado akong maisasakatuparan niya iyon! Halimaw ang lalaking ito.
"Ibalik mo ako sa bahay ko." Matigas kong wika, pero gaya kanina ay hindi ito nagpatinag. Para itong baliw kung makatitig.
"Sinunog ko na ang bahay at shop mo."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito? Anong sinasabi nitong sinunog? Gago ba ito? Saan ako titira? At anong karapatan ng halimaw na ito na sunugin ang bahay ko? Baliw siya!
"Halimaw ka!" Sa sobrang galit ko ay nilapitan ko siya at pinagsusuntok ang dibdib. Paano nitong magawang masunog ang bahay ko? Iyon lang ang alaala na meron ako kina Mama at Papa! "Bwesit ka!" Napagod ako sa kakasuntok rito. Parang hindi ito tinatablan. Napaluhod ako sa harap niya at hindi ko napigilan ang aking emosyon! Napaiyak na ako.
"You wanna suck me?" Bigla nitong tanong na ikinagulat ko. Tiningnan ko ito ng masama ngunit kinindatan niya lang ako. Doon ko napagtanto na nakaharap ako sa harapan ng ano niya!
Tumayo ako sinampal siya, "bastos! Hindi kalang brusko sobrang libog mo pa! " Mabilis ko itong tinalikuran. Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Hindi ko kabisado ang sobrang laki na bahay na ito. Ang gusto ko lang ay mawala sa paningin ko ang bwesit na iyon!
"Where are you going?"
Napahinto ako sa paglakad ng bigla itong sumulpot sa harapan ko. Hindi ko siya sinagot at bumalik aking nilalakaran. Hindi lang brusko ang lalaking ito. Antipatiko pa!
"Hindi mo ako matatakasan." Sumulpot na naman siya.
Tatalikod na sana ako nang mahawakan niya ang kamay ko at mabilis akong hinila. Sa sobrang gulat ko ay hinalikan niya ang aking labi. Hindi ako agad nakahuma dahil sa ginawa nito. Masiyadong mabilis ang pangyayari. Hindi ko inasahan ang gagawin niya sa akin!
-Athapos