Chapter 1: Vampire
Hindi mga normal na tao ang nagdukot kay Loraine. Alam ko iyon, mula sa kanilang kasuotan, paano sila gumalaw at ang lakas. Nasa modernong panahon na ngayon, iyong kasuotan nila ay parang nagmula pa sa lumang panahon. Mabilis silang gumalaw na hindi mo namamalayang nakalapit na. At ang lakas, hindi ako mapapatilapon at mawalan ng malay kung normal lang sila.
Isa lang ang alam ko, nasa panganib si Loraine. Kailangan ko siyang hanapin at mailigtas ito sa kamay ng mga maligno na iyon. Malakas ang kutob ko na may kaugnayan ang pagdukot kay Loraine sa spell na sinasambit nito gabi-gabi.
Napabuntong hininga ako. Gusto kong isipin na mga bampira ang mga dumukot ngunit napaka-imposible niyon. Dapat ay ininum nila ang dugo ko o sa aking kaibigan.
Napahilamos ako ng aking mukha. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula upang hanapin si Loraine.
What if sa library? Posible kaya iyon? O hindi kaya hahanapin ko siya sa kakahuyan? Matatagpuan ko kaya siya? f**k! Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sobrang clueless ako! Hindi ko naman puwedeng i-report sa mga pulis baka hindi nila ako paniniwalaan!
Halos isang linggo nang nawawala si Loraine pero until now wala parin akong kaidi-ideya. Kailangan ko na talagang kumilos kahit walang kasiguraduhang ligtas ito sa mga halimaw na iyon!
Lumabas na ako ng bahay. Hindi na muna ako magbubukas ng flower shop ngayon mas importante ang aking kaibigan. Susubukan kong humanap ng impormasyon sa library. Baka doon may makuha ako. Pero ngunit kung wala talaga ay sa internet ako maghahanap.
Mula sa aking bahay ay nilakad ko lang ang papunta sa library. Walking distance naman ito sa aking bahay kaya ayos lang. Ang problema ko lang ngayon ay ang sobrang init ng araw! Nakalimutan kong magdala ng payong!
Pagdating ko sa library ay hindi na muna ako pumasok kasi pawis na pawis ako tapos aircon sa loob. Baka magkasakit pa ako!
"Miss, hindi ka ba papasok?" Biglang tanong nong guard sa akin.
Kinapa ko ang aking leeg at damit, mukhang natuyo na ang pawis ko, "papasok na po." Marahan akong ngumiti at pumasok na. Agad kong naramdaman ang lamig ng aircon. Masarap iyon sa pakiramdam lalo pa't galing ako sa mainit na temperatura.
Wala na akong sinayang na panahon. Sobrang lawak ng library kaya nahihirapan akong humanap ng libro tungkol sa mga legend.
May napansin akong isang babae na may hinahanap rin. Medyo may katabaan ito ay mahaba ang buhok. Nilapitan ko ito.
"Excuse me Miss, alam mo ba kung saan banda rito ang mga halimaw thing? Mga aswang, maligno o bampira." Diretsa kong tanong. Iyon naman talaga ang sadya ko rito.
"Nandoon sa pinakadulo, lakarin mo lang ito."
"Salamat." Ani ko. Sinunod ko lang ang sinabi niya.
Nang makarating ako sa pinakadulo ay napatingin sa hanay ng lumang mga libro. Napaka-luma na ng mga ito at sobrang puno ng alilabok! Napag-iwanan na ito ng panahon at hindi nililinis ang mga ito!
Nahuli ng isang libro ang mata ko, "Creatures in the Dark." Medyo na curious ako, agad kong naisip noong nawala si Loraine. Gabi nang kinuha ito ng mga halimaw!
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agad ko iyong inabot, tinakpan ko ang aking ilong dahil nahuhulog ang mga alikabok. Nang makuha ko ang libro ay nagtungo ako sa table. Walang gaanong mga tao, pinili ko ang isang table na good for two. Ayokong madisturbo ako habang nagbabasa.
Kumuha ako ng wipes at pinunas iyon sa libro. Jusko! Bakit ba hindi nila ito nililinisan! Hindi ako puwedeng makalanghap ng alikabok dahil allergic ako. Maaaring hikain ako o sipunin!
Nang malinis ko na ay agad itong binuksan! Nagtungo ako sa talaan ng nilalaman! Mainam dahil tagalog ito! Hindi ingles! Mas madali ko itong mauunawaan.
Binasa ko ang mga nakalista na title, may aswang, tikbalang, manananggal, tiyanak, mangkukulam, bampira--. Napahinto ako sa pagbabasa. Mukhang ito sa ngayon ang kailangan kong basahin. Vampire spell ang ginagawa ni Loraine gabi-gabi kaya hindi malabong bampira ang mga halimaw na iyon!
Agad kong binuklat ang pahina kung saan nandoon ang usaping bampira.
“Ano nga ba ang bampira?” Mahina kong basa. Hindi ako gaanong nagbabasa gamit ang utak lang. Mas komportable akong narirnig ko ang aking boses.
“Ang bampira ay mga nilalang na kung saan tanging dugo ang nagpapabuhay sa kanila. Maaaring tulog sila sa umaga at gising na gising kapag gabi. Sumasalakay sila sa kanilang biktima gamit ang pambihirang lakas at bilis. Gamit ang kanilang pangil na nasisipsip nito ang dugo ng tao o mga hayop. Ang bampira ay kilala bilang isang romantiko na mga nilalang, maaari silang magmahal ng isa lang o dalawang beses. Nakadipende iyon! Higit na mas nagbigay intresado sa kanila ay nabubuhay sila sa mahabang panahon, sila ay mga imortal, hindi namamatay! Walang katiyakan kung saan nagmula ang mga bampira, sinasabi ng iba na namuhay ang mga ito kasunod ng mga tao. May isang virus na lumaganap noon kaya dahilan para maging bampira ang isang tao. Sinasabi rin ng iba na may isang tao noon na ipinagkanulo ang kaluluwa sa demonyo. Ang bampira ay kilala bilang kwentong bayan, hindi totoo at gawa-gawa ng malikot na imahinasyon. May isang tao na nakapagsabi na ang bampira ay totoong mga nilalang. Namuhay sila kasabay ng mga tao. Ngunit nang dahil sa pabago-bagong modernisasyon napilitang i-sekreto ang tungkol sa kanila.”
Napahinto ako sa pagbasa. Kakaiba pala itong mga halimaw na ito. Pero if noon pa sila naninirahan hindi malabong alam ito ng mga sinaunang tao? Pero saan naman ako hahanap ng matanda? Kung mayroon man akong makitang pinakamatandang tao, wala ring kasiguraduhang may alam ito sa bampira.
Napailing ako at pinagpatuloy ang pagbabasa, “May dalawang klase na bampira, ang may kakayahan at walang kakayahan. Sinasabi nang nakakita sa mga bampira na may kapangyarihan ang mga ito bukod sa bilis at liksi. Ang wala namang kakayahan ay sila iyong normal na mga bampira na tanging bilis lang at lakas ang meron sila. Sinasabing ang mga may kapangyarihan na bampira ay galing sa isang maharlika na mga bampira. Kung saan sila ang mga nakakataas at pinagsisilbihan ng mga bampirang walang kapangyarihan. May mga bampirang malayang namumuhay na kasama ang mga tao at may mga bampira na naninirahan sa lugar kung saan sila nababagay. Sinasabing nasa mga bundok sila naninirahan. Sinasabi rin na mayroon pang isang dimensyon na sila lang ang nakakaalam kung paano makarating roon. Naiulat ang isang kaso ng bampira sa kabundukan kung saan nakita ang isang bampira na inaatake ang mga hayop.” Nagitla ko ang aking pagbabasa. Kung totoo ito, puwede akong magpunta sa kabundukan ngunit sobrang nakakatakot iyon! Baka malamig na bangkay ang aabutin ko roon. Nagpatuloy ako!
“Ang mga bampira ay likas na may matalas na pandinig. Maaaring marinig ka nila kapag nasa malapitan lang sila. At may mga bampira ring nakakarinig ng boses mo kapag malayo ka, kailangan mulang sambitin ang kanilang pangalan. Ngunit ang mga bampirang iyon ay mga maharlika lamang. Nagagawa ka nilang tingnan kahit malayo sila saiyo.”
Shit! Bigla akong kinilabutan! Dalawa ang maibibigay kong konlusyon sa nangyari kay Loraine, baka may mga bampirang umaaligid sa gabing iyon o may maharlikang nakarinig sa kanya. Nakakakilabot ang mga halimaw na iyon! Paano kung ininom ng mga ito ang dugo ng kaibigan ko! Bwesit, ayokong isipin na mga bampira sila ngunit sa nabasa ko ngayon ay nabibilang ang deskripsyon ng teksto sa kanila!
Natapos kong basahin ang tungkol sa mga bampira. Napagpasyahan kong umuwi muna, babalik ako bukas. Napagod ako sa pagbabasa kaya pakiramdam ko ay inaantok ako!
Ibinalik ko ang libro kung saan ko ito kinuha. Paglabas ko sa library ay agad kong naramdaman ang init ng paligid. Napagpasyahan kong sumakay ng taxi, kung maglalakad ako ay baka magksakit ang sistema ko.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong uminom ng maraming tubig. Inihanda ko na rin ang aking pananghalian. May marami pang oras kaya puwede pa akong magbukas ng flower shop.
Pagkatapos kumain ay nagtungo na ako sa shop! Ito ang naipundar ko sa pagiging sekretarya. Umalis ako sa aking trabaho noon dahil nakakapagod mas gusto ko itong shop dahil noon palang ay mahilig na ako sa mga bulaklak.
Nasa bahay ko lang naman ang shop kaya sobrang accessible lang. Kagaya ni Loraine ay ulilang lubos na ako. Wala na akong mga magulang. Pumunaw si Mama nong ipinanganak ako at si Papa noong High schol ako. Kaya hindi na ako nakapagtapos ng pag-aaral. Bahay lang ang naiwan nila sa akin.
Eksaktong pagbukas ko ng shop ay may lumapit na isang dalagita. Maganda ito at maputi.
“Ate, may rose kayo?” Tanong nito.
“Titingnan ko muna ha.” Meron pa akong maraming roses pero hindi ako sigurado if fresh paba ang mga iyon. Nagtungo ako sa likod ng shop. Napangiti ako ng presko pa ang mga ito. Kumuha ako ng sampung piraso para i-display sa harap.
“Ilan ang bibilhin mo?” Tanong ko at inilapag ang mga bulaklak sa isng balde na may tubig.
“Tatlo ate para I love you.” Napabungisngis siya.
Hindi ko rin mapigilang ngumiti. Nakakatuwa ang dalagitang ito. Kumuha ako ng tatlo at inayos iyon.
“Para ba to sa parents mo?”
Napailing lang ito sa tanong ko at nahihiyang ngumiti, "hindi ate, para sa boyfriend ko ang rose na iyan."
"Ang sweet mo naman." Ani ko at ibinigay rito ang bulaklak, "100 pesos ang mga iyan."
Kinuha nito ang bulaklak at ibinigay ang bayad, "salamat, ate."
"Sige." Napangiti nalang ako habang tinitingnan ang papalayong dalagita. Nakakatuwa ang mga kabataan ngayon. Sana lang ay hindi mabigo ang mga ito sa pag-ibig.
Habang naghihintay sa mga costumer ay inayos ko ang ibang bulaklak. Kinuha ko ang mga nalanta na at inilagay iyon sa likod ng shop, baka magawa pa ng mga itong maka-recover.
Napahinto ako sa aking ginagawa ng may binatilyong lumapit. Ngumiti ako rito, "ano ang maipaglilingkod ko saiyo?" Magiliw ko itong hinarap.
"Ate, tatlong roses po." Aniya.
"Okey." Agad kong inayos ang tatlong roses. Nakakatuwa lang baka girlfriend nito ang bumili sa akin kanina. "Para sa girlfriend mo ba ito?" Tanong ko.
"Oo ate, monthsary namin ngayon." Proud na proud pa ito.
"Kung gusto mo may mga chocolates ako rito, mas maganda kung samahan mo ng tsokolate ang flowers." Sulsol ko. Siympre business.
"Talaga po ate?" Mukhang na-surprise ito. Mga kabataan nga naman.
"Oo."
"Sige ate, samahan ko nalang ng chocolates."
"Sige." Nagtungo ako sa ref at kumuha ng isang kahon. "Five hundred lahat." Ani ko. At ibinigay rito ang roses at chocolates. Sandaling kumuha ito ng pera sa wallet at ibinigay sa akin ang isang libo. Kinuha ko ang five hundred sa bag at ibinigay ang sukli rito.
“Maraming salamat, ate.” Ani nito at mabilis na umalis.
Ayos! Mabuti nalang at nagbukas ako ngayon! Mukhang may kikitain ako sa araw na ito. Nagpatuloy pa ako sa aking ginagawa dahil sobrang dami pang lanta na bumalaklak. Mabuti na lamang nakabawi ako sa nagastos ko sa mga bulaklak na ito dahil kung hindi lugi ako!
Kasalukuyan kong inaabala ang sarili nang may humintong kotse sa harap ng shop. Nakatingin lang ako rito at hinintay na may bumaba. Nagbabakasakali akong costumer.
At hindi nga ako nagkamali. Biglang bumaba ang isang gwapong lalaki. Napapatitig ako habang ito ay papalapit sa shop! Sobrang gwapo niya, sobrang puti at bronze ang kulay ng buhok nito. Nalaglag ang panga ko habang nakatingin rito.
Nang makalapit ito ay parang panty ko na yata ang malalaglag. Sobrang haba ng kanyang pilik mata, makapal ang kilay, parang kulay mansanas na labi. Saan ito nagmula?
"Puwede ko bang bilhin ang shop?" Malutong nitong tanong, sobrang sarap pakinggan ang boses niya! Gosh!
"Hey, I'm talking to you." Medyo sumeryoso ang boses nito kaya nagising ako sa pagpapantasya.
"Ano nga ulit ang bibilhin ninyo?" Magalang kong tanong. Big catch rin ito! Sigurado akong mayaman ang lalaking ito. Tindig at hitsura palang ginto na!
"Bingi ka ba?" Nagpatiimbagan ito. Narinig ko pang tumunog ang ngipin niya.
"Hindi ko po narinig, sir, medyo mahina ako sa pandinig." Pagsisinungaling ko. Pero seryosong hindi ko talaga ito narinig kanina dahil na surpresa ako sa kagwapuhan niya!
"I'll buy your house and your shop." Matigas nitong wika.
Aba'y brusko yata ang lalaking ito! Naningkit ang mga mata kong tinitigan siya. Bakit naman bibilhin niya itong bahay at shop?
"Sorry po sir pero hindi ko ito binibenta." Magalang at kalmado parin ako. Costumer, eh!
"How much?"
Nanlaki ang mga mata ko. Akala siguro ng mayabang na lalaking ito ay mabibili niya ang bahay at shop gamit ang pera niya.
"Hindi po ito for sale." Nanatili parin akong kalmado. Relax Alex, costumer mo parin ang bruskong lalaking ito.
“How about your friend, Loraine?” Bigla akong nasindak at natigilan sa sinabi nito. Kilala niya si Loraine?
“Do you know her?” I asked. Baka kakilala lang ito ni Loraine. But it seems impossible, walang nababanggit ang kaibigan ko. Lalo na sa ganitong kagwapo na lalaki!
"Very well."
"What about her?" Baka may sadya ito. s**t! Hindi ko pa naman alam kung paano ipapaliwanag kung baka sakaling may nagtanong tungkol kay Loraine.
“She's okey now.” Ngumiti ito ng nakakaloko.
Sa gulat ko ay napaatras ako! Bigla akong kinilabutan!
-Athapos