CHAPTER THREE

2039 Words
Chapter 3: Mundo ng mga bampira Napatulala ako sa ginawa niya. Hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. First time kong makatanggap ng isang halik at hindi ko inakalang sa halimaw na ito. "Like it?" Bumalik ang diwa ko. Ngayon ay nakaharap siya sa akin at pilyong ngumingiti. "Hayop ka! ... ahhh." Napahiyaw akong ng madama ang sobrang sakit ng aking kamao. Sobrang tigas ng mukha niya. s**t! Ang sakit. "Hindi mo ako masasaktan." Mabilis akong napaatras nang inilapit na naman nito ang mukha niya. Sayang ang kagwapuhan nito. Halimaw na nga bastos pa! "Follow me." Aniya. Naamoy ko ang mabangong hininga nito. Hindi ito amoy ng dugo ng aso! Tumalikod ito at humakbang paalis. Nanatili ako sa aking kinatatayuan. Opportunidad ko na ito para makatakas, ngunit saan? Sa sobrang laki ng bahay na ito ay hindi ko alam kung saan ang daan palabas. "Faster." Rinig kong wika nito. Umalingawngaw pa ito sa buong bahay. Napabuntong hininga akong napasunod nalang. Wala din namang kwenta kung tatakas ako dahil masusundan niya ako. Bigla nalang itong sumusulpot. May binuksan itong pinto at pumasok roon. Nagmadali akong naglakad at pumasok na rin. Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang pagkamangha. Sobrang laki ng dining table ay ang gara ng mga gamit. Napansin ko ang isang chandelier. Luma ang design niyon ngunit kumikinang pa ito. Gaano na kaya ito katagal? "Umupo ka rito." Napatingin ako sa isang upuan na bahagya nitong hinila. Nahulaan ko na ang gagawin namin. Maga-almusal kami! Walang imik na lumapit ako sa upuan at tahimik na umupo. Umupo na rin ito sa gitna ngunit malapit lang siya sa akin. Napatitig ako sa magarang plato, kutsara at tinidor. Mayroong table cloth iyon at nakataob na goblet. Lakas maka-hotel ng bahay na ito. "Charlie." Sambit niya. Agad akong napatingin sa paligid. Kami lang naman ang tao rito. May isang lalaking lumapit sa amin. Nanggaling ito sa isang pinto. Medyo may katandaan na ito at normal lang ito kung tingnan. May dala-dala itong tray ng pagkain. Inilapag niya ito sa harap namin at binuksan iyon. Medyo nagliwanag ang dalawa kong mata ng roasted chicken iyon. Ang buong akala ko ay karne ng tao ang ihahain nito. Siyempre, what do you expect from a monster? Umalis na si Charlie ngunit tahimik parin kami pareho. Asa pa na magsasalita ako! Matapos nang ginawa niya kanina ay mas lalo niya akong ginagalit. Bumalik na naman si Charlie. May dala na naman itong isang tray at isang pitsel na kulay pula. Agad akong naalarma, huwag nitong sabihin ay paainumin niya ako ng dugo? "I'm not gonna drink that blood." Giit ko ng ilapag ni Charlie ang mga dala nito. Nagtataka ang mga itong tumingin sa akin. Nagpalipat-lipat ang mata ko sa kanila. Dugo naman iyan, diba? "Salamat, Charlie, kumain ka na rin." "Sige, Stelian...enjoy your breakfast, Alexandra." Ngumiti ito at umalis. So Stelian pala ang pangalan nito. Sobrang kakaiba at halatang noong unang panahon pa ang pangalan niya. Well, hindi na dapat pa ako magulat dahil bampira ito. Imortal sila, nabuhay na ng mahabang panahon. "Kumain ka na." Wika niya. Hindi ko iginalaw ang aking kamay. Natatakot ako baka may lason ito, may spell na inilagay para maging bampira ako. O di kaya gayuma! Napailing ako sa huli kong inisip. Talagang gayuma pa talaga ang sumagi sa isip ko? Ay basta hindi ako kakain. "Kakainin mo 'yan o ikaw ang kakainin ko?" Bigla akong kinilabutan sa sinabi nito. Tiningnan ko siya, iba na ang kulay ng mata niya. Hindi iyon pula, para iyong dilaw na may halong ginto. Iwan hindi ko ma-describe ang kulay niyon. Nakaramdam ako ng takot kaya marahan kong inabot ang kutsara. Nanginginig akong inabot ang kutsilyo para hiwain ang manok. "Walang lason iyan." Giit nito. Napansin siguro niyang nagdadalawang isip ako. Kinuna ko ang paa ng manok. Napatingin ulit ako sa kanya, hindi nito ginagalaw ang kutsara nito. Mukhang dugo ang iinumin niya. Napansin kong malapit ang pitsel sa akin at mukhang hindi nito maabot. Kinuha ko iyon ay inilapit sa kanya. "Dugo para saiyo." Ani ko na nagpakunot sa mukha niya. May mali ba sa sinabi ko? Dugo naman ang diet nila hindi ba? Pa-feeling pa itong gago na ito at hindi ko alam kung ano pa ang kinakain nila! "You really think na dugo lang ang iniinom o kinakain namin, huh." Napatitig ako rito. Anong ibig niyang sabihin? Iyon lang naman ang nabasa ko. "We eat virgin woman, the whole flesh." Tinitigan niya ako ng masama. Nagmistula na namang bouncing ball ang puso ko sa sobrang kaba. Diyos ko! Virgin pa ako! Sunod-sunod ang paglunok ko ng laway. "Please, gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong kainin." Pagmamakaawa ko. Bwesit, hindi ko pa nagawang magmakaawa sa tanang buhay ko! "Hahahaha!" Napakunot ang noo ko nang tumawa ito ng malakas. Pinaglalaruan lang ba niya ako? Yong tawa niya, nakakatakot rin! Para itong demonyo, pero ang ganda ng boses nito! Hindi parang tawa ni Hagorn sa Encantadia. "Baliw." Mahinang sambit ko. "What?" Shit, narinig ako ng halimaw. Nakalimutan kong matalas ang pandinig nito. "Wala, kakain na ako, uminom ka na rin ng dugo." Giit ko. Hindi ko na ginamit ang tinidor. Dinampot ko ang paa ng manok at kinagat iyon. Nanlaki ang mata ko ng sobrang sarap niyon at sobrang lambot. Kumagat pa ako ng isang beses. Napansin ko ang huling dinala ni Charlie. Hindi niya iyon binuksan. Mukhang para naman yata ito sa akin dahil hindi naman kumakain si Stelian. Dinala ko ang kamay ko sa takip at dahan-dahang tiningnan kung ano ang putahe. Nang makita ko kung ano iyon ay mabilis ko itong natakpan. "Its for you, ubusin mo 'yan." Gulat ko itong tiningnan. "Gago ka ba, pakakainin mo ako ng hilaw na karne." Giit ko. Napansin kong nagbago na naman ang kulay ng mata nito. Bumalik ito sa pagiging itim. Kinabahan ako, mali yatang tinawag ko siyang gago. "Hindi iyan hilaw, that red thing is a sauce." Aniya. Naglagay ito ng dugo sa goblet nito at diritsang ininom iyon. Napangiwi ako sa ginawa niya. Nandidiri ako! "Give me your goblet." "Ayoko, hindi ako bampira." Giit ko. Kumunot ang noo nito na tila hindi na naman nagustuhan ang sinabi ko. Wala na akong magagawa kung hindi niya magustuhan itong lumalabas sa aking bibig. I'm being honest. Mabuti na't malaman nito na hindi ko siya gusto at lahat ng bampira rito sa mundo. "What the hell, hindi ito dugo." "Ano iyan?" "Red wine, smell it." Inabot nito ang goblet at tinanggap ko iyon. Tiningnan ko muna si Stelian bago iyon inamoy. Nang ilapit ko ang aking ilong ay agad na pumasok ang amoy ng alak. "I told you." Napa-smirked ito at lumabas ang maputi nitong ngipin. "Akin na iyan." Hindi ako kumibo. Inabot ko pabalik ang goblet rito. Medyo nahawakan pa nito ang mga daliri ko. Hindi ako nagpahalata na mayroong epekto iyon sa akin. "Akin na ang goblet mo." Bakit ba sa tuwing magsasalita ito ay parang brusko siya. Hinawakan ko ang goblet at padabog na ibinigay rito. Punong-puno na ako sa bampirang ito. "Here." Hindi ko siya tiningnan habang kinuha ko pabalik ang goblet na may maraming laman. Napabuntong hininga ako, bigla akong nauhaw. Dahan-dahan kong inilapit ang aking bibig sa bukana ng goblet at uminom ng kaunti. Kakaiba ang lasa nito, parang ngayon lang ako nakainom ng ganito. Ngunit pinagpatuloy ko nalang. Lubha akong nasarapan dagdagan pa na malamig ito. Nagulat ako nang maubos ko iyon. "May after taste yan." Wika niya. Hindi ako kumibo. Hinintay ko nalang kung anong ang sinasabi nitong after taste. At nagpatuloy ako sa pagkain. Hindi naglaon ay may kakaiba na akong naramdamang panlasa. Totoo nga ang sinabi ni Stelian. Para akong kumain ng bakal, s**t! May tiki-tiki ba ang red wine na ito? "Wala kang tubig?" Hindi naman iyon gaanong masama. Hindi lang ako komportable. "Humans are really damn." Natatawang wika nito, "nagbasa ka na nga kahapon hindi mo pa inintindi." Giit niya. Napapatitig ako sa brusko nitong mukha. So alam niyang nagpunta ako sa library? Matagal na ba niya akong sinusundan? "What do you mean, monster?" Pang-iinsulto ko rito. Hindi parin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya. "What did you read about the vampire's diet?" "Blood, I mean vampires only take blood." Mabilis kong sagot. Siyempre natatandaan ko iyon. Hindi sumagot si Stelian sa akin. Bagkus ay loko iyong napatingin at napatitig sa pitsel na may red wine. Ngumiti ito ng nakakaloko. Nanlaki ang mga ko nang mapagtanto kung ano iyon ang ininum ko. Mabilis na bumaliktad ang aking sikmura. Napatayo ako at binuksan ang pinto kung saan pumasok si Charlie. Naabutan ko itong nagsi-cellphone. Naalarma ito nang makita ako. Nakita ko ang lababo, tinakbo ko iyon at isinuka ang aking nakain. Naisuka ko ang napakaraming dugo. Pati na iyong manok na nakain ko kanina. Mabilis akong nandiri. "Ayos ka lang, Alexandra." Biglang tanong ni Charlie. Hindi ko siya sinagot, pinilit ko pa ang aking sistema na isuka pa ang aking nakain at nainom. "Hayaan mo siya, Charlie." Si Stelian. Sumunod ang gago. "Hindi ba nagustuhan ni Alexandra ang luto ko?" "No, ininom niya ang dugo ng aso." Mas lalo pa akong nandiri nang malaman kung kaninong dugo iyon! Bigla kong naalala ang patay na aso kanina. Parang gusto ko nang ilabas ang bituka ko! Paano niya nagawa ito sa akin. "Alexandra, hindi iyon dugo ng aso. Medyo sosyal ang dugo na iyon." Si Charlie. Lumapit ito sa akin para magpaliwanag ngunit wala parin itong nakuha na responde galing sa akin. "Dugo iyon ng unggoy." Dagdag ni Charlie. Shit! Hindi ko na alam ang gagawin ko! Parang gusto ko nang hiwain ang tiyan ko para lumabas ang mga dugo na nainom ko. Kahit ano pang dugo iyon! Ang point is, nakakadiri. "Hindi talaga iyon dugo, Charlie, mukhang mali ang na-prepare mong inumin." Wika ni Stelian. Hindi parin ito umaalis. Medyo na nahimasmasan ako sa sinabi nito. Kung hindi iyon dugo ay red wine talaga iyon. "Anong ibig mong sabihin, Stelian?" Naguhuluhan si Charlie. "Ang gawa mo iyong red wine na nilagyan mo ng iron powder." Kaya pala may after taste itong bakal. Gamit ang damit ko pinunasan ko ang bibig ko. Hinarap ko silang dalawa. "Ganoon pala, Stelian. Mabuti nalang at iyon ang nadala ko, kung hindi baka tuluyan nang nainom ni Alexandra ang dugo ng unggoy." "Puwede bang iuwi niyo na ako." Giit ko. Kaya natigilan ang dalawa sa akin. Galit ko silang tiningnan. Bwesit, pinagtutulungan nila ako! "Hindi kana uuwi, dito ka titira kasama kami ni Charlie." Malamig na naman ang boses ni Stelian. Bipolar ba ang bampirang ito? "Tingnan mo ito, Alexandra." Ibinigay ni Charlie ang cellphone nito. Nakabukas ang f*******: nito. Naningkit ang mga mata ko sa isang larawan na may nasusunog na bahay. Napahawak ako sa aking dibdib ng bahay ko iyon. Totoo ang sinabi ni Stelian. Ang masaklap pa ay wanted na ako. Dahil may nadamay na bahay. Sinasabing sinadya kong sunugin ang bahay. Maluha-luhang tiningnan ko si Stelian, "masaya ka na? Bwesit ka! Anong ginawa ko saiyo?" Hindi ko na talaga mapigilan ang galit ko rito. Wala na akong pakialam kung sasaktan niya ako o patayin sa harap ni Charlie. Galit na galit ako! "Dalhin mo na siya sa kanyang magiging kwarto, Charlie." Utos ni Stelian at biglang itong naglaho. Agad akong napanghinaan ng loob. Wala akong nakuhang sagot. Ibinalik ko ang cellphone kay Charlie. "Sumunod ka sa akin, Alexandra." Wala na akong pamimilian mukhang kailangan ko munang manatili rito. Sinadya talaga ni Stelian na sunugin ang bahay ko para dito na ako titira. Tiyaka ko na pag-iisipan ang pagtakas. Sumunod ako kay Charlie. Tahimik itong naglalakad. Napapansin ko sa kanya na wala itong description ng pagiging bampira. Mukhang tao ito! Ngunit bakit nandito siya? Bihag rin ba ito ni Stelian? "Nandito na tayo." Binuksan ni Charlie ang isang pinto at tumagilid siya para bigyan ako ng daan. Napanganga ako nang makita ang loob ng kwarto ko. Triple yata ito sa laki ng kwarto ko. Sobrang laki. "Maiwan na kita, Alexandra." Isinara ni Charlie ang pinto at mabilis ko iyong nai-lock. Patingin-tingin ako sa buong paligid ng silid. May malaking cabinet, sobrang laki ng kama at ang linis. Wala iyong gaanong desenyo ngunit napaka-pleasing nitong tingnan. Natukso akong lumapit sa kama at umupo roon. Na-surprise ako dahil sobrang lambot nito. Mas malambot pa sa kama ko. Ngunit nakapagtataka lang, humihiga ba ang mga bampira? Sa napapanood ko sa Twilight wala namang kama si Edward. Inirapan ko lang ang iniisip ko. Baka iba lang iyon, may marami pa akong hindi alam tungkol sa mga bampira at iyon ang aalamin ko. Mula sa pagkakaupo sa kamay ay napansin ko ang malaking kurtina na kulay asul. Sobra akong na-curious. Baka may malaki itong bintana sa likod ng kurtina. Tumayo ako at lumapit sa kurtina. Agad ko iyong hinawi. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang labas ng bahay na ito. Nasaan ako? -ATHAPOS
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD