PROLOGUE

705 Words
"Blood red pale skin,  moonlight draw me in,  quinch my thirst,  cursing veins, let my body feel no pain!" Napailing ako sa mga isinasambit ni Loraine! Bwesit talaga ang babaeng to! Puro nalang bampira ang nasa bibig! Wala nang nagawang matino! Nakapanood na ako ng Twilight but damn! This woman was so outdated! Nawala na nga ang covid-19! Bampira parin ang nasa isip nito! s**t! Ito yata ang new normal niya ngayon! "Blood red pa---hmmmm." I cut her out. This girl is f*****g s**t. I cover her mouth! "Ano ba Alex!" Alexandra for long! Naiinis niya akong iniripan. Bumalik na naman ito sa pagpikit ng mata. "Ano kaba Loraine,  nasa 21st century tayo,  naniniwala ka pa ba diyan?" Naiinis na ako sa babaeng ito! "Shhh,   just shut up your f*****g mouth." Aniya. Sa inis ko ay lumabas ako kwarto niya. Takti,  gabi-gabi nalang itong baliw! Nagsisisi akong binigay ko sa kanya ang pirated na DVD ng Twilight! Napaupo ako sa sofa at nakatutok sa bintana. Sobrang dilim sa labas. Palibhasa hindi nito pinalagyan ng ilaw sa labas para raw may mga bampirang lalapit. Nababaliw ang nag-iisa kong kaibigan. Habang hinihintay siyang matapos sa kanyang kabaliwan ay bigla akong napalingon sa aking likuran! Tila may kung anong lumagpas na malamig na bagay. Tumayo ako at bigla akong kinilabutan. Napatingin ako sa curtain,  bahagya itong gumalaw,  nagtataka ako dahil wala namang hangin rito sa loob. At nakasara din ang bintana kaya malabong may hanging makakapasok. "Sino iyan?" Tanong ko. Ngunit walang sumagot. Dahil sa takot ay bumalik ako sa kwarto ni Loraine. Nanlaki ang mga mata ko nang may tao sa likuran ni Loraine! "Ahhhhh!" Sigaw ko! Mas lalo pa akong natakot nang biglang naglaho ang tao! "Bwesit ka talaga,  Alex!" Inis na inis na wika ng kaibigan ko. Napaupo na ako sa sahig! Niyakap ko ang dalawang tuhod ko. Hindi ako maaaring mamalik mata. Totoo iyong nakikita ko! "Hoy,  anong nangyari saiyo?" Hindi ko magawang masagot si Loraine. Nanginginig na ako sa sobrang takot! "Alex? Are you okey? Damn,  Alex,  huwag kang magbiro ng ganyan." Takot na takot kong tiningnan siya. Para na itong naiiyak habang pinagmamasdan akong takot na takot. "Tell me anong nakita mo?" "Ma-ma-mayyy,  ta-tao kanina sa likod mo." Nanginginig at garalgal kong wika rito. "Damn,  Alex,  huwag ka namang magbiro ng ganyan." Natatakot na ito,  alam ko! Pero hindi talaga ako maaaring magkamali. Nakaitim ito,  diko nakita ang mukha dahil may hood na nakatakip sa ulo nong tao! Ang ikitakot ko pa ay bigla nalang itong naglaho! Napatigil ang aking pangingnig nang marinig naming umawang ang pinto sa labas. Nagtinginan kami ni Loraine sa isa't-isa. Takot na takot kami. "Alex,  natatakot ako." Aniya. "Ako din naman gaga ka,  kahit ano nalang kasi ang mga pinagagawa mo." Giit ko rito! Mas natigilan pa kami nang marinig ang mga yabag sa labas. s**t! May mga tao sa labas. Pero sino? Nag-iisa lang si Loraine sa bahay na ito! Wala na itong pamilya! Napatingin ako sa doorknob ng pinto. Inabot ko ito at ini-lock. Tahimik kami at parehong nakiramdam. Papalapit sa kwarto ang mga yabag. Napaatras kami bigla nang gumalaw ang doorknob. "s**t,  Alex... natatakot na talaga ako, promise." Akala siguro ng babaeng ito ay hindi ako natatakot. Nangangati na ang mga paa ko. Gusto ko nang tumakbo! Para lang kaming mga timang. Hinintay naming bumukas ang pinto! Alam kong marami sila sa labas! "Dalawa sila sa loob. Kukunin ba natin sila?" Nagtinginan na naman kami ni Loraine. Sa mga sandaling ito ay nagyakapan na kami! May mga tao nga sa labas! "Kunin mo ang nagbigkas ng ritwal." Shit! Kukunin nila si Loraine! "Alex, I change my mind,  di ko na gusto ang mga bampira." Aniya habang yakap-yakap ko. It's too late anymore! Bigla nalang bumukas ang pinto. Gulat na gulat kaming napatingin sa mga taong naka-hood. Para silang mga mormons. Diko makita ang mukha nila. "Alex,  natatakot na ako." Umiiyak na si Loraine. "Sino kayo?" Matigas kong tanong. Kahit takot na takot ako hindi ko pinapakita sa mga ito. "Get the other woman." Utos nong hindi ko kilala. Humigpit ang yakapan naming dalawa. Mas lalo pa akong natakot nang may lumapit sa amin. Sobrang bilis nilang gumalaw. Ilang saglit pay nakuha nila si Loraine. "Alex,  tulungan mo ako!" Tumayo ako para mahawakan ang kamay ng kaibigan ko ngunit napatilapon ako nang may malakas  na sumipa sa aking tiyan! "Alex!!" Iyon ang huli kong narinig na sigaw ng ni Loraine! Nawalan na rin ako ng malay dahil sa sobrang lakas ang pagkatilapon sa akin. Hindi sila mga normal na tao!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD