CHAPTER SEVEN

2638 Words
Chapter 7: Charlie and Denrek Matapos ang sandaling usapan namin ni Stelian ay umalis na ito. Naiwan akong mag-isa sa kwarto. Umalis ako sa kama at nagtungo sa bitana. Hinawig ko ang kurtina at napangiti ako nang nasa mundo nga kami ng mga tao. Ang mga puno ay may buhay na. May mga bahay na rin sa hindi kalayuan. May mga normal na tao akong natatanaw. Naglalakad ang mga ito. "Ito ang hinahanap ng aking mga mata sa sandaling panahon na namalagi ako mundo ng mga bampira." Wika ko sa aking sarili. Mas lalo pa akong nasiyahan dahil sa kulay ng ulap. Sobrang ganda ng araw ngayon. Hanggang kailan kaya kami mamalagi rito? Nakakasiguro akong mukhang sandali lang aming pagtira sa mundo na aking kinagisnan. Aalis at aalis ako rito kasama kina Stelia. Lalo pa at may naghahanap sa amin. Sa oras na may makaalam na mga bampira na nandito ay siguradong aalis kami kaagad. Panibagong lugar ulit ang aking masasaksihan. Medyo matagal-tagal akong nakadunga sa labas. Napagpasyahan kong lumabas sa kwarto. Hinanap ko kaagad sina Denrek ngunit wala sila. May kalakihan rin itong bahay gaya nong bahay ni Stelian sa mundo nila. Umagaw sa aking paningin ang isang pintoan na nasa labas niyon ay isang terrace. Alam ko iyon dahil trasparent ang dingding sa gilid ng pinto. Humakbang ako palapit. Nang nasa tapat na ako bigla akong nag-atubiling buksan ang pinto. Paano kong maamoy ng mga masasamang bampira ang aking dugo? Baka another panganib na naman iyon sa buhay ko at maging sa aking mga kasamahan rito. Bumuntong hininga ako, gusto kong makalanghap ng sariwang hangin dahil hindi ko pa iyon nagagawa simula nong dukutin ako ni Stelian. Kahit na gustong-gusto ko man ay pinili ko nalang na huwag buksan ang pinto. Mas mahalaga ang kaligtasan ko. Nasa ikalawang palapag pa ako kaya minabuti kong bumaba. Narinig ko sa may kusina ng bahay ang mga tawanan. Agad kong nakilala ang mga boses na iyon. Kay Charlie at Denrek. Sa kanila lang ang nakilala ko. Sa tingin ko’y wala si Stelian. Lumapit ako sa kanila. Naabutan ko silang may iniinom na wine. Iba ang kulay ng wine na ininom ni Charlie at ang kay Denrek naman ay dugo iyon. Medyo nagulat sila nang makita ako ngunit ngumiti rin kalaunan. Lumapit ako sa kanila at tumabi ng upo sa mga ito. Kahit papaano ay nakukuha na nila ang aking loob kahit mayroon paring pangamba sa aking puso. Hindi ako puwedeng magpakampanti sa mga ito dahil mga halimaw sila. At puwede nila ako gawing biktima anong oras man nilang gusto. “Nagutom ka ba, Alex?” Tanong ni Charlie sa akin matapos tumungga ng alak. Tumango lang ako bilang tugon. Mukhang mahaba yata ang naging tulog ko nang dahil hindi ko namalayan kanina na tinanggal ang dextrose sa aking katawan. Tumayo si Charlie at may kinuha itong pagkain sa pinaglutuan nito. Tumingin ako kay Denrek, medyo nailang ako nang nakatitig pala siya sa akin. Hindi ako sanay kapag may tumitingin sa akin. “Kumusta ang pakiramdam mo, Alex?” tanong niya sa akin habang hindi inaalis ang tingin sa aking mukha. Suminghap ako bago sumagot sa kanya, “ayos na ako, malakas na.” Tipid akong ngumiti rito. Hindi pa ako sanay, bago ko palang ito nakilala. “Saan nga pala si Stelian?” Hindi ko kasi ito nakikita ngayon. "Maraming salamat uli Alex sa ginawa mong pagligtas sa akin." "Naku, Denrek, wala 'yon." Kanina pa siya panay pasalamat sa akin gayong masaya naman ako sa aking ginawa kahit nakakatakot 'yon. "Teka, saan si Stelian?" Muli kong tanong dahil hindi nito sinagot ang una kong tanong sa kanya. Bahagyang ngumiti si Denrek at tumungga ng dugo, “mayroon siyang inasikaso, do not be worried, babalik ang prince charming mo.” Kumindat siya sa akin at lumaki ang kanyang ngiti. May kung anong kaba akong naramdaman nang banggitin ni Denrek ang salitang prince charming. Wala nga akong gusto sa bampirang iyon, prince charming na? Isa pa may kasalanan parin sa akin si Stelian. Sinunog nito ang bahay ko na tanging alaala nina Mama at Papa sa akin. Doon na ako lumaki! “Ito ang pagkain mo, Alex.” Inilapag ni Charlie ang dalawang pinggan ng pagkain. Sa isang plato ay may kanin sa isa naman ang dalawang klase ng ulam. Sa tingin ko’y sweet and sour fish ang isa at ang isa naman ay fried chicken. "Maraming salamat, Charlie. Muli ko na namang matitikman ang masarap mong luto." Isa iyong compliment para kay Charlie dahil totoong sarap na sarap ako. "Naku, masaya nga ako dahil sa wakas may makakatikim sa aking mga putahe, eh. Eh, hindi naman kumakain sina Denrek at Stelian ng kagaya sa kinakain mo." "Naku, ang swerte ko naman pala. Pero huwag mo akong sanayin baka di na ako kakain pa ng ibang luto." Birong-biro ko si Charlie at mukhang successful naman iyon dahil ang tamis ng kanyang ngiti na ibinibigay sa akin. "Ay, sos kailangan mo na talagang masanay magmula ngayon Alex kasi kami na ang makakasama mo." Minsan ay patingin-tingin si Charlie kay Denrek wari'y may pinapahiwatig ito. "Oo nga, eh. Sa tingin ko kailangan ko talagang magpakabait sainyo." Dahil kung hindi baka lapain nila ako. Naging masaya ang pakikipag-usap ko kay Charlie habang si Denrek naman ay panay tungga lang ng dugo. "Kumain ka na bago paman lumamig 'yan." Natatawang wika ni Charlie sa akin sabay tungga ng kanyang alak. "Sige-sige." Tahimik akong kumakain sa harap ni Denrek at Charlie. Hindi ko alintana ang mga mata nilang nakatingin lang sa akin. Naramdaman ko iyon dahil hindi na nagawang magkwentuhan ng dalawa. “Ituloy ninyo ang kwentuhan ninyo kanina. Huwag ninyo akong intindihan.” Tipid akong ngumiti sa kanila at bumalik sa pagkain. Wala namang kaso iyon sa akin lahit isang boy thing pa na topic. “What if kung sumali ka nalang sa amin.” Si Denrek. Napahinto ako sa pagsubo at tumingin sa kanya. Hawak-hawak pa rin niya ang goblet na may dugo. “Maganda nga iyon, Denrek.” Si Charlie at lumipat ang tingin ko rito. “Sigurado kayo?” Parang nagdadalawang isip ako. Ano naman ang pag-uusapan namin? Wala pa akong gaanong alam sa mga bampira, sa mundo ng mga ito. At baka hindi ako makasabay sa kanilang dalawa. At kung magtatanong naman sila tungkol sa mundo ng mga tao ay sigurado naman akong may marami pa silang nalalaman kesa sa akin. “Oo naman.” Ngumiti si Denrek. “Ano ang pag-uusapan natin?” Curious kong tanong. Wala akong kaidi-ideya. “Ganito nalang, tutal magkakasama pa tayo ng matagal, tungkol nalang sa mga buhay natin ang ating topic.” Excited si Charlie. Kumuha pa ito ng alak at inilagay sa wine glass nito. Tama si Charlie. Mukhang maganda nga kung buhay namin ang pag-uusapan. Wala naman dapat akong itatago. Walang excitement ang buhay ko. Ngunit itong dalawa, sigurado akong may makukuha akong impormasyon sa mga ito. “Game ka ba, Alex?” Si Denrek. Ngumiti ako ng matamis para iparating sa dalawa na handa ako sa aming pag-uusapan. Medyo na excite ako. Hindi ko alam pero interesado ako ngayon, lalo na kay Denrek. Bampira ito at sigurado akong matagal na itong nabubuhay. “Game na game ako.” Ani ko at isinubo ang isang kutsara ng pagkain na kanina ko pa gustong nguyain. Napangiti silang dalawa, napangiti na rin ako. Nakakahawa ang ngiti ng mga ito. “Dahil ikaw ang nakaisip nito, Charlie, mauna kang magkuwento.” Si Denrek. “Okey, okey.” Wala ng patumpik-tumpik pa si Charlie. Humugot siya ng malalim na hininga at nagsimula na ito, “isa akong immortal na tao. Hindi bampira at hindi halimaw.” Kinindatan nito si Denrek. Binibiro niya ang binatang bampira. Mukhang maganda nga ito na topic. Hindi ko alam na may mga immortal na tao. Nakakamangha! “Ang tawag sa amin ay Athapos, mga immortal human being. Atha from Athanasius male name for immortal and Pos para anthropos means human. Ang mga Athapos ay puro lalaki, walang babae iyon ang alam ko. Kasabay kaming naninirahan ng mga bampira at iba pang mga nilalang kasama na doon ang mga tao. Sinasabing kaya kami nabuhay upang maging kaagapay ng mga bampira. May dugo kami ngunit nalalason ang sinumang uminom nito. Kaunti nalang kami dahil ang mga kagaya kong Athapos ay umibig sa mga mortal na babae. Sa oras na umibig ang kagaya ko sa mortal ay magiging mortal rin kami. Hindi kami dumarami dahil wala namang Athapos na babae, unti-unti nang nauubos ang mga Athapos. Nakilala ko si Stelian noong bata pa ito. Nasubaybayan ko siya habang siya’y lumalaki. Nang pinaslang ni Leon ang mga magulang ni Stelian ay nangako akong aalagaan ko siya. Maging ako ay hindi ko rin alam kung saan ako nagmula. Nagising nalang ako na ganoon, wala akong ibang maalala. Haggang ngayon, palaisipan parin ang aming mga pinagmulan.” Mahabang kuwento ni Charlie. Mas lalo akong namangha sa kanya. Hindi ko alam na may mga nilalang na kagaya sa kanya. Napamahal na siguro ito kay Stelian dahil hanggang ngayon ay nandito parin ito sa tabi niya. At ang Leon na iyon, mukhang may malaki itong kasalanan kay Stelian! Bakit nagawa nitong pumaslang ng iba? Mas lalo akong na-excite sa Leon na iyon! Sa tingin koy sobrang tagal na talaga nilang naninirahan sa mundo. “Ikaw naman Denrek.” Saad ni Charlie at napatingin kami sa kanya pareho. Tumingin muna sa amin si Denrek bago ito magsimula ng kanyang kwento. “Tao ako ako noon when Leon turned me into a beast. He kidnapped humans to form an army against his enemies. But hindi naging kakampi ang tingin ko kay Leon. Malaki ang galit ko sa kanya dahil ginawa niya akong bampira, bago paman ako makalayo sa kanyang kamay ay marami na akong napatay. Tinakot niya ako, gagalawin niya ang aking pamilya sa oras na hindi ako sumunod rito. Naging kalaban ko pa noon si Stelian at mga kasamahan nito. Until my family get old, namatay na sila tiyaka palang ako naglakas ng loob tumiwalag. Sobrang dami kong pinagdaanan. Ang buong akala ko noong makawala ako kay Leon ay magbabago na ang buhay ko. Ngunit ever since ang mga alipores lang ni Leon ang aking nakakasalamuha. Nakikita ko lang siya paminsan-minsan at may inuutusan lang siya at kami ang gumagawa sa kanyang mga utos. Napakailap niyang nilalang ngunit di pa rin iyon excuse para hindi mamuhi sa kanya. Mula non ay pinili ko nalang munang manahimik. I met this woman, a mortal. I loved her and she loves me too. Because I betrayed Leon, he killed her, may inutusan siyang ipapatay ang mahal ko. Sobrang walang-wala na ako, I even killed innocent vampires because of hatred. Ang galit ko kay Leon ay nailabas ko sa mga nasasakupan nitong bampira. One day I realized hindi ko dapat dinaramay ang mga kagaya kong biktima lang ni Leon. Simula noon wala na akong matirhan, walang malapitan. Lahat iniiwasan ako, kinamumuhian ng mga kagaya kong bampira. Takot sila sa kapangyarihan ko. Hindi ko alam kung saan na ako pupunta. Hindi ko matagpuan ang direksyon ng aking buhay. Hanggang sa may makilala akong bampira na babae. She tried to comfort me, pinaparamdam niya sa akin na I’m not alone. Then I found out inutusan lang siya ni Leon para kunin ang kapangyarihan ko. Nagpakalayo-layo ako. Until Stelian found me, tinuring niya akong nakababatang kapatid. Pinatira niya ako sa bahay niya hanggang sa magkakampi kami. We both want revenge kay Leon, papatayin namin siya. May mga nakilala kaming mga bampira, may mga kapangyarihan. They were living at the very side of Vampire World. Kung saan walang nakakaalam sa kanila. We found them noong naghahanap pa kami ng mga kakampi. Nakuha naman namin ang kanilang loob kahit medyo nahirapan kami nong una. Handa silang tumulong sa amin. And they are coming soon.” Labis na nakinig talaga ako kuwento ni Denrek. Hindi ko alam na may ganoon siyang pinagdaanan. Ang mga hinagpis nito ay talagang gawa pa ng Leon na iyon. Sobra akong naawa sa sinapit nito. “Ilang taon ka na noong ginawa kang bampira ni Leon?” Hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Kasi sobrang bata pa talaga niyang tingnan. “Seventeen.” Naitaas ko ang aking kanang kilay. Sobrang bata pa nga nito, minorde edad nang gawin siyang bampira ni Leon. Nakikita ko sa mga mata ni Denrek ngayon ang galit. Mukhang bumabalik ang sakit na nararamdaman niya ngayon, lalo pa’t nagkwento ito sa amin. Kasaklap-saklap! “Ikaw naman Alexandra!” Baling ni Charlie sa akin. Bigla nalang itong naging masigla. Binabago niya ang malungkot na atmosphere na bumabalot sa amin ngayon. Tumingin silang dalawa sa akin at nakahanda nang makinig. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula ngunit bahala na. Kahit ano nalang, basta may masabi ako sa kanila. Sobrang unfair kung hindi ako magku-kwento sa dalawang ito. “Bata pa ako nang mamatay si Mama kaya lumaki ako kasama si Papa.” Napahinto ako. Ayoko na sanang balikan pa ang mga alaala ko noon dahil bumabalik lang ang sakit. Lalong-lalo na sa ginawa ni Papa para mailigtas ako. “Noong high school ako, nagkasakit ako sa puso.” “You mean heartbroken?” Biglang sapaw ni Denrek. Napatawa ako sa ekspresyon ng mukha niya! Kung titingnan ko siya ay parang kapatid ko lang ngunit matanda pa ito sa akin. Matanda na matanda! “Hindi.” Giit ko, “may heart disease ako. Naghanap na kami kung sino ang puwedeng magiging donor ng puso ngunit hindi kami makahanap. Hanggang dumating ang araw na kailangan ko na talagang salinan ng ibang puso dahil nagiging komplikado na ang lahat. Kapag pinatagal ko pa ay baka hindi na kakayanin ng katawan kong mag-heart transplant. Nagsinungaling si Papa sa akin. Pinaniwala niya akong may donor na ng puso. Sobrang saya ko non, dahil sa wakas ay gagaling na ako at makakasama ko pa ang mas matagal ang aking ama. Hanggang sa natapos ang operasyon. Si Papa ang una kong hinanap. Nalaman ko nalang nawala na si Papa. Ibinigay niya ang puso niya sa akin para mabuhay ako.” Hindi ko namamalayang nag-uuanahan na pala ang aking mga luha na lumabas sa aking dalawang mata. s**t! Ipinangako ko noon na hindi ko na iiyakan ang mga nangyari ngunit heto ako ngayon parang timang. “Noong tinapos ko ang aking pag-aaral sa high school doon ko na naging pamilya si Loraine, kagaya ko ay wala na rin itong pamilya.” Napahinto ako sa pagku-kwento nang kumuyom ang kamao si Denrek. “Kaya siguro sobrang close ninyo ni Loraine, ano?” Si Charlie. Ngumiti ako ng matamis, “magkasundo kami sa lahat ng bagay.” Bigla kong na-miss ang gagang iyon. Kahit papaano ay may kasalanan ako. Kung hindi ko ito pinapanood ng Twilight ay hindi ito magkakandarapa na maging bampira. Kaya heto ngayon ang gaga! Nasa mga kamay ni Leon. “Sandali lang.” Napatingin silang dalawa sa akin, “posible kayang gagamitin ni Leon si Loraine para maging armas nito laban sa atin?” Pero sobrang impossible naman iyon. Ako lang naman ang may koneksyon kay Loraine. Sabi ng mga ito ay gagamitin nila si Loraine laban sa akin. Ito ang gusto kong malaman, bakit sa akin? Wala akong kapangyarihan at hindi rin ako bampira. Ngunit bakit? Hindi sila kumibo. Nagtinginan silang dalawa. Alam ko na the moment na sasagutin nila ang tanong kong iyon ay kukulitin ko lang sila kung bakit ganoon? Kung bakit gagamitin ni Leon si Loraine? “Alam ko namang hindi ninyo sasabihin sa akin kung ano ang dahilan kung bakit nandoon ngayon si Loraine kay Leon at kung bakit ako dinukot rin ni Stelian. Alam kung may alam kayo na hindi ko nalalaman.” Diretsa kong wika sa mga ito. “Masiyado pang maaga para malaman mo ang lahat Alex. Hindi mo maiintindihan kung ngayon namin sasabihin. Gugulo lang ang isipan mo at magiging komplikado ang lahat.” Seryosong wika ni Denrek. Hindi nalang ako kumibo kahit kating-kati na ako. “Iba nalang ang itanong mo sa amin, Alex.” Si Charlie. Tumingin ako sa nakangiti niyang mukha. Sandali akong nag-isip kung ano ang possible kong itanong. Hanggang bigla nalang sumagi sa aking isipan si Stelian at Leon. Tama! “Puwede niyo ba akong kwentuhan tungkol sa buhay ni Stelian at Leon?” Bahagya akong ngumiti sa kanila. At nagtinginan na naman ang mga ito! Kaagad kong nahulaan kung ano ang kanilang iniisip. Palipat-lipat ako ng tingin sa dalawa. Hinihintay ko kung sino sa mga ito ang magsasalita at maaaring magkwento sa akin. Lumipas ang ilang segundo ngunit wala akong natatanggap na responde sa kanilang dalawa.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD