HALOS kumawala ang puso ni Kara nang makarating sa lugar kung saan niya hihintayin ang papa niya. Walang pinagbago ang ilaw, patay-buhay pa rin. Gusto niyang maglaho dahil natatakot na siya. Ayaw niya ng ganitong klaseng senaryo. Ngunit wala siyang nagawa kundi ang manatili sa kinatatayuan. Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Kara. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at sinubukang tawagan ang papa niya ngunit sakto namang nawala ang signal. Inis siyang napapadyak. "Lord, don't do this to me," halos mangiyak-ngiyak niyang anas habang pilit na pinapalakas ang loob. Sunod-sunod ang paglunok niya, animo'y bawat segundo ay natutuyo ang lalamunan niya. Wala pa ring nadaang kahit anong sasakyan, kung mayroon mang dumaang taxi, sasakay na lang siya kaysa hintayin ang papa niya. Ganoon