"CHARLES, why? Why did you leave us? Masyado pang maaga para mawala ka sa amin. You promised, 'di ba? You promised me that you would not leave me. You promised me that you would stay by my side until our last breath. You promised me, Charles..." Gage couldn't handle the pain. Imbes na manatili pa sa loob ng morgue, mas minabuti na lang niyang lumabas at umupo sa upuang nasa labas. Mula sa mga mata niya, unti-unting lumabas doon ang mainit na luha. Noong una'y hindi pa siya naniniwala na wala na talaga ito, pero ngayong nakita na niya ang malamig nitong katawan, wala na siyang nagawa kundi ang maniwala. Patay na talaga ang daddy niya. Patay na ang lalaking minsan na niyang kinainisan. Patay na ang lalaking isa sa mga taong nag-aruga sa kaniya. It hurts him. Parang nagunaw ang mundo ni Ga