HINDI siya nakaimik. Hindi siya lasing pero parang iba ang utak niya ngayon. Medyo na-o-offend siya sa sinabi nito. He loves his work as a driver at hindi niya iiwanan ang trabahong iyon. Hindi siya napipilitan dahil simula nang isipin niyang mabuhay ng simple, isinama na niya iyon, na magkaroon ng trabahong hindi hamak na mababa kaysa sa pagiging CEO. Well, at least hindi siya napapagod sa pagda-driver, minahal pa nga niya, e. And Sebastian is wrong, sinong hangal ang magsasabi na ang pagiging taxi driver ay hindi makakabuhay? Nabuhay nga siya nito kahit may pera naman siya sa bangko niya. Buwan-buwan, nagkakalaman iyon at ang mommy niya ang naglalagay doon. Pero hindi niya ginagalaw ang perang iyon dahil kapag talagang kailangan na niya, saka lang niya gagalawin. "I love my work, Sebast