Chapter 6

2214 Words
Sinco POV "BAKIT kailangang ilagay na no criminal records? Sa pangit mong 'yan pati ba naman utak mo kinakalawang na rin, ano ba naman 'yan Sais." Nayayamot kong sita matapos kong basahin 'yong ginawa niya. "Anong connect ng kinakalawang na utak sa pangit? Ikaw talaga maisingit mo lang talaga ang panglalait sa'kin e." Sabat niya at padabog na tumayo. "Bakit nga kasi pati criminal record?" Ulit ko. "Sige matanong kita, gusto mo ba ang ipakilala mo kay mommy ay magnanakaw? Mamamatay tao? Akyat bahay? Mandurukot? Ex-convict?" Tinaasan niya pa ako ng kilay na tila nanghahamon samantalang ako ay pinaningkitan siya. "Ang OA mo wala naman sigurong babaeng gan'on." Grabe naman. "Yan kasi mani lang nila ang gusto mo kaya hindi mo alam ang realidad na moderno na ang panahon at pati mga babae ngayon kayo nang gawin lahat ng ginagawa ng mga lalaki." Aniya. "O sige tama ka na pero bakit nilagyan mo nitong dapat virgin at nakacapslock pa talaga." Ngumisi naman siya ngayon, may saltik talaga 'to. "Para hindi mo makasex, ayaw mo sa virgin diba para walang hassle? Material wife ang hanap natin dito at hindi ko naman sa nilalahat pero para sa akin sa gan'on natin makikita kong tamang babae ang makukuha natin." Doon ako napatango tango, tama siya ayaw na ayaw ko sa birhen lalo kung libog lang ang meron ako at walang pagmamahal dahil ayokong ako ang unang makakasira ng pagiging pure ng kahit sinong babae. Aminado akong mahilig ako sa s*x pero may konsensya ako. "So paano natin malalama na virgin? Kakalikutin ba natin?" Papayag kaya ang applicant? Of course, oras na makita nila ang napakagwapo kong mukha alam kong kusa nilang ibubuka mga hita nila. "Kumalma ka, naloloka ako sa kakalikutin ano ang tingin mo sa perlas ng mga babae sirang radyo?" Sabay kaming natawa minsan lang talaga nagiging gwapo sa paningin itong kapatid ko e. Madalas kasi ang pangit niya pa rin. "Ipapadoctor natin." "Sayang akala ko tayo ang kakalikot." Nagkatinginan kami at sabay na namang natawa. "Basta ako na ang bahala dito sisiguraduhin kong makakahanap ka ng babaeng ihaharap kay mommy sa araw ng anniversary nila ni daddy." Seryosong tugon niya dahilan para yakapin ko siya ng mahigpit. "Ang gwapo mo Sais, sunod sa'kin ang kagwapohan mo pero mas gwapo pa rin ako." Pinupog ko siya ng halik kahit panay ang iwas niya. Nakakagigil ang sarap niyang kagatin sa bayag. "Ang baho mo." Sigaw niya kaya napahalakhak kami. NETTER POV NAPAKASARIWA ng hangin ngayon habang naglalakad kami ni father patungo sa labas ng simbahan, kakatapos lamang ng misa at ang lahat ng tao ay pauwi na rin sa kani-kanilang mga tahanan. Lihim akong napapangiti habang pinagmamasdan ang mga sakristan na nagmamano sa tuwing nakakasalubong kami. "Ang saya talagang maging bata ano?" Tugon ni father na nakangiting tumingin sa'kin. Tumango ako. "Opo, tila walang mga problema at napakasaya ng mga ngiti sa kanilang mga labi." Muli siyang naglakad na sinundan ko naman. "Ikaw bata ka pa kaya't kailangan mong sulitin ang iyong kabataan wag mo munang ikulong ang sarili mo sa bagay na gusto mo dahil may mga bagay na naghihintay para sa iyo." Aniya. "Ano pong ibig niyang sabihin father?" Nasa kanyang mga labi pa rin ang masuyong ngiti. "Nalaman ko kay Sister Monica ang pansamantala mong paglabas sa kumbento." Nahihiya akong napatango. "Hiniling ko po iyon upang magampanan ang aking tungkulin sa aking nakakatandang kapatid na may sakit sapagkat father pansamantala lamang po iyon at ako po'y patuloy na magsisilbi sa Diyos kahit ako'y nasa labas. Hindi ko rin po iwawaksi sa aking isipan ang pagsisimba sa araw ng linggo at ang pagdadasal araw araw." Paliwanag ko na mas lalo niyang ikinangiti. "Masaya ako na susubukan mo ang mundong malayo sa iyong kinalakhan, hindi sa sinasabi kong ayaw ko na maglingkod ka sa Kanya ang akin ay sa bata mong edad ay may naghihintay pa sa'yong mga karanasan at pagsubok. Gusto ko na maranasan mo ang mga iyon at maging masaya bago ka tuluyang maglingkod sa kanya na walang tanong sa iyong mga isipan." Hinawakan niya ang aking ulo at umusal ng maikling panalangin. Napangiti ako. Matapos n'on ay nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang bukana ng tarangkahan ng simbahan. May mangilan ngilan pa ring mga taong pauwi pa lamang. "Magandang umaga po father, sa inyo rin po sister." Yumuko ako at nagbigay galang sa matandang babaeng lumapit. Nagmano ito kay father at tumango naman sa akin. Sa kabila ng pagiging matanda dahil sa may kaputiang buhok at nangungulubot na leeg ay makikita pa rin ang kagandahan nito noong kabataan. Wala man itong alahas o kulureting suot ay halatang may kaya sa buhay dahil sa gandang magdala ng damit. Mas lalo akong napangiti. "Pagpalain ka nawa ng Diyos." Sagot ni father. "Maraming salamat father, anibersaryo ho namin ngayon ng aking mahal na asawa at kung mamarapatin niyo ay gusto ko ho sana kayong kumbidahin." Magalang at may suyo niyang tugon, bakas ang saya sa kanyang mga mata. "Nais ko mang tanggapin ang iyong paanyaya Mrs. Castillion ngunit ako'y may kailangang daluhang misa mamayang hapon ngunit maraming salamat pa rin sa iyong paanyaya." Malugod na sagot ni father. Hindi ko pinansin ang familiar na apelyidong binanggit ni father dahil alam kong nagkataon lamang, may kilala akong Castillion ngunit para sa akin ay napakaimposibleng kamag-anak niya ang ginang. Napadako ang tingin sa'kin ng magandang ginang kaya yumuko ako at muling nagbigay galang. Hindi ko inalis ang ngiti sa aking mga labi. "Napakaganda mo naman binibini." Nagulat ako ng hawakan niya ang aking mukha at masuyong haplusin. "Parang birhen ang iyong mukha at tila ngiti ng isang anghel sa liwanag ang iyong mga ngiti." "Maraming salamat po sa inyong papuri." Sagot ko. "Marami akong anak na lalaki baka kako gusto mo ng magiging asawa?" Pagbibiro niya at humalakhak. Napatingin ako kay father na ngayon ay malaki ang ngiting ginagante sa'kin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi dahil sa hinga, alam kong biro lamang iyon ngunit hindi ako sanay. Wala naman kasing nagbibiro sa akin tungkol sa ganitong bagay lalo't kapag nakita nilang nasuot ako ng belo at damit madre. "Paglilingkod po sa Diyos ang aking nais." "Kung sana lang katulad mo ang maging asawa ng aking ikalimang anak na lalaki siguradong wala na akong magiging sakit sa ulo." Anito na napapailing na tila iyon ang pinakamalaking problema nito. "Honey." Sabay sabay kaming napatingin sa likuran ng babae dahil sa paglingon nito sa baritonong boses na tumawag. Natanaw namin ang lalaking halos matanda lamang ng konti sa ginang, matikas ang pangangatawan sa kabila ng puting buhok at tila binata ang porma. "Honey." Sagot ng ginang na lihim kong ikinangiti, ang makasaksi ng ganitong relasyon ng mag-asawa ay ikinalulugod ko at nagbibigay sa akin ng labis na tuwa. Ngunit unti unting nabura ang aking ngiti at halos pangatugan ako ng tuhod ng makilala ang isa sa tatlong lalaking kasama ng asawa ng ginang. Mabilis akong yumuko upang itago ang aking mukha. "Mommy." Dinig kong tugon ng isang lalaki. Ito ba ang sinasabi ng ginang na mga anak niya? Kung gan'on ay possibleng anak niya rin si Mr. Fifth Castillion? "Father ito po pala ang aking asawa, ang aking anak na si Seven, si Six at Fifth. Kahit kanino sa kanila ang nirereto ko kay sister." Tuwang tuwang tugon ng ginang samantalang ako ay lihim na ikinukuyom ang kamao upang pigilan na mapatakbo palayo sa kanila. Ayokong mapahiya si father. Ilang ulit na akong tahimik na nagdadasal na matapos na ang tagpong ito. Sana. Narinig ko ang pagbati ng mga bagong dating kay father at alam kong malugod iyong tinanggap ni father dahil likas sa kanya ang pagiging mabait. "Sister Nette?" Mas lalo akong nanlamig dahil sa pagtawag sa'king pangalan. "Sister Nette?" Pag-uulit nito, alam kong hindi si Mr. Fifth ang tumatawag sa'kin dahil hindi familiar ang boses. Kilala ko ang boses niya. Dahan dahan akong nag-angat ng tingin at sa kabila ng pangangatog at pagbundol ng kaba sa aking dibdib ay ihinanda ko ang aking masayang ngiti. "Wow, ang ganda mo pala talaga Sister Nette." Tugon ng lalaking nakapagitna sa tatlo, inilabas nito ang kamay na nasa bulsa at itinapat sa'kin. "Sais nga pala sister." Aniya na may ngisi sa mga labi. Bilang paggalang ay tinanggap ko ang kanyang kamay. "Pagpalain nawa kayo ng Panginoon Mr. Castillion." "Mismo, palagi talaga akong pinagpalala hindi ba Sinco?" Nakita mo ang pagsiko nito sa kapatid na nasa malayo ang tingin. Ang kaba ko ay mas lalong nadagdagan dahil sa pagsasalubong ng aming tingin ng bumaling siya sa'min. Nakangiti siyang tumango, normal na siguro ang paglakip ng kislap ng kapilyohan sa kanya dahil kahit simpleng pag-angat ng mga labi ay tila may kakaiba siyang iniisip. "Pagpalain din po sana kaya sister." Tugon niya na ginantihan ko ng ngiti pero ang totoo ay tinutupok na ako ng kaba. "Kilala mo siya Sais?" Tanong ng kanilang ina. "Nakilala ko siya dahil kay Sinco mommy palagi siyang bukambibig ni Sinco minsan nga kahit tulog tinatawag niya ang pangalan ni sister." Walang haba na sagot ni Sais at halos itago ko ang sarili sa likod ni father na pangiti ngiti lang at nagsusubaysay. Nagdadasal ako na sana pigilan nila ang kanilang mga bibig na magsabi ng mga katagang mas makakapagpalala sa sitwasyon, makakapagpalala sa hiya ko. Hindi ko na kaya. "Sinco, paano mo siya nakilala?" Seryoso na ang tinig ng ginang. "Siya po 'yong---" agad na tinakpan ni Sinco ang bibig ng kanyang kapatid at mabilis na sumagot sa ina. "Nagkakilala po kami sa hospital ni Seven, nakabungga ko po siya doon at iyon nga nagkakilala kami." Tila tapat niyang sagot. Kahit na alam kong kasinungalingan lamang iyon ay lihim kong ipinagpasalamat dahil alam kong makakalusot ako sa gulo. Hindi mabuti na ang isang tulad ko ay malalaman nilang nagtungo sa bar at halos hubad na nagsayaw sa harap ng mga kalalakihan. Kahit si father ay itatakwil ako. The end does not justify the means. Kahit mabuti ang aking hangarin ay hindi pa rin sapat na rason dahil totoong mali ang aking pamamaraan. "Akala ko siya 'yong sinasabi ni Sais na madre na pinopormahan mo." Anang ginang. Nagkatinginan kami ni Sinco at umiling siya sa'kin. Sa kabila ng tensyon ng sitwasyong kinabibilangan ko ngayon ay hindi napigilan n'on ang pag-iinit ng aking mga pisngi at pamumula. "Hindi po, sa hospital po talaga kami nagkakilala." Patawarin niyo po ako sa aking kapangahasan na magsinungaling. "Madalas talagang magpunta si sister sa hospital dahil sa regular niyang pagdalawa sa kanyang kapatid." Singit ni father. Lihim akong nagpapasalamat. "Gan'on ba? Sayang akala ko talaga." Tumawa ang ginang at muling tumingin sa akin. "Gusto mo bang dumalo sa anniversary namin sister?" "Naku, pagpasensyahan niyo na at hindi po ako sanay sa gan'ong mga pagtitipon." Sagot ko dahil gustong gusto ko ng makaalis sa sitwasyon na 'to at masama mang hilingin ay sana hindi na ulit magkatagpo ang aming mga landas ni Mr. Fifth o kahit na sino sa kanila. Pakiramdam ko ay palagi akong mapapahamak kapag naririnig ko ang kanilang apelyido. "Hindi mo naman kailangang makipaghalubilo sa mga tao, gusto ko lamang nandoon ang presinsya mo dahil sa uara mo nakakaramdam ako ng goodvibes." Galak na tugon ng ginang bago kumapit sa braso ko. Niyakap niya ako ng mahigpit na tila napakatagal na kaming magkakilala. Hindi ko napigilan ang panunubig ng aking mga mata dahil sa simpleng galaw niyang iyon. Ilang beses akong napakurap ngunit natigilan ng makita kong nakatingin sa'kin si Mr. Fifth at nakakunot ang noo na tila nagtataka sa reaksyon ko. Ngumiti lamang ako. "Sige na pumayag ka na, mababait ang mga daughter-in-law ko siguradong makakasundo mo sila." Pamimilit niya pa. "Malay mo maging katulad ka rin nila." Singit ni Sais kaya nakatanggap siya ng batok kay Mr. Fifth, napaawang ang aking bibig dahil sa sobrang gulat. "Namumuro ka na, hindi ko na mapigilan ang pagtitimpi ko sa'yo." Gigil niyang tugon. "Napakapangit mo itatakwil na kita. Sinasagad mo ang pagpapanggap kong mabait." Aniya at sinabunutan ang kapatid na panay lang ang tawa. Imbes na mawendang sa nasaksihan ay napahalakhak si father gan'on din ang mga magulang nila. Napapailing nalang ako dahil sa pagiging isip bata niya. "Wag mo silang pansinin sister. Aasahan kita mamaya ha? Ipapadala ko ang imbetasyon at iyong kasuotan." Humalik siya sa pisngi ko at nagpaalam kay father. Bago pa ako makatanggi ay tumalikod na sila at may mga ngiti sa labing nagsialisan samantalang si Mr. Fifth ay panay pa rin ang pakikipagsabunutan sa kapatid. "Pamilyang puno ng pagmamahal at pagkakaisa." Tugon ni father habang nakatanaw sa pamilyang papalayo, may kislap ng saya sa kanyang mga mata. "Hindi ako nagsisising ipinagkaloob ko siya sa iba upang tumaparin ang aking pangarap na maglingkod sa Diyos." Bulong niya. "Po?" Naguguluhang tanong ko. "Wala sister, tayo na at kausapin ang iba upang paghandaan ang iyong pagdalo sa kanilang pagdiriwang." Aniya na may pangangantiyaw. Napailing na lamang ako at muling nilingon ang pamilya na papaalis na ang magarang sasakyan na kinaluluguran nila. Anong gagawin ko ngayon? Sa bawat pagdadasal ko na hindi na kami muling pagtagpuin pa ay mas lalo kaming pinaglalapit. Naging abala kaming lahat sa simbahan hanggang sa dumating ang sinasabi ng ginang na imbetasyon at damit. Hindi ko pa rin alam kung ako'y dadalo o tatanggi at hihingi na lamang ng paumanhin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD