Fifth Castillion POV
NAKAKUNOT ANG NOO at seryosong seryoso ako sa pagtatype sa laptop ko. 'Yong yamot ko sa paghahanap ng babaeng pwedeng dalhin sa anniversary nina mommy ay dito ko ibinubuhos. Nakakainis dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Pati pagiging pogi ko hindi ko na naasikaso dahil sa problema ko.
My goodness, I don't even know where to find a material wife because I'm not even a material husband.
Putiks! Napapaenglish na naman ako e, madami na namang maiinlove sa'kin kapag nalamang hindi lang ako saksakan ng kapogian matalino pa.
Ano ba naman 'yan Sinco, bakit nasa'yo na ang lahat?
"Abot hanggang sahig na ang paghaba ng nguso mo." Natatawang kantyaw sa'kin ni Sais. Hindi ko siya pinansin dahil hindi ako nakikipag-usap basta basta sa taong hindi ko kasing pogi.
Pero kapag 'to sinapak ko mas lalo 'tong papangit.
"Wag mo 'kong simulan kasi baka masapak kita, marami akong problema at wag mo ng dagdagan." Yamot kong sabi pero mas lalo lang ngumisi ang ulupong. Hindi ko talaga alam kung kapatid ba talaga namin 'to, sa totoo lang siya ang pinakapangit sa'min. Napakapangit niya.
"Seryoso ka ba talaga?" May pangangantyaw pa rin sa boses at ngisi niya alam kasi nila na kapag may problema ako at hindi ko alam ang solusyon ay talagang madali akong mairita.
"Tanong mo mamaya sa kamao ko kapag nasapak kitang pangit ka." Inirapan ko siya at mulang itinuon ang atensyon sa laptop ko.
Hindi ako makapagfocus sa ginagawa ko na mas lalong nagpapairita sa'kin. Lumilipad ang isip ko dahil totoong natatakot ako kay mommy kapag hindi ko nasunod ang gusto niya. Napakabait ni mommy pero kapag nagalit walang sinasanto, kaya nga napakalaki sila ng matino kapag puro lalaki dahil talagang batas ang mga salita niya.
Sila lang ang napalaki ng matino dahil ako lumaking macho at gwapong lang pero hindi matino.
"Ilang araw nalang at anniversary na nina mommy---" parang bulkan nag-alburuto ang isip ko dahil sa usapang binuksan ni Sais. Ayoko ngang pag-usapan 'yon dahil nawawalan ako ng pag-asang lutasin.
"Wag mong ituloy kung ayaw mong magtapos ang pagiging magkapatid na'tin, itatakwil kita. Madali lang sa'kin 'yon tutal allergic ako sa pangit, sige subukan mo." Pinagdilatan ko siya ng mga mata pero ang loko humalakhak lang at nakapamulsang naglakad papalapit sa'kin.
"Ayaw mo ng tulong ko? May brilliant idea pa naman sana akong sasabihin sa'yo para malutas ang problema mo." Kumindat pa siya at umakbay sa'kin matapos pabagsak na umupo sa kami ko.
Masama akong tumingin sa kanya at pabalang na inalis ang kamay niya sa braso ko. Hindi ako nagtitiwala sa kanya dahil kung ako hindi pwedeng pagkatiwalaan sa babae siya naman hindi pwedeng pagkatiwalaan sa mga ideya dahil mas malala pa ang isip nito sa mga pasensya sa mental hospital ni Syete.
"Siguro akong malulutas problema mo, imbes na magmukmok ka diyan pakinggan mo muna ako malay mo magustuhan mo ang suggestion ko ide ayos." Nakangisi pa rin siya.
Ilang saglit akong napatulala dahil iniisip ko ang mga sinabi niya. Ako kasi wala talagang ideya sa pwede kong gawin lalo't busy ako at may kailangang tapusin. Pero hindi talaga pwedeng pagkatiwalaan ang pangit na 'to sa ganitong usapan.
Naalala ko noong elementary kami wala akong project at may chance na bumagsak ako kaya panay pamroblema ko saktong dumating siya at sinabing may plano siya para hindi ako bumagsak. Akala ko matino kaya isinagawa namin ang plano niya, hindi na ako nagtanong kung ano dahil malaki tiwala ko sa kanya dahil magkapatid kami.
Ayon nagulantang nalang ako ng pumasok siya sa office ng teacher ko at binuhusan ng gasolina ang lahat ng papeles doon pati na mga projects ng iba kong kaklase tapos hinagisan ng posporong may apoy.
Ang masaklap 'yong huling salitang binitawan niya. Sabihin mo nagpasa ka at nasama lang sa sunog.
Tapos nakapamulsa siyang naglakad paalis na tila si Ceasar Montano noong gumanap na Bullet, may paapoy na effect sa likod niya at taas noong naglalakad paalis.
Marami pang sumunod na mga pangyayari noon, lahat akala matino pag-iisip niya dahil sa lahi namin pero ang totoo may sayad mag-isip. At kung papayag ako sa ideya niya ngayon siguradong mapapahamak ako.
"Ano game?"
Pero wala na talaga akong maisip na solusyon. Tumingin ako ulit sa pangit niyang mukha baka kasi this time may magawa siyang ipagpapasalamat ko at hindi ikasusumpa na sana hindi ko nalang siya naging kapatid. May paltik ang utak nito.
Napabuntong hininga ako bago binalik ang tingin sa laptop ko. "Isalaysay mo muna sa'kin ang ideyang naiisip mo." Mahirap na. Mabuti 'yong sigurado baka matakwil ako ng nanay ko.
"Napakaeasy." Aniya at hinablot ang laptop ko na ilang ulit kong ikinamura.
"Hawakan mo na lang lahat wag lang 'to, kulang ang buhay mo para bayaran at palitan ang mga documents na laman nito." Inis kong inagaw sa kanya ngunit may pag-iingat sa laptop ko. May sa demonyo ang kamay nito sa totoo lang.
"Eh, paano natin gagawin ang solusyon sa problema mo?" Nakangisi pa rin siya.
"Hindi ko sinabing 'yong ideya mo ay solusyon agad sa problema ka, pakikinggan ko muna at kung dapat mang gumamit ng laptop ako ang gagawa sabihin mo lang sa'kin, itatakwil kita makita mo." Binatukan ko siya dahil sa panggigigil ko.
"Okay." He shrugged. "So bali gagawa tayo ng criteria o list ng characteristic ng isang material wife." Panimula niya.
Tumaas naman ang kilay ko at hinintay ulit na magsalita siya. "Tapos gagawa tayo ng page sa f*******:, mas maganda kasi d'on dahil marami ang audience at ipopost na'tin ang criteria na 'yon at maglalagay ng headline na 'Material Wife for Hire' for sure madaming interesado kapag nalamang ikaw ang naghahanap." Mukhang tuwang tuwa siya sa sarili niya habang ako mas lalong nayamot.
"Oo at kapag nalaman ni mommy ang kalokohan ko baka tuluyan akong hindi kilalaning anak." Tumalikod na ako sa kanya dahil hindi ko gusto ang idea niya, rejected na.
"Ipaprivate natin ang post ang sisiguraduhing hindi aabot kay mommy pwede naman nating gamitin ang connections natin or nila kuya. Atleast kasi kapag nagset tayo ng criteria ay siguradong pasok sa gusto ni mommy na babae." Aniya pa at halatang gusto na pumayag ako.
Hinding hindi ko talaga tatanggapin ang idea niya dahil siguradong mas lalala ang problema ko. Hindi, hindi, hindi. Mag-iisip ako ng iba.
May ibang paraan pa Sinco, tiwala lang.
"ILAGAY KO, malaki ang boobs at butt." Nakangising sabi ko at mabilis na nagtype.
"Ano ba 'yan material wife ang hanap natin hindi pornstar." Komento ni Sais.
Sinapok ko siya dahil sa lakas ng bosese niya. Nagseset na kami ng standard ng isang material wife. Sa pag-uusap namin kanina ang ending ay napapayag ako dahil wala na akong ibang option, ilang araw nalang anniversary na nina mommy at ito ang pinakamadali.
Magdadasal nalang ako mamaya na sana pagpalain ako sa kapahamakang dala ni Sais. Goodluck nalang talaga sa'kin, nararamdaman kong mapapahamak na naman ako dahil nagpauto ako.
"Ilagay mo marunong magluto." Sabi niya.
"Gago, mayaman tayo kaya hindi niya kailangang magluto." Apila ko, sayang lang sa oras.
"Remember si mommy diba kahit gaano kadami ang pera natin at pwede tayong kumuha kahit pa ilang chef ay gustong gusto niya na siya ang nagluluto dahil parte iyon ng pag-aalaga kay daddy at sa atin. Ika nga nila, a way to a man's heart is through his stomach."
"Oo na, oo na." At inilagay ko na ang una.
1. Knows how to cook.
"Okay next, maganda." Sabi ko at itatype ko na sana ng paluin niya ang kapag kong nasa keyboard.
"Hindi dapat 'yan isali para hindi obvious na ayaw mo sa pangit, may interview naman kaya ikaw na ang personal na pumili ng physical appearance." Napatango tango ako dahil may point siya, kahit papa'no naman may silbi siya.
"Ilagay mo, knows how to do household chores." Aniya.
Napasimangot ako at inirapan siya. "Tapatin mo nga ako, material wife ba talaga ang hanap natin dito at hindi kasambahay?"
Tumawa siya at napailing iling. "Material wife na handang maging kasambahay mapagsilbihan ka lang."
"Oo na." Wala na naman akong nagawa dahil palaging tama ang sinasabi niya, gustong gusto talaga ng ulupong na 'to na palaging idea niya ang nasusunod. Handa siyang makipagpatayan para d'on.
2. Knows how to do household chores.
"Pagbigyan mo ako ngayon." Seryosong sabi ko bago magtype. "3. s*x expert." Napangisi ako dahil gustong gusto ko talaga ang babaeng magaling sa kama. Gusto ko 'yong kahit hindi ko na turuan alam na ang gagawin kapag nandoon na kami.
"Tsk. Ayoko na ngang tulungan ka." Seryosong tugon ni Sais kaya pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Bakit naman ha? Ikaw nagsuggest nito buti nga tinaggap ko kahit alam kong mapapahamak ako."
Napakamot siya sa ulo. "Talagang mapapahamak ka kung ang iisipin mo 'yong kalandian mo."
"Kalandian? Aba, hoy mas matanda pa rin ako sa'yo ha." Inirapan ko siya sabay delete ng number three.
"Pang pornstar kasi ang criteria mo, gusto mo bang masatisfy 'yang s*x urge mo pero magagalit sa'yo si mommy?" Hindi ako nakakibo. Ako ang matanda sa'ming dalawa pero kung umasta siya parang ako si Syete. Bibinggo na talaga sa'kin ang pangit na 'to, nasasagad na ako.
Mabuti sana kung mani siya na nasasarapan ako kapag sinasagad.
Kapag natapos itong problema ko tuluyan ko na talaga siyang itatakwil bilang kapatid. Nakakapanggigil, madali akong mairita ngayon dahil pati s*x life ko hiatus dahil sa problema kong 'to. Nakakahighblood kaya ang walang extra curricular activity.
"Basta wag natin isasali dito ang kahit anong related sa physical appearance, inner beauty is a must." Aniya.
"Katarantaduhan 'yan paano makikita kung inner beauty nga meaning nasa loob. Unless kung huhubaran." Inis kong tugon at hindi ma ginanahan na magtype dahil hindi naman tanggap lahat ng suggestions ko.
"Atleast hindi tayo titingin sa ganda lang."
Mas lalo akong nairita. "Kalokohan 'yan ng mga lalaki na hindi raw tumitingin sa physical appearance ng babae, ang totoo mas madali nilang magustuhan ang maganda at sexy at 'yang inner beauty inner beauty na 'yan isusunod nalang nila 'yan pero ang totoo hindi ka liligawan kung hindi nagandahan sa'yo."
"Ikaw ba kung pango at pangit ang babae manliligaw ka agad ha? Manliligaw ka kung hindi napeplease ang mata mo sa panlabas niyang anyo? Sa panahon ngayon impossible na 'yan kung noon siguro pwede." Hindi na siya nagsalita pa. Isa pa totoo naman kasi talaga ang mga sinasabi ko.
'Yong mga lalaking hindi raw tumitingin sa ganda ng babae kagagohan 'yan, lalaki rin ako at aminado akong hindi ako naaattract sa hindi maganda. Pero kung pag-ibig talaga ang tumama sa'yo siguro maaari pero kung ganitong naghahanap lang through criteria ay napakaimposible.
Nakikita ba agad ang inner beauty sa isang tingin lang sa tao? Hindi.
"Ikaw na nga lang maglagay ng gusto mong standard tapos babasahin ko nalang mamaya dahil hindi tayo matatapos kung panay talo na'tin." Dumapa ako sa kama at nagpahinga. "Ingatan mo 'yang laptop ko kung ayaw mong mapatay kita."
"Oo na." Dinig kong sagot niya.
Pumikit ako dahil doon ko lang naramdaman ang pagod sa halos tatlong araw na pagbababad ko sa harap ng laptop.
Mabilis akong napadilat dahil sa imahe ng mala anghel na mukha ng babaeng bumungad sa pagpikit ko. Napailing iling ako at hindi na ulit pumikit pa dahil sa bawat pagpikit ko ay ang nakangiti niyang mukha ang nakikita ko.
"Anong oras daw ba gaganapin ang anniversary nina mommy?" Tanong ko kay Sais para malibang naman ang isip ko. Ayokong mag-isip dahil nakakapagod, nadedrain ako lalo't hindi pa tapos ang trabaho ko.
"Seven in the evening sa Sunday. Paniguradong marami na namang tao."
"Ang tanga mo talaga malamang maraming tao dahil party iyon. Hays, ang bobo mo talaga kaya nagdududa ang iba kung kapatid ka ba namin o hindi." Kantyaw ko sa kanya at nakita ko ang pagsimangot niya. Napakapangit.
"Ako lang kaya ang matalino sa ating lahat at ako lang ang matino kaya napagkakamalang iba sa inyo." Apila niya habang patuloy pa rin sa pagtatype. Panay rin ang silip ko sa ginagawa niya sa laptop ko dahil baka nandedelete siya ng file. May saltik 'to kaya ikinakatuwa niya kapag may naaagrabyaro siyang tao.
"And by the way aattend daw tayo ng mass sa linggo as usual." Napabalikwas ako dahil sa sinabi niya.
"Saan daw tayo magsisimba?"
Nagsalubong ang mga kilay niya na tumingin sa'kin. "Ano bang klaseng tanong 'yan? Malamang sa St. Clare iyon naman palagi ang pinagsisimbahan na'tin dahil 'yon ang pinakamalapit."
"Sabihin natin kay mommy sa iba nalang tayo magsimba dapat lumalayo din tayo minsan sa nakasanayan para naman may new experience." Tugon ko dahil parang ayoko munang pumunta sa St. Clare, patawarin nawa ako ng Diyos.
"Sige sabihin mo 'yan kay mommy para sapukin ka." Ngingisi ngising sagot niya dahil alam niyang ayaw na ayaw ng ina namin na tumatanggi sa paanyaya patungkol sa Diyos at mga Santo.
Napabuntong hininga ako at muling humiga sa kama. Ano na ba ang gagawin ko sa buhay ko? Ilang araw lang akong walang s*x life at night outs pakiramdam ko naging ibang tao na ako.
"Done, basahin mo na." Ibinigay niya sa akin ang laptop na agad ko namang kinuha dahil baka ihampas niya ng wala sa oras.
Inuulit ko may saltik ang isang 'to.
'Characteristics and Criteria of a Material Wife'
An applicant should possess the characteristics listed below enable for her to pass the qualification of being the wife of Fifth Castillion.
To test if the said characteristics are followed, Fifth Castillion will personally interview and interact with the applicant. He will decide if he will accept the applicant to be his girlfriend and soon to be wife if the relationship of the both party works.
Here are the list of characteristics.
1. Knows how to cook.
2. Knows how to do household chores.
3. Knows how to talk politely. (Especially with the parents.)
4. Demure and ethical in action.
5. Has no boyfriend, husband or any intimate relationship with other man. (In short, single)
6. Has no criminal records.
7. Knows how to socialize with other people.
8. With good family background.
9. Knows how to handle useless person. (Specifically, Fifth.)
10. Last but not the least, VIRGIN!
The contract will discuss if you are choosen.
Thank you.