Chapter 7

2138 Words
Sinco POV "AYOS na ba talaga sa'yo 'yong napili na'tin?" Pangungulit ko kay Sais habang nag-aayos ng necktie. Nandito kaming dalawa sa kwarto ko habang ang mga bisita ay nagsisimula ng magdatingan sa baba. Syempre paVIP kami dahil mga gwapo kami este ako lang pala dahil tulad ng palagi kong sinasabi napakapangit ni Sais. Sa sobrang pangit niya pinagkakamalan siyang hardeniro namin. "Kailangang hindi ako pumalpak dahil baka imbes na malutas ko ang atraso ko kay mommy ay baka mas lalong lumala." Sabi ko pa. "Bakit ako tinatanong mo ako ba makakasama mamaya?" Pagtataray niya kaya hindi ko mapigilang batuhin ng sapatos, nakapangisi ako ng masapol ang ulo niya. "Siraulo ka pinaghirapan na'ting hanapin 'yon halos malusyang ako sa kakainterview tapos ganyan sagot mo." Naku, ayokong maalala ang pinagdaanan ko sa interview dahil kahit sinong lalaki ay hindi nanaisin na pagkaguluhan ng naggagandahang mga babae. Napagod ako kakangiti sa kanila at halos pabalik balik ang ambulansya dahil bawat kinikindatan ko nangingisay. Isa kasi akong adonis kaya hindi ko sila masisisi. Halos dalawang araw din kaming nagpaapply kung sino ang maipapakilala ko kay mommy, sa wet market ang naging location namin dahil sabi ni Sais doon daw masusubok kung maarte ang isang babae. Ano ba naman sa wet market talaga? Okay sana kung pati ako magiging wet. Halos magrambol ang mga babae doon noong makita ako. "Hindi ka malulusyang e kahit nasa wet market tayo gusto mong makipagsex, napagkakamalan kang asong askal." Aniya. "Nasaan na ba ang iba nating mga kapatid? Ayoko na makasama ka for the rest of my life Sais naiimbyerna ako sa kapangitan mo." Nakangisi sabi ko pero ang loko hindi ako pinansin. "Bakit kasi ayaw mong si Sister Nette nalang ang ipakilala mo? Kitang kita naman kanina sa labas ng simbahan na gustong gusto siya ni mommy." Natigilan ako sandali dahil aa pagbanggit niya sa pangalan ni sister. Pwe, bakit pati ako nakikisister? Kinikilabutan na naman ako sa mga imaheng tumatakbo sa isipan ko. Mabuti nalang kanina at ang kasamaan lang ng ugali ko ang hindi napigil hindi nasama ang libogan dahil kung nagkataon baka nilunod na ako ni mommy sa holly water. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang mabubuhay ang libog ko kahit na nakasuot pang madre ang isang babae? Ewan ko ba pero kapag si sister ang nakikita ko automatic na nagiging x-ray itong mata ko. "Gusto mo bang masunog ako? At hindi 'yon papayag dahil para siyang sumama kay Satanas." Sa totoo lang hindi ko rin naman inalis ang option na 'yon pero kahit anong gawing isip ko at piga sa katalinohan ko wala talaga akong makitang magandang anggulo para maging rason na pumayag siya. Hinding hindi iyon papayag at ako naman nagsisimula palang na magkabisa ng mga prayers panlaban sa kabanalan niya. "Pero aminin mo napakaganda niya kahit nakabelo hindi ba? Grabe para siyang anghel." Puno ng papuri ang boses niya na ikinataas ng kilay ko. "Ide sa'yo na tutal parang gustong gusto mo siya." "Hindi ako mahilig sa madre isa pa napakabata pa." Aniya. Napailing nalang ako sa sagot niya. Ang daming sinasabing papuri tapos ganyan din naman pala sa huli ang sasabihin, walang balls. Bumalik ako sa pag-aayos ng suot ko habang napapangisi dahil naaalala ko ang naging paghahanap namin ng ipapakilala kay mommy, lahat halos ng nag-apply ay magaganda, malalaki ang mga bundok at ang balakang pamatay. Grabe, halos magtubig ang bagang ko sa sobrang sarap nilang tignan pero halos kalahati ay rejected agad dahil minsan na palang nakadate ng iba kong mga kapatid. Fifth Castillion rule: Never date a woman who are interested with your brothers. Ayaw na ayaw kong dumaan sa'kin ang kahit na sinong babaeng dating dumaan sa mga kapatid ko. Kahit anong libog ko kaya kong magpigil kung hindi nararapat ang babae. Wala lang, ayoko lang ng komplikasyon o kahit anong kaguluhan na babae ang magiging dahilan para magkaroon kami ng gap ng mga kapatid ko, kahit sino sa mga kapatid ko. "Hindi mo ba susunduin ang future wife mo?" May pangangantiyaw sa boses ni Sais habang nagsusuot siya ng kurbata. I just shrugged. "Hindi na daw kailangan hindi naman modernong Maria Clara ang babaeng napili natin." "Kung sa bagay bayad naman siya." Aniya. Matapos naming magbihis ay nauna na siya sa pagbaba, medyo palalim na rin ang gabi kaya siguradong parami na rin ng parami ang tao sa garden namin kung saan gaganapin ang party. Wala pa ako sa mood makihalubilo sa mga tao kaya kinuha ko ang aking laptop at nagtungo sa veranda. Naupo ako sa upuang nakalaan doon at nagmasid sa buong paligid. Binuksan ko ang aking laptop bago tumingin sa baba, saktong sa garden nakaharap ang veranda ng kwarto ko kaya kitang kita ko ang pagsisidatingan ng mga tao. Lahat ng suot nila ay magagara tulad ng nakasanayan ng aming angkan, karamihan mga business tycon at nagpakatuxedo. Lahat elegante at naghuhumiyaw sa karangyaan. Napangisi ako habang sinisimulang magtipa sa aking laptop. Lahat ng nakikita ko ay hindi bago sa aking paningin dahil hindi man sa pagmamayabang ay lumaki kami sa pamilyang hindi pinagkaitan ng kayamanan and I'm thankful. Maingay na ang buong harden dahil sa music at usapan ng mga taong halatang angat sa lipunan. Politicians, artist, designers name it ay dumalo sa pagtitipon. Habang abala ay natuon ang tingin ko sa bukana ng harden kung saan makikita ang mga bagong dating na bisita. Napakunot ang aking noo dahil sa bisitang hindi ko inaasahang dadalo. Napatiim bagang ako dahil sa suot niya ngayon, it's just a simple white dress yet she became the most beautiful woman in this party. Hindi maiwasan ng mga nagsipagdalo na lingunin siya samantalang siya ay parang hindi alam kung gaano humahatak ng atensyon ang kanyang ganda at pagdala sa kasuotan. Nakayuko itong dahan dahang naglakad patungo sa kung nasaan sina mommy. Shit! Hindi ko namalayang tumigil na ang aking mga daliri sa pagtipa sa keyboard ng laptop. Napahilamos ako at hindi mapigilang masapo ang bumukal sa pantalon ko. Tangina! Ano ka ba aso at siya ang amo mo? Asik ko. Nagbawi ako ng tingin at minabuting hindi na tapusin ang ginagawa ko dahil nawala na ako sa concentration. Matapos kong itago ang aking laptop ay bumaba na ako. Patungo palang ako sa garden ng matigilan ako dahil sa babaeng sumalubong sa'kin. "Fifth, darling." At kumapit ito sa braso. Ngumiti ako dahil sa pagdikit ng kanyang boobs sa braso ko. Ramdam naman naming mga lalaki 'yon kung sinasadya ng babae o hindi at sa kaso niya sinasadya niya. Heaven. Napangisi ako. "What is your name again?" Pabiro kong tanong pero ang totoo nakalimutan ko talaga ang kanyang pangalan. "Florence, your future wife." Proud niyang sagot. Yeah. Siya ang napili namin ni Fifth na ipakilala ko kay mommy at dahil wala na rin naman akong magagawa dahil sa halos lahat ng nag-apply siya ang pinakaclose sa standard. Except the last part, she's not a virgin at prangka niya iyong sinabi during the interview. Proud pa nga e. "I love you." Aniya at akmang hahalik sa labi ko kaya pasimple akong umiwas at ipinulupot ang mga braso ko sa bewang niya. Lantad ang kanyang likod ngunit hindi problema 'yon dahil hindi nagjujudge si mommy base sa pananamit. And 'I love you' fakenews, ang pagsasabi ngayon ng mga salitang 'yong ay parang pagmumura nalang. Gamit na gamit at nakakasura. "Later, bawal tayong makita na naghahalikan sa public." Bulong ko na malandi niyang ikinahagikhik. And another thing she's not demure, so far sa one to ten na criteria ay dalawa ang wala siya at iyon na ang pinakaclose kaya siya na ang kinuha namin. Ang hindi niya nasunod ay rule number 4. Demure and ethical in action. And number 10. At isa sa dahilan kung bakit tinanggap ko siya? Para may s*x life pa rin ako. Iyon ang nakalusot kay Sais masyado kasing ideal ang kanyang material wife. Nakaalalay ako kay Florence hanggang sa makarating kami sa table nila mommy. Halos walang bumati sa'kin dahil sa totoo lang wala akong kakilala sa mga bisita. "Happy Anniversary mom, dad." Bati ko at humalik sa pisngi niya at yumakap naman ako kay daddy. "Thank you son." "Hindi magiging happy ang anniversary namin hanggat hindi ka tumitino." Pataray niyang tugon at ngumiti naman kay Florence. Napakamot ako sa ulo. "Happy Anniversary po." Well, pareho pala kami nailulugar ang kalandian. "Thank you iha, ngayon lang nagsama ng babae 'yang si Sinco and I'm glad na tumupad siya sa usapan. What's your name iha?" "Florence po, Florence Jorge." And she smiled, mukhang hindi ko pagsisisihan na siya ang napili ko. Nagbeso sila at nagyakapan. "Enjoy the party iha and feel at home. I want to talk to you later, you are so beautiful and elegant by the way." Papuri niya. "I'm flattered po." "You can call me tita." Mabait talaga si mommy at marunong makisama 'wag nga lang gagalitin dahil nagtatransform bilang tigre. "Girlfriend ko mom." Sabat ko. "Have a seat." Ani mommy at pinandilatan ako kaya wala akong nagawa kundi umupo at gan'on din si Florence. Alam kong gigisahin niya kami ng tanong para mahuli ako. Siguradong hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko dahil ngayon lamang ako nagdala ng babae dito sa bahay. Hays, sinira ko na nga ang pangalawang rule ko para dito. Fifth Castillion Rule #2 The first woman I will bring in our house and infront of my parents is the one that I will marry. Sigurado naman akong hindi si Florence ang babaeng pakakasalan ko, hindi pa ipinapanganak ang magpapaiyak sa'kin. "Salamat talaga Nette iha sa pagdalo mo ha? Akala ko talaga hindi ka papayag." Imbes na sa amin ang atensyon ni mommy ay napunta kay sister. Yes, she's here. Napatingin na naman ako sa suot niya at napailing. She's wearing a white below the kneel lacy dress. Sleeveless at medyo lantad ang likod at dibdib. Paired with glittery black high stiletto. Simpleng simple pero hindi ko pa rin mapigilan na pagtaasan siya ng kilay. Mas bagay pa rin kung nakabelo siya at nakaayos madre. "Nakakahiya po kasing tumanggi lalo't naipadala niyo na po itong kasuotan ko." Mahinhin niyang sagot na halos siya lang ang makarinig pero dahil chismoso ako kay naririnig ko. "You are so beautiful." Di naman, medyo puti lang. Kulay lang nagdala. "Demure and timid." Di rin. Nagkataon lang namadre siya at kailangan niyang umastang madre dahil wala namang madre na rock star at active ang night outs. "Siguradong napakaswerte ng magiging asawa mo." Di 'yan mag-aasawa kita mo ngang madre. At kung mag-aasawa man siya kawawa asawa niya dahil sa pagiging mahinhin at tila Santa ay makokonsensyang makipagsex sa kanya. Banal na banal baka magrosary habang nilalabasan. "Sinco 'yang bunganga mo. Kailan ka pa natutong sumabat sa usapan ng iba?" Napaigtad ako dahil sa madiing boses ni mommy at doon ko lang namalayan na nasa akin na ang mata nilang lahat. Nanlalaki ang mga mata ni Nette habang gulat na gulat na nakatakip ang kamay sa dibdib. Si mommy ay matalim na matalim ang tingin sa'kin. Si Florence kay nagtataas baba ang balikat sa pagpipigil ng tawa. At ang mga kapatid ko na hindi ko namalayang nagsidatingan na pala ay humagalpak ng tawa. Si Sais ay halos gumulong gulo sa lupa dahil sa kakatawa. "S-Sorry mom." Napapayukong tugon ko, napalakas ba ang pagsasabi ko ng mga ideya na pumapasok sa isip ko? "Kung hindi mo po mamasamain ang inyo pong bibig ay lubhang makasalanan. Pagsapit ng linggo matapos ang simba ay pwede po kayong magpabasbas kay father gamit ang holly water." Nababahalang tugon ni Nette at napasign of the cross. Mas lalong lumakas ang halakhak ng mga kapatid ko dahil doon at ang mga bisita ay natuon ang lahat ng atensyon sa table namin. "Hindi halatang triggered si Sinco." Humalakhak ng napakalakas si Kuya Second at halos mangiyak ngiyak na. "Against sa lahat ng papuri kay sister, mukhang may sama ng loob." Dagdag kantyaw ni Kuya Third. "Ang malala 'yong huli." Si Kuya First. "Banal na banal baka magrosary habang nilalabasan." Panggagaya ni Sais sa boses ko kaya umirit na naman sila ng tawa. "Kahabagan ka nawa." Nagtakip ng tenga si Nette habang ako ay halos maghukay na ng sarili kong libingan dahil sa hiya. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nahiya ng ganito. Inalis ko ang pagkakahawak ni Florence sa hita ko at dahan dahan pumailalim, dinig na dinig ko pa rin ang kanilang pangangantyaw hanggang sa magtagumpay akong makatago sa ilalim ng mesa. Tangina! Ayoko na. "Nagtago na." Dinig ko si Seven na isa ring nangunguna sa tawanan. Gumapang ako sa ilalim ng mesa para itago ang sarili ko. Alam kong napansin nila pero wala akong pakialam. Patuloy ako sa paggapang hanggang sa makalayo ako sa kanila. Ang tingin ng mga tao ay hindi ko pinansin. Humanda ka sa'kin Nette dahil sa'yo ay palagi akong napapahamak. Pangit lang ang walang gante.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD