Fifth Castillion POV
"NASAAN SI SINGKO?" Ilang ulit akong napalunok nang marinig ang boses ni Mommy. Kagigising ko lamang kahit medyo tanghali na dahil napuyat ako sa pinuntahan naming party.
Napapakamot sa batok na dahan dahan akong naglakad papuntang dinning. Tumikhim ako pagkarating ko doon dahilan para mapatingin sa'kin ang lahat, nasa hapag na sina Mommy at Daddy pati na rin ang mga kapatid kong wala pang pamilya na handa ng kumain ng agahan.
Agad na sumilay ang mga ngisi sa mga gunggong kong kapatid, napapasipol pa si Sais.
"Nasa hapag tayo!" Halos sabay kaming nagpigil ng tawa ni Seven ng sapukin ni Mommy si Sais. Wala itong nagawa kundi sumimangot nalang.
"Karma!" Bulong ko pagkadaan ko sa pwesto niya, dahan dahan akong pumunta sa pwesto ko habang ramdam ko ang matatalim na tingin ni Mommy, samantalang si Daddy ay ngingisi ngising nagsimulang kumain.
"Singko!" Malumanay ngunit puno ng diin na bigkas ng aking ina. Para akong binuhusan ng mainit na tubig na agad na napatuwid ng upo at tumingin sa kanya. Lagot na naman ako nito.
"Yes mom?" Sadya kong pinapungay ang mga mata ko para magpaawa ngunit pagbato ng kutsara ang natanggap ko, tinamaan ako sa ulo. Napasimangot ako dahil dinig na dinig ko ang pagpipigil ng tawa ng dalawa kong kapatid, mabuti nalang at wala dito si Kuya First, Kuya Second, Kuya Third, at Fourth dahil may sari-sarili ng mga pamilya kundi puro kantyaw ang abot ko.
"Ano itong naririnig ko na halos hakutin mo na ang lahat ng babaeng nakakasalamuha mo sa bar?" Mataray na tumikwas ang kilay niya kaya nagsimula na akong pagpawisan ng malapot.
Galitin mo na ang lahat 'wag lang ang ina kong tinalo ang tigre sa sobrang tapang.
Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. "Ahm, hindi naman po sa gan'on mom---"
"Sige, magsinungaling ka at tatamaan ka sa'kin." Maangas niyang pagpuputol sa dapat ay sasabihin ko.
"E, mom sila naman po kasi ang lumalapit sa'kin." Napipilitang pag-amin ko. "Mom, lalaki lang ako e, bukod sa napakagwapo ko marupok din ako sa mga eba."
Napaigik ako dahil sa pagpingot niya sa tenga ko. "Hindi iyon rason para paglaruan mo ang mga babae. Jusko kang bati ka, hindi na ako magtataka na isang araw ay may pupunta dito sa bahay na'tin at sasabihing nabuntis mo! Mabuti na nga iyon na makabuntis ka ng magtigil ka na, hala at kapag ako ay nainis sa'yo mag-uutos ako ng babae na pikotin ko ng makita mo 'yang hinahanap mo." Walang humpay niyang sermon, napatingin ako kay Daddy para humingi ng saklulo pero ang magaling kong amo ay yukong yuko habang kumakain, kulang nalang ay mapagkalamang may stiff neck.
"Aray ko po mom." Daing ko dahil sa sakit ng pagpingot niya.
"Bakit kasi sa lahat ng mamanahin mo sa iyong ama ay ang pagiging malandi at babaero, hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo. Kung nag-aasawa ka na ngayon din ay baka matuwa ako sa'yong bata ka." Patuloy pa rin sa pagmemesa si Mommy habang ako ay hindi na alam ang gagawin para patigilin siya. Siguradong kahit abutin ulit kami ng umaga ay hinding hindi siya matatapos sa mga sinasabi niya, pati nakaraan isasali niya.
"Hindi naman po talaga ako nambababae, minsan lang." Palusot ko at laking pasalamat ko ng bitawan niya ang tenga ko, sa wakas.
Sabay na umubo sina Sais at Syete dahil sa sinabi ko. Itong mga kumag na 'to, imbes na tulungan ako ay nanlalaglag.
"Minsan? Pero nakikita ka halos sa lahat ng motel at hotel dito sa syudad. My goodnesss, ipinagdarasal ko talaga na hindi na makapulot ng sa'kin dahil diyan sa pagiging maharot mo." Napapapay siya sa sarili habang nakapamewang sa harapan naming lahat pero pinakamalapit sa'kin.
"Palagi mo naman sigurong sinusunod ang bilin ko anak?" Sa wakas ay sabat ni Daddy.
Napangisi ako at mabilis na tumango. "Yes dad."
"At anong bilin iyon aber?" Mataray na tanong ng mahal kong ina.
"Palaging magdala ng kapute kapag susugod sa putukan!" I said proudly, at dahil doon ay nalipat kay Daddy ang inis ni Mommy.
"Kung anu-ano ang itinuturo mo sa mga anak mo, tingnan mo 'yang panlima mo ngayon sakit sa ulo dahil mas mabilis pang magpalit ng babae kaysa maligo." Napapangiwi si Daddy dahil sa pagpingot sa kanya.
"Hon, hindi naman sa kinukunsente ko--aww, ouch!" Daing niya.
"Hindi mo kinukonsente e' anong tawag mo sa ginagawa mo? Palibhasa ganyang ganyan ka rin noong kabataan na'tin, napakahilig mo!"
Nagkatinginan kaming tatlo nina Sais at sabay sabay na natawa dahil sa hindi maipintang mukha ni Daddy habang sinusubukang pakalmahin si Mommy. Hindi hindi talaga siya basta basta mapapatigil sa panenermon kapag nasimulan kaya ayaw na ayaw kong nasasagad ang pasensya niya ngunit ngayon mukhang nasagad talaga.
Ilang sandali ang lumipas bago mapaupo ni Daddy si Mommy, tahimik na ito pero alam kong humahanap lang ulit ng butas para makasermon ulit. Gan'ong gan'on siya at madalas ang nauuwi kami sa tawanang magkakapatid, hindi kami nagtatanim ng galit kahit anong sermon ng ina naman dahil alam naming mali kami at tama siya. She just wanted what's best for her sons. Isa pa ay maganda sa pakiramdam kapag may magulang pang magsersermon at babantay sa mga galaw mo para mapabuti ka.
"Ayaw na ayaw ko ng mababalitaan na naglalaro ka ng babae, Singco." Aniya.
Agad akong tumango at kinuha ang bandihado ng sinangag para paglagyan siya sa kanyang pinggan.
"May madre po siyang pinopormahan, mom." Biglang sabat ni Sais at kung hindi lang kasalanan ang pumatay ng sariling kapatid ay baka nakabulagta na siya ngayon sa sahid. Foot spa! Pangamak ka talaga!
"ANO!?" Umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Mommy.
"Anak di na kita matutulungan diyan." Dinig kong bulong ni Dad.
"Jusko kang bata ka! Kahabagan ka ng Diyos!" Napasign of the cross siya dahil sa sobrang pagkabigla.
Sinipa ko ang paa ni Sais dahil sa inis sa panggagatong niya sa kasalanan ko pero imbes na masaktan ay lalong ngumisi ang loko.
"Tapos hinipuan niya." Dugtong niya pa.
"Jusko! 'Yong anak mo, tumawag ka ng mga pari at albularyo baka madala sa padasal at orasyon ang kalandian niya." Nagmamakaawang tugon ni Mommy sa ama naming hindi na naman alam ang gagawin. "Hindi na ang biro ang kalibugan niya."
"Mom naman."
"Pfft." Pigil na pigil ang tawa ng dalawa, si Sais ay napapahawak na sa tiyan at maluha luhang tumatawa.
Agad kong inabutan ng tubig si Mommy at inalo hanggang sa mahimasmasan. Nanlilisik ang mga matang tumingin muli siya sa'kin.
"Dalhin mo dito ang babaeng tinutukoy ni Sais." Pinal na utos niya.
Napakamot ako sa kilay dahil sa labis na frustration. "Mom, 'wag kang maniwala sa kanya asidente lang po na nahipuan ko siya." Apila ko dahil hindi ko gusto ang ideya na maghaharap ng babae sa mga magulang ko.
Ipinangako ko sa sarili ko na ang babaeng ihaharap ko sa kanila ay siya ring ihaharap ko sa altar.
"Dalhin mo dito, hindi ko hahayaang dumating sa punto na pati sakristan at pari ay maisipan mong jowain." Asik niya. Napangiwi ako dahil sa mga sinabi niya.
"Hindi ko po alam kung saan siya hahanapin, I told you mom it was an accident." Maingat na pagpapaliwanag ko dahil kapag nagkamali ulit ako ay armalite na ang kakaharapin ko.
"No, ihaharap mo sa akin ang babaeng 'yan. My goodness son, what's happening to you?" Napapasapo pa siya sa kanyang ulo at dibdib.
Pinanlakihan ko ng mata si Sais ngunit nag-iwas lamang ito ng tingin gan'on din si Syete na ngingisi ngisi. Gustong gusto talaga nilang napapagalitan ako palibhasa minsanan lang at tungkol lang sa pambababae ko.
Masisisi niyo pa ako kung ginagrab ko lahat ng opportunity? Sabi nga diba na mali ang palagpasin ang mga biyayang bigay ng panginoon at ang mga babae ay biyaya rin. Sila naman ang lumalapit sa akin so ako bilang lalaki ay hindi tumatanggi dahil ayoko ring mapahiya sila.
"But mom---"
"Sige Singko ngayon mo suwayin ang ina mo kung gusto mong bukas makalawa paglamayan na ako." Maiyak iyak niyang sagot.
"Mom, don't say that." Sabay sabay naming tugon kahit ang dalawa kong gunggong na kapatid ay hindi naipinta ang mukha.
Ayaw na ayaw kong naririnig ang mga gan'ong salita mula kay mommy dahil parang nagpapaalam na siya o nagpapahiwatig na aalis na. Hindi ko kakayanin 'yon at alam kong gan'on din ang nararamdaman ng mga kapatid ko.
"Pwede namang ibang babae nalang." Sa wakas ay sabat ni Syete.
"Ibang babae? Iyong mula sa mga bar na halos ibenta na ang mga kaluwa't katawan? Iyon ba ang gusto mong maging may bahay, gan'on ba ang mga klase ng babae na gusto mong maging ina ng mga magiging anak mo?"
Hindi agad ako nakakibo dahil alam kong hindi ang sagot ko. Kahit man hindi ako nagseseryoso sa babae, tulad ng ibang mga lalaki ay pangarap ko rin namang makahanap ng babaeng mapapangasawa na desinte, matino at mother material.
'Yong tipo ng babaeng mas pipiliin ang pumirme sa bahay kaysa ang makipaghalubilo sa iba't ibang mga lalaki sa bar. 'Yong tipo ng babaeng simple at kung manamit ay hindi kabastos bastos. 'Yong babaeng kapag nabuntis ay hindi aalalahanin ang body figure kundi ang kalusugan ng magiging anak namin.
At alam kong wala iyon sa mga bar na pinupuntahan ko.
Hindi naman sa mababa ang tingin ko sa mga babaeng nagpupunta at inuumaga sa mga bar pero alam kong hindi iyon ang lugar na hanapan ng matinong maybahay dahil ang mga kababaihan doon ay saya at aliw ang hanap.
"Mom, kung hihilingin niyo rin namang 'yong madre ang iharap ko sa inyo hindi rin naman 'yon sasama dahil halos nga tawagin lahat ng Santo kapag lumalapit ako." Sagot ko dahil alam kong seryoso si Mommy sa kanyang gusto. Hindi ko mapigilan ang mapahilot sa noo ko dahil biglang sumakit.
Sa lahat talaga ng topic ang nakakapagpasakit talaga ng ulo ko ay ang usaping pag-aasawa. I know I'm in a right age to settle down but I'm not ready yet.
"Sige, hindi ko ipagpipilitang iyon ang iharap mo sa amin pero gusto ko bago sumapit ang anniversary ng Daddy mo ay may madala kang matinong nobya sa pamamahay na ito." May pinalidad na tugon niya kaya ang mga kulang sa aruga kong mga kapatid kay nagsingishan na naman.
"Mom naman, next week na ang anniversary niyo hindi naman gan'on kadaling maghanap at hindi ba't kayo pa nga ang nagsabi noon na hindi hinahanap ang pag-ibig dahil kusa iyong dumarating." Apila ko, tahimik lamang ang mga kasama namin pero bakas sa mga mukha nila ang saya sa panggigisa sa'kin.
"Bakit wala ba ni isa sa mga nakadate mo ang matino?" Taas kilay niyang tanong.
Napasimangot ako. "Wala."
"Paano magkakaroon ng nakadate na matino kung siya mismo hindi matino." Banat ni Sais.
"f**k you." Hindi ko mapigilang mura at bigla nalang akong napangiwi dahil sa kutsara tumama sa bibig ko, binato ako ni mommy.
"Naghahanap ka ng matinong babae pero ikaw hindi mo magawang maging matino, ang unfair mo naman Kuya." Panggagatong ni Syete.
Nakasimangot akong tumingin kay Mommy na puno ng pagmamakaawa ang mga mata. "Mom pwede naman sigurong sila nalang muna ang pahanapin mo ng magiging asawa." Paglalambing ko dahil alam kong kahinaan niya ang paglalambing namin.
"NO!" Mariin niyang sagot. Lambing namin ang kahinaan niya pero siguro hindi ngayon.
"Ikaw ang mas matanda sa kanila kaya ikaw dapat ang mauna bago ang mga kapatid mo. So, tulad ng usapan before anniversary namin ng Dad niyo." Natulala na lamang ako nang magpunas siya ng bibig at tumayo, nakasunod lamang ang tingin namin sa pag-alis niya sa hapag.
"Goodluck son." Si Daddy na tumyo na rin at bahagya pa akong tinapik sa balikat.
Hindi ako nakasagot dahil tinalo ko pa ang pinagbagsakan ng langit at lupa. Para akong nakakita ng multo sa isiping maghahanap ako ng mapapangasawa, wala sa plano ko 'yon pero heto ako ngayon. Hindi ko na mababago ang isip ni Mommy dahil minsan lang siya makialam sa mga desisyon namin sa buhay pero kapag nakialam siya ay siguradong ang gusto niya ang masusunod.
"Naririnig ko ang kalimbang ng kampana." Pang-aalaska ni Sais, salubong ang kilay na tumingin ako sa kanya at ang loko ay kinindatan pa ako.
"At ang sermon ng pari." Ani Syete na ngising ngisi sa'kin.
Pagtayo ko ay mabilis rin silang sabay na tumayo at malalaki ang mga hakbang na tumakbo papuntang second floor. Ang mga suot namin ay boxers at sando lang kaya naging mabilis ang mga galaw nila, tumakbo rin ako ng mabilis para habulin sila. Kahit makakutos lang ako panggante lang sa mga panggagatong nila sa sermon ni Mommy.
Malalakas ang mga tawa nila at bago ko pa maabutan ay nakapasok na sa sari'sarili nilang kwarto. Napapadyak ako sa inis at napahilamos sa mukha.
"Hays, hindi ako mag-aasawa. Never!" Frustrated na sigaw ko at ang mga loko dinig na dinig ko ang mas lalong paglakas ng mga tawa.