Chapter 3

2164 Words
Fifth Castillion POV IWAS ang tingin ko sa babaeng kaharap ko ngayon, hindi ko magawang tumingin ng deritso sa kanya dahil pakiramdam ko ako na ang pinakamakasalanang tao sa buong mundo. I'm not guilty for what I've done dahil alam kong aksidente iyong nangyari sa train pero ang isiping isang babaeng nagbabalak na maging madre ang nabastos ko ay nakakapanghina. Nagkatinginan kami pero sabay din kaming nag-iwas ng tingin. Pakiramdam ko kahit na magbuhos ako ng holy water sa katawan ay hindi mawawala ang kasalanan ko. "Ahem." Tumikhim ako para pawiin ang awkward atmosphere na nangingibabaw sa pagitan naming dalawa. Nandito kami ngayon sa isang maliit na café na una kong nakita ng makalabas kami pareho sa train station. Napagpasyahan ko siyang imbitahin dito para makausap dahil alam kong hindi na dapat patagalin pa. Hindi ko alam kong paano makikitungo sa mga banal na tao kaya para akong teenager ngayon na natotorpe sa crush niya. My goodness, ni pati libog ko tiklop kapag napapasadahan ko ng tingin ang suot niya. Though kahit balot balot ito ay kitang kita ko pa rin ang malalaking hulma ng kanyang hinaharap. Ilang ulit akong umiling. Pilit ang ngiting ibinalik ko ang tingin sa kanya. Magkaharap kaming dalawa ngayon at pati ito ay alam kong hindi mapakali basi sa pagkurot kurot nito sa mga daliri na nasa ibabaw ng mesa. "Gusto kitang makausap tungkol sa perang ibinayad ko sa bidding." Panimula ko at bahagya kong inayos ang collar ng suot kong polo. Tumikhim ako at inayos ang pagkakaupo. Bakit ba ako maiilang sa kanya? Ako? Si Fifth Castillion naiilang sa isang babae? Never. Never. Never. Hindi dapat ako nagpapakita ng gan'on dahil pagyurak 'yon sa pagkatao ko. Ako pa naman ang pinakagwapo sa aming magkakapatid at kahihiyan sa lahi namin kapag makaramdam kami ng ilang sa mga babae. Sila dapat ang maintimidate sa'min, sila dapat ang lumuluhod sa'min lalo na sa'kin na pinakagwapo sa lahat ng mga Castillion. Alam ng lahat na ang lahi namin ay ang tinatawag na God's gift to women. "T-Tungkol doon, babayaran naman kita pero gusto ko sanang humingi ng kahit kaunting palugit." Nakayuko pa rin ito at hindi makatingin ng diretso sa'kin. Ganyan nga Singco dapat siya ang mailang hindi ikaw. Remember, Castillion ka kaya wag mong ipahiya ang lahi mo. "What do you mean? Hindi mo maisasauli agad sa'kin ang pera?" Hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng perpektong kong kilay. Actually, lahat naman sa'kin perpekto at given na 'yon. Small thing kumbaga. "Look, hindi naman sa minamadali kita actually kahit hindi mo na iyon bayaran dahil mayaman naman ako. Sa sobrang yaman ko nga kahit banggitin mo lang pangalan ko sa kahit saang mall ay manginginig agad sila sa takot. But, but, wala naman akong dahilan na magwaldas ng isang milyon kung wala akong makukuhang benefits." Kitang kita ko ang pagkagat niya sa pulang pula niyang mga labi. Ilang ulit akong napalunok habang hinihiling na sana ako ang kumakagat n'on. Fuck! Napamura ako dahil nabubuhay na naman ang pagnanasa ko sa kanya tulad ng una ko siyang makitang nagsasayaw. Ano ka ba naman Singco, nakapangmadre na't lahat lahat tinatayuan ka pa rin. "P-Pasensya na, nagastos ko na kasi ang pera sa isang napakaimportanteng bagay. Bagama't hindi ko naisakatuparan ang napagkasunduan." Mahinhing sagot niya. Napasentido ako at pilit ko pa ring inginiti ang perpekto kong mga labi dahilan para lumitaw ang perpekto kong mapuputing ngipin. "What now?" Mas lalo nitong iniyuko ang ulo. Hindi ko na nga nakikita ang mukha mas lalo pang yumuko kaya mas lalong naitago ang kagandahan niya. "K-Kung nanaisin mo ay maaari kong ituloy ang napagkasunduan. Na tayo ay... tayo ay..." Sabay kaming napasign of a cross kahit hindi niya pa natatapos ang sasabihin niyang alam kong labag na labag sa kanyang loob. "Patawarin niyo po ako Panginoon." Nausal ko. Hindi ko masikmura ang pumapasok sa isip ko. Hindi ko kayang makipagsex sa kanya habang nakasuot siya ng pangmadre. Mapapadasal ako ng ama namin ng wala sa oras. Napabuntong hininga ako at pinilit ang sarili na makipag-usap sa kanya. Tinatayuan talaga ako ng balahibo dahil sa suot niya, pakiramdam ko halloween kapag naiisip ko ang pagkabanal niya. "Ayokong pilitin ka sa bagay na iyon dahil alam kong labag iyon sa loob mo. I can't force someone to have s*x with me 'coz I repect women. Tangna, napapaenglish ako." Napahilamos ako sa mukha ko. Nanlalaki ang mga mata nitong sa wakas ay tumingin sa'kin. "Patawarin ka nawa ng Diyos, napakadumi ng mga salitang lumalabas sa iyong bibig." Nagigimbal ang reaksyon niya habang tutop ang mapupulang labi. Nanggigigil akong napakagat labi. "Sarap mong kurutin sa utong." Nasabi ko. Shit! s**t! s**t! Panay ang tahimik kong pagmumura sa sarili dahil naisatinig ang mga salitang sana'y sa isip ko lang. Napakamot nalang ako sa batok ko at hind na ako nagtaka ng mas lalong manlaki ang kayang mga mata. "Jusko! Napakabastos ng iyong bunganga." Aniya, dali dali itong may hinugot sa bulsa ng kasuotan. Kinilabutan ako ng naglabas siya ng isang rosary. Kulang nalang ay takasan ako ng dugo sa buong katawan nang abutin niya ang isa kong kamay at ipinatong iyon doon. Hinintay ko nalang na biglang magliyab ang buo kong katawan. Nang lumipas ang ilang minuto na hindi naman ako nasunog ay nakahinga ako ng maluwag. "Gamitin mo ito at magdasal ka araw araw upang umalis sa iyong katawan ang masamang espiritu na nag-uudyok sa'yo na magsalita ng makasalanan." Payo niya. Dahil sa pagkataranta ay wala sa sariling agad kong isinilid sa bulsa ko ang bigay niyang rosaryo. Mabilis kong ininom ang isang baso ng tubig na nasa harapan ko. Napatingin ako sa kanya at natigilan ng makita ko ang masuyo niyang ngiti sa mga labi. Napakurap kurap ako dahil sa sobrang ganda niya. Walang maipipintas sa sobrang perpekto ng mukha, simula sa mga namumungay na mga mata, maliit ngunit matangos na ilong, mapupulang labi at mamula mulang mga pisngi. Mahahaba rin ang itim na itim na mga pilik mata. "N-Naubos na ang pera kaya't humihingi ako ng palugit para makahanap ng ibang paraan para mabayaran ka." Kahit ang boses nito ay parang nagduduyan ng sanggol sa sobrang lamyos. "Isang milyon? Paanong naubos agad?" Tanong ko ng makabawi sa pagkakatulala sa malaanghel niyang mukha. Ang kanina'y purong ngiti nito ay nabahiran ng lungkot. "Iginastos ko sa isang napakaimportanteng bagay." Sagot niya at dahil mukhang wala talaga siyang balak na magkwento ay hindi na ako nagtanong. "Kung hihintayin kitang mag-ipon ay tiyak aabutin ka ng ilang taon." Napayuko ito dahil sa sinabi ko, napabuntong hininga nalang ako. "Anong pwede mong maibigay sa'kin bukod sa katawan mo?" Nagtaas ito muli ng tingin at bakas ang kaguluhan sa mga mata. "Bukod sa katawan ko?" Tumango ako. "Yup, you know I can't have s*x with you so what can you offer?" "W-Wala." Nahihiyang sagot niya. Tumayo na ako bago dinukot ang cellphone sa bulsa ko at inilahad sa kanya. "Ibigay mo sa'kin ang number mo at tatawagan kita kapag nakaisip na ako kung paano kita masisingil." Ilang minuto niya munang tinitigan ang cellphone ko bago napipilitang inabot at inilagay ang number niya. "Dapat kapag tinawagan kita available ka." "Ngunit--" agad kong itinaas ang palad ko para patigilan siya sa pagsasalita. "Wag ka ng magsalita, dudugo ang ilong ko sa lalim mong managalog." Nagmano ako sa kanya bago ako tuluyang umalis sa lugar. Naiiling akong nasapo ang p*********i ko at napamura nalang ng maramdamang tigas na tigas iyon at mas tirik pa kaysa sa sikat ng araw. Madalas talaga akong mapahamak dahil sa kalibugan ko. HINDI MAPIGILAN NI Nette ang mapahugot ng malalim na hininga habang naglalaro sa kanyang isipan ang napag-usapan nila ng binatang Castillion. Ngayon lamang siya nakatagpo ng gan'oong lalaki dahil hindi naman talaga siya madalas makihalubilo sa mga adan, bawal iyon sa kinalakhan niyang kapaligiran. Napakabastos ng binata ngunit hindi niya madadaya ang sarili dahil sa kabila ng pagiging madumi ng mga salitang lumalabas sa bibig nito ay humahanga siya sa angking kakisigan at kagwapohan ni Fifth. Ibang iba ito sa mga lalaking nakikita niya kapag dumadalaw sila sa iba't ibang simbahan o nagkakaroon ng pagdiriwang ang kanilang kumbento. Sa isang tingin pa lang ay masasabing nabibilang ito sa mga taong marangya ang buhay at humihiga sa pera. Nakakahalina rin ang pagiging matikas ng katawan nito, ang paghapit ng suot na kamesita sa malapad nitong dibdib pati na ang pantalon na perpektong ipinakita ang hulma ng mga hita. Hindi rin matatawaran ang kagwapohan nito na kapag ngumiti ay matutulala ka na lamang. Perpektong perpekto ang makinis nitong mukha, natural na namumula ang pisngi na tila kapag kinurot ay madaling masugatan dahil sa sobrang lambot. Matangos ang aristokratong ilong at namumula ang mga maninipis na labi. "Patawarin niyo po ako Panginoon dahil pinupuri ko ang isang adan, alam ko pong mali iyon gayong hindi ko ito kasintahan o asawa." Piping usal niya. Ilang ulit na ba siyang humingi ng kapatawaran ukol sa bagay na iyon simula ng magkrus ang landas nila ng binata? Hindi na niya mabilang dahil kusa na lamang itong lilitaw sa kanyang isipan, lalo na ang nakangiti nitong mukha. "Ayos ka lang ba iha?" Pilit siyang ngumiti dahil sa tanong ni Sister Monica na siyang tumayong ina niya mula ng pumasok siya sa kumbento sa murang edad. "Hindi ko lang ko mapigilan na isipin kung ano na ang kalagayan ng ate." Aniya, totoo iyon dahil kahit madalas sumagi sa kanyang isipan ang binata ay mas lamang sa kanyang isipin ang kalagayan ng nakakatandang kapatid. "Sabi mo't nakagawa ka na ng paraan para sa kanyang operasyon? Hindi ba't iyon nga ang dahilan kung bakit nagpaalam ka sa'king lalabas muna pansamantala sa kumbento?" Masuyong tanong nito habang inaayos ang telang nakabalot sa kanyang ulo. "Nakagawan ko na po ng paraan ang pera para sa kanyang operasyon ngunit hindi ko pa po alam kung pumayag po siya. Ayaw na po ng ate na mabuhay kaya't kahit may pera na ay nangangamba pa rin po ako para sa kaligtasan niya." Hindi niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Ang pera para sa operasyon ng kanyang ate ang dahilan kung bakit napilitan siyang magsayaw na tila hubad kahit na labag iyon sa prinsipyong mayroon siya simula pagkabata. Ito ang dahilan kung bakit may malaking utang siya ngayon sa binatang Castillion. Galit sa kanya ang kapatid at ayaw na ayaw nitong lumalapit siya dito kaya ang kaibigan nalang nito ang pinagkatiwalaan niyang kukumbinse na magpaopera ito. Hindi rin biro ang isang milyon kaya ipinapanalangin niya na sana magbago ang isip nito, na sana gustuhin nitong magpaopera. "Ipasadiyos na lamang natin na maging tama ang kanyang pagpapasya, halina't tayo'y manalangin para sa ikabubuti ng iyong kapatid." Nakangiting tugon ng kausap. Nagpatianod siya ng igiya siya nito papasok sa simbahan. Mabilis na gumaan ang kanyang kalooban ng mapatingin sa altar. Simula pagkabata ay iyon na ang nagpapagaan sa kanyang kalooban kapag may problema siyang iniisip. Ang simbahan ang nagiging takbuhan niya kapag pakiramdam niya ay gusto na niyang sumuko mula sa pagsubok ng buhay. Bata palang ay tinatawag na siya ng langit upangbpaglingkuran ang diyos kaya't ng magkaroon siya ng pagkakataon ay hindi na niya iyon pinaglagpas. Lumuhod sila sa harap ng altar at nagsimulang magdasal. Panginoon, narito po akong muli sa Iyong harapan upang manalangin. Sobra sobra po ang aking pasasalamat sa lahat ng mga bibiyang Iyong ipinagkaloob sa akin at sa mga taong nakapalibot sa'kin. Malaki po ang aking pasasalamat sa lahat lahat. Sa kabila po ng lahat ay hindi Niyo ako tinalikuran kahit dumating sa puntong nawalan ako ng tila sa pagmamahal Niyo sa'kin bilang anak. Ipinananalangin ko po na sana hindi rin Kayo magsawa sa pag-intindi sa aking kapatid. Nawa ay bigyan Niyo siya ng magandang kalooban at pag-iisip na hindi sayangin ang kanyang buhay. Buong puso ko pong ipinagkakaloob sa Inyo ang kanyang kaligtasan. Mahal na mahal ko po ang aking kapatid tulad ng kung paano ko Kayo mahalin. Maraming maraming salamat po. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, ng Diyos, Ispiritu Santo. Amen. Nang idilat ko ang aking mga mata ay napatitig lamang ako sa altar, sa ilaw na nagbibigay liwanag sa buong lugar. Masuyo akong napangiti habang pinagmamasdan ang lugar kung saan nakilala ko Siya. Kung saan ako namulat na sa lahat ng parte ng ating buhay dapat ay bigyan natin Siya ng puwang doon. Dahil ang pagmamahal na kasama Siya ay hindi hindi basta natitibag ng kahit anong klase ng pagsubok. Gumaan ang kanyang loob sa simpleng pagtingin lamang sa paligid. Malaking bagay talaga ang araw na araw niyang pagpunta dito dahil tila may mahikang pumapawi sa bigat ng kanyang pakiramdam. "Ayos ka na ba iha?" Muling tanong ni Sister Monica ng palabas na sila ng simbahan. Nakangiti siyang tumango. "Opo, palaging Siya naman po ang nagpapagaan ng aking damdamin." "Wag na wag mong kakalimutan palagi ang pasasalamat." Bilin nito. "Opo." Tumingala siya sa maaliwalas na kalangitan ngunit ang ngiti niya ay nahaluan ng kaguluhan dahil tila nagporma ang ulap at nakikita niya doon ang nakangiting mukha ng binatang Castillion.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD