Nette POV KAHIT MALAPIT nang dumilim ay pinilit ko pa ring makarating sa hospital. Hindi mawala sa aking isipan ang kalagayan ni Ate Tam, hindi ko na alam ang gagawin ko. Papasok pa lamang ako ay nakita ko na si Julio na hindi magkandaugaga sa paglagay ng bag sa kanyang braso habang papalabas ng lugar. Nagmamadali ko siyang sinalubong. "Kumusta po si Ate Tam?" Agad itong napabaling sa'kin af humawak aking braso. "Naku nandoon sa kanyang silid at nagmumukmok na naman ang bruha, ikaw na muna ang bahala sa kanya dahil malelate na ako sa trabaho ko. Pagpasensyahan mo muna hanggang sa makabalik ako, kailangan ko ring kumuyod kundi pare-pareho tayong nganga." Mabilis ang kanyang pagsasalita at bago pa man ako makasagot ay nakaalis na siya. Nakatanaw na lamang ako sa kanyang likod hanggang s