Shynelle NATANAW ko sa labas ng gate na pinagkakaguluhan na ng mga kapitbahay si Sunnie habang buhat ng kanyang ama. Naroroon sila Manang Puring, Aling Marissa, Aling Mira, Manang Carmencita at si Ka Linda. Kinakausap nila si Sunnie at nakikita ko rin ang pagsagot-sagot ng anak ko sa kanila na mukhang nagigiliw din sa kanila. Hindi ko lang sila marinig dahil nakakulong ako dito sa loob ng bahay! Mananagot talaga sa akin ang Chase na 'to. At hanggang ngayon ay nasa bulsa pa rin niya ang sinira niyang panty ko! Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Maninira pa rin siya ng mga damit ko hanggang ngayon! Napahinto ako nang makita kong may isang magandang babae ang lumapit din sa kanila. Hinahawak-hawakan niya ang pisngi ng anak ko na giliw na giliw din pero kakaiba naman ang mga titig niya