CHAPTER 5: Food Sensitive

1946 Words
Shynelle SAKTONG TANGHALI nang matapos kong turuan si Rosalinda sa mga dapat niyang malaman. Hindi pa rin bumabalik hanggang ngayon sila Chase at Misty. Ayaw ko na ring abutan pa niya ako dito kaya nagpaalam na rin ako kay Sir Chloe at sa mga ka-trabaho ko. Pero bago 'yon ay nabayaran ko naman muna sila mula sa perang ibinigay sa akin ni Sir Chloe. At pinagbigyan niya talaga ang request ko na dagdagan ng 10K para sa budget namin ni Mama sa loob ng two weeks. Sisingilin na lamang daw niya si Chase. Ewan ko lang kung magbigay 'yon sa kanya. Baka nga magalit pa siya sa akin dahil nangutang na naman ako ng pera sa kapatid niya. "Maraming salamat sa inyong lahat! Mami-miss ko kayo!" paalam ko sa kanila. Kasalukuyan na akong nakatayo dito sa front door ng malawak na opisina. "Congratulations, Shyn! Sana makadalo din kami sa kasal niyo ni Sir Chase!" turan naman ni Beth. "Makakain man lang sana kami ng lechon!" turan naman ni Madelyn. "Sana nga. Salamat. Makakahinga na kayo ng maluwag. Wala nang mangungutang sa inyo!" Kumaway ako sa kanilang lahat. Nagtawanan naman sila. "Ingat ka, Shyn! Salamat sa bayad," nakangiting turan naman ni Garry. "Mag-chat ka lang kapag kailangan mo ulit ng pera," turan naman ni Reynan. "Ang bait mo naman. Salamat sa inyo." Hindi ko napigilang maluha sa harapan nila. Kahit papaano ay naging pamilya ko na rin sila dito. Binigla talaga ako ni Sir Chloe. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanila ng maayos. Bago pa pumatak ang mga luha ko ay kaagad ko na silang tinalikuran. Ngunit nagulat ako nang biglang bumungad sa harapan ko ang isang malapad na dibdib. Kamuntik ko pang mabitawan ang mga dala ko! Sa pagtingala ko ay mukha ni Sir Chase ang bumungad sa akin. Seryoso siyang nakatitig sa akin. Nahigit ko naman ang aking paghinga. May mahihinang pagtili at bulungan akong narinig mula sa likuran ko. "Ahm, a-aalis na 'ko," mahinang paalam ko sa kanya na hindi maririnig ng mga empleyado sa likuran ko. Sumilip din ako sa likuran niya pero parang nag-iisa na lamang siya ngayon. Nasaan na kaya ang ex niya? Bigla niyang inagaw sa akin ang hawak kong box. "Wala ka na bang naiwan?" "Ahm, w-wala na." Kaagad na rin siyang tumalikod. Pinagbuksan naman kami ng pinto ng guard. Mabilis akong sumunod kay Chase sa paglabas. Nagtungo kami sa elevator na para lamang sa mga boss at pumasok sa loob. Pagkasara ng pinto ay kaagad din itong gumalaw paibaba. Nangibabaw naman ang nakabibinging katahimikan sa buong elevator. Matinding pagkailang din ang naramdaman ko. "Stay in my unit." Napahinto naman akong bigla at napalingon sa kanya. "H-Ha?" "Do I have to repeat myself?" masungit niyang tanong. "Ahm, p-pwede bang pagkatapos na lang ng kasal natin?" "Choosy ka pa? Do you really prefer living in that rundown place over a condo?" "Hindi sa ganun. Maiiwan kasi si Mama sa bahay namin nang mag-isa. Ipapa-checkup ko din muna siya sa hospital na sinabi sa akin ni Sir Chloe. Binigyan niya ako ng referral letter. Kapag nasiguro kong okay na si Mama, pwede na akong lumipat sa condo mo." Hindi siya sumagot at nakikita ko ang inis sa mukha niya. "Please? May sakit kasi si Mama. Gusto ko lang makasiguro na maayos na ang kalagayan niya bago ko siya iwan. Hahanap din muna ako nang makakasama niya sa bahay." "Do I have a choice?" Ako naman ang hindi na sumagot pa. Pero kahit papaano naman ay nakahinga ako ng maluwag dahil pumayag siya. Sa aming dalawa kasi ay siya lang ang dapat na nasusunod sa lahat ng bagay. Bumukas ang pinto ng elevator. Nauna na akong lumabas at sumunod naman siya. Wala rin dito sa lobby si Misty. Sana naman ay nakaalis na siya. Dire-diretso na kaming lumabas ng gusali. Nauna siyang nagtungo sa kotse niyang nakaparada lamang sa harapan. Labis ang tuwang naramdaman ko. Mukhang ihahatid niya ako ngayon. Bihira niya lang din naman itong gawin sa akin. Ipinasok niya sa backseat ang box at kaagad din itong isinara. Mukhang wala namang tao sa loob. Nag-aalala ako na baka naririyan si Misty. Binuksan niya naman ang pinto sa front seat bago lumingon sa akin. Nag-init masyado ang aking mukha. Naging gentleman na naman siyang bigla ngayon. Kung minsan naman ay para siyang anghel, pero madalas ay may sapi ng demonyo. Kung sana ay ganito na lang siya palagi. Pumasok ako sa loob. Inalis ko ang bag ko sa balikat at itinapon sa back seat. Ayoko nang sagabal dito dahil dito niya ako sa kotse madalas inaangkin. Pagkasara niya ng pinto ay kaagad din siyang umikot patungo sa kaliwang bahagi. Kaagad din siyang pumasok dito sa loob at pumwesto sa driver's seat. Isinuot ko naman ang seatbelt ko. Pagkabuhay niya ng makina ay kaagad din itong pinaandar. "Ahm, i-ihahatid mo ba ako sa bahay?" nag-aalangan kong tanong sa kanya. "Nagugutom ako," malamig naman niyang sagot. "Akala ko kumain na kayo no'ng ... f-friend mo." Hindi siya sumagot at nagpatuloy lamang sa pagmamaneho. Napahaplos ako sa tiyan ko nang bigla itong kumulo. Nagugutom na rin ako at siguradong nagugutom na rin ang baby namin. Kakaunti lang ang nakain ko kaninang umaga dahil nga humihilab ang tiyan ko. Hindi rin naman ako nakakain kanina sa thirty minutes break. Hindi nagtagal ay iniliko niya sa isang Italian restaurant ang kotse at inihinto sa isang bakanteng parking lot. Hindi ko na hinayaan pang pagbuksan niya ako ng pinto. Paglabas niya ay lumabas na rin ako. Pumasok kami sa loob ng restaurant at siya ang pumili ng table na pupwestuhan namin. Sa pinaka-likod ito at nasa gilid ng glass wall. Hindi lang ito ang unang beses na dinala niya ako sa restaurant at sabay kaming kumain. Hindi ko na rin mabilang kung ilan. Apat na buwan na rin naman ngayon simula noong ariin niya ako. Simula noong mangyari ang pagnanakaw sa condo unit niya. "Pumili ka na ng lunch mo," malamig pa rin niyang utos sa akin kasabay nang pagdampot niya sa menu book na nasa harapan niya. Dinampot ko na rin naman ang isa pang nasa harapan ko at pumili na rin nang pananghalian ko. "Shrimp with pear na lang ang sa akin and one rice," ani ko sa kanya. "What else?" "Yon lang. Baka hindi ko maubos, eh." Kaagad na niyang sinenyasan ang waiter. Lumapit din naman kaagad sa amin ang isang lalaking waiter. "Good afternoon, Ma'am, Sir! Ano pong order niyo?" Si Chase na ang sumagot, "one order of shrimp with pear, Italian meatballs, melon wrapped in ham, salad with mozzarella, and rice. Pair it with Nebbiolo." "Isang bote po ba, Sir?" tanong naman ng waiter sa kanya. "Ahm, C-Chase hindi ako pwedeng mag-alcohol ngayon," singit ko sa kanilang dalawa. Nangunot naman ang noo niya habang nakatitig sa akin. "Why?" "Masama kasi ang sikmura ko, eh. Kanina pa itong umaga. Baka lalong humilab." Muli siyang bumaling sa waiter. "Just a glass of Nebbiolo and water. 'Yong hindi malamig." "Copy, Sir." Kaagad na ring tumalikod ang waiter. Sinupil ko naman ang mga ngiting gustong mamutawi sa mga labi ko. Kaagad ding nag-serve ng mga pagkain sa amin ang mga waiter. Hindi nila pinaghihintay dito ng matagal ang mga customer, hindi katulad sa ibang restaurant. "Ang dami pala nito," ani ko habang pinagmamasdan sila. Kaagad ko ring nalanghap ang samo't saring amoy nila, hanggang sa makaamoy ako nang hindi maganda. Mas lalong tumindi ang paghilab ng sikmura ko at para na itong babaligtad. Kaagad kong tinakpan ang bibig ko at pinigilang masuka. Napansin ko naman ang pagtitig sa akin ni Chase at pagkunot ng noo niya. "What's wrong?" "G-Gagamit lang ako ng restroo--ugh!" Kaagad na akong tumayo nang bigla na akong maduwal sa harapan niya. "What the..." Hindi ko na siya pinansin pa. Mabilis kong hinanap ang kinaroroonan ng restroom at nakita ko din naman ito kaagad sa kanang bahagi nitong restaurant. Mabilis akong nagtungo doon at pumasok sa loob. Kaagad akong dumiretso sa sink at doon sinubukang iluwa ang bagay na gustong lumabas mula sa sikmura ko. Binuhay ko rin kaagad ang gripo. Ngunit wala namang lumabas sa bibig kundi malagkit lamang na laway. Wala akong maisuka dahil wala pa naman akong kain. Nag-gargle ako at ilang minutong pinakalma muna ang sarili. Muli akong nag-gargle. Naalala kong bigla ang bag ko na naiwan sa kotse. s**t. Nandoon pa naman ang panyo ko. Kumuha na lamang ako ng maraming tissue dito at ipinunas sa basa kong bibig at pisngi. Nabura na ang lipstick ko. Bahagyang kumalma naman ang sikmura ko. Ilang ulit akong huminga ng malalim. Nagsisimula na naman akong manghina. Anong pagkain ba 'yong nalanghap kong mabaho kanina? Shrimp with pear, Italian meatballs, melon horned with ham, salad with mozzarella. 'Yan 'yong mga inihayin ng mga waiter sa mesa. Kung bakit naman kasi ang dami niyang in-order! Shrimp and rice lang naman ang sa akin doon! Akala ko ba ay nag-shabu shabu na siya kasama ang ex niya! Bakit parang gutom na gutom pa siya?! Kaagad ko na ring inayos ang sarili ko sa harap ng salamin. Ngayon ko lang napansin na ang putla-putla ko na pala. Kumuha ako ng maraming tissue at binaon ko palabas ng restroom. Nakita kong madilim na ang anyo ni Chase at matalim na rin ang tingin sa akin. Kaagad akong lumapit sa kanya. Itinakip ko sa ilong ko ang tissue upang hindi ko malanghap ang amoy ng mga pagkain. "P-Pasensiya na, masama talaga ang tiyan ko, eh." "Ipinapahiya mo 'ko," mahina ngunit matigas niyang sagot. "Sorry na." Halos maiyak na ako sa harapan niya. Dagling nangilid ang mga luha sa aking mga mata. "M-May naamoy akong hindi maganda sa pagkain." Umupo akong muli sa silya ko. Isa-isa naman niyang inamoy ang mga pagkain. "Okay naman lahat. Wala namang sira." "Meron, eh." Inalis ko ang tissue sa ilong ko at isa-isa ring inamoy ang mga pagkain. "Ugh!" Muli akong napatakip nang malanghap ko ang hindi magandang amoy mula sa shrimp na ako mismo ang nag-order. "Hmm... Hmm..." Kaagad kong inilayo mula sa akin ang plato na kinalalagyan ng shrimp. Itinuro ko ito sa kanya. May pagtataka namang tumitig sa akin si Chase. Dumampot siya ng chopstick at kumain ng isang piraso ng hipon. Kaagad niya rin itong nginuya habang nakatitig sa akin. Nakita ko rin kung paano niya ito nilunok. Ilang beses gumalaw ang Adam's apple niya sa leeg. "Okay naman. Masarap at mukhang bagong luto. What's wrong with it?" "Eh, hindi ko talaga kayang kainin. Hindi ko mapigilan ang sikmura ko." "Waiter," bigla niyang tinawag ang waiter. Kaagad ding lumapit ang isa sa kanila. "Yes, Sir?" "Take this, but I'll pay for it. Please add it to my bill." "May problema po ba?" Lumarawan ang pagtataka sa anyo ng waiter. "Hindi gusto ng fiancée ko," sagot niyang muli. Napalingon sa akin ang waiter. "Pasensiya na," ani ko sa kanya habang takip ang ilong at bibig ko gamit ang tissue. "Sige po, Ma'am, Sir. Okay lang po. Pasensiya na po." Yumuko siya sa harapan namin bago umalis bitbit ang plato. "Okay na?" tanong sa akin ni Chase. Inalis ko ang tissue sa ilong ko at sinubukan muling amuyin ang mga pagkain. Nakahinga ako ng maluwag nang wala na akong malanghap na mabahong amoy. "O-Okay na. Sorry talaga." "Ano'ng gusto mong ipalit?" "Hindi na. Okay na sa akin ang mga 'to. Marami na 'to." Dinampot ko na ang kutsara at tinidor ko at nagsimula nang maglagay ng Italian meatballs sa plato kong may kanin na rin. Mukhang masarap naman ito. Nakatitig pa rin sa akin si Chase pero nagsimula na rin siyang maglagay ng pagkain sa plato niya. Hindi pala pwede sa akin ang hipon. Mukhang ayaw ng baby ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD