THIRD PERSON POV DUMAAN ANG ILANG SANDALING nananatiling nakatulala si Chase sa isang batang babaeng nasa kanya ngayong harapan. Nakataas ang hawak nitong sapatos at nakaamba pa rin sa kanya na parang anumang oras ay papaluin siyang muli. Hindi pamilyar sa kanya ang mukha ng bata, ngunit kakaiba ang t***k ng puso niya sa mga sandaling ito. Tila kilalang-kilala ito ng puso at kaluluwa niya. Dahan-dahan niyang niyuko ang bata hanggang sa mailuhod na niya ang isa niyang tuhod sa sahig at magpantay na ang kanilang mga mukha. "A-Are you..." Hindi na niya maituloy pa ang sasabihin niya. Bumugsong bigla ang damdamin niya nang makita niyang nag-uumpisa na itong humikbi habang nananatiling nakatitig sa kanya. Namumula at nangingintab na rin ang matangos nitong ilong. "Hindi mo 'ko love! Ayaw