Shynelle UMAGA na nang magising ako. Maliwanag na ang buong paligid at may kaunting sikat na nang araw na pumapasok dito sa loob mula sa malaking glass window. Kaagad kong nilingon ang mag-ama ko sa tabi ko. Napangiti ako nang makita kong nakayakap ang mahal kong anak sa kanyang ama. Nakatanday pa ang isang paa nito sa tiyan. Nakatihaya naman si Chase pero nakayakap din ang isa niyang braso sa anak namin. Nakasiksik na sa kilikili niya ang ulo ng anak namin. Parehong mahimbing ang tulog nila na halatang puyat na puyat. Hindi ko alam kung anong oras na sila nakatulog kagabi dahil nauna na akong nakatulog sa kanila. Hindi ko na sila namalayan pa. Walang pang-itaas si Chase kaya naman napapagmasdan ko ngayon ang katawan niya. Ngayon ko lang napansin na parang nabawasan siya ng laman. Medy