Shynelle
Biglang napatayo si Chase at bahagyang itinulak ang babae. Lumarawan naman ang gulat sa anyo ng babae dahil sa ginawa niya. Lumabas mula sa table si Chase at naglakad patungo sa harapan ko.
"What the f**k are you doing here? You know how to knock, don't you?" mahinahon ngunit kunot-noo niyang tanong. Namaywang din siya sa harapan ko.
"Ahm, k-kumatok po ako. Pasensiya na po, nagkamali lang po ako ng opisinang pinasok. Para po talaga ito kay Sir Chloe." Kaagad kong niyuko ang mga nagkalat na bubog ng tasa sa sahig. Isa-isa ko silang dinampot sa nangangatal kong mga kamay. "L-Lilinisin ko na lang po ito."
Pilit kong pinangibabaw ang tapang sa dibdib ko at hindi umiyak sa harapan nila.
"Who is she?" dinig kong tanong ng babae. Napakalambing ng boses niya. Parang anghel.
"Secretary ni Kuya."
Napakagat-labi ako sa sagot na 'yon ni Chase. Nahiwang bigla ng isang pirasong bubog ang dulo ng gitnang daliri ko. Kaagad na sumirit ang dugo nito, pero hindi ko na ito pinansin pa. Nakita ko rin ang pagtalikod ng mga sapatos ni Chase.
Tumayo na ako habang bitbit ang mga bubog. Ipinasok ko ang mga maliliit nito sa isang malaking bahagi nito.
"Babalik po ako para linisin ang sahig. Kukuha lang po ako ng vacuum. Pasensiya na po ulit," nakayuko kong paalam sa kanila. Kaagad na rin akong tumalikod.
"Ms., it looks like you have a cut--"
"Don't mind her. She can handle herself. Kasalanan naman niya 'yan," kaagad na pigil ni Chase sa babae.
Napakagat-labi na lamang akong muli. Nagsimula nang manlabo ang aking mga mata sa luha.
"Huwag po kayong mag-alala, sanay na po ako sa ganito. Maliit na bagay na lang po ito sa akin," sagot ko sa kanila nang hindi sila nililingon. Kaagad na rin akong lumabas ng pinto upang hindi na marinig pa ang kung anumang sasabihin nila. Isinara ko rin ito kaagad.
Doon pa lamang pumatak ang mga luha ko sa pisngi. Nanikip ng sobra ang dibdib ko, pero kaagad akong huminga ng malalim at pinunasan ang mga luha ko.
"Hindi ako iiyak."
Nagtungo muna ako sa office table ko at hinubad ang shoes ko na basang-basa. Dito ko nakitang namumula ng husto ang mga paa ko. Nalapnos sila ng mainit na kape pero halos hindi ko naramdaman ang sakit nito kanina.
Natawa ako ng mapakla. Sabi ko nga sanay na ako sa ganito. Manhid na ako.
Kumuha ako ng tissue mula sa ibabaw ng table ko at pinunasan muna ang mga basa nito, pati na rin ang mga dugo sa daliri ko. Isinuot ko na muna ang flip flops kong naririto sa ilalim ng table ko bago ako nagtungo sa pantry. Mamaya ko na lamang lilinisan ang shoes ko.
Ibinalot ko sa isang papel na supot ang mga basag na baso bago ko isinilid sa isang cellophane at itinapon sa trash can. Kinuha ko ang vacuum cleaner mula sa janitor closet, ngunit bago ako lumabas ay muling pumatak ang mga luha ko sa pisngi.
Parang pinipiga ang puso ko sa mga sandaling ito.
Hindi ko inaasahan ang tagpong 'yon. Hindi siya si Ma'am Hershey, pero tama sila Beth at Madelyn--maganda din siya. Para siyang anghel sa kaputian. Mahaba at tuwid ang buhok niyang kulay chestnut at mayroon siyang nangungusap at nagtu-twinkle na mga mata. Wala nga akong panama doon. Tsk.
Tingnan niyo naman ang balat ko--ang itim-itim. Kahit pa yata maligo ako ng isang katutak na glutathione at kojic soap o lotion, hinding-hindi na 'to magbabago pa. Na-trigger na naman ang insecurities ko.
Ngayon ko pa lamang nakita ang babaeng 'yon. Alam ko namang walang pag-asa na mahalin din ako ni Chase. Ginagamit niya lang ang katawan ko bilang kabayaran sa kasalanang hindi ko naman ginawa. Sukdulan ang galit niya sa akin. Kung mahahanap ko lang sana si Al, pero kung sakali man na magkita kaming muli, siguradong ubos na ang isang milyong ninakaw niya.
Hindi ko man nakita ang mukha niya sa tatlong lalaking nanloob sa condo unit ni Chase, kilala ko naman ang katawan niya at kung paano siya gumalaw sa footage. Bigla siyang nanalo ng malaking pera sa sugal kuno. Kaya pala nakapagbayad siyang bigla ng mga utang niya sa akin. May pakunsuwelo pa ang lintik.
Siya lang din ang kasama kong pumasok sa unit na 'yon noong kunin namin ang mga papeles na inutos sa akin ni Chase, at nakita niya ang passcode noong buksan ko ang pinto.
Fine, may kasalanan nga ako. Kung sana ay isinikreto ko na lamang 'yon kay Al. May pagkukulang din ang security management nila sa gusaling 'yon. Hindi nila inayos ang pagbabantay sa nasasakupan nila.
Binigyan naman ako ni Chase nang pagpipilian noon. Ilabas ko daw ang boyfriend ko para makalaya ako sa kanya. Paano ko naman gagawin 'yon, nagtago na nga ang damuho! Kung kaya ko lang pumatay, pinatay ko na sana ang hayop na Al na 'yon!
"Shynelle, okay ka lang?"
Bigla akong napalingon kay Marife na kapapasok lamang ng pinto nitong janitor closet. Isa siya sa mga janitress nitong opisina. Ang isa naman ay si Jim.
"Bakit ka umiiyak? May problema ba? At saka may mga dugo ka sa mukha mo."
"Ha?" Bigla akong napapahid sa mukha ko.
"Hala, 'yang kamay mo pala ang dumudugo! Nadagdagan pa ng dugo 'yang mukha mo! Halika nga dito, gagamutin kita. Saan mo ba nakuha 'yan?!" Kaagad niya akong hinila at dinala sa mesa. Naglabas siya ng isang first aid kit mula sa isang drawer at binuksan ito sa harapan ko.
Hindi naman ako sumagot. Naupo ako sa isang silya. Pinunasan niya ang mga kamay ko gamit ang chlorhexidine wipes. Tinanggal niya ang lahat ng mga dugo doon.
"Nalagyan mo na rin ng dugo ang hawakan ng vacuum cleaner. Saan ka ba kasi nasugatan? Dumudugo pa rin, oh. Mukhang malalim ang sugat."
Patuloy pa rin nga ang pagdurugo ng sugat ko.
"Mawawala din 'yan," mahinang sagot ko naman sa kanya.
"Shynelle? Shyn?!"
Napalingon kaming bigla sa nakasaradong pinto nang marinig namin sa labas nito ang galit na tinig ni Chase.
Nataranta akong bigla. "N-Naku, hinahanap na 'ko. 'Yong lilinisin ko nga pala sa office niya. Hayaan mo na 'yan."
"Ha? Pero baka ma-impeksiyon 'yan. Kailangan 'yan magamot!" Hinawakan niya ng mahigpit ang braso ko at pinigilan ako sa tangka kong pagtayo.
"Shyn!"
Ngunit pareho kaming napahinto nang biglang bumukas ang pinto at bumungad doon si Chase na madilim na ang anyo.
"Bakit ba ang tagal mo--" Natigilan din siya at napatitig sa akin.
"S-Sir, g-ginagamot ko lang po sandali si Shynelle. Ang dami niya pong dugo. May malalim po siyang sugat sa daliri," kaagad na sagot sa kanya ni Marife.
Pumasok siya dito sa loob. Nakita ko rin ang pagbaba ng paningin niya sa mga paa ko. Bahagyang lumambot ang anyo niya.
"Iwan mo muna kami. Pakilinis na lang ng basa sa office ko," utos niya.
"O-Opo." Kaagad ding tumayo si Marife. "Sandali lang ako, ha. Marami ka pang dugo sa mukha," paalam niya sa akin bago niya tinungo ang vacuum cleaner. Hinila niya ito palabas ng pinto. Kaagad din niya itong isinara at naiwan kami ni Chase dito sa loob.
Sandaling namayani ang nakabibinging katahimikan ng paligid. Malakas ang t***k ng puso ko.
"P-Pasensiya na po talaga. I-awas niyo na lang po sa sahod ko ang nabasag na tasa at kape," nakayuko kong sabi sa kanya. Kumuha akong muli ng wipes at pinunasan naman ang mukha ko. Bahala nang masira ang makeup ko. Wala namang silbi ang mga ito.
Hinila naman niya ang isang silya at naupo sa harapan ko. Inagaw niya ang wipes na hawak ko at hinila ang mukha ko paharap sa kanya. Ganun na lamang ang pagbilis ng t***k ng puso ko.
Hindi ko makayang salubungin ang mga titig niya. Ayoko ring tumingin sa mga labi niyang natikman na ng iba, at sa harapan ko pa nila 'yon ginawa.
Inumpisahan niyang punasan ang pisngi ko gamit ang wipes. Nagsimulang manlambot ang puso ko. Bakit niya ito ginagawa?
"She's Misty, my childhood friend. She just came from Las Vegas," aniya sa mahinahong tinig.
HIndi naman ako sumagot.
"Siya ang humalik sa akin at hindi ako."
Doon na ako napatunghay sa kanya. Bakit siya nagpapaliwanag? Hindi naman ako bulag. Nakita kong nakikipagsagutan din siya ng halik sa babaeng 'yon at nakahawak pa siya sa baywang.
"Ayos lang naman po sa akin. Pasensiya na po dahil naistorbo ko kayo."
Huminto siyang bigla mula sa pagpunas ng pisngi ko. Nag-doble ang pagkakakunot ng noo niya at muling lumalim ang pagkakatitig niya sa akin.
"You're not jealous?"
"Hindi po. Bakit naman po ako magseselos?"
"Sinasabi ko lang din. Linisan mo ang sarili mo." Itinapon niya sa mesa ang wipes kasabay nang bigla niyang pagtayo. Bago siya tumalikod ay binigyan pa niya ako ng matalim na tingin.
Tuluyan na rin siyang lumabas at naiwan akong mag-isa dito sa loob.
Napabuntong-hininga ako ng malalim. Ang lakas talaga ng topak niya.
Napahawak na lamang ako sa impis ko pang tiyan at sa mga pregnancy test na nasa bulsa ko. Muling nanikip ang dibdib ko.
Hindi ko alam kung masasabi ko pa ba sa kanya na buntis ako. Siguro ay pagkatapos na lamang ng aming kasal.