CHAPTER 13: All ready

1859 Words

Shynelle KINABUKASAN ay maaga akong nagising sa ingay ng tila mga gamit sa kusina at amoy ng nilulutong pagkain. Humilab ang sikmura ko at para na namang babaligtad! Hindi ko na nakita pa si Mama sa tabi ko. Nakatupi na ang ginamit niyang kumot at nakapatong na ito sa unan niya. Dito lang kami natulog sa sala, sa sahig. Pero mayroon naman kaming sapin na dalawang makakapal na comforter kaya naging kumportable ang tulog namin kahit malamig dahil sa lakas ng aircon. Si ate Joy ang nag-ayos kagabi ng higaan namin. Mabait naman pala siya at tila nahihiya pang humarap sa amin ni Mama. Nilingon ko ang kinaroroonan ng kusina. Natatanaw ko na doon sila Mama at ate Joy na abala sa pagluluto. Mukhang masaya din silang nagkukwentuhan. Bumangon na rin ako dahil tumitindi ang paghilab ng sikmura

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD