CHAPTER 12: Passport

1810 Words

Shynelle ALAS DOSE ng hatinggabi nang makarating kami sa La Grande Homes dito sa Ortigas. Kaagad kaming bumaba ng taxi ni Mama matapos naming magbayad. Labis ang kaba ko dahil pag-aari din ito ng mga Delavega at maaaring hindi lang si Kuya Niall ang Delavega na nakatira dito. La Grande Homes din ang condominium na tinitirhan ni Chase pero nasa Taguig iyon at malapit sa opisina nila. Kaagad naming nilapitan ni Mama ang guard na nasa entrance nito. Marami pa ring tao ang labas-masok dito kahit dis-oras na ng gabi. "Saan po kayo, Ma'am?" kaagad nitong tanong sa amin. Maaaring kabisado na niya ang mga mukha ng mga taong nakatira dito at hindi kami pamilyar sa kanya. Isang beses pa lang din naman akong nakapunta dito. "Magandang gabi po, Kuya. Sa unit po kami ni Kuya Niall Delavega. Nand

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD