Shynelle "Mommy!" Tumakbo rin palapit sa akin si Sunnie. "Ano 'yan?! Ano 'yan tingin mo dyan, Mommy?" Nakisilip din sa labas ang tsismosa kong anak. Rehas ang disensyo ng gate kaya naman kitang-kita ang labas kahit sarado ito. Sumunod na rin sa amin si Chase. "Let's go outside." Binuksan niya ang service gate. "I'll come with you, Daddy!" Kaagad namang sumunod sa kanya si Sunnie. "Come on." Hinawakan niya ang kamay nito at sabay na silang lumabas. Napasunod na rin ako sa kanila. Tumawid kami sa kabilang kalsada. Wala namang dumadaan na mga sasakyan dito dahil mukhang subdivision na ito. Nagtungo kami dito sa mistulang park na hindi kalakihan pero mahaba at nasa gilid ito ng lake. Naging isa itong dike. Malakas at may kalamigan ang hangin dito. Napakalinis at may mayayabong na puno.