Episofe 7

1548 Words
Chapter 7 Gabriel Iniwan ko muna ang mga bata kay Yaya Des at umalis dahil pupunta lang ako sa bahay ampunan na malapit roon sa park. Magbibigay lang ako ng donation para sa mga batang naroon. Pagkatapos ko pumunta sa bahay ampunan ay tuwang-tuwa namana ang mga bata. Ilang minuto lang ako roon at agad naman akong bumalik sa kinaroroonan ng mga anak ko. Pinupunasan ni Yaya Des si Finn ng pawis sa likod. Ganoon din si Gabby, pinunasan rin ni Manang Meding, enjoy na enjoy ang dalawang bata. Kung buhay lang sana si Allysa, sigurado ako na matutuwa siyang pagmasdan ang dalawa naming anak na naglalaro at nagkakasundo. Naalala ko ang lugar na ito. Dito nag-propse si Dexter kay Allysa at dito ko rin binantaan si Allysa na babarilin si Dexter kapag hindi siya umuwi sa bahay. Minsan kapag naalala ko ang mga sandaling pinagsamahan namin ni Allysa ay napapangiti ako. Pero minsan ay napapaluha ako na hindi ko na lang namamalayan dahil marami rin akong pasakit na ginawa sa kaniya. ''Daddy! Daddy!'' tawag sa akin ni Gabby. Hawak kamay sila ni Gilbert Finn na patakbong papunta sa kinaroroonan ko. ''Dahan-dahan lang kayo mga anak! Mamaya madapa kayong dalawa!'' saway ko sa kanila. Nang nasa tapat na nila ako ay nagsususmamo ang kanilang mukha na parang may nais hingiin sa akin. ''Ano ba 'yon, hmm? At bakit tumatakbo kayong dalawa?'' nakangiti kong tanong sa kanilang dalawa at umupo ako para mapantayan sila. ''Daddy gusto po namin ng ice cream,'' lambing ni Gabby. ''Dedy asrem,'' bulol na sabi ni Finn. ''Okay, pero isa lang, ha? Baka ubuhin kayo,'' sabi ko at binuhat ko si Finn at hawak ko naman ang pulsuhan ni Gabby. Nagtungo kami sa nagtitinda ng ice cream at bumili ako ng limang piraso na nakalagay sa cup. Saka ibinigay ko ang dalawa kay Manang Meding at Yaya Des. Nag-enjoy ang mga ito sa pamamasyal namin sa park. Pagkatapos namin sa park ay nagtungo naman kami sa FGM Mall para bumili ng mga kailangan sa mansion at para na rin sa lulutuing ulam at dessert para mamayang gabi dahil sa mansyon magdi-dinner si Miss Areana De Villa, saka ang kambal ni Shiena. Ipapahatid na lang ni Shiena ang kambal sa driver at yaya ng mga ito. Para makuhanan rin sila ng sukat ng damit na susuotin nila sa kaarawan ni Gabby. Nang makarating na kami sa mall ay kumain muna kami sa restaurant at doon na kami nananghalian. Pagkatapos kumain ay nagtungo na kami sa grocery at nag-ikot-ikot at namili pa ng ibang kakailanganin ng mga bata bago kami umuwi sa mansyon. Nang makauwi na kami ay naabutan naman namin na naroon na ang mga kambal na sina Liana at Lia Shien. ''Hello, Tito!" bati sa akin ng dalawa kong pamangkin. "Oh, Kumusta na ang dalawa kong magagandang pamangkin?'' tanong ko sa kanila sabay gulo ko ng kanilang buhok. ''Hello mga kambal!'' bati naman ng anak ko na si Gabby sa dalawa niyang pinsan at lumapit ito sa dalawa at niyakap niya ito isa-isa. ''Gabby, is it true na pupunta rito sa mansyon si Miss Areana?'' excited na tanong ni Liana. "Yes! At dito siya mag-dinner mamaya. Right, Dad?" tanong sa akin ng anak ko. "Yes mga sweetheart, kaya behave kayo mamaya dahil may bisita tayo," payo ko sa kanila. "Yehey! We are excited, Tito!" natutuwang sabi ni Lia Shien na nakangiti ng malawak. "Okay, guys, dito na muna kayo. Gabby, ikaw na muna ang bahala sa mga pinsan mo? Aakyat lang ako sa itaas," paalam ko sa kanila. Saka binalingan ko naman si Yaya Des. "Yaya, pakipunasan na lang si baby Finn. Tapos dalhin mo na lang siya sa kwarto ko," bilin ko kay Yaya. "Sige, Iho. Ako na ang bahala kay Finn," sang-ayon ni Yaya Des. Umakyat na ako sa itaas at pumasok sa aking silid. Pagdating ko sa silid ay napadako ang tingin ko sa larawan namin ni Allysa noong ikinasal kami na nakasabit sa pader. Kahit nakasimangot siya ay ang ganda niya pa rin tingnan. Inilagay ko ang larawan namin sa silid ko. Nang sa gano'n bago ako matulog ay makikita ko ang mukha niya. "I miss you, Misis Moore. The queen of my heart," bulong ko habang minamasdan ang magandang mukha ng asawa ko sa larawan. Napabuntong hininga ng malalim at nagtungo ako sa banyo para mag-shower na lang at para mapreskuhan ang aking pakiramdam. Pagkatapos ko mag-shower ay nagbihis na ako ng v-neck na t-shirt na kulay puti. Maya-maya pa ay narinig kong kumakatok sa pintuan at pinagbuksan ko ang pinto at nasa labas si Yaya buhat-buhat si Finn. Kinuha ko si Finn kay Yaya at bagong punas na rin ni Yaya Des si Finn. "Yaya, bigyan niyo na lang po muna ng meryenda ang mga bata, ha? Busy pa kasi si Manang Meding, ako na ang bahala kay Finn," pakiusap ko kay Yaya Des. "Sige, Iho. Tutulungan ko na rin si Manang maghanda. Dito muna si Finn sa'yo," sang-ayon ni Yaya at hinimas-himas niya ang buhok ni Finn. "Okay, Yaya. Salamat," sabi ko at tumalikod na ito. Isinara ko ang pinto habang buhat-buhat si Finn. Tumapat kami sa larawan ng kaniyang ina na lagi kong ipinapakita sa kaniya. "Dedey, Memey!" sambit ng anak ko sabay turo sa larawan namin ni Allysa na nakasabit sa pader ng aking silid. "Yes, baby. She is your Mommy Allysa, ang ganda ng Mommy mo, 'di ba?" ngiti kong sabi sa bunso namin ni Allysa. At parang nakaka-intindi naman ito dahil tumango-tango ito. "Dedy, higa!" bulol na sabi ni Finn na ang ibig sabihin ay gusto niya ng humiga. Kaya, dinala ko siya sa kama at pinahiga. Alam ko na kasi na kapag nagtuturo na ito sa kama ay inaantok na ito. Napagod ito sa paglalaro nila ng Ate niya sa park kanina. Kaya pagod na ito at inaantok. May gatas naman na nakahanda para sa kaniya, kaya inilagay ko na iyon sa bottle niya at nilagyan ng tubig saka pinadede sa kaniya. Naalala ko pa noong panahong maliit pa si Finn. 'Yong bagong panganak pa lang ito na dinala sa akin ni Dexter. Sino ba naman ang mag-isip na mayro'n pala kaming anak ni Allysa? Hindi lang isa kundi dalawa pa. Kaya, kahit ang kapatid ko ay tumulong sa pag-aalaga sa bagong silang naming anak ni Allysa noon na si Finn. Hindi ko inaasahan na ibang tao ang mag-aalaga sa mga anak ko. Kapag gabi noon ay lagi kong katabi ang dalawang bata. Minsan ginagawa ko na rin opisina ang bahay para mabantayan ko lang ng maayos ang dalawa. Minsan naman si Manang Meding ang nagbabantay kapag nalolobat na ako. Kaya ang hirap mag-alaga ng bata na mag-isa. Kaya, araw-araw ay pumupunta si Shiena sa mansyon para lang alagaan si baby Finn. Nahiya naman ako sa bayaw ko na si Liam, dahil minsan ay buong araw nagbabantay ang asawa niya sa anak ko. Kaya, nagpaturo na lang ako kung paano magpaligo at magtimpla ng gatas para kay Finn at Gabby. Hanggang sa nasanay na nga ako. Noong dinala ni Dexter ang dalawang bata sa akin ay hindi pa natanggal ang pusod ni Baby Finn. Sinabi niya sa akin na na-comatos si Allysa noong matapos ang operasyon niya. At kahit nacoma siya ay patuloy namang lumalaki sa sinapupunan niya si baby Finn. Ngunit noong malapit na raw lumabas ang bata ay nagsagawa na sila ng operasyon kay Allysa para matanggal ang bata sa tiyan niya. At doon ay hindi na raw kinaya ni Allysa. Kaya, sumuko na raw ito sabi ni Dexter. Nalaman naman raw iyon ni Daddy Herman: ang ama ni Allysa ang nanyari kay Allysa. Nang mamatay si Allysa ay agad na pina-cremate nila at dinala ang abo niya sa Holand saka inilibing sa puntod nito. Ang hindi ko man lang alam ay ang pera na kinuha niya sa atm ko ay pinangbili niya pala ng libingan niya. Saka ang 5 million na kinuha niya na akala ko ay ginamit niya para sa kanila ni Dexter at para sa pagsisimula nilang dalawa ni Dexter ng panibagong buhay, 'yon pala ay ginamit niya para sa operasyon niya. Ang buong akala ko ay pinagtaksilan ako ng asawa ko at ng kaibigan ko. Wala akong kamalay-malay sa nangyayari sa asawa ko at pinagsalitaan ko pa siya ng masasakit na salita. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit niya inilhim sa akin ang sakit niya. Ngayon ay hindi ko akalain na may anak pala kaming dalawa. Siguro ito ang pinakamagandang bagay ang iniwan sa akin ni Allysa; ang mga anak naming dalawa. Makalipas pa ang ilang sandali ay nakatulog na nga si Finn kinuha ko ang dede niya sa kaniyang labi at itinabi. Maya-maya pa ay tumawag na ang secretary ko sa aking cellphone. "Kumusta, Miss Belmonte? Pinasyal mo na ba si Miss Areana sa magiging opisina niya?" tanong ko sa kabilang linya. "Yes, Sir! Actually papunta na kami riyan sa inyo," sagot nito. "Okay, hintayin ko na lang kayo rito sa mansyon. Nandito na rin ang dalawa kong pamangkin para masukatan niya na rin," sabi ko. "Okay, po, Sir," tipid nitong sabi. "Nakamaskara ba 'yong kasama mo?" tanong ko sabay kibot ko ng aking labi. "Hindi naman po, Sir. Maganda naman po pala si Miss Areana," turan nito na halata sa boses ang paghanga kay Areana. "Well, mabuti naman at may kwenta ang kasungitan niya. Sige na ingat kayo sa byahe,” tugon ko at pinatay na ang cellphone. Napabuntong hininga ako pagkatapos namin ni Nadine mag-usap. Mabuti naman at maganda ang babaeng kasama niya. Mali pala ang iniisip ko na pangit at maraming pimples ang designer na iyon. Tumabi na lang muna ako sa tabi ni Finn at humiga. Bababa na lang ako mamaya kapag dumating na si Miss Areana at si Nadine Joy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD