Chapter 8
Gabriel
Nagising ako nang marinig ang katok ni Manang sa pintuan ng silid ko. Medyo naalimpungatan pa ako dahil nakatulog pala ako. Bumangon ako at pinagbuksan ng pinto si Manang.
"Senoreto, nariyan na po ang bisita ninyo," bungad ni Manang Meding.
"Sige, Manang. Bababa na lang ako. Ikaw na muna magbantay kay Finn dahil tulog pa po kasi,’’ sabi ko sabay tingin ko kay Finn na mahimbing na natutulog.
"Sige, Senoreto. Ako na po ang bahala kay baby Finn," tugon ni Manang saka pumasok na ito sa aking silid at naupo sa tabi ni Finn.
Inayos ko muna ang aking sarili bago ako bumaba. Nang nasa hagdan na ako ay naririnig ko ang ingay ng mga kambal at ni Gabby. Halatang excited ang mga ito sa pagdating ni Miss Areana. Pagdating ko sa sala ay nakita ko na nagpakuha pa ng mga larawan ang mga ito sa iniidolo nilang designer ng mga damit nila. Nakita ko ang isang babae na hindi pamilyar sa akin. Katabi nito ang secretary ko.
Marhil ay siya na nga si Miss Areana De Villa. Maganda nga ito at maganda rin ang hugis ng katawan. Pero parang maamo naman ang mukha nito na para bang ibang Areana na sumagot sa akin at bumagsak ng telepono sa akin. Abala ang mga ito, kaya hindi nila napansin ang pagdating ko. Kaya, tumikhim na lang ako.
“Busy kayo sa pagkuha ng mga larawan ninyo, ha?" bati ko sa kanila. Agad naman bumaling ang atensyon nila sa akin.
"Hi, Sir!" bati ni Mis Belmonte at tinaas pa ang kamay nito.
"Daddy, narito na po si Miss Areana!" excited na saad ni Gabby.
" Yes tito! Kaya nagpa-picture muna kami." sabi naman ni Lia Shien.
"Tito, ang ganda po ni Miss Areana," nakangiting sabi naman ni Liana.
Tumingin naman ako sa babaeng tinutukoy nila. Napa-awang ang labi nito ng bahagya nang makita ako. Ang mga mata niya ay nakatingin sa mukha ko. May be she didn’t expect na kung gaano ako kagwapo.
"Ehem, I'm glad to meet you, Miss Areana De Villa," casual kong bati sa kaniya.
Aahh… Eh… Magandang gabi po, Sir Gabriel.’’ Namumutla itong ngumiti at bumati sa akin. Siguro pagod pa ito sa biyahe.
"Iba yata ang Areana na ini-expect ko. Akala ko mataray ang mukha mo 'yon pala mukhang mabait ka naman," mahinahon kong sabi para hindi siya ma-offend.
"Hehehe… Sorry po, Sir, kung natarayan kita sa telepono noong tumawag kayo sa New York. Hindi ko po sinasadya," paghingi niya ng paumanhin.
"It's okay, Miss Areana. Past is past. Forget about wahat happen. I have forgiven you. By the way she is Gabby, my daughter. Siya ‘yong magbi-birthday. Saka ito naman ang mga kambal kong pamangkin. Gawan mo rin sila ng design at gown na nababagay at magu-gustuhan nila," pakilala ko sa kaniya sa mga bata.
"Thank you, Sir. Huwag po kayo mag-alala dahil tiyak na magugustuhan nila ang design na gagawin ko. Saka ako na po ang gagawa sa gown ni Gabby. 'Yong para sa kambal ang kasama ko na po ang bahala gumawa, pero ako pa rin po ang mag-design," pahayag nito sa akin.
"Yeheh! I' m sure na maganda ang gown ko! Right, Miss Areana?" excited naman na sabi ni Gabby kay Areana.
"Ofcourse! Tiyak na magugustuhan ninyo ang gown na gagawin namin at kakaiba ang gagawin ko sa inyong tatlo," ngiting sabi ni Areana sa tatlong mga bata.
"Where is your partner?" tanong ko kay Miss Areana dahil ang alam ko ay kasama nito si Miss Llanes.
"Ahh… Ehh… Susunod na lang daw po siya Sir. Hindi pa naman masyadong busy ngayon, kaya hinayaan ko po muna siya magbakasyon ng panandalian lang" alanganin niyang sagot na parang may tinatago.
"Okay, pero sa susunod hindi na puwede ang ginawa niya. Hindi porket gusto niya magbakasyon ay papayagan mo na lang. Sa susunod magpaalam muna kayo bago kayo magbakasyon dahil hindi kayo narito sa Holand para magliwaliw! Tama ba ako? " seryoso kong sabi kay Miss De Villa.
Sa lahat kasi ng ayaw ko ay 'yong tatamad-tamad sa trabaho at hindi nagpa-paalam.
"Opo, Sir. Hayaan niyo po at pagsabihan ko na lang si Miss Llanes. Saka huwag po kayo mag-alala, Sir, dahil kahit nasa bakasyon iyon ay gumagawa pa rin iyon ng mga design," nahihiyang sabi at pinagtatanggol pa nito ang kasama.
"Kahit na, at sino siya para basta na lang magbakasyon? Baka akala niya porket pinayagan mo siya na magbakasyon ay ayos lang? Lalaki ang ulo ng ganoong klase ng empleyado," bahagya kong sermon kay Areana. Gusto ko lang din malaman niya na hindi dapat sila nagdi-desiyon sa gusto nila lalo na at under sila ng kompanya.
"Pagpasensyahan niyo na po, Sir. Promise po hindi na mauulit," hingi niya ng paumanhin. Akala ko ay masungit ito pero hindi naman pala.
"Sige, mag-dinner na tayo," yaya ko na sa kanila.
"Daddy, tapos na po kaming tatlo. Pupunta lang po kami sa kwarto ko," paalam pa ni Gabby.
"Sige, sweetheart! Ipatawag ko na lang kayo mamaya kapag kukunan na kayo ng sukat para sa gagawin na mga gown ninyo," sabi ko sa kanilang tatlo nila Liana at Lia Shien.
“Opo, Tito,’’ sabay na sabi ng dalawang kamabal at nagpaalam muna sila kay Miss Areana bago sila pumanhik sa itaas.
Niyaya ko naman ang dalawa si Miss Belmonte at Areana sa dinning area para mag-dinner na.
Naupo na kami sa harap ng mahabang table at kumain.
"Miss Areana, bakit lagi kang nakamaskara kapag dumadalo ka sa mga event o sa mga fashion show?" nagtataka kong tanong habang naglalagay ako ng kanin sa aking plato.
"Ho? Ah… Ehh… Kasi po ayaw kong makita ng mga tao ang mukha ko. Nang sa gano'n kahit saan ako magpunta hindi ako pagkakaguluhan para malaya ako makapasyal sa mall o saan ko man gusto pumunta na walang nakakilala sa akin," paliwanag niyang tugon sa akin.
"Well, may point ka nga naman. Mabuti at naisipan mo ang ganiyang idea," sabi ko at nagsubo na ng kanin.
"Alam mo ba, Miss Areana? Ang sabi ni Sir tungkol sa’yo ang pangit mo raw. Kaya, kayo nagtatago sa likod ng maskara dahil baka marami raw kayong tagyawat,’’ sabi ng madal-dal kong secretary at tumawa pa.
Walang preno talaga ang bunganga nito. Kaya, napatingin na lang ako kay Miss Areana at hilaw na ngumiti. Nahihiya ako sa naisip ko tungkol sa kaniya dahil maganda naman talaga siya. Akala ko ay susungitan ako nito pero ngumiti pa ito sa akin.
"Hehehe, actually gano'n rin ang naisip namin ng kasamahan ko, Sir Gabriel na si Claris. Ang tawag pa nga ng kasamahan ko sa’yo ay matandang uhugin."
Napaubo ako sa sinabi niya at dali-dali akong uminon ng tubig.
"Pero huwag po kayo ma-offend, Sir, ha? 'Yon kasi talaga ang pagkakilala namin sa'yo ni Claris. 'Yong matanda ka na or 'di kaya parang uranggutan ang mukha mo," dugtong pa nito.
Humagalpak naman ng tawa ang secretary ko sa sinabi ni Miss Areana.
"Hahaha... Imagine, Sir! Akala ko tayo lang nag-i-imagine na pangit si Miss Areana. ‘Yon pala ang saklap pa ng imagination nila sa'yo, hahaha… Matandang uhugin na mukhang uranggutan pa!" hagalpak na tawa ni Miss Belmonte.
"Miss Belmonte!” tawag ko sa pangalan niya na may pagbabanta. “Kapag hindi ka tumigil sa katatawa riyan, itatapon kita sa kangkungan!" banta ko pinanlakihan siya ng mata.
Dahan-dahan naman itong nagseryoso. Pero halata sa mukha nito ang pigil sa pagtawa.
"Sorry po, Sir?" hingi niya ng paumahin at bumaling naman ang tingin ko kay Miss Areana.
"Bakit gano'n naman ang imagination ninyo sa akin, Miss Areana?" tanong ko.
"Actually, Sir, hindi naman po ako nagsabi ng gano'n kundi 'yong kasamahan ko po na si Claris. Siguro raw po eh mukha kayong matandang uhugin dahil na-ekuwento ko po kasi sa kaniya ‘yong sagutan natin sa telephone. Tapos 'yong mukha niyo raw po eh uranggutan. Tapos bulok pa raw po ang ipin ninyo. Kaya, ang baho raw siguro ng hininga ninyo. Bakit raw po hindi kayo nagparetoke?" sabi pa ni Miss Areana na mukhang nahihiya.
"May pagkatsismosa rin pala ang kasamahan ninyo, ano? Ang lawak ng imahinasyon. Saan niya kaya napulot ang tsismis na iyan?” taka kong tanong.
"Ewan ko po, Sir. Kaya, nga kanina napanganga ako nang makita ko kayo. Hindi ko kasi akalain na ang pogi niyo pala tall, dark and handsome," nakangiti na nitong papuri sa akin.
Pakiramdam ko ibang-iba ang Areana na nakausap ko sa telepono at ang Areana na kaharap ko ngayon. Siguro ganoon talaga, hindi natin pwede husgahan ang isang tao na isang beses lang natin naka-usap at hindi pa natin nakakaharap ng personal at lalong hindi pa natin lubos na kilala.