Chapter 6
Gabriel
Tinawagan ko ang aking secretary na sumundo sa dalawang designer na pinalipat ko rito sa Holand. Dapat ay magkikita sana kami ngayon sa isang restaurant. Kasalukuyang nasa mansyon ako ngayon.
Dinaial ko ang number ni Nadine at ilang ring ring lang ay
sinagot niya ito.
''Good morning, Sir. Kasama ko na po ngayon si Miss Areana,''
sagot ni Nadine Joy sa kabilang linya.
''Mabuti naman kung gano'n, dalhin mo na lang sila sa
accomodation nila,'' utos ko sa aking secretary.
''Hindi na po ba kami pupunta sa restaurant, Sir?'' tanong nito.
''Hindi na! Ihatid mo na lang sila sa building 1 para malapit
sila sa office nila. Pahingain mo muna sila at mamayang hapon ay e-tour mo sila
sa magigng office nila sa kabilang building. Saka dumiretso kayo rito sa
mansiyon mamaya. Para makuhanan na ng sukat si Gabby. Pati na ang kambal ni
Shiena. Dito na lang sila mag-dinner mamaya sa mansyon maliwanag?''
''Opo, Sir. Pero Sir si Miss Areana lang po ang kasama ko dahil
susunod na lang po ang isa niyang kasama na si Miss Llaness,'' wika ng secretary ko.
''No problem dahil ang importante ay si Miss De Villa
dahil siya ang gagawa ng design na isusuot ni Gabby sa araw ng kaarawan ng anak
ko.’’
''Sige, po, Sir. See you later,'' aniya.
''Okay, Miss Belmonte, ikaw na ang bahala kay Miss Areana.
Pakaiinin mo na lang pagdating niyo sa accomodation nila. Mahirap na at magutom
ang babaeng 'yan,'' sabi ko saka pinatay ang cellphone. Sakto naman pagkatok ni
Gabby sa kuwarto ko.
''Daddy! Are you waking up?''
''Yes, Gabby, come in!'' utos ko at naupo ako sa kama para buksan ang aking laptop.
Pumasok si Gabby sa loob at nakangiti ito ng maluwag.
''Mukha yata ang ganda ng gising ng prinsesa ko, ah!'' sabi
ko at yumakap ito sa akin.
''Daddy, 'di ba, sabi niyo po ngayon darating si Miss
Areana?'' nakangiting tanong ni Gabby.
''Yes, my princess, why?''
''Nothing, Dad, but i'm so excited to meet her. Liana and Lia
Shein is so excited to meet her, Dad,'' excited na sabi ni Gabby. Makikita sa
mukha niya ang sobrang tuwa dahil makikita niya na ang idol niyang designer.
''Dont worry, my princess, dahil mamaya makikita mo na si
Miss Areana sa personal. Pupunta sila rito mamaya sa bahay at dito sila magdi-dinner,’’
nakangiti kong turan sa aking anak na panganay.
''Yehey! siguro ang ganda-ganda ni Miss Areana, Dad,’’
natutuwa niyang sabi at pumalakpak.
''Well, malalaman natin mamaya. kaya lang, anak, I don't like
her attitude.”
Kumunot ang noo ni Gabby sa sinabi ko. Saka pinakibot-kibot niya pa ang kaniyang labi. ''It's okay, that you don't like her, Dad,'' seryoso pa nitong sabi at parang may gusto itong ipahiwatg sa akin.
''And why, hmm?'' tanong ko sabay haplos ko sa buhok niya.
''Dahil ayaw namin ni Finn na magkagusto ka sa ibang babae.
Gusto namin si Mommy lang ang love mo. Ayaw namin na may ibang babae kayong
mahal,'' malungkot na sabi ni Gabby sabay haba niya ng kaniyang nguso.
Para hindi siya malungkot ay hinalikan ko siya sa noo. ''Masyado
namang napakaselosa ng prinsesa ko. Manang-mana ka sa talaga sa Mommy mo.''
''Ah, basta, Daddy! Promise mo po sa amin ni Finn na si Mommy
lang ang mahal mo, ha? Kung hindi aawayin ko ang babaeng magusustuhan mo at
magkakagusto sa'yo,'' banta niyang sabi habang nakasimangot.
Natawa ako sa sinabi niya. ''Eh, paano kong si Miss Areana
ang magkagusto sa akin?'' biro kong sabi sa kaniya dahil alam ko kung gaano
niya kagusto ang fashion designer na iyon.
''Hmppppp! Ayaw ko na po sa kaniya kapag inagaw ka niya kay
Mommy,'' irap na sabi nito at humaba lalo ang nguso.
'''Di ba, idol na idol mo ang Areana na iyon?''
''Opo, Dad! Pero gusto ko lang po ang mga gawa niya. Pero
ayaw ko sa kaniya para sa iyo,'' lambing na sabi na ni Gabby.
''Ok don't stress your self sweetheart, dahil si Mommy mo
lang ang love ko at wala ng iba, okay?'' sabi ko sabay haplos sa pisngi niya,
kaya nakangiti na ito.
''Thank you, Dad. I love you, Daddy,'' aniya sabay halik nito
sa aking pisngi. Malambing si Gabby at maalalahanin katulad din ng Mommy niya.
''Alam mo ba na magkahawig na magkahawig kayo ng Mommy mo?
Naalala ko noong naglilihi siya sa'yo. Alam mo kung ano ang ginawa niya?'' sabi
ko kay Gabby at kinalong ko siya.
''Ano po ang ginawa ni Mommy, Dad?'' nagtataka niyang tanong
at hinihintay ang sagot ko.
"Binundol niya lang naman ang sampong sasakyan ko noon dahil
sa hindi ko lang siya nabilhan ng shawarma na gusto niya kainin,'' nakngiti
kong pahayag kay Gabby.
Tumawa ang anak ko sa aking sinabi at mukhang proud pa sa
ginawa ng Mommy niya. ''Ang astig pala ni Mommy, Dad. Hindi siya takot sa'yo?''
''Well, siguro hindi siya takot dahil alam mo ba na
napakataray ng Mommy mo? Tapos madaldal pa katulad mo. Parang si Tita mo rin
Shiena walang tigil ang bunganga sa katatalak,'' ngiti kong sabi kay Gabby.
''Hahaha… Daddy sabi ni Tito Dexter inagaw niyo lang po
si Mommy sa kaniya?''
Ngulat ako sa tanong ni Gabby. Sira ulo talaga ang lalaking 'yon. Kung ano na naman ang kwenento sa anak ko.
''Huwag mo pansinin ang Tito mong 'yon. Inagaw ko lang naman sa kaniya ang Mommy mo dahil ang ganda kasi ng Mommy mo. At kung hindi ko siya inagaw sa Tito mo e ‘di sana wala ka sa mundong ito, kayo ni Finn,'' sabay haplos ko sa buhok niya.
''No, Dad, kung si Tito Dexter ang asawa ni Mommy, e ‘di si
Tito Dexter sana ang Daddy namin ni Finn?'' daldal na sabi ni Gabby at tinaasan
pa ako ng kilay. Habang lumalaki siya ay nakukuha niya ang katarayan ni Allysa.
''Aba'y parang ayaw mo yata na ako ang Daddy mo, ah? ''
kunwa'y nagtatampo kong sabi.
''Hehehehe… Si Daddy talaga, syempre po gusto pa rin namin ni
Finn na ikaw ang Daddy namin,'' bawi niya sa sinabi niya kanina at yumakap ng
mahigpit sa akin.
''Sigurado ka na ako ang gusto mo maging, Daddy?'' paninigurado
kong tanong at niyakap ko rin siya. "Dalaga na ang prensisa ko. Kung buhay
lang sana ang Mommy ninyo,'' panghihinayang kong sabi dahil sa maagang
pagkawala ni Allysa sa buhay namin.
''Opo, Daddy. Ikaw lang kaya ang the best Daddy sa amin ni
Finn,'' nakangiting tugon ni Gabby at kumalas ng yakap sa akin.
Nagbuntong hininga ako ng malalim at tumayo at binuhhat siya
saka niyaya. ''Let's go to your brother.''
Tuwang-tuwa siya nang binuhat ko siya. Nagtungo kami sa
kwarto ni Finn, pero bago pa kami makapasok sa loob ng silid ni Finn ay
nasalubong na namin sila Yaya Des at karga-karga nito si Finn.
''Nako, ang laki-laki na ni Ate mo Gabby, pero nagpa-pabuhat
pa rin sa Daddy niya,'' wika ni Ate Des.
''Hehehe… Baby pa kaya ako ni Daddy, Yaya,'' protesta ni Gabby.
Natatawa na lang kami ni Yaya sa
panganay namin ni Allysa.
''Dedy!'' tawag naman ni Finn sa akin at iniabot pa nito ang
kamay niya para magpabuhat sa akin.
''Finn, naman, eh! Ako muna buhat ni Daddy, ha? Lagi naman
kayo magkatabi ni Daddy, eh. Mamaya tabi na naman kayo sa pagtulog,'' protesta ni
Gabby sa kapatid. Pero nag-aamba ng umiyak si Finn.
''Hmmpp! Sige na nga po, Daddy! Si Finn na lang po ang
buhatin mo,'' paraya ni Gabby at ibinaba ko siya sa tiles.
Mapagmahal na kapatid si Gabby sa kapatid niyang si Finn.
Ayaw na ayaw niyang umiiyak ang kapatid niya, kaya bago pa tumulo ang luha ni
Finn ay kinuha ko na ito kay Yaya Des.
Agad naman lumingkis sa leeg ko ang maiksing kamay ni Finn. Inalo-alo
koi to para hindi umiyak.
''Huwag ka na umiyak, ha?’’ sabi ko kay Finn.
Natatawa na lang kami ni Yaya Des sa dalawang bata. Bumaba na kami ng hagdan at nagtungo sa dining area. Nakahanda na ang mesa at pinaupo ko si Finn sa upuan nito.
''Gabby, ano ang gusto mo, milk or chocolate? '' tanong ni Manang Meding.
'Milk na lang po, Lola Meding,'' sagot ni Gabby at agad naman
siyang tinimplahan ni Manang ng gatas.
''Maupo na kayo Yaya Des, sumabay na kayo kumain sa amin,'' utos
ko naman kay Yaya. Hindi na kasi iba ang turing ko sa mga kasambahay para ko na
rin silang pamilya.
Sabay kaming kumain nang umagang iyon. Hindi na muna ako
pumasok sa opisina para bantayan ko na lang si Finn. Gusto ko munang makipag-bonding
sa mga anak ko. Kaya, nang makatapos kami ng kain ay ipinasyal ko sila sa Park
kasama si Yaya Des at Manang Meding.
Tuwang-tuwa naman ang mga bata habang nagtatakbuhan sa damuhan lalo na si Finn. Gustong-gusto nito na laging nasa labas at ayaw papigil kapag nag-umpisa na siyang maglaro. Hinayaan ko sila ni Gabi na sulitin ang paglalaro sa park para ma-enjoy nila ang kabataan nila.