Chapter 9 Gabriel Mukhang mabait ang isang Areana De Villa na bumagsak ng telepono sa akin at nagtaray sa akin noon. "Sir, hindi po ba talaga kayo nagparetoke?" tanong pa ni Areana sa akin. Siya namang pagtawa ulit ng secretary ko. "Hahaha… Miss Areana, hindi ko na kailangan ang retoke dahil likas na sa pagkatao ko ang kaguwapohan," pagmamayabang kong sabi. "Hahahha… Baliw rin pala ang kasamahan mo, Miss Areana. Nako, sabihin mo kay Miss Llanes na paghandaan ang pagkikita nila ni Sir Gabriel, baka magsuot siya ng maluwag na pantie at pagkakita niya kay Sir eh biglang malaglag na lang ang pantie niya," tawa pang sabi ni Miss Belmonte. Kahit kailan walang pigil ang bunganga nito. Napapangiti na lang ng hilaw si Miss Areana. "Hehhehe… pagpasensyahan niyo na lang po, Sir si Miss L