Chapter 5: Isang Mafia Boss

2228 Words
"Ja-Ja-Jackson?" utal-utal na sambit ko. I didn't know what to say, so I just swallowed my saliva. And he was still wearing black shades kaya hindi ko rin alam kung masama ba ang tingin niya sa akin o kung ano. "Onde você está indo, Garota?" matigas na sambit niya sa akin. Ang pagkakaalam ko ay Portuguese ang ginamit niyang lengguwahe. "I'm just a dean lister in our school so I don't know what you're talking about,"I said in an authoritative voice. Hindi puwede na matatakutin ako dahil baka lalo niyang iparamdam sa akin na siya ay nakatatakot. Tinanggal niya ang suot na shades kaya napalunok ako. s**t, ang guwapo! At kahawig niya si Lee Joon-gi. "Hindi rito ang kuwarto mo, kaya saan ka pupunta?" gagad niya sa akin. "Hi-Hindi ba rito? Ah, oo nga pala. . . Pasensya na," sambit ko. Pumihit ako patalikod sa kanya subalit nagsalita pa siya. "Binabalaan kita, Babae, huwag mo nang ulitin ang ginawa mo," banta niya sa akin. Nilingon ko siya, pero mabilis siyang nawala sa paningin ko. "A-Ano bang ginawa ko? Sh*t, muntikan niya na akong mahuli," bulong ko. "Ano ba talaga ang pagkatao ng Jackson na 'yon?" tanong pa ng aking isipan. I entered my room and closed the door. I went to bed, but I heard a crash outside dahilan upang bumangon ako at sumilip ako sa bintana. At nakita ko ang mga nakabonet at tila para silang assassin. "Boss Jackson, nandito mga kalaban!" narinig kong sigaw ng lalaki sa baba, dahilan upang magtakbuhan ang mga ito. At nagpalitan na sila ng put0k ng baril. "Huwag n'yo silang pakawalan! 'Pag nahuli n'yo sila, pugutan n'yo agad sila ng ulo!" narinig ko ring sigaw ni Jackson. Narinig ko pa ang pagkasa niya ng baril. Umupo ako. Tinakpan ko ang dalawang tainga ko. Pero, hindi puwede na lagi na lang akong ganito. Kaya, lumabas ako sa aking kuwarto. Nakita ko na bumaba si Jackson, kaya napatingin na naman ako sa kuwartong pinasukan ni Claire kanina. Mabilis akong naglakad patungo roon, pero tinawag ako ni Manang Delly. "Ms. Margaux, Hija!" sambit nito dahilan upang mapalingon ako. "Ma-Manang?" sambit ko rin. She came to me and pulled me away from that room. "Huwag kang papasok do'n nang hindi nagpapaalam kay Jackson dahil baka paglabas mo ay wala ka ng mga paa." "Ano po'ng ibig n'yong sabihin, Manang? May malagim bang nangyari o nangyayari sa loob?" untag ko. "Ang hirap mong pagsabihan, Hija! Kasasabi ko lang sa 'yo kanina na dedmahin mo lahat ng mga nakikita at naririnig mo. Ngayon, kung ayaw mong sumunod sa sinasabi ko, bahala ka na sa buhay mo dahil matigas ang ulo mo!" gagad nito sa akin at iniwan na ako. Napanganga ako sa inakto na iyon ni Manang. I asked her, but she did not want to answer me properly. I'm just wondering why I haven't seen Claire leave the room yet. Or, maybe, she was already out, but I just didn't notice. Maybe, because I'm in the room. Pero, gusto ko talagang pasukin 'yon. "Let's fvcking go back to the car, Men! Hindi natin kaya ang pvtang *nang Jackson na 'yan! Alam n'yong animal pa 'yan sa animal!" narinig ko na sigaw ng lalaki habang nagpapuputok ito ng baril. "No! I want to kill that fvcking Jackson and take his head to hell!" sigaw naman ng isang lalaki dahilan upang bumalik ako sa aking kuwarto at sinilip sila. "Hindi kayo makatatakas ng buhay rito, mga g*go!" bulalas naman ng kasama ni Jackson na nakipagpapalitan din ng putok at nakita ko na may natamaan siya. "Sh*t!" sambit ko. "Ba't sila nagpapatayan? Tulad rin ba sila ni daddy? Pero, ba't hindi ko makita si Jackson? Saan siya napadpad?" kausap ko sa aking sarili. Subalit, hindi ako kuntento sa silip lang, kaya bumaba ako para makita ko sila, subalit napatda ako nang pumasok si Jackson dala ang armalite. "Na-Nagugutom ako, kaya bumaba ako," mabilis na sambit ko. Pinanliitan niya ako ng mga mata. Lumapit siya sa akin kaya napapikit ako. Akala ko ay kung ano na ang gagawin niya sa akin, iyon pala'y itatali lang niya ang suot kong sleeve dress dahil mahuhubad na iyon sa aking katawan. Todo-todo ang panginginig ko nang magdikit ang balat namin ni Jackson. Subalit, napansin ko na may galos ang kamay niya. Tiningnan ko iyon, pero umalis na siya na hindi man lang nagsalita. Nakahinga ako nang maluwag. Tinungo ko na ang kusina, kahit hindi naman ako totally gutom. Binuksan ko ang ref at nakita kong may ice cream doon kaya kinuha ko iyon at kinain. At wala na rin akong narinig na putok maliban sa boses ni Jackson. "Napatay n'yo ba ang mga alipores ni Castro!" narinig kong gagad niya sa mga kasama niya o kung hindi ako nagkakamali ay tauhan niya dahil Boss ang tawag ng mga ito sa kanya. "Iyong tatlo lang, Boss. Matinik si Conor, kaya nakatakas silang tatlo ni Ripol," narinig kong depensa ng mga tauhan niya. "Mga Bobo! Kaunti na nga lang sila, naisahan pa kayo!" sigaw niya sa mga ito. Sumilip ako, habang nakasubo sa akin ang kutsara. Ngunit nakita ako ni Jackson, kaya mabilis kong inubos ang ice cream. Hinugasan ko ang pinagkainan ko at pumanhik ako sa taas. Ngunit nagtataka pa ako dahil ang bigla silang tumahimik nang dumaan ako. "Mukha ba akong anghel?" wala sa sariling sambit ko. Sinulyapan ko pa ang mga tauhan ni Jackson sa baba, ngunit masama ang tingin nila sa akin. Kaya naman agad akong pumasok sa kuwarto ko. Pero, sinilip ko pa sila. "Wala kayong ititirang buhay kapag bumalik sila rito, naiintindihan n'yo!" narinig ko pang sigaw ni Jackson sa kanila. Ngunit nakita kong may pumasok na lalaki at hawak nito ang isa pang lalaki. "Boss, nahuli ko si Mantsu sa labas, nakikipag-usap sa mga kalaban kaya —" "Pvtang *na!" Jackson yelled angrily and shot the man in the head, causing me to tremble in fear. Kung kaninang umaga ay napadpad ako sa barilan, dito naman ay p*****n. Okay lang na makakita ako ng pinapatay, pero sa malayuan. Hindi katulad rito na kitang-kita ko talaga, pati ang dugong dumadaloy sa ulo ng lalaking binaril ni Jackson. Ngunit, hindi pa nakuntento si Jackson sa lalaking binaril ay nilapitan niya ito at ginilitan ito sa leeg dahilan upang mangisay-ngisay ito. At nakita ko ring nakaihi ang lalaking may hawak kay Mantsu. "Sh*t!" usal ko. Naitakip ko sa bibig ko ang dalawang kamay ko dahil baka makagawa ako ng ingay. Dahan-dahan kong isinarado ang pinto at tinungo ko na ang kama. "Ano bang klaseng tao si Jackson?" nanginginig na bulong ko. "Iburol n'yo na 'yan at magbantay kayo sa labas! Sinasabi ko sa inyo, ayaw ko ng traydor sa grupo dahil papatayin ko kayo!" nanggigigil na sigaw niya sa kanyang mga tauhan. "Ngayon, sinong gustong sumunod sa kanya, para may kasama siya sa impiyerno!" gagad pa niya. "Wa-Wala, Boss," narinig kong sabay-sabay na sagot ng mga tauhan niya. Kaya, pati ako ay kinakabahan din. After a few hours, I heard no more noise. I looked at my watch, it was three o'clock. But, I didn't really feel sleepy because of what happened. And I'm still uneasy because I haven't seen Claire yet. There's no stairs out of that room. But, I want to make sure that she's okay. And what Jackson did to her. I fell asleep and woke up at noon. I went to the bathroom to wash up. Kinapa ko rin ang undies ko kung tuyo na iyon at tuyo na nga kaya naghugas ako ng aking p********e at isinuot iyon. Inayos ko ang nagusot kong pantulog. Itinali ko rin ang buhok ko saka na ako lumabas. Nakita ko na naman ang kuwarto, pero, maaga pa para pasukin ko iyon. Bumaba na ako. At gaya kagabi ay maraming armadong lalaki ang nagbabantay sa loob at sa labas. "Gising ka na pala, Hija," sambit ni Manang Delly sa akin nang pumasok ako sa kusina. "Magandang umaga ho," bati ko. "Masarap ba ang tulog mo dahil ngayon ka lang nagising?" untag nito sa akin. I smiled at her. "Hindi naman ho. Napuyat ho ako kaya anong oras na ako nagising." "Ganoon ba? Ako, kasi ay masarap ang tulog ko kahit may mga kulisap," saad nito sa akin. Hindi na lang ko umimik dahil alm ko na ang ibig nilang sabihin sa salitang kulisap. Tinimplahan nila ako ng gatas. At ginawahan nila ako ng sandwich kaya ininom at kinain ko na iyon. "Si Jackson ho?" tanong ko. "Umalis, Hija. Pero, ibinilin ka niya sa akin na huwag kang palabasin, kaya rumito ka lang," anito sa akin. "Paano ho kung d'yan lang sa labas, para magpahangin," sambit ko dahilan upang tapunan ako ni Manang Delly nang masamang tingin. "Hindi nga puwede, Hija kaya huwag ka nang makulit! Doon ka na lang sa kuwarto mo, mabuti pa," utos nito sa akin. "Wala naman ho kasi akong magawa roon. At bakit kasi wala rin hong T. V at radyo, kaya paano ko ho lilibangin ang sarili ko?" untag ko. Manang Delly held my arm and looked around us. "Ito na ang huli kong paalala sa 'yo, Hija. Huwag kang magtanong ng kung ano-ano dahil ayaw ni Jackson ng matanong. At ayaw rin niya nang media kaya walang telebisyon at radio sa mansyon na ito. Kaya, magbingi-bingihan ka na lang sa mga narinig mo." "But I'm not like you, Manang. Kung kaya ninyo na ganoon ang isang amo n'yo, puwes ako, hindi! At sabihin n'yo sa akin, may alam ba kayo kung anong nangyari kay Claire? Magkasama kayo, pero, hindi kayo concern sa kanya," I said in annoyed voice. "Ang bunganga mo, Hija. Pasalamat ka at wala si Jackson dito, dahil baka magaya ka kay Claire!" gagad nito sa akin kaya nagsalubong mga kilay ko. "Sabihin n'yo sa akin, anong nangyari kay Claire, Manang? At kung pinapaalalahanan n'yo ako, o concern kayo. Sabihin n'yo sa akin kung anong totoong pagkatao ni Jackson para alam ko ang gagawin ko dahil binili lang ho niya ako sa halagang limang milyon," mahinang saad ko, kaya napamaang si Manang Delly sa akin. "A-Ayokong magsalita, Hija dahil kung magsasalita ako, para ko na ring trinaydor si Jackson," pahayag nito sa akin. "Paanong tinatraydor, Manang? Concern ho kayo sa akin, hindi ba? So, tell me kung ano ba talaga ang pagkatao ni Jackson," giit ko. "Para mapaghandaan ko," dagdag ko pa. Huminga nang malalim si Manang Delly saka siya sa muling nagsalita. "Isang mafia boss si Jackson, Hija. Pinapatay niya ang mga tumatraydor sa kanya ng patalikod, mga tiwali sa kanyang negosyo, lalong-lalo na ang mga taong sangkot at may kinalaman sa pagkamatay ng magulang niya. Kaya, ngayon na alam mo na ang totoo, manahimik ka. Dahil kaunting mali mo lang ay wala kang ligtas sa kanya. Ilang katulong na rin ang pinutulan niya ng dila at ulo rito sa kanyang mansyon. At iyong sinasabi ko sa 'yong babae na nagpunta kamakailan lang dito ay pinatay na rin ni Jackson, " mahabang pahayag nito sa akin dahilan upang manlaki ang mga mata ko. "Totoo ho ba iyang sinasabi ninyo? Ka-Kahit, babae ay pi-pinapatay ni Jackson?" hindi makapaniwalang sambit ko. Nangilid ang luha ni Manang Delly. Pero, agad rin nitong pinunasan iyon. "Umakyat ka na sa taas, Hija. Ako na ang bahala rito, dahil baka maabutan tayo ni Jackson," anito sa akin. "Ba't hindi na lang kayo tumakas, Manang? Isa palang demonyo ang amo ninyo," gagad ko. "Sanay na ako, Hija dahil dati na nila akong katulong. Kaya, sige na. . . Umakyat ka na sa taas at doon ka na magpahinga," pahayag nito sa akin. I just nodded. I left there and went to my room. "Mamayang gabi ay aalis ako sa mansyon na ito. Ngayong alam ko na— na isa palang mamamatay si Jackson ay hindi ako safe rito," bulong ko. Pero, hindi ako matatahimik hangga't hindi ko alam kung anong nangyari kay Claire. Kaya, muli akong lumabas. Tiningnan ko munang mabuti kung may nagbabantay roon, pero wala naman. Halos, patakbo kong tinungo ang kuwartong iyon na pinasukan ni Claire kagabi. Binuksan ko ang pinto at isinarado iyon. "Claire," I weakly called her. It's dark in there, and I don't know where the light switch is, kaya kinapa-kapa ko na lang sa dingding, hanggang mahawakan ko. Ni-on ko ang ilaw at halos mapasigaw ako nang makita ko si Claire na duguan ang mukha, nakaupo ito, habang nakatali ang mga kamay. Dilat ang mga mata niyang nakatingin sa akin at putol ang dila nito. "C-Claire," muling sambit ko. Nanginginig ang mga tuhod kong lumapit sa kanya. "Ahh—Ahh " sambit nito na tila para siyang pipi. "Si-Sinong gumawa nito sa 'yo, Claire?" lumuluhang saad ko. My trembling hands touched her bloody face. Isang gabi na duguan siya, hindi kaya siya maubusan ng dugo? "Ahh—Ahh," sagot nito sa akin. Inalis ko ang pagkatatali ng kamay nito nang marinig ko na may pararating na sasakyan. "Buksan n'yo ang gate at si Boss Jackson ang parating," narinig kong sambit ng lalaking tauhan, kaya napatingin ako kay Claire. "Sshh. . . Huwag kang maingay dahil parating na si Jackson," sambit ko. Ibinalik ko ang pagkakatali ng kamay ni Claire, upang hindi makahalata si Jackson kung sakaling papasok siya. Pero, huwag naman sana. I turned off the light. At narinig ko ang mga yapak palapit sa kuwarto, causing me to tremble with fear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD