Chapter 6: Pagtakas

2229 Words
Gumalaw ang door knob, dahilan upang mapatakip ako ng aking bibig. Madilim pa naman kaya hindi ko alam kung saan ako magtatago sa kuwartong ito. "Jackson, Hijo, narito ka na pala. Halika at kumain ka muna roon sa kusina," narinig kong saad ni Manang Delly kay Jackson. "Okay, Manang, dahil gutom na rin ako," sagot ni Jackson kaya hindi natuloy ang pagbukas niya ng pinto. I heard his feet moving away from the room I was in, so I breathed a sigh of relief. I opened the door. Sumilip ako, at nakita ko na nasa baba na siya. Bumalik ako kay Claire. "Babalikan kita rito, okay." "Ahh-Ahh." Iyon lang ang tanging sagot nito sa akin. Lumabas na ako sa kuwartong iyon. Napansin ko na abala ang mga tauhan ni Jackson sa baba, kaya mabilis kong tinungo ang kuwarto ko. Naligo ako upang maalis ang dugo sa kamay ko. Pero, naalala ko na baka makahalata si Jackson dahil may bahid na dugo ang pinto. At hindi ko naisip na magpunas kanina. "Damn!" sambit ko. "Baka, lalong mapahamak si Claire sa ginawa ko. Si Jackson kaya ang gumawa niyon sa kanya? Oo, siya nga marahil dahil sa ikinuwento ni Manang Delly sa akin kanina," I talk to myself. I just stopped thinking when someone knocked on the door. "Sino 'yan?" tanong ko. "Ako, ito, Ms. Margaux," ani Manang Delly. Nagbanlaw na ako at isinuot ko ang aking roba, saka na ako lumabas ng banyo. I opened the door and Manang Delly came in with a paper bag. "Ano hong kailangan n'yo, Manang?" tanong ko. "Ipinabibigay ni Jackson sa 'yo ang pinamili niyang ito," sambit nito sa akin na ibinigay ang dalang paper bag. Tiningnan ko iyon at mga damit iyon at mga panties. "Hindi ko kailangan 'to, Manang," maawtoridad na saad ko. "Tanggapin mo na, Hija. At pasalamat ka rin dahil dumating ako kanina, dahil kung hindi, hindi ka na makalalabas sa kuwartong iyon," gagad nito sa akin. "Demonyo ang Jackson na 'yon, Manang! Pinutulan niya ng dila si Claire!" mahinang saad ko pero galit ang tinig ko. "Tumigil ka, Hija! Kasalanan din naman ni Claire kung bakit gano'n ang nangyari sa kanya!" gagad nito sa akin. "Kaya, makinig ka, kung ayaw mong magaya sa babaeng 'yon. Dalian mo nang magbihis at hinihintay ka ni Jackson sa baba," anito at umalis na sa harapan ko. Ikinuyom ko ang mga kamay ko dahil magkakampi sila ni Jackson. Ipinatong ko ang paper bag dahil ibabalik ko 'yon sa kanya. Nagbihis ako ng bestida dahil iyon lang naman ang nandoon sa cabinet na iyon. At gaya kagabi ay hindi na rin ako nagsuot ng p*nty dahil basa na naman. Kaya ang ending ay nilabhan ko ulit 'yon para may masuot ako mamayang gabi. Inayos ko ang sarili ko, saka na ako bumaba, dala ang paper bag na pinamili ni Jackson. At buo na rin ang desisyon kong tatakas ako mamayang gabi. Lumabas na ako at tinungo ko na ang hagdan. Pagkababa ko ay pinagtitinginan ako ng ilang tauhan ni Jackson. Pero, hindi ko sila pinansin, bagkus ay tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. "Ikaw na pala 'yan, Hija. Umupo ka at kumain ka ulit, kasama si Jackson," sambit sa kin ni Manang nang pumasok ako roon sa kusina. Tinapunan ko nang tingin si Jackson. Naikuyom pa ang kamay ko saka ko siya nilapitan. "Hindi ko kailangan ng mga ito," gagad ko. Ipinatong ko ang paper bag sa harapan niya pero hindi niya iyon sinulyapan, kundi patuloy lang siya sa pagsubo. "Ms. Margaux," saway ni Manang Delly sa akin. "Ibabalik ko sa kanya 'yan Manang at mamaya na lang ako kakain," I said authoritatively that I had turned my back on the two of them, but Jackson spoke causing me to stop. "Itapon n'yo ang mga iyan, Manang," matigas na wika ni Jackson. Ni hindi niya ako sinulyapan kaya mabilis akong naglakad pabalik sa aking kuwarto. Iniisip ko kung paano ako makatatakas dito kasama si Claire. Pero, hindi ako sigurado kung maitatakas ko siya. Naglakad-lakad ako, habang pasilip-silip ako sa bintana. Pinag-aaralan ko kung paano ko aakyatin ang mataas na pader na may mga tusok-tusok pa ng alambre. "Sh*t!" sambit ko. "Mahihirapan pa yata akong makatakas sa impiyernong mansyon na ito!" kausap ko sa aking sarili. Pero, huwag naman sana. Muli akong tumingin sa labas at napansin ko ang puno, malapit sa pader, kaya nakaisip ako ng plano. Umupo ako sa ibabaw ng kama. Hihintayin ko na lang na dumilim sa labas, dahil ayoko rin namang bumaba at makaharap si Jackson. Naprotektahan nga niya ako dahil binili at inilayo niya ako kay Vanjour pero, mali pala ako ng inakala. A few hours passed and as I waited, it was already dark outside. I heard the cars leaving so I secretly smiled. Kumalam ang aking tiyan, kaya binuksan ko ang pinto, ngunit nagulat ako dahil si Jackson ang nasa labas ng aking kuwarto, dala ang mga pagkain. Akala ko pa man din ay umalis siya, kasama ng mga tauhan niya. "Take it and eat it," matigas na wika niya sa akin. I looked at him but he wasn't looking at me. I took the food and he left in front of me. I still wonder why he brought me a food. May two fourth din pala siyang kabaitan. Pero, hindi dapat ako maniwala sa mga ganito ng pakulo. Kinain ko na ang pagkaing dinala niya sa akin dahil hitsura pa lang ay nakatatakam na, kaya naubos ko iyon. Bumaba ako para iligpit ang pinagkainan ko nang mapansin ko na walang nakabantay sa loob, dahilan upang magpalakpakan ang mga tainga ako. "Ba't wala hong bantay, Manang? Nagsilayas na ba sila?" untag ko kay Manang Delly nang maabutan ko itong nagpupunas ng mga plato. "Nasa labas sila, Hija. At ang iba naman ay may importanteng lakad ngayon," sagot nito sa akin. I just nodded. I went back upstairs when Jackson came out of his room and he was dressed in an americana suit. Tinapunan ko lang siya nang tingin at pumasok na ako sa aking kuwarto. Sinilip ko siya sa pinto at tuloy-tuloy siyang bumaba. Tumakbo ako palapit sa bintana upang subaybayan ko ang paglabas niya. He got into a black car. At binuksan ng tauhan niya ang malaking gate at lumabas na siya hanggang mawala siya sa paningin ko. "This is it, Margaux!" I said softly. I took my uniforms from the bathroom and put them in my backpack. Isinuot ko na rin ang panty ko kahit basa pa iyon dahil no choice ako. Baka, masabit pa ako sa mga tusok-tusok ng alambre ay matsugi pa ang kepyas ko. I spent another hour here in my room. I have to make sure there is no one outside. Pero, mahahalata ako ng mga tauhan kapag nakabagpack ako. Kaya, iiwanan ko na lang mga gamit ko rito. Isinuot ko ang sapatos ko at binuksan ko ang pinto. Sinilip ko, kung may tao sa baba dahil baka nagsipasok na ang mga tauhan ni Jackson. Nang makasiguro akong walang tao roon ay lumabas na ako at tinungo ko ang kuwartong kinaroroonan ni Claire. Pumasok ako at isinindi ko ang ilaw. "Claire," sambit ko. Claire wasn't there, so where was she? The only thing there was her shoes. "Where are you, Claire?" I said softly. Could it be that Jackson's men have already taken her? I heard the car leave earlier. "Putik!" usal ko. Nangilid ang luha ko dahil sa nararamdamang awa kay Claire. Pinatay ko ang ilaw at lumabas na 'ko roon. Bumaba na ako sa hagdan. Palinga-linga ako na baka may biglang pumasok sa mansyon. Tinungo ko ang kusina, baka may pinto palabas doon. Pero, nandoon pa rin sa Manang Delly, kaya kunyari ay uminom na lang ako ng tubig saka ko na ito iniwan. I went upstairs again and I opened the door one by one, except for Jackson's room to see if there was a staircase out there. But, nothing! I went to Jackson's room, but it was locked. So, I went down again to find a tunnel to escape when two of Jackson's men entered. They gave me a sticky look, so I gave them a bad look.. "Ang bata ng chiks ni, Boss Jackson! Virgin na virgin!" ngisi na saad ng isang lalaking nakasumbrero ng asul. "Sinabi mo pa, Skeleton, kaso nakapagtataka dahil hindi pa siya tinitira ni Boss Jackson. Kung ako 'yan, wantusawa," komento naman ng isang lalaki saka tumawa ang mga ito dahilan upang mainis ako. "Halika na nga sa kuwarto at idlip muna tayo. Sila muna magbantay dahil napuyat ako. At saka wala naman si Boss Jackson dito," sambit pa nito, at umalis na silang dalawa dahilan upang mabawasan ang aking kaba. I walked up to the door where Jackson's men came through. And I noticed that the other watchmen were gathering together, while they were drinking wine. Ang iba naman ay abala sa pagkukuwentuhan. Kaya, ito na ang pagkakataon kong makaalis dito. Pigil hininga akong lumabas, upang hindi ako makagawa ng ingay. Nadapa pa ako dahilan upang tumama ang binti ko sa malaking bato. "T*ngna!" usal ko. "Tayo ka, Margaux," sambit ko pa sa aking sarili. I got up and even though my leg hurt, I quickly walked away from the mansion. Inakyat ko ang puno ng mangga upang makatawid ako sa pader na may tusok-tusok na alambre. Nang maakyat ko na iyon at patawid na ako ay nakita ako ng tauhan ni Jackson. 'Yong babae, tumatakas!" sigaw nito dahilan upang maalarma ako. Tinalon ko na ang mataas na pader pababa at tumama pa ang tuhod ko sa semento. "Sh*t!" sambit ko. Tumakbo na ako palayo roon at hindi ko alam kung saan ang daang palabas dahil madilim. Ni ang buwan ay nakatago sa ulap. "Hayun siya!" narinig kong sigaw na naman ng mga lalaking tauhan ni Jackson. "Huwag n'yo siyang hahayaang makatakas, dahil kung hindi, lagot tayo kay Boss Jackson at tatanggalan niya tayo ng mata dahil hindi natin nabantayang mabuti ang babaeng 'yon!" narinig kong bulalas ng isa pang lalaki. Bigla akong kinilabutan sa mga narinig ko. Kung gano'n, kung mahuhuli pala nila ako ay puputulan ako ng paa ni Jackson? At hindi lang iyon. Baka, pupugutan din niya ako ng ulo. "Hindi ako magpapahuli sa inyo," bulong ko sa aking sarili. Saglit akong tumigil. Palinga-linga ako dahil walang kabahayan doon. Ibig sabihin ay sa likod ako dumaan. "Ang tanga ko!" kastigo ko pa sa aking sarili. Nang mapansin ko ang mga nagtataasang mga talahib at damo roon ay tumago ako. At pagapang akong naghanap ng ibang tataguhan ko dahil marami silang humahabol sa akin. Hindi ko na rin iniisip na baka may ahas doon. "Daddy," usal ko. Naalala ko tuloy ang sinabi ni daddy that he wants to protect me. Kaya, ganoon na lang ang paghihigpit niya sa akin. Subalit, natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang boses ng mga tauhan ni Jackson. "Ano, nakita n'yo ba!" gagad ng lalaki. "Hindi, Bungo! Inikot na namin ang paligid, pero wala kaming nakita," narinig kong saad ng isa pang lalaki. "Tutulog-tulog kasi kayo ni Conrad, kaya naisahan tayo niyong babae. Ano ngayon ang sasabihin natin kay Boss Jackson?" "Kayo nga nagbabantay sa labas, pero hindi n'yo siya napansin. Paano naman kasi, nag-iinuman pa kayo!" narinig kong paninisi naman ng isa pang lalaki. Siguro, ito si Skeleton dahil dalawa lang naman silang natulog kanina. "Balik na tayo sa mansyon at ihanda na natin ang ating mga sarili. Hindi pa naman natitikman ni Boss Jackson ang ang babaeng iyon. At kung alam lang natin na makatatakas siya, tayo na lang sana ang tumira sa kanya, para naman tirikan tayo ng mata. Ulalam pa naman ang babaeng iyon dahil batang-bata. At least, kahit pugutan tayo ng ulo ni Boss Jackson, nakatikim tayo ng virgin, hindi iyong luwang na! Kasawa!" narinig kong pahayag ng isa pang lalaki dahilan upang magtaasan ang mga balahibo ko. I heard their footsteps leaving there, so I took a deep breath. And to make sure they weren't there anymore, I peeked at them. At wala na nga akong maaninag na pigura ng mga tao. Subalit, gumapang pa rin ako dahil baka bumalik sila. Ngunit mahapdi na ang tuhod ko, kaya tumayo ako at naglakad ako payuko, hanggang makita ko ang kotse sa may di-kalayuhan at tiyak kong dadaan 'yon dito. Lumabas ako mula sa mga talahiban. And I ran to the car because I couldn't wait to escape. Hindi na rin ako nagtaka na hindi iyon umaandar. Baka, may ginagawa lang ang driver nito sa loob. "Sir, Ma'am, ilayo n'yo ho ako rito! Mga demonyo ang nakatira sa mansyon na 'yan!" sambit ko habang kinakatok ko ang bintana ng sasakyan. Ngunit hindi binubuksan ng kung sino mang tao ang nasa loob. "Maawa ho kayo sa akin, please! Pasakayin n'yo na 'ko," nagmamakaawang saad ko. I'm crying because my feelings are mixed. The car door opened, and it was dark inside. But, I didn't hesitate to ride just to escape. Isinarado ko ang pinto. "Dalian na ho natin dahil baka bumalik ang mga lalaking 'yon," sambit ko pa. "Saan ba tayo pupunta?" tanong sa akin ng baritonong boses at kilala ko ang may-ari ng boses na ito dahilan upang lalo akong manginig sa takot. Binuksan niya ang ilaw ng kotse at hindi nga ako nagkamali. "Ja-Jackson?" nanginginig na sambit ko. Nlingon niya ako. At walang sabi-sabing hinila ang mahaba kong buhok
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD