Chapter 4: Jackson Fiercy

1870 Words
"Dito ka!" gagad sa akin ni Vanjour. Dinala niya ako sa kuwarto na tanging dim light lang ang ilaw, kaya hindi ko alam kung anong gagawin niya sa akin. Akala ko ay nabili na ako ng lalaking nagngangalang Jackson, pero nasaan siya? Ba't dito ako dinala ng hayop na Vanjour na 'to? "Ba-Bakit dito mo 'ko dinala? Akala ko ba, may bumili sa akin, ha! Kaya, ilabas mo 'ko rito!" protesta ko. "Tumigil ka! Ang ingay-ingay mo!" sawata niya akin. "Huwag kang excited dahil parating na si Jackson. Kaya, nga isinarado ko na ang auction dahil talagang malaking magbayad 'yon at tiba-tiba ako sa kanya," ngisi na aniya sa akin. Magsasalita sana ako nang pumasok ang lalaki, kasama ang tatlong alipores nito. At kung hindi ako nagkakamali ay siya si Jackson Fiercy ito dahil sa suot nitong shades. "Heto na, Boss at sulit na sulit ang pagbili mo sa dalagang ito," ani Vanjour na ngumiti nang malapad kay Jackson. Subalit hindi ko alam kung titingin ako sa kanya o yuyuko na lang. "Mowing," tawag nito sa kasama. "Ibigay mo ang limang milyon kay Mr. Quejanes para makaalis na tayo rito," maawtoridad na saad pa nito sa kasama niya dahilan upang matuwa ako. Dahil alam kong makalalayo na ako kay Vanjour. "Ito na ang limang milyon, Mr. Quejanes at buksan mo ang maleta para makasiguro ka na kumpleto iyan," saad naman ng lalaki na nagngangalang Mowing. Kinuha iyon ni Vanjour, sabay ngiti niya kay Mowing "No need, dahil alam ko namang maayos kausap ang inyong boss. Heto na ang dilag mo, Boss Jackson at talagang fresh na fresh 'yan from the south." "Kunin n'yo na siya at isakay sa kotse," utos ni Jackson sa mga kasama nito. Hinawakan nila ako sa braso dahilan upang magpumiglas ako. "Hu-Huwag n'yo na akong hawakan dahil alam ko namang maglakad," sambit ko. "Utos po ni Boss Jackson kaya sumusunod lang kami," paliwanag nila sa akin. "Kahit na! Kaya ko nang maglakad, okay!" gagad ko. "Sige, pabayaan n'yo siyang maglakad," maawtoridad na saad ni Jackson sa mga ito, kaya naman binitawan nila ako. Nagtataka pa ako kung bakit hindi na sila umaangal pa, kundi sinunod lang nila kung anong iutos ni Jackson. "Diretso ka, Miss at sumakay ka sa pulang kotse," utos sa akin ni Mowing. Hindi ako umimik, bagkus ay hinanap ko ang pulang kotse at agad ko rin naman iyong nahanap. Sumakay ako sa likod, subalit masama ang tingin sa akin ni Jackson kaya lumipat ako sa harapan. "Bakit kaya hindi siya nagsasalita? Hindi kaya'y may dinadalang problema ang lalaking ito? " bulong ng isipan ko. Akala ko rin ay kasama namin ang tatlong unggoy, iyon pala ay may kanya-kanya silang sasakyan. Pinaharurot na ni Jackson ang kotse. Gusto ko siyang kausapin, pero ang tahimik niya, at baka supladuhan lang niya ako. Pero, hindi ko kayang hindi magsalita. "Sa-Saan tayo pupunta?" Wala sa sariling sambit ko. Subalit hindi siya sumagot, kaya muli akong nagtanong. "Uhm, ku-kuya, saan tayo pupunta? Iuuwi mo ba ako?" saad ko. He looked at me, but he didn't speak. So, I just didn't ask. I secretly looked at him and smiled dahil lalo siguro siyang may hitsura kapag tatanggalin niya ang kanyang salamin. Palinga-linga pa ako dahil hindi ko alam kung nasaan na kami. Basta ang alam ko lang ay nasa parte pa kami ng Maynila. I looked at my watch and it was past nine o'clock. Daddy must be looking for me by now. If he had seen me earlier, I would have been able to escape. Hindi naman sila puwedeng magsumbong sa pulis dahil mga sindikato sila't nagbebenta sila ng barill. Hindi ko rin akalain na ang tinatamasa kong kaginhawahan ay galing sa ilegal na negosyo ni daddy. Kaya, pala, lagi siyang wala dahil iyon ang kinaaabalahan niya. I sighed, so Jackson looked at me but he didn't say anything. Ayaw ko pa naman ng kausap ang ganitong tao. Alas onse nang makarating kami sa lugar na ilan-ilan din ang sasakyan, malaking bahay, at malawak ang bakuran. Halos sulok ng bakuran na iyon ay may nagbabantay na mga armadong lalaki dahilan upang kabahan ako. Two guards opened the large gate and Jackson entered the car, following the men behind us. Jackson came down. I thought he was going to open the car door for me, but he did not. Kaya, bumaba na ako at sumunod ako sa kanya. At may sumalubong sa aming matandang babae. "Jackson, Hijo, sa wakas ay nandito ka na," sambit nito. Ngunit dumako ang tingin niya sa akin. "Sino siya, Hijo?" untag pa nito na itinuro pa ako. "Dalhin n'yo siya sa malaking kuwarto, Manang at bigyan n'yo siya ng masarap na pagkain. And treat her like a princess," walang ekspresyon na wika ni Jackson at tinalikuran niya kami at umakyat na siya. "Halika, Hija at sumama ka sa akin dahil halatang gutom na gutom ka na," pahayag nito sa akin. Inilahad ng matandang babae ang kamay niya sa akin kaya humawak ako at naglakad kami sa hagdan patungong kuwarto. Napanganga ako sa ganda ng kuwartong iyon dahil doble pa iyon sa luwang nang kuwarto ko. At pati ang mga kurtina ay halatang mamahalin. "Di-Dito ho ang kuwarto ko, Mana—" "Manang Delly ang itawag mo sa akin. At ikaw naman si?" "Margaux po, Manang. Uhm, ito po ba ang kuwarto ko? Si-Sigurado ho ba kayo?" I asked in disbelief. "Oo, Hija. Pero, ikaw lang ang kauna-unahang babae na pinatuloy ni Jackson sa kuwartong ito," pahayag nito sa akin dahilan upang mapamaang ako. "Ako ang kauna-unahang babae? Ba-Bakit, i-iyong asawa niya?" walang prenong saad ko. But Manang Delly laughed at me. "Walang asawa si Jackson, Hija. Pero, hindi ko alam kung karelasyon niya iyong babae na nanggulo sa labas ng mansyon kamakailan lang dahil buntis daw ito at si Jackson ang ama," kuwento nito sa akin. "A-Ano hong sabi ni Jackson?" untag ko. Gusto ko kasing malaman kung talagang nakabuntis nga ito. "Saka, na tayo mag-usap, Hija dahil baka may makarinig sa atin. Ang payo ko sa 'yo, kung anong mga nakikita mo rito ay dedmahin mo lang. At huwag ka masyadong matanong dahil ayaw ni Jackson ng ganoon," saad niya sa akin. "Isa na lang po, Manang. Ba't marami pong nagbabantay sa labas?" takang tanong ko. Hindi umimik si Manang Delly, bagkus ay hinawakan niya ang kamay ko. "Sa labas na ako, at tatawagin na lang kita kapag nakapagluto na ako. O, kaya'y ipadala ko na lang sa isa pa nating katulong ang pagkain mo." "Lalabas na lang ho ako mamaya, Manang para hindi na kayo maabala pa," I said to her. "May damit d'yan sa cabinet at pumili ka na lang ng isusuot mo," ani Manang Delly pa sa akin. "Labas na ako, Hija," paalam pa nito sa akin at iniwan na ako. I closed the door. I walked over to the cabinet and chose something to wear. I'm going to take a bath too because I feel hot Kaya, tinungo ko na ang banyo at kumpleto ang nandoon dahil may mamahaling jacuzzi pa. "Wow!" sambit ko nang makita ko ang mamahaling jacuzzi. Tinungo ko na iyon at nagbabad ako. Naisip ko na paano na lang kung ang nakabili sa akin ay n***o? Baka, ibitin nila ako patiwarik. At paano rin kung iyong Koreano ang nakabili sa akin. Bka, hindi ako makita dahil ang liliit ng mga mata niya. So, I'm just thankful because Jackson bought me. And if Jackson was bad, he would have killed me earlier. Kalahating oras akong nagbabad roon hanggang maisipan ko nang umahon dahil nagugutom na ako. I put on the sleeve dress I chose, but I'm not wearing any panties. Hindi bale, dahil gabi na. Saglit kong kinusot ang undies ko kahit sablay akong maglaba, para may suotin ako bukas. Sinuklay ko ang mahaba kong buhok at lumabas na ako. Nagtataka pa ako dahil kahit sa sulok ng bahay na ito ay may mga nagbabantay ring mga lalaki na pawang may dalang baril dahilan upang kabahan ako. Nilingon ko pa ang kuwartong pinasukan ni Jackson kanina at nakabukas iyon. "What is he doing?" my mind whispered. Maybe, when he comes out again, he will be wearing shades again. Dahan-dahan akong bumaba dahil baka masilipan ako. But I heard Jackson scream so I looked in his room. "This can't be! They're fvcking bullshit!" narinig kong sigaw niya at may nabasag na kung anong bagay sa loob nang kuwarto niya. "Dalian mo, Hija at mainit-init pa ang sabaw," sambit naman ni Manang Delly na nasa hagdan na pala at hinhintay ako. "Si-Si Jackson ho, Manang, sumisigaw ho," nag-aalalang saad ko. Pagak na ngumiti sa akin si Manang Delly. At nagtataka ako dahil hinila ako nito sa kamay. Mabilis kaming bumaba at tinungo na namin ang kusina. "Ba-Ba't ang bilis nating maglakad, Manang?" untag ko. "Ang sabi ko naman sa 'yo, Hija, huwag ka masyadong magtanong. At pakinggan mo lang ang naririnig mo rito lalo na kapag galit si Jackson dahil baka ikaw ang mapagbalingan niya," paalala nito sa akin. "Pe-Pero, nagtataka ho kasi ako dahil ang daming bantay rito. Hi-Hindi ba kayo natatakot dahil may mga baril sila?" muling tanong ko. Hinawakan ako sa balikat ni Manang Delly. "Sanay na kami at mababait ang mga tao rito. Kaya, kung ako, sa 'yo, huwag ka nang magtanong." "Sige po," sagot ko na lang. "Bakit, kasi nagdala pa ng asikasuhin si Boss Jackson, Manang? Hindi bale sana kung tutulong 'yan dito, eh, hindi naman! Tapos, tratuhin pa natin siyang prinsesa!" reklamo ng babaeng ka papasok lang sa kusina. "Huwag ka nang magreklamo, Claire. Gawin na lang natin kung anong utos ni Jackson. At hinaan mo rin 'yang boses mo lalo na at mainit ang ulo niya ngayon," pahayag ni Manang. "Lagi namang mainit ang ulo ng Boss natin, eh!" gagad nito sa amin. Nagtakip pa siya ng bibig dahil ang lakas ng boses niya. Kaya isang lalaki ang pumunta roon. "Claire, pinatatawag ka ni Boss," saad nito kaya tumingin ako sa babaeng katulong na nag-umpisa ng mangilid ang luha niya. Agad itong sumunod sa lalaki at sinilip ko siya. Pumasok si Claire sa isang kuwarto sa taas, ngunit hindi ko na nakita ang sumunod dahil pinaupo na ako ni Mang Delly. "Anong gagawin nila kay Claire, Manang?" nagtatakang tanong ko. "Sshh. . . " ani Manang sa akin. Luminga-linga pa sila bago sila nagsalita. 'Sabi ko naman na huwag ka nang magtanong. At dedmahin mo lahat ng mga nakikita mo. Sige na at kumain ka na, " saad nito na pinaghainan ako ng mainit na sabaw. Kumain na ako at inubos ko iyon dahil sa masarap ang pagkaluluto. Uminom ako at nagpaalam kay Manang Delly. Saka, na ako bumalik sa kuwartong tutuluyan ko. But, I really wonder why Claire was summoned, which is why I can't sleep. I went out. I even looked to see if someone was guarding the room that Claire entered earlier. But, no one was there dahil nasa baba lahat ang mga nagbabantay. I slowly walked towards that room. I even looked behind me because someone might see me. Ngunit pagkaharap ko ay nabangga ko ang matigas na bagay. Pero, hindi iyon isang bagay, kundi ay tao. At si Jackson iyon dahilan upang kabahan ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD