Chapter 1

1857 Words
Nine years later SUTTON "DIDN'T I tell you not to touch my stuff!" malakas kong sigaw nang maabutan ko ang isa sa aming mga katulong na nililinis ang aking kuwarto. Mahigpit kong bilin na walang kahit na sino ang maaaring pumasok sa aking silid nang walang pahintulot ko. "Relax, Sutton. Ang aga-aga nakakunot na agad ang noo mo at nakasigaw," puna sa akin ng aking ina nang lumabas ito mula sa kaniyang silid. Dala marahil nang malakas kong sigaw kaya ito lumabas ng kaniyang silid. "Inutusan ko si Bining na linisin ang kuwarto mo. You haven't got your room clean for quite sometime now. Abala pa si Yaya Mildred sa kusina kaya naman si Bining muna ang inutusan ko," palawinag pa nito. Walang kahit na sino ang puwedeng gumalaw sa mga gamit ko maliban kay Yaya Mildred. Siya na ang nag-alaga sa akin mula pagkabata at tanging tao sa bahay na ito na tunay na may malasakit sa akin. Napaismid ako saka mapaklang tumawa, "Oh, now you're a good mother? Stop it. It doesn't suit you." "Sutton!" Napairap na lamang ako sa hangin nang marinig ko ang matigas na pagtawag ng aking ama sa aking pangalan. "Don't you dare talk to your mother like that!" pagalit nito sa akin nang makalapit. "Now, I'm the bad guy!" saad ko saka itinaas ang aking dalawang kamay na tila senyales ng pagsuko. "Ano ba kasing mahirap intindihan sa sinabi kong ayaw kong pinakikialaman ang mga gamit ko?" mataray kong turan saka bumaling sa gawi ng aking ina. "Sutton, I'm warning you!" muling bulyaw ni daddy.  Wala akong nagawa kung 'di umirap na lamang dahil sa labis na inis saka tinalikuran ang mga ito at pumasok sa aking silid. Dali-dali namang lumabas si Bining dahil sa takot. Halos lahat ng kasambahay rito ay ilag sa akin. They see as this evil b!tch that you don't want to mess with. Honestly, I don't care. Mas gusto kong ganoon ang tingin nila sa aking lahat kaysa mahina at lampa. Hindi pa man ako nagtatagal sa loob ng aking silid nang muling bumukas ang pinto at pumasok ang aking ama mula roon. "That's not how I raised you, Sutton! Hindi mo dapat pinagsasalitaan ng ganoon ang mommy mo. You do know that she's trying, right?" Bahagya nang humina ang kaniyang boses. "Come on, dad! We both know I already gave her too many chances. I think it's too later for that now," malamig kong turan saka nag-iwas ng tingin. "Naiintindihan ko ang nararamdaman mo, Sutton. But you need to stop this facade. I know the real you, hija. And this..." saglit itong tumahimik at masuyo akong tiningnan. "...this is not the real Sutton. You have to stop pushing everyone away. I'm afraid that soon, you'll find yourself alone with no one to turn to." "Then good! That's how I like it," tugon ko. Muling nagtangkang magsalita si daddy ngunit sa huli ay mas pinili na lamang nitong manahimik. Humugot ito ng isang malalim na hininga. "I'm worried about you, baby. Matanda na ako—" "Don't say it," maagap kong putol sa kaniya. "Masamang damo ka, dad. Kaya siguradong matagal pa mangyayari ang kung anumang iniisip mo." Si daddy na lamang ang natitira kong kakampi sa bahay na ito. I may be tough on the outside but I don't think I would be able to make it through if something bad happen to my father. Kaya hangga't maaari ay ayaw kong pag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyon. Muli itong napabuga ng malakas na hangin saka pilit na ngumiti. Agad naman akong naalarma dahil sa kakaibang kinikilos nito. "Is everything okay, dad?" nag-aalalang tanong ko. "O-Of course. Everything is fine, baby," turan nito saka pilit na ngumiti. "Come on, let's go down. Join us for breakfast," pagbabago nito sa paksa. "You know I don't like to eat with them," saad ko. "I know. Pero tuwing sabado at linggo na lamang nga tayo nagkakasama-sama dahil masyado kang abala sa opisina." "Kung puwede nga lang na hindi na umuwi rito, ginawa ko na," mapakla kong turan. "Sutton..." "Okay, okay. Fine. But remember that I am doing this for you, not for them." "Thank you, anak. I appreciate it," wika ng aking ama saka malawak na ngumiti. Tumayo ito at yumakap sa akin nang mahigpit. Bahagya akong napakunot dahil sa pagtataka. I can feel that there's something wrong, but I can't pin point what is it. Gustuhin ko mang tanungin si dad ngunit sigurado akong hindi nito sasabihin kung sakali mang mayroong hindi magandang nangyari. Sa halip na magtanong ay gumanti na lamang ako ng isang mahigpit na yakap dito. Ang aking ama ang natatangi kong kakampi sa bahay na ito. If there's anyone that I would trade my life with, it's him, not Leila. "Halika na. Bumaba na tayo," aya nito. Pilit akong ngumiti bilang tugon upang maitago ang pag-aalalang gumugulo sa aking isip. Nang makababa kami sa hapag kainan ay naroon na si mommy at Leila at prenteng nakaupo sa bandang kaliwa ng power seat kung saan umuupo si dad. "Let's eat," masiglang saad ni dad nang makaupo kaming lahat. Ilang minuto kaming tahimik na kumakain ng almusal nang magsalita si mommy. "By the way, hon. Please don't forget to free your schedule tomorrow. We're going to meet Mr. Beckham for lunch," turan ng aking ina. Naagaw noon ang aking atensyon ngunit hindi ko iyon ipinahalata. My mother was never so formal and serious unless it has something to do with her favorite daughter Leila. "Hmm...would you please refresh my memory, hon. Who's this Mr. Beckham again?" Tahimik kong ipinagpatuloy ang aking pagkain ngunit nananatiling matalas ang aking pandinig upang wala akong makaligtaang detalye sa kanilang pag-uusap. "For pete's sake, Arturo! I told you about this so many times. He's your daughter's soon-to-be fiancé," inis na turan ni mommy. Hindi ko napigilang mapataas ang aking kilay nang marinig ang tungkol sa bagay na iyon. So, she already chosen a man for her most precious daughter? mapakla kong turan sa aking sarili. "Fiancé? I didn't know you're dating someone, Leila," baling nito sa aking kapatid. "We're not dating, dad," mahinhing tugon ni Leila. Marahan kong iniangat ang aking ulo saka bumaling sa gawi ni Leila. Mas lalong tumaas ang aking kilay dahil sa kaniyang naging sagot. "They didn't have to. It's an arrange marriage. Nakausap ko na si Mr. Beckham at pumayag na siya sa alok ko. He just need to see Leila in person and the deal is done. Sigurado naman akong mabibighani si Mr. Beckham sa ganda ng anak ko," kumpiyansang turan ng aking ina. Muling nabuhay ang galit na matagal nang namamayani sa aking puso para sa aking ina at kapatid. Kahit magaling na si Leila ay ito pa rin ang inaalala niya. Leila can already take care of herself, but my mother still treats her as a baby. And I can't stand it. Mas lalong kumukulo ang dugo ko sa kanilang dalawa. Mas lalong tumindi ang inis sa aking dibdib habang naglalaro sa aking isip ang imahe ni Leila habang masaya kasama ang kaniyang mapapang-asawa. Thinking about her being happy irritates me. Hindi ako papayag na hanggang sa huli ay siya pa rin ang magiging masaya habang ako ay miserable. "Beckham? The football player?" pang-uuyam ko. I need to do that in order for me to get the information that I needed. "My gosh, Sutton! Not the football player, he's already married! It's Valiant Matthias Beckham, the multi-billionaire." "If even he's not, I don't think he would be interested with Leila," saad ko saka mapaklang ngumisi. "Sutton..." may pagbabantang tawag ni daddy sa aking pangalan. Nagkibit-balikat lamang ako saka kunwa'y nagpatay-malisya habang pasimpleng nakikinig sa kanilang usapan. Gusto kong masuka habang nakikinig kung gaano kasabik si mommy na ipakasal ang paborito niyang anak sa isang bilyonaryo. Sinong ina nga ba ang hindi matutuwa kung sakaling makapang-asawa ng mayamang lalaki ang iyong anak. My mom would never choose just any man for her favorite daughter. Of course, it has to be someone with a name. I think I already heard enough. I got what I needed in order for me to execute my plan. Ngayon ang kailangan ko na lamang pagplanuhan kung paano ko sisirain ang nakatakdang kasal ng aking kapatid. "I'm done," paalam ko saka mabilis na tumayo. "Are you going somewhere?" usisa ng aking ama nang kuhanin ko ang susi ng aking kotse mula sa lalagyan. "Yes, dad. Magkikita kami ni Jessa today," tugon ko. Jessa is my childhood friend. Kaya naman hindi na sila nag-usisa nang idahilan ko ang aking kaibigan. "Oh, okay. I thought we can have spend some time together. You know, as a family," turan ni dad. Saglit akong natigilan saka bumaling upang tingnan ito. Bumaling ako sa gawi ni mommy at Leila na parehas hindi makatingin sa akin ng diretso. Mas lalo lamang tumindi ang kagustuhan kong sirain ang perpektong kasal ng aking kapatid na inihanda ng aming ina. "I have plans, dad," malamig kong tugon dito saka mabilis na tumalikod at lumabas ng bahay. Tanging cellphone at wallet lamang ang aking dala. Nang makapasok ako sa aking sasakyan ay agad kong tinawagan ang aking kaibigan. Makalipas ang ilang minuto ay saka lamang sinagot ni Jessa ang aking tawag. "What the hell, Sutton Cassandra De Vera! Please don't tell me that you call me early in the morning during weekend just to work." Reklamo ang unang ibinungad nito sa akin. "Where are you?" Binalewala ko lamang ang mahaba niyang litanya. "I'm at my condo, and you're disturbing my sleep." "I'm going there, wait for me." "W-Wait, why? What happened? May sunog ba? Sinong naaksidente? Sinisingil na ba ang bruhilda mong nanay sa lahat ng kasalanan n'ya?" Naiiling na lamang ako habang nakikinig sa tuloy-tuloy na pagsasalita ni Jessa. "Stop being over dramatic. Walang naaksidente. But I need your help. So, don't go anywhere and wait for me there," turan ko. "Argh! Fine! Kung hindi lang kita mahal, matagal na kitang itinakwil bilang kaibigan. Sige na, ba-bye na!" wika nito saka ibinaba ang tawag. Napangiti na lamang ako sa aking sarili. Kung mayroon mang isang bagay ang ipinagpapasalamat ko sa pagpapabalik-balik ko noon sa ospital para kay Leila, iyon ay ito ang naging dahilan upang makilala ko ang matalik ko kaibigan na si Jessa. Nagkakilala kami noon habang kinukuhaan ako ng dugo para kay Leila habang siya naman ay nagkaroon ng isang aksidente. Itinatakas kasi nito ang sasakyan ng kaniyang ama kahit wala siyang lisensya at hindi pa gaano kasanay magmaneho. Kahit pa madalas ko siyang sungitan noon ay hindi iyon naging dahilan upang tumigil siyang kausapin ako. Dahil sa angkin niyang kadaldalan ay unti-unti na ring gumaan ang loob ko sa kaniya. Siya pa lamang ata ang kaisa-isang tao na hindi lumayo sa akin sa kabila nang kagaspangan ng aking ugali. Halos lahat ng hinanakit ko noon sa aking ina ay sa kaniya ko nailalabas. Kahit papaano ay gumagaan ang aking dibdib sa tuwing nakakapaglabas ako ng sama ng loob sa kaniya. Simula noon ay hindi ko na sinubukan pang magkaroon ng kaibigan maliban kay Jessa. Sapat na sa akin ang magkaroon ng isang kaibigan. *******************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD