PROLOGUE

1392 Words
SUTTON "MOM, what's happening? Where are we going?" naguguluhang tanong ko sa aking ina nang halos kaladkarin niya ako palabas ng aking kuwarto. Bakas sa kaniyang mukha ang takot at pag-aalala. Napangiwi na lamang ako dahil sa higpit nang pagkakahawak niya sa aking braso. Halos madapa ako sa lakas nang pagkaladkad niya sa akin. "We need to go to the hospital. Bilisan mong maglakad!" bulyaw niya sa akin. Sa mura kong edad na labing-anim ay malinaw sa akin ang hindi patas na turing ng aking ina sa aming magkapatid. Si Leila ay ang aking nakatatandang kapatid. Pinanganak itong may leukemia. Makailang ulit itong nagpabalik-balik sa ospital upang magpagamot. Both our parents weren't Leila's match. Leila was on the waiting list for years but they weren't able to find a match for her. When Leila was seven years old, my sister's oncologist suggested to my mother the most effective way of treating Leila's condition. It was through cord blood transfusion. And to be able to do that, they need to make a designer baby. They will pick an egg cell that was genetically matched to Leila through the process of In Vitro Fertilization. That's how I was born. At nang marinig ko mula sa aking ina ang salitang ospital. Alam ko na agad na kailangan ko na namang magdonate ng dugo para sa aking kapatid. I thought cord blood tranfusion was the end of me being a designer baby. Ngunit mali pala ako. Dahil makalipas ang ilang taon pagkatapos kong ipanganak ay wala pa ring pinagbago. I remain a walking blood bank for my sister. "How's Leila, mom?" usisa ko rito nang makasakay kami sa loob ng sasakyan. Hindi ito sumagot at nanatiling nakatutok ang kaniyang mga mata sa labas ng bintana. Mababatid sa kaniyang mukha na malayo na ang nalipad ng isip nito. Hindi ko na kailangang mag-isip pa nang malalim upang malaman kung nakanino nakatuon ang isip nito. Makalipas ang ilang minuto ay narinig kong nagsalita. "Your sister needs blood," maikli nitong paliwanag. Napahugot na lamang akong ng isang malalim na buntonghininga nang marinig ang malamig niyang tinig. She needs my blood again. I am nothing but a f*cking blood bank for my sister. Punong-puno ng himutok ang aking dibdib ngunit ang lahat nang iyon kinimkim ko lamang. Alam ko namang walang kahihinatnan kung sakaling magreklamo ako. Siguradong sa huli ay ako pa rin ang lalabas na masama kapag tumanggi akong magbigay ng dugo sa aking kapatid. After all, my sole purpose in life is to be a donor for my sister. Isang "walking donor" ang tingin ng aking ina sa akin. Masama ba kung maghangad ako nang buhay na malaya? Malayo sa mga limitasyong ibinigay ng aking ina. Bawal uminom ng alak dahil anumang oras ay baka mangailangan ng dugo ang aking kapatid. Bawal kumain ng matatamis at matatabang pagkain dahil baka magkasakit ako. Hindi dahil nag-aalala sila sa kalusugan ko kung 'di dahil kailangan kong maging malakas sa lahat ng oras para sa aking kapatid. Sawang-sawa na ako sa buhay na ito. Gusto kong bawiin ang buhay ko mula sa kanila. Ngunit may karapatan nga ba akong bawiin ang buhay na sa simula pa lamang ay nakatakdang maging organ donor. Dahil sa malalim kong pag-iisip ay hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa ospital kung saan naka-confine ang aking kapatid. Humahangos si mommy na tumakbo papasok sa loob ng ospital. Hila-hila n'ya pa rin ang aking braso patungo elevator. Makalipas ang ilang minuto ay narating na rin namin ang palapag kung saan nakalagak si Leila. Kakabukas pa lamang ng pinto ng elevator ay agad kaming sinalubong ng doktor ni Leila. "Thank God you're here!" bungad ng doktor sa amin. "Why, what's wrong? Kumusta si Leila, doc?" ganting tugon naman ni mommy. "Sutton is here. Kunan n'yo na s'ya ng dugo." Walang kaabog-abog na utos ni mommy. "I'm sorry, but we might not need Sutton's blood anymore," saad ng doktor. Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ni mommy. Bahagya rin itong nawalan ng balanse dahil sa pagkabigla. Maagap ko naman itong inalalayan upang hindi tuluyang tumumba. "What do you mean, doc? What happened to my daughter?" hiyaw ni mommy sa doktor nang bahagya itong makabawi. "Leila's kidney is failing. We need to perform a kidney transplant as soon as possible," wika ng doktor. "Walang problema. You can take Sutton's kidney, right?" turan ni mommy sa doktor. Hindi nakaligtas sa akin ang awang bumalatay sa mukha ng doktor nang marinig nito ang tinuran ng aking ina. Bagama't hindi na bago sa akin ang tungkol sa pagiging donor ko sa aking kapatid. Hindi ko pa rin maiwasang magulat dahil sa walang pag-aalinlangang pagtulak ni mommy sa akin na para bang isang kendi lamang ang aking ibibigay. "M-Mom..." mahinang tawag ko sa kaniya. "What?" inis nitong baling sa akin. "I-I love Leila, b-but I don't think—" "What are you talking about?" maagap niyang putol sa kung ano pa mang aking sasabihin. "This is your main purpose. This is your obligation. Nabubuhay ka para sa kapatid mo! Kaya tumigil ka sa pag-iinarte mo at ihanda mo na ang sarili mo para sa operasyon! Sumunod ka na lang para naman magkaroon ka ng silbi!" bulyaw niya sa akin. Nag-uunahang maglandas ang aking mga luha. Tila punyal na paulit-ulit na tumutusok sa aking puso ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng aking ina. Buong buhay ko, nangangarap ako na sana balang araw ay maramdaman ko ang kalinga mula sa aking ina. Ngunit habang dumadagdag ang aking edad ay mas lalong nagiging malinaw para sa akin na tila imposibleng mangyari ang bagay na iyon. Para sa aking ina iisa lang ang kaniyang anak, at si Leila iyon. "Sutton..." untag sa akin ng doktor. Bahagya akong napapitlag at napatingin sa kaniyang gawi. "Let's go? I'll prep you up for the operation," malamyos nitong turan. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi bago mahinang tumango. Patuloy ang paglandas ng aking mga luha habang marahan akong akay ng doktor patungo sa kung saan. May parte pa rin sa aking puso ang umaasa na pagkatapos nito baka kahit paano, magkaroon na ako ng puwang sa puso ng aking ina. PUTING ilaw ang bumungad sa akin nang ako ay magkamalay. Pinilit kong idinilat ang aking mga mata. Marahan kong iginala ang aking tingin sa paligid ng kuwarto. Sinalubong ako ng matatamis ng ngiti ng aking ama. "Hey, princess. How are you feeling?" agad na tanong ng aking ama. Kung ang aking ina ay tila isang basura ang tingin sa akin, kabaligtaran niya ang aking ama. My father has been nothing but sweet. Kung may isa akong ipagpapasalamat sa buhay na ito, iyon ang aking butihing ama. "I-I'm fine, dad," tugon ko. Saglit akong napangiwi nang maramdaman ko ang kirot sa aking tagiliran. "I'm sorry kung kailangan mong pagdaanan ang bagay na ito," wika ng aking ama bago marahang pinatakan ng mabining halik ang aking noo. "W-Where's mom?" tanong ko sa aking ama nang mapansin kong walang ibang tao roon maliban sa kaniya. "S-She's with Leila. Thanks to you, she's going to be okay now. The doctor says that this might be the last operation that Leila has to go through," balita ni dad. Hindi ko alam kung bakit sa halip na galak ay galit ang namayani sa aking puso. Hanggang sa huling pagkakataon ay umaasa pa rin ako na kahit paano ay magkakaroon ako ng halaga sa aking ina matapos ang aking ginawa para kay Leila. Ngunit mali ako. Sa huli ay nananatili akong isang organ donor para sa nag-iisa niyang anak. "P-Pagpasensyahan mo na ang iyong ina, Sutton. She loves you—" "Love? I don't think so, dad. Wala siyang ibang kayang mahalin kung 'di si Leila. Para sa kaniya, iisa lang ang anak n'ya!" galit kong sumbat kay daddy. "Sutton, anak..." "Gusto ko po munang mapag-isa, dad," malungkot kong turan dito. Malakas itong napabuntonghininga at walang ibang nagawa kung 'di ang lumabas ng aking silid at hayaan akong mapag-isa. Sigurado akong kukumbinsihin lamang niya akong intindihin ang aking ina. But I had enough. Tama na ang ilang taon kong pagtitiis. Buong buhay ko, pinangarap ko ang pagtanggap niya. I tried to be the perfect daughter. But I guess, I will never be. Pagod na akong maging mabait at sunud-sunurang anak. From now on, I will take control of my life. The hell with everybody. *******
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD