SUTTON
MAKALIPAS ang ilang minuto ay nakarating na ako sa condo ng aking kaibigan. I don't need to knock because I know her password. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng kaniyang condo ay agad kong tinipa ang password.
"Jesus! Papatayin mo ba ako sa sakit sa puso?" gulat na bungad ni Jessa sa akin.
"What? I told you I'm coming, right?" mataray kong saad sa kaniya.
Pinaningkitan niya ako ng tingin dahil sa ginawa kong pagtataray na ginantihan ko lamang nang pagtaas ng aking kilay.
"Yeah. But you could have at least knock, right? Hindi ko ibinigay sa 'yo ang password ng condo ko para abusuhin mo," dagdag pa nito.
"Whatever. Shut up and help me," mataray kong saad.
"Aba't—Haist! Pasalamat ka talaga mahal kita. Kung hindi, naku! Baka matagal na kitang pina-salvage dahil sa katarayan mo."
"Eh, 'di nawalan ka nang magandang kaibigan," kumpiyansa kong saad saka ito muling inirapan.
Dumiretso ako sa loob ng kaniyang silid at kinuha ang kaniyang laptop saka bumalik sa lamesa kung saan ito kumakain.
"Go ahead, feel at home," sarkastikong turan nito nang umupo ako sa katapat niyang upuan.
"What do you know about Valiant Matthias Beckham?" diretsong tanong ko rito habang nakaharap sa laptop at tinitipa ko sa search bar ang pangalang nabanggit.
"You don't know Valiant Beckham?" nanlalaki ang mga matang turan nito. Muntik pa niyang mabuga sa akin ang juice na iniinom nito.
"I wouldn't be asking you if I know him, duh!"
"Saang kuweba ka ba naglalagi at hindi mo kilala ang hottest bachelor in town?"
"Maybe, he's just not my type. That's why he didn't get into my radar," sagot ko.
"Iyon ay kung may radar ka nga. Parang ka namang kainte-interes sa lalaki. Umamin ka nga. Are you into women?" eksaheradang saad nito saka animo'y takot na itinakip ang kaniyang dalawang braso sa kaniyang dibdib.
Matalim ko itong inirapan. "I'm not into women. And even if I am, don't worry. Hindi kita magugustuhan."
"Ouch, ha? Napakasungit talaga nito."
"Hmm...that's weird," I frowned.
"Why?" usisa ni Jessa.
"I don't see any pictures of him on the internet. Maraming articles about him. But there are no pictures. Baka naman pangit kaya," komento ko.
"Girl, baka kainin mo 'yang sinabi mo," nakangising saad ni Jessa bago tumayo at lumakad papalapit sa bookshelves na nasa may bandang kanang bahagi ng kaniyang condo. May inabot ito magazine mula roon bago muling bumalik sa lamesa. "Here. This was his only magazine interview. He also doesn't allow his picture to be posted on the internet. Kung mayroon mang makalusot, balita ko ay may special tech team siya to delete the photos right away."
Napako ang aking tingin sa lalaking nasa cover ng magazine. Nakakapanghalina ang asul niyang mga mata. Nakakapanghipnotismo ang kaniyang mga titig. It was only a picture but I feel like he can read right through my mind. Ang mapupula niyang mga labi ay tila ba kay sarap halikan. I can't help but imagine myself being wrapped into his arms as we share one lvstful kiss.
Mabilis kong ipinilig ang aking ulo nang mapagtanto ko ang hindi kanais-nais na imaheng nabubuo sa loob ng aking isip. Bahagya akong tumikhim saka pasimpleng sumulyap kay Jessa upang masigurong hindi nito nahalata ang saglit kong pagkawala sa aking huwisyo.
"But he seems young to get married? Why would he agreed to an arrange marriage?" tanong ko sa aking sarili.
"Girl, that was seven years ago. Imagine how hot he is right now?" tila kinikilig nitong saad. Ngunit saglit itong natigilan nang bahagya niyang mapagtanto ang aking sinabi. "Wait! Marriage?" gulat na tanong ni Jessa. "Who's getting married to who?" usisa pa nito.
"Leila. I don't know how but somehow, she manages to arrange her marriage with this billionaire."
"O-kay...but what does it have to do with you?" takang tanong nito.
Ngumisi ako saka sumandal sa upuan bago ko ipinagsalikop ang aking mga kamay sa aking harapan at ipinatong doon ang aking baba.
"I...will...make sure that there will be no wedding. And even if there is, I'll see to it that it wasn't going to be Leila's wedding."
"That is so...." Sinadya nitong bitinin ang kaniyang sasabihin. "...evil!" dugtong nito saka sinundan ng isang halakhak. "I can't wait to see your mom's face when she find out!"
"Same," natatawang tugon ko. "That's why you need to sit down and help me put up a plan on how to kidnap him."
"Oh, yeah!—Wait, what? Kidnap?" Halos lumuwa ang kaniyang mga mata dahil sa labis na pagkagulat.
"Yes. They are going to have lunch tomorrow to talk about the wedding. Kailangan kong mapigilan 'yon. And the only way to do that is to kidnap him."
"Are fvcking out of your goddàmn mind? We are talking about kidnapping, Sutton. It's a criminal offense. Sawa ka na ba sa buhay mo?" bulyaw nito sa akin.
"That's why you have to help to come up with a plan on how to execute this without getting caught," saad ko.
"Girl, d-in-onate mo na rin ba ang utak mo sa kapatid mo at gan'yan ka nang mag-isip?" pang-aasar pa nito.
"Ha, funny."
"You are funny, Sutton! Pinag-isipan mo ba 'tong gagawin mo? At idadamay mo pa talaga ako sa kalokohan mo?" patuloy nitong sermon.
Bahagya akong natahimik dahil sa huli niyang sinabi. She's right. I have a terrible plan and I shouldn't be bringing her into this. If I want to do this, I have to this alone. Para kung sakali mang hindi magtagumpay ang plano ko, wala akong ibang taong madadamay.
"Y-You're right. Hindi kita dapat idamay sa gulong 'to. I'm sorry. I-I'll see you on Monday," wika ko saka mabilis na tumalikod.
"My God! Sutton Cassandra De Vera, where do you think you're going?" pigil nito sa akin.
Humugot ako ng isang malalim na hininga saka muli itong binalingan. "Look, I totally understand if you don't want to help. Believe me, I truly get it. I won't take it against you. But I'm going to do this with or without your help, so there's no use of you stoppingme."
"I'm not going to stop you, dàmn it! I know you. When you set your eyes on something, you would do everything you can to have it. But please, let's think this through because you decide anything."
"I told you, I'm going to do this—"
"Ugh! You're so stubborn!" Mabilis itong lumapit sa akin saka hinila ako pabalik sa lamesa. "Now, let's talk about the plan that includes you not getting into prison, and of course, me."
"Okay, let's start with when, where, and how are we going to kidnap Valiant Matthias Beckham."
*
*
"HOW to kidnap a billionaire," sarkastikong saad ni Jessa habang kunwari'y tina-type iyon sa keyboard ng laptop.
Matalim ko lamang itong inirapan bilang tugon sa kaniyang pang-aasar.
"Seriously, Sutton. How can you kidnap a billionaire? Siguro bago mo isipin kung paano mo maki-kidnap ang mapapang-asawa ng kapatid mo, dapat isipin mo muna kung paano mo matatakasan ang sandamakmak na security guards n'ya."
"Malay mo wala s'yang guards," katwiran ko.
"Alam mo, malapit na talaga akong maniwala na nag-donate ka ng utak sa kapatid mo."
"Puwede ba? Tigilan mo na nga 'yang pang-aasar mo at tulungan mo na lang akong mag-isip kung paano natin maki-kidnap ang lalaking iyon nang hindi nakukulong," pagalit ko rito.
"I have an idea."
"Okay, I'm listening," seryosong tugon ko.
"Eh, kung huwag mo na lang kaya ituloy 'yong plano mo? Sigurado ako do'n hindi ka makukulong. What do you think?" wika nito saka iyon sinundan ng pekeng ngiti.
"Eh, kung ikaw na lang kaya ang ipa-kidnap ko saka ipa-salvage? What do you think?"
"Tss. As if naman na magagawa mo 'yon. Eh, 'di nawalan ka na tuluyan ng kaibigan."
Isang matalim na irap lamang ang tinugon ko sa kaniya. She's right. I have no friends other than her. I don't see the need of having too many friends if they will just stab you on the back whenever you're not around.
"Fvck! I can't find anything useful!"
"Exactly! I already told you, this guy is like a ghost. We've been here for almost ten hours and all we got is nothing. Mabuti pa, lumabas na lang tayo. Let's drink, enjoy life! Kulang ka lang sa séx kaya ka gan'yan," saad nito.
"Fvck you," mura ko rito.
"Oh, right! I forgot. You're still a virgin," turan nito bago iyon sinundan nang malakas na halakhak.
Kinuyumos ko ang tissue na nasa ibabaw ng lamesa at ibinato roon. Hindi ko maiwasang matawa nang hindi sinasadyang pumasok ang tissue na ibinato ko sa loob ng kaniyang bibig.
"Pwe!" Idinura nito ang tissue na nasa kaniyang bibig. "Pikon!" pahabol pa nito saka niya ako inismiran. Dinampot niya ang kaniyang cellphone saka inabala ang kaniyang sarili roon.
Ako naman ay muling ibinalik ang aking atensyon sa laptop at muling sinubukang maghanap ng detalye na maaaring makatulong sa aking plano. Makalipas ang ilang minutong pananahimik ay bigla na lamang itong sumigaw saka nagtatalon.
"OMG!!" sigaw nito.
Nakakunot ang aking noo habang pinagmamasdan ito. Ilang saglit pa ay bumaling ito sa akin at tila nabasa ang pagtataka sa aking mukha. Itinapat nito sa aking mukha ang kaniyang cellphone.
"Tell me, what am I looking?" saad ko.
"Look closely!" utos nito.
Muli kong tiningnan ang larawan sa kaniyang telepono. It was a social media account of one of her friend Janice.
"I can see Janice who's clearly wasting money as usual," turan ko.
"Argh!" inis nitong saad saka muling binawi ang kaniyang cellphone at tiningnan iyon. Saglit itong may pinindot doon saka muli iyong ibinalik sa aking harapan.
Sa pagkakataong ito ay naka-zoom ang larawan sa background ni Janice. Halos lumuwa ang aking mga mata sa gulat nang mapagtanto kung sino ang nasa larawan. It was Valiant.
"W-When was that?" tanong ko.
"It was posted ten minutes ago. I know this place. It was an exclusive bar. Sobrang mahal ng membership fee d'yan kaya mayayaman lang talaga nakakapasok."
"Can we get there without membership?"
"Yeah, we could. We just need to pay five thousand pesos entrance fee."
"Okay. Then, let's go," aya ko rito.
"Wait, wait. I will not spend five thousand pesos just to get into that bar," tanggi nito.
"Don't worry about it. Ako na magbabayad," saad ko.
"Oh, ano pang hinihintay mo r'yan? Tara na!" walang pag-aalinlangang sagot nito. Mabilis itong tumayo at saka tumakbo patungo sa kaniyang silid.
"Hey, where are you going?" takang tanong ko rito.
Nakakunot ang noong bumaling sa aking si Jessa. "Eh, 'di magbibihis. Alangan namang pumunta tayo roon nang ganito ang itsura natin," paliwanag nito.
"What's wrong with shirt and denim pants?"
"Ugh! You go there looking like that, you'll stand out for all the wrong reasons. We have to blend in, okay?"
Napabuga ako ng hangin saka sumang-ayon dito. "Fine!"
"Alright! It's a girl's night out!" hiyaw nito habang sumasayaw.
Jessa took out a lot of dresses from her closet. She lay it out of the bed then she started choosing what to wear for tonight.
"Go ahead, choose one," baling niya sa akin.
I didn't even bother to check the dresses. I just reach for the one closer to me. "I'll wear this one," wika ko.
"We're not going to church, Sutton," saad nito saka mabilis na inagaw ang damit mula sa aking kamay. "Here. Wear this." Inabot niya sa aking ang isang pulang mini dress na mayroon maliit na hati sa may binti.
"I can't wear that!" reklamo ko.
"Kung gusto mong makalapit kay Valiant, kailangan mong isuot 'yan. The only way to get his attention is to seduce him."
"Do I really have to seduce him?"
"Do you have a better plan? Come on, I'm all ears," wika ni Jessa.
"Whatever!" wika ko saka ito inirapan. Kinuha ko mula sa kaniya ang pulang mini dress na kaniyang inaabot sa akin.
Hindi na ako nag-abalang pumasok sa banyo. Doon na ako mismo naghubad ng damit dahil wala namang ibang tao roon maliban sa aming dalawa. It's a good thing that I wear my lacy underwear.
"What are you doing? You can't wear that with bra," puna ni Jessa.
"Gusto mong isuot ko 'to nang walang bra? Gusto mong sakalin kita?" mataray kong tugon sa kaniya.
"Girl, mas gugustuhin ko nang mamatay kaysa hayaan kang lumabas nang gan'yan ang itsura. Kaya kung ako sa 'yo, tanggalin mo na 'yan bago pa maging murder scene 'tong condo ko." Hindi na ito nakapaghintay pa at siya na mismo ang lumapit sa akin at sapilitang inalis ang pagkaka-hook ng aking bra.
Sa huli ay hindi rin ako nanalo sa kaniya. I removed my bra then put on the dress. I feel uncomfortable wearing this kind of dress. Saglit kong pinakiramdaman ang aking sarili ngunit talagang hindi ako komportable sa aking suot.
"I-I can't do this. I-I need to take this off," wika ko saka sinubukang alisin ang suot kong damit.
"Hep-hep! Look at yourself," pigil niya sa akin saka pilit akong pinaharap sa malaking salamin na naroon. "You're georgous. I know for sure that even that elusive hot billionaire will fall into your charm. You just have to believe in yourself."
"O-Of course, I know that! What are you talking about?" Mabilis kong pinalis ang kaniyang mga kamay na nakahawak sa aking balikat saka tumalikod dito. Nagpanggap akong abala sa pagtitingin sa mga damit kahit wala naman talaga roon ang atensyon ko.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin kami sa paghahanda.
"You look amazing," puna ni Jessa sa akin nang matapos akong mag-makeup.
I applied some smokey eyeshadow and rouge lipstick to put some life on my face. I take one final glance on the mirror before we finally left her condo. Ngunit bago kami tuluyang lumabas ay mabilis kong hinablot ang isang black leather jacket saka iyon ipinatong sa ibabaw nang suot kong bestida.
Akmang bubuka pa ang bibig ni Jessa upang tumutuloy ngunit inunahan ko na siya.
"Zip it. I'll wear this and that's final."
"Okay, okay." Itinaas pa nito ang kaniyang dalawang kamay bilang tanda nang pagsuko.
Agad kaming lumabas at nagtungo sa elevator. Ngunit nang pasakay na kami roon ay may bigla akong naalala.
"Wait. We need to get something first," wika ko.
"Ano na naman 'yon?" kunot-noong tanong ni Jessa.
"Your friend is an intern in St. Martin Hospital, right?"
"What does Luke has to do with this?"
"We need drvgs," walang pag-aalinlangan kong tugon.
"What? Drvgs?" Napasigaw ito dahil sa pagkagulat.
"Lower your voice, dàmn it!" Kinuha ko ang aking cellphone at tinipa roon ang pangalan ng gamot na kakailanganin namin. "This is what we need. Call Luke and asked him to get that for us," saad ko habang ipinapakita sa kaniya ang aking cellphone na may nakasulat na Rohypnol.
"That's a fvcking ràpe drug, Sutton! Nababaliw ka na ba? Baka madamay pa si Luke sa ginagawa natin," giit ni Jessa.
"Call him now and ask him. I'll pay him. Kahit magkano pa ang gusto n'ya."
"Are you really sure about this?" muling tanong niya habang nagdadalawang-isip pa rin ito kung tatawagan ba niya ang kaibigan.
"Call him and ask him. If he says no, we'll take it from there."
Nang makababa kami sa elevator ay saka lamang nito sinimulang tawagan si Luke dahil walang signal sa loob. Habang naglalakad kami patungo sa parking lot ay patuloy ang pakikipag-usap ni Jessa kay Luke.
Nang makapasok kami sa aking sasakyan ay saka lamang ibinaba ni Jessa ang telepono.
"So..."
Bumuga muna ito nang malakas na hangin bago sumagot. "You're in luck. He does need a huge amount of money."
"How much?"
"Twenty thousand pesos," maikling tugon niya.
"Consider it done. I'll have my assistant transfer the money tomorrow," wika ko.
"No, he wants it cash. And he wants it now."
"Tss. Fine," saad ko bago mabilis na binuhay ang makina ng aking sasakyan.
This is one expensive plan. But I'll make sure that it's all worth it.
**********************