Part 2: Ilusyon

2844 Words
Ang Sumpa ni Ibarra Ai_Tenshi Aug 17, 2020 Part 2: Ilusyon Alas 10 ng umaga, inihanda namin ang lahat mga kagamitan sa pag akyat sa bundok ng Hiraya. Kabilang sa aming dala ay ang mga armas pamprotekta sa aming mga sarili at ang makinang maputol ng mga troso. 25 katao ang aking dala halos lahat sila ay nag tataglay ng mga baril sa kanya kanyang mga kamay pampalakas ng loob o pampatapang ika nga. Bago ako kami umalis ay katakot takot din na sermon at babala ang inabot ko kay manang Bering ngunit hindi ko ito pinakinggan. Kung patuloy kaming mag papadaig sa mga alamat at kung ano ano pang kwento ng kababalaghan doon sa bundok na iyon ay tinitiyak ko pare- pareho kaming mamatay ng dilat sa gutom. Walang isang oras ang byahe patungo sa bundok, mararating mo nga ito sa pamamagitan ng pag lalakad lamang kung talagang matiyaga ka, ang nag patagal lamang sa aming akyat ay ang mga makinang gagamitin sa operasyon na may kabigatan kapag iyong binuhat. Mataas ang araw at maliwanag ang paligid, siguro naman ay maiiwasan ang takot at pagamba ng aking mga kasama lalo na yung mga naniniwala sa mga kwentong barbero tungkol dito. Matarik ang bundok at may kahirapan umakyat dito ngunit may mga parte namang patag kaya't kahit paano ay nakaka balanse kami ng tayo. Sa bungad pa lamang nito ay makikita mo na ang mga nag lalaking puno na swak upang gawing mga muwebles at ang ilan dito ay talaga namang sariwa at may magandang kalidad. Ang sabi ng ilan sa aking mga tauhan ay nasa gawing gitna pa raw ang mas malalaki at magagandang tubo kaya naman mabilis kami tumulak patungo dito. Tahimik ang buong paligid maliban sa kaluskos ng mga tuyong dahon na aming tinatapakan.. Mararamdam mo agad ang kakaibang lamig ng hangin na bumabalot sa buong lugar kaya naman ang ilan sa amin ay nag suot ng sweater. Mataas ang araw dahil halos alas 12 pa lamang ng tanghali ngunit habang palapit kami sa pinaka pusod ng naturang bundok ay unti unting nag didilim dito at nawawala ang liwanag na galing sa kalangitan bagamat malinaw naman naming nakikita ang maaliwalas ang ulap sa itaas. Binale wala ko ito at pilit binigyan ng eksplinasyon ang kaganapan upang maalis sa isip ang tungkol sa mga engkanto at lamang lupa sa lugar na ito. "Natural lamang na mag didilim ang paligid dahil nasa pinaka gitna tayo ng bundok na napapaligiran ng malalaking punong kahoy. Ito ang nag sisilbing lilim sa ating mga nilalakaran.Walang ibig sabihin ang pag dilim ng buong lugar. Tinatakot nyo lamang ang inyong mga sarili mga ungas!" paliwanag ko. "Pero boss Leo, wala ka bang napapansin? Kanina pa tayo dumaraan dito. Paikot na ikot na lamang tayo. Ang mga tuyong dahon na ating nilalakaran ay walang katapusan. Ang mga puno sa paligid ay paulit ulit lamang nating dinaraanan," ang nangangambang wika ng isa. "Ang mga puno dito ay mag kakamukha, natural lamang na mauulit ang inyong nakikita. Teka ano ang nais nyong palabasin? Na tayo ay ini-engkanto na?" ang galit kong tanong. "Hindi naman sa ganoon boss, nakapag tataka lamang kasi ang paligid," wika ng mga ito. "O sige, ipag patuloy natin ang ating pag lalakad. Iiwan ko ang punyal na ito sa lupa, kung sakaling madaanan natin ito muli ay maniniwala ako sa kalokohang sinasabi ninyo!" ang galit kong hamon sabay tusok ng aking dalang patalim sa lupa. Tulad ng napag pasyahan, ipinag patuloy namin ang pag lalakad sa gitna ng kagubatan, muli naming tinahak ang daan may mga dahong tuyo, malalaking puno at ang parte kung saan bigla na lamang nawawala ang liwanag ng araw. Malamig sa aming dinadaanan ngunit tagaktak ang aming mga pawis. Sa bawat hakbang na aming ginagawa ay tila may kung kaba ang lumulukob sa aming mga pag katao lalo na noong masilayan ko ang punyal na itinarak ko sa lupa bilang tanda. "Tangina! Ayan yung punyal! Naeengkanto tayo! Pinag lalaruan tayo ng mga engkanto!" ang sigaw ng mga tauhan ko sa likod ng pila at ang ilan sa kanila ay nag takbuhan palayo na parang mga asong naging bahag ang buntot. "Paikot ikot lang tayo boss, ano bang klaseng lugar ito?" nangangambang tanong ilan. "Mga duwag!! Sige mag si alis kayo! Tingnan ko lang kung saan kayo pulutin mga ungas! Kung hindi tayo makakarating sa pusod ay mas mabuti pang isa isahin na natin ang mga puno sa paligid. Magandang kalidad din ang mga ito. Simulan ang opersyon dito!" ang utos ko sabay kasa ng aking armas. Nag umpisang mag si kilos ang aking mga tauhan, halos ang lahat ay abala sa pag seset up ng mga makinang gagamitin sa pag putol ng mga puno, ako naman ay naka masid lamang at nakikiramdaman sa tahimik na paligid habang hawak ang aking armalite. Makalipas ang ilang minutong pag hahanda, sinimulan na ang pag putol ng mga puno. Mabilis ang operasyon dahil sa makabago ang aming kagamitan. Sa loob ng 30minuto ay nakaka pag pabagsak kami ng tatlo o apat na puno isama mo pa ang mabilis na pag kilos ng aking mga tauhan.Kaya naman nakaka tiyak kaming hindi kami aabutin ng gabi dito. "Walang mang yayari kung mag papaka duwag kayo. Hindi mapupunan ng takot ang inyong mga kumakalam na sikmura," salita ko pa habang tumutulong sa pag putol ng mga sanga ng mga naibagsak na kahoy. Patuloy kami sa ganoong gawain hanggang sa may isang kakatuwang pangyayari ang nakapukaw sa aming atensyon. Kapansin pansin ang pag lipad ng paro paro sa aming paligid. Kulay asul ito at parang sumasayaw sa aming harapan. Isa, dalawa, tatlo dumami na ito ng dumami hanggang sa hindi na mabilang pa. Labis kaming nag taka sa kakatwang pangyayaring iyon kaya naman panandalian kaming natigilan na napako sa aming kinatatayuan. Tahimik.. Maya maya ay unti unting nag halo ang mga paro paro at kasabay nito ang isang malakas na sigaw mula kay Eman. "Sawa! Higanteng sawa!" ang sigaw nito sabay takbo sa aming kinalalagyan. Lahat kami ay bumalik sa aming ulirat at doon ay nakita namin ang isang malaking sawa na pumalupot sa isang malaking punong kahoy. Para itong sa pelikulang anaconda ngunit sa palagay ko ay mas malaki pa ito kaysa doon. "s**t! Totoo nga!" ang sigaw ko sabay kasa ng baril at mabilis namin ito pinaulanan ng bala. Sabay sabay kami sa pag asinta hanggang sa maya maya nga simula ng gumalaw ang sawa patungo sa amin kaya naman wala kaming nagawa kundi ang mag hiwa hiwalay habang patuloy sa pag baril. Ang ibang tauhan ko ay nag tatakbo na dahil sa matinding takot kaya't kaunti na lamang kaming natira. Dito ko napag tanto na totoo nga pala ang mga sabi sabi tungkol sa mga higanteng hayop na nandito sa bundok ng Hiraya. Ang mga kakatwang bagay ay totoo rin at nasaksihan mismo ng aking dalawang mata. Ngunit sa palagay ko ay hindi ito sapat upang ako ay sumuko. "Hindi ang ahas na ito ang mapag papa bagsak sa pangarap ko," sigaw ko sa aking sarili kaya naman mas lalo pa akong nang gumigil na paulanan ng bala ang sawa at hindi lang iyon dahil tinapunan ko pa ito ng granada dahilan para sumabog ang paligid. "Putang ina mo! Bumalik ka sa pinang galingan mo! Maligno!" Ilang malalakas na pag sabog ang yumanig sa buong paligid. Halos masira ang mga puno at pati na rin ang lupa dahil sa pag papaulan namin ng granada. Binalot ng makapal na usok ang aming kinalalagyan at noong mawala ito ay nawala rin ang higanteng sawa sa aming harapan. Kataka taka dahil walang bakas na naiwan dito, ni hindi rin namin naramdaman ang pag gapang nito paalis. "Boss Leo, engkanto ang ahas na iyon! Iyon din ang ahas na nakita namin noon at noong pasabugan namin ito ay naging isang malaking ibon," wika ni Eman na hindi maitago ang takot. "Umalis na tayo dito! Ayoko pang mamatay! May pamilya ako!" ang sigaw ng ilan sa aking mga kasama at kasabay nito ang kanilang nag kakandarapang pag alis sa aming kinalalagyan. Halos maubos na ang aking mga bitbit na tauhan, ilan na lamang kaming nakatayo sa aming kinalalagyan kaya naman ibayong pag kainis ang lumukob sa aking pag katao. "Mga duwag! Kung hinahamon ako ng mga engkantong iyan ay hindi ko sila uurungan! Sisirain nila ang kabuhayan ko? Nilikha ng Diyos ang bundok na ito para sa lahat at hindi para sa mga lamang upa lamang!"ang galit ko sigaw sabay paputok ang armalite sa itaas at buong paligid. "Mga putang ina nyo! Lumabas kayo dyan!" Patuloy akong sisigaw na animo nasisiraan ng bait! Tila bumugso ang aking galit, halos mag dilim ang aking paningin kaya naman nag patuloy ako sa pag papaputok ng armas hanggang sa nawala na ako sa aking sarili. Basta't nakita ko na lamang na ang lahat ng aking tauhan ay nag takbuhan palayo sa akin at si Eman ay may tama ng baril sa kanyang balikat. "Tama na boss! Tamaaa na," ang sigaw ng mga ito ngunit malabo ito sa aking pandinig. Parang may kung anong bagay ang kumo-kontrol sa aking katawan dahilan para barilin ko ang mga aking mga kasama. BRATATATATATATTTTT! BRATATATATATAATT! Ang mag kakasunod ng putok ng armalite. "Tama na! Tamaa naaaaa!" ang sigaw ko sa aking isipan ngunit bale wala ito. Tumagal ng ilang minuto ang aking pag aamok bago tuluyang huminto ang aking katawan.. Muling tumahimik ang paligid at bago ko pa malaman ay ako na lamang mag isa ang nakatayo sa aking kinalalagayan. Ang lahat ay iniwanan na ako. Tahimik ulit.. Napaupo na lamang ako sa aking kinalalagyan habang pilit na hinahabol ang aking pag hinga. Pakiwari ko ay tumakbo ako ng maraming beses kaya't kinakapos ako ng hangin. Halos maduling na ako sa matinding pagod ng bigla na lamang lumambot ang lupang kinauupuan ko at unti unting lumubog ang aking katawan. Ang paligid ay naging putik at marahan akong nilalamon nito sa ilalim. "Kumunoy! Naging kumunoy ang lupa!" ang sigaw ko sa aking sarili kaya naman nag pumilit akong kumapit sa damuhan para isalba ang aking katawan sa tuluyang pag baon sa akin ng buhay. Ramdam na ramdam ko ang pag higop sa akin ang malagkit na putik kaya naman mas lalo pa akong binalot ng kaba habang inaabot ko ang punyal na itinarak ko sa lupa kanina lamang. Inunat ko ang aking braso sa abot ng aking makakaya hanggang sa hawakan ko ang punyal at ito ang ginamit ko upang maka kapit sa lupa at maiahon ko ang aking sarili. Puro putik ang aking katawan ngunit katulad kanina ay kataka takang nawala ang kumunoy at bumalik sa normal ang lupa. Pinag lalaruan ako ng mga engkanto!! Gumamit sila ng Ilusyon upang takutin ako ngunit hindi ako susuko. Hindi nila ako kaya! "Hindi nyo ako kayaaaaa! Demonyo kayo!"ang sigaw ko sabay saksak ng punyal sa isang puno ng saging sa aking tagiliran."Gago ka. Walang puno ng saging kanina sa aking tabi. Hindi mo ko maiisahan!" ang wika ko at mas lalo ko pang ibinaon ang patalim sa katawan ng puno. Tumatawa ako pero natatakot, nagagalit na hindi ko maunawaan. Pakiwari ko ay kusang bumigay ang aking isipan at kasunod nito ang malalang pag kabuang. Sa halip ng dagta ang tumulo dito ay kulay pulang likido ang dumaloy sa katawan ng naturang puno. "Dugo! Nak nang!" ang tanging nasabi ko habang nakahawak sa punyal. Unti unting nawala ang katawan ng puno at napalitan ito ng imahe ng isang lalaking naka suot ng kulay itim na sira sirang damit at at ganoon din ang kanyang pantalon na gawa sa malambot na tela. Matangkad ang lalaki, may kaputiang taglay at tao kung iyong pag mamasdan. Natingin ako sa kanyang mukha habang ang dugo ay dumadaloy sa kanyang bibig. "Sino ka? Ano ka?!" ang tanong ko sa kanya ngunit wala akong nakuhang sagot dahil bigla na lamang naging paro paro ang lalaki. Marami ito at asul ang kulay. Kung hindi ako nag kakamali ay ito ang paro parong nakita namin kanina bago pa lumitaw ang higanteng sawa. Lumipad ang mga kumpol ng paru paro patungo kung saan kaya naman hinabol ko ito. Tumutulo ang dugo sa aking nilalakaran kaya't mas madali kong nalalaman kung saan ito lumiliko. Ang mga kulay pulang marka sa lupa ang aking naging palatandaan kung saang dereksyon ako mag tutungo. Mga ilang minuto ko ring hinahabol ang naturang mga insekto hanggang sa marating ko ang isang batis sa gawing pusod ng bundok. Makitid lamang ito ngunit malinis na animo kristal ang tubig. Agad akong nag tungo dito upang hugasan ang aking kamay na may bahid ng dugo at gayon din ang aking mata na tila nilulukuban ng ilusyon. Agad akong sumalok ng malamig na tubig at inilubog ko na rin dito ang aking mukha. Masarap sa pakiramdam at tila inaalis nito ang kakaibang kaba at takot sa aking dibdib. Banayad ang tubig at nakaka pag pagaan ito ng pakiramdam. Nasa ganoong pag nanamnam ako ng maka kita ako ng imahe ng isang lalaki sa batuhan. Nakatayo suot ang kulay puting damit. Matangkad at maganda rin ang pangangatawan. Batid kong hindi siya ang lalaking nasaksak ko kanina dahil iba ang itsura nito at wala siyang bahid ng anumang gasgas sa katawan. Maamo ang mukha ng lalaking ito at tila isang santo kung iyong pag mamasdan. Nakatingin ito sa akin kaya naman agad akong tumayo at agad na nag tanong. "Mawalang galang na pre, maaari ko bang malaman kung saan ang palabas ng bundok na ito? Nawawala kasi ako," ang tanong habang pinag mamasdan ang kanyang mala anghel na mukha. Ngumiti ang lalaki at inilahad nito ang kanyang kamay. Para bang sinasabing "halika rito, abutin mo ang aking kamay at tutulungan kita", ewan basta gaano ang interprestasyon ko sa kanyang kilos kaya naman agad akong tumawid ng batis upang abutin ang kanyang kamay. "Saan ang daan palabas ng lugar na ito?" ang muli kong tanong ngunit lamang ulit ang isinagot nito. Nasa ganoong pag abot ako ng kanyang kamay ng isang malakas na sigaw ang aking narinig sa aking likuran. "Huwaggggg! Huwag mo siyang lapitan!" ang sigaw nito. Noong lingunin ko ito ay nakita ko ang lalaking naka suot ng kulay itim kanina, may saksak sa gawing tagiliran at halatang nang hihina pa ito. Maya maya ay nag laho ang lalaking naka itim sa aking paningin at napunta ito sa aming tabi. Hinawakan nito ang aking braso at inihagis palayo sa lalaking naka puti na nag tatangkang umabot sa aking kamay. Napaka bilis ng pang yayari, ang nakita ko na lamang ay tila nag away ang dalawa. Ang kanilang katawan ay nagiging mga paro paro ang isa ay mga kulay asul at ang isa naman ay mga kulay itim. Nasa ere sila, paiba iba ng dereksyon, basta ang alam ko lamang ay dehado ang naka kulay itim na lalaki dahil sa pinsala nito sa kanya katawan kaya't kitang kita ko kung paano tumilapon ang katawan nito at humapas sa mga puno sa paligid. Dumugo rin ang kanyang bibig habang humihinga ng malalim. "Diretsuhin mo ang batis na ito! Makikita mo ang daan palabas!! Bilisan mo!" ang sigaw nito sabay pakawala ng isang kumikinang na paro paro sa kanyang kamay. "Sundan mo iyan, siya ang mag tuturo sayo ng daan palabas," ang dagdag pa nito. Hindi na ako nag akasya sa sandali agad kong sinundan ang paro paro sa pag lipad nito. Tinahak namin ang daan sa batis, malayo layo rin ito kaya't takbong walang mulat ang aking ginawa. Noong mga sandaling iyon ay wala na akong naisip kundi ang makalabas sa sinumpang bundok na ito at makasama ko ang aking anak. Ilang oras pa lamang akong nandito ngunit marami na nang nangyari. Kung nakinig lamang ako sa babala ni manang Bering at nang iba ay hindi ko sana dadanasin pa ang bangungot na ito. Ilang minuto rin ang aking tinakbo hanggang sa marating ko ang hangganan ng batis. Ito na ang paanan ng bundok at sa wakas ay nakalabas na rin ako. Nag laho ang paro paro na parang isang bula sa hangin kaya naman muli akong nag tatakbo pauwi ng hacienda. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa loob ng ilang oras ay naging impyerno ang buhay ko sa pag tapak sa lugar na iyon. Ang akala ko ay tuluyan na akong mababaliw at mawawala sa aking sarili. Pagod na pagod ako at tuyong tuyo ang aking lalamunan. Halos nangangatog na aking tuhod noong marating ko ang tarangkahan ng hacienda. Pag pasok ko rito ay agad nag kagulo ang mga tao sa loob, kasabay nito ang pag labas ni Tob na tila naka kita ng multo. “Si papa! Buhay si papa!" ang sigaw ng bata dahilan para lumabas si Manang Bering at katulad ng reaksyon ng lahat ay gulat na gulat din ito. "Susmaryosep, Leo buhay ka..." ang wika nito sabay yakap sa akin. "Buhay? Natural buhay ako. Anong bang pinag sasabi ninyo? Parang kanina lamang ay mag kakasama tayo. Bakit ganyan ang reaksyon nyo?" ang tanong ko naman Hinawakan ni manang Bering ang aking mukha at hinaplos ito. "Panginoon, isang milagro ito! Salamat at naka balik ka hijo." "Ano bang nangyayari sa inyo? Bakit ba ganyan ang reaksyon ninyo?" tanong ko "Leo, alam mo bang dalawang taon ka nang nawawala? Ang akala namin ay patay kana," ang wika ni Manang Bering habang patuloy sa pag iyak at pag yakap sa akin. itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD