Chapter 2

2039 Words
.... UNANG ARAW ng pasukan. Nanibago si Jasmine sa bago nitong papasukan, dahil napakaraming estudyante sa University ay puro mga anak mayaman. Karamihan sa mga ito ay may sari-sariling kotse. Ang iba naman ay hatid sundo ng kanilang mga driver. Samantalang siya ay naglalakad lang papasok sa University, upang makatipid sa pasahe. Habang naglalakad si Jasmine, papasok sa kanyang klase. May isang groupo ng mga lalaki ang biglang humarang sa kanya. "Hi miss, puwedi kabang makilala?." agad na tanong sa kanya ng lalaking may kulay ang buhok. Halatang may kaya ito sa buhay at sa tingin niya ay isa rin itong Playboy. "Sorry mga kuya, nagmamadali kasi ako. Late na ako sa unang klase ko." sagot niya, saka siya mabilis na humakbang palayo. Pero hinarangan na naman siya ng isa pang lalaki. "Huwag ka munang umalis, miss. Hindi kapa nga namin nakikilala, pero aalis kana agad?!." maangas na wika sa kanya ng lalaki, habang naka buka ang dalawang kamay upang harangan ang kanyang daraanan. "Pasensya na kuya, nagmamadali talaga ako." sagot niya sa lalaki, habang kinakabahan. Ngayon niya naisip na baka kung anong gawin sa kanya ng mga lalaking ito. Nagtawanan lang ang apat na lalaki, tila natutuwa talaga ang mga ito sa kanilang ginagawa. "Ikaw pa lang ang babaing tumanggi na makipag kilala sa amin. Alam mo ba ang ginagawa namin sa mga hindi nagbibigay galang sa amin, ha?!" malakas na sigaw ng lalaking maangas. ISANG BINATA ang pababa sa kanyang kotse ang biglang natigilan, dahil sa narinig nitong malakas na pagsigaw ng isang lalaki. Agad niyang iginala ang kanyang paningin at nakita niya ang isang groupo ng mga lalaking pinapa-ikutan ang isang babaing takot na takot. Mabilis siyang naglakad at nilapitan ang mga ito. Isa kasi sa pinaka ayaw niya ay ang makakita siya ng babaing binabastos. Naaalala kasi niya ang kanyang kapatid na babae. "Hoy! anong ginagawa ninyo sa kanya?!" malakas ang boses na tanong niya sa mga lalaki. "Sino ka naman na paki-alamero? umalis ka dito, kung ayaw mong samain sa amin." mayabang na sagot sa kanya ng lalaking kulay grey ang buhok. Akala mo napaka guwapo nito sa kulay na kanyang napili upang ikulay sa buhok nito. "Umalis kana, Miss, ako na ang bahala sa kanila." utos ng lalaking bagong dating kay Jasmine. Agad namang umalis si Jasmine, at patakbong lumayo sa mga lalaki. Mabilis siyang pumasok sa loob ng University, dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang kanyang unang klase. Hingal na hingal pa siyang naupo sa isang bakanting upuan. Hindi pa siya halos nakakapahinga nang pumasok ang kanilang Professor. Labasan na nila Jasmine, kaya nagmadali na siyang maglakad palabas ng University. Nakasalubong niya ang isa niyang room mate, na si Heather Santos. Marketing ang kinukuha ni Heather, kaya magka iba sila ng klasi na dalawa. "Jasmine, pauwi kana ba? puweding sabay na tayo? para mayroon akong kasamang maglakad, pabalik sa Boarding House." masayang tanong ni Heather, kay Jasmine. Mabait si Heather, kahit galing ito sa may kayang Pamilya ay hindi ito nag alangan na makipag kaibigan sa kanya. "Heather, ikaw pala! Oo, pauwi na ako." nakangiting sagot niya sa bagong kaibigan. Masayang nag kuwentuhan sina Jasmine at Heather, habang naglalakad pauwi sa kanilang Boarding House. Bago sila tuloyang pumasok sa loob ay kumain muna sila ng kanilang hapunan sa isang Carinderia sa tapat ng kanilang inuupahan. Kanin at monggo lang ang inorder ni Jasmine. Kailangan kasi niyang magtipid, dahil ayaw niyang manghingi sa kanyang Nanay ng pera. Binabalak na rin niyang maghanap ng Part time job, upang magkaroon siya ng income, habang nag-aaral. "Iyan lang ang ulam mo, Jasmine? ang kuripot mo naman." pabulong na tanong sa kanya ni Heather, habang buhat nito ang tray na nilagyan ng kanyang pagkain. "Oo, tama na sa akin ito. Sanay naman akong kumain ng ganito, kaya huwag mo na akong alalahanin." sagot niya sa kaibigan. Tumango lang si Heather sa kanya, saka nauna nang naglakad upang maghanap ng mauupuan. Magkatabing kumain sina Jasmine at Heather, at nagsimula na rin silang kumain na dalawa. Agad na nilagyan ni Heather ng karne ang plato ni Jasmine, dahil marami ang inorder nitong adobong baboy. Meron din siyang Chopsuey at Shanghai. Nagulat naman si Jasmine, dahil sa ginawa ng kanyang kaibigan. "Naku, Heather, salamat pero hindi ako kumakain ng taba ng baboy." wika niya sa kaibigan, habang nakatingin siya dito. "Ha! eh, bakit? ang sarap-sarap kaya ng karne. Ikaw lang 'ata ang nakilala kong ayaw sa karne." sagot ng kanyang kaibigan, sabay kamot sa ulo nito. "Kumakain naman ako, pero kaunti lang tapos gusto ko yung laman lang. Nasusuka kasi ako kapag nakakain ako ng taba." ani niya, habang nakayuko. Bigla kasi siyang nahiya sa kanyang kaibigan. Baka sabihin nito na napaka arte niya. "Ito na lang Chopsuey ang tikman mo, kung ayaw mo ng karne. Parang gusto ko na rin iwasan ang karne, baka maging kagaya kita ka-sexy." masayang wika ni Heather, saka muling kinuha ang karne sa plato ni Jasmine. MATULIN NA LUMIPAS ang mga araw at nakasanayan na din ni Jasmine, ang kanyang bagong buhay. Unti-unti na rin pumuputi ang kanyang balat, dahil hindi na siya nabibilad sa ilalim ng araw. Mabilis kasing makasunog ng balat ang sikat ng araw sa kanilang lugar. Lalo pa't araw-araw siya sa tabing dagat noon. Ngayon ay gumanda na siya, dahil pantay na ang kanyang maputing balat. Laging magkasama sina Jasmine at Heather sa pagpasok, ganon din kapag labasan na nila. Lalo pa silang napalapit sa isa't-isa at lagi din tinutulongan ni Jasmine si Heather sa kanyang mga aralin. Labasan na naman nila Jasmine at medyo maaga siya ngayon, dahil wala ang prof. nila sa panghuling subject. Kaya naupo na lang siya sa isang Bench, habang tinatapos ang kanyang Sketch Fashion Designing. Upang hindi siya mainip sa paghihintay kay Heather na lumabas mula sa klasi nito. Matatapos na siya sa kanyang Sketch, nang biglang may nagsalita sa kanyang likuran. "That is so beautiful! magaling ka palang mag Sketch?!" narinig niyang boses ng isang lalaki, mula sa kanyang likuran. Napatigil si Jasmine sa kanyang ginagawa, saka nilingon ang taong nagsalita. Nagtataka din siya kung sino ito? dahil parang narinig na niya ang boses ng lalaki dati pa. "Hi! i'm Nathan, and you are?!" pakilala ng lalaki sa kanya, sabay lahad ng binata ang kanyang kamay. "J-Jasmine." matipid na pakilala ni Jasmine sa binata, saka tinanggap ang pakikipag kamay nito. Hindi maintindihan ni Jasmine, kung bakit parang ang gaan ng pakiramdam niya sa binata. Parang matagal na nitong kakilala ang binata at pakiramdam niya ay nasasabik siyang yakapin ito. Ang pagdadaop ng kanilang mga palad ay parang mayroon dumaloy na kung ano sa kanyang buong pagkatao. "Jasmine! very nice name. May kapangalan ka na malapit sa aking buhay." Wika ng binata, saka muling ibinalik ang kamay sa loob ng kanyang bulsa. "Diba ikaw 'yung tumulong sa akin noon, para makalayo sa mga bumabastos sa akin?" tanong ni Jasmine sa binata. Bigla niya kasi naalala kung saan niya unang nakita ang binata. "Yeah!" matipid na sagot ng binata, habang nakatitig sa kanya. "Anong Course mo, Jasmine?" tanong sa kanya ng binata. Malumanay itong magsalita at mukha namang mabait si Nathan, kaya hindi na nag-alangan si Jasmine na sumagot. "Bachelor of Design in Fashion." sagot niya na may kasamang ngiti. "Impressive!" nakangiting wika ng binata. "Are you free? can i invite you to have a snack? so that we can get to know each other better." paanyaya sa kanya ng binata, habang nakangiti. "Hinihintay ko kasi ang kaibigan ko, next time na lang siguro. Palabas na rin 'yon." sagot niya, sabay tingin sa kanyang suot na relo. "Hintayin na lang natin ang friend mo, saka tayo umalis, para makilala ko rin siya." muling sabi ni Nathan. Kaya hindi na lang tumanggi si Jasmine. Parang mayroon nagtutulak sa kanya na sumama siya sa binata. Hindi niya alam, pero pakiramdam niya ay ayaw na niyang mawalay sa binatang ngayon lang niya nakita. "Jasmine!" malakas na pagtawag ni Heather sa pangalan ni Jasmine. Agad naman na lumingon ang dalaga, sabay kaway sa kanyang kamay. "Heather..." bulalas ni Jasmine, at agad na niyakap ang kanyang kaibigan. Bigla namang natigilan si Nathan, dahil sa pagdating ng dalaga. Nakatingin lang siya sa dalawang dalaga na masayang nag-uusap. "Nathan, siya nga pala ang kaibigan kong si Heather. Heather, si Nathan, bago kong kakilala..." pakilala ni Jasmine sa dalawa. Parang namagneto naman ang mga mata ng dalawa sa kanyang harapan. Nagtitigan na kasi silang dalawa at hindi na gumalaw. "Ahemm!" malakas siyang tumikhim, upang basagin ang katahimikan sa kanyang paligid. Upang gisingin na rin ang dalawang kasama niya na tuloyan na yatang naging tuod. "H-hi... H-Heather!" nauutal na pagbati ni Nathan sa dalaga, habang nakatitig parin ito sa mukha ng dalaga. "H-hello!" nahihiyang sagot ni Heather, habang ang kanyang dibdib ay parang tinatahip sa lakas ng kaba niya. Hanggang sa muling nagsalita si Jasmine, dahil parang naumid na pareho ang dalawang kasama niya. "Nathan, diba sabi mo magmemeryenda tayo? tayo na, para maka uwi din kami ng maaga ni Heather. Maglalaba pa kasi ako ng aking damit, kaya kailangan kong maka uwi ng maaga." wika ni Jasmine, habang napapa-iling. Hindi niya inasahan na magkakaroon ng interest sina Heather at Nathan sa isa't-isa. Kahit hindi nila aminin sa kanya, ay alam niyang na love at first sight ang mga ito. Kung sabagay, bagay nga naman sila dahil pareho naman silang galing sa may kayang pamilya. Dinala sila ni Nathan sa isang mamahalin na Caffè. Nahiya pa si Jasmine na pumasok, dahil hindi pa siya nakakapasok sa ganon ka-class na Caffè. Hanggang Carinderia lang siya at turo-turo. Wala din siyang alam na orderen sa Caffè, maliban sa kape. "Jasmine, what do you like to eat?" tanong sa kanya ni Nathan, habang binubuklat ang Menu. "Ha? ah, eh... ikaw na ang bahala. Sa totoo lang ngayon lang ako nakapasok sa ganitong kainan. Nakakahiya, sana hindi na lang pala ako sumama." nakangiwing sagot ni Jasmine sa binata. Mahinang tawa lang ang itinugon sa kanya ng binata. Hindi alam ni Nathan, kung bakit napaka lapit ng loob niya sa dalaga. Aaminin niyang hindi ang katulad ni Jasmine ang gugustuhin niya. Ngunit mayroon nagtutulak sa kanya upang kilalanin niya ito. "Kailangan masanay kana, kapag ako ang kasama mo. Pag-aralan mo na rin kung paano kumilos ng maayos, dahil hindi ito ang una at huling pagpunta mo sa mga ganitong lugar." pabulong na wika sa kanya ni Nathan, na siyang ikinalaki ng kanyang mga mata. "Hoy, tigilan mo ako ha! mapapahiya ka lang kapag ako ang kasama mo 'no!" muling sabi ni Jasmine, na ikinatawa ni Nathan. "Heather, nakapili kana ba ng gusto mung kainin?" baling naman ni Nathan kay Heather na patuloy na tinitingnan ang Menu. "Angus beef Burger and Rootbeer Floats" agad naman na sagot ni Heather, saka ibinaba ang hawak nitong Menu. "Jasmine, gusto mo bang kumain ng Burger or Pizza?" muling tanong ni Nathan sa dalaga. "Pizza na lang." sagot nalang niya, dahil wala naman siyang ibang maisip na kainin. Agad na nag order si Nathan ng kanilang pagkain. Dinagdagan na din niya ito ng Fried Chicken at Pasta. "Ang dami naman 'yan! maubos pa ba natin lahat iyan?" tanong ni Jasmine, habang nanlalaki ang mga mata na naka tingin sa mga pagkain sa kanilang harapan. "Kumain kana lang kasi, ang dami-dami mo pang sinasabi." sabi ni Heather, habang umiiling. Sa ilang linggo nilang magkasama, napag-aralan na nito ang ugali ni Jasmine. Matipid ito sa lahat ng bagay at ayaw na ayaw ang may nasasayang. Katwiran nito ay mahirap daw kitain ang pera. Siguro nga para sa kanyang kaibigan ay napaka hirap kumita ng pera, dahil lumaki ito sa simpleng pamumuhay. Pero siya na hindi niya problema ang pera ay ayos lang sa kanya na may matirang pagkain. Masayang kumain sina Jasmine, Nathan at Heather. Hinatid pa sila ni Nathan sa kanilang Boarding House, matapos nilang kumain. Nagpa salamat naman ang magkaibigan sa binata. Nakipag palitan din sila ng number sa binata, bago sila bumaba sa kotse nito. Masayang pumasok sa loob ng kuwarto sina Jasmine at Heather. Parang dinuduyan pa si Heather, nang maka pasok na sila sa loob ng kanilang kuwarto. "Hoy! anyare sa 'yo?!" nagtatakang tanong ni Jasmine sa kaibigan, mukha na kasing may sapi ang dalaga dahil nakangiting mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD