"Ang guwapo niya, sobra... parang gusto ko nang mamatay ngayon. Dahil nasubukan ko nang maka-Date ang Crush ko!..." kinikilig na wika ni Heather, habang mahigpit na yakap nito ang kanyang bag.
"Okay ka lang? mukhang may halong drugs ang kinain mong Burger kanina, ah? ipatokhan kaya kita!." naiiritang tanong ni Jasmine sa kaibigan. Pinag masdan din niya ito mula ulo hanggang paa. Baka may sapi din ito. Naniniwala pa naman siya sa mga itim na kaluluwang sumasapi sa katawan ng isang tao. Bigla din siyang kinilabutan dahil sa naisip. Kaya naman mabilis siyang lumabas ng kanilang kuwarto at nagtungo sa kusina ng Boarding house nila.
"Hoy! Jasmine! anong hinahanap mo diyan?!" nagtatakang tanong sa kanya ng isang boarder. Lumabas din kasi ito upang kumuha ng tubig sa kusina.
"Naghahanap ako ng bawang at luya... kailangang kailangan ko lang talaga!." agad naman niyang sagot, habang abala sa pagkalkal sa mga lagayan sa ibabaw ng lababo.
"Magluluto kaba ng adobo, Jasmine? meron ako sa kuwarto, pwedi kitang bigyan pero dapat patikimin mo rin ako ng adobo mo, ha?!" wika ng dalagang boarder na si Lea.
"Hindi ako magluluto. Ilalagay ko lang sa katawan ni Heather, para kasing sinasapian siya ng masamang spiritu!" sagot niya sa dalaga, lumapit na rin siya dito upang sumunod sa kuwarto nito.
"Anong sinasapian ang pinagsasasabi mo, Jasmine? naniniwala ka pala sa sapi-sapi na 'yan? hindi yun totoo, ano kaba! magpahinga kana nga, kung anu-ano ang mga pumapasok sa isip mo, antok ka lang girl!" sagot sa kanya ni Lea, saka siya tinalikuran at umakyat na sa itaas ng bahay.
Nahilot naman ni Jasmine ang kanyang noo. Bakit nga ba niya naisip na sinapian ang kanyang kaibigan? parang siya naman pala ang lumalabas na may sapi.
Minabuti na lang ni Jasmine na bumalik sa kanilang kuwarto ni Heather. Hindi pa pala siya nakakapag review. Mayroon pa siyang tatapusin na sketch, para bukas.
Maagang gumising si Jasmine kinabukasan. Kailangan niyang dumaan muna sa isang Cafè na malapit sa University. Balak niyang mag apply ng Part Time Job sa Cafè, ngayon kasi siya pinapabalik ng naka-usap niyang Manager. Dahil ang mismong may-ari daw ng Cafè ang mag interview sa mga applicante.
Pagdating ni Jasmine sa Cafè ay agad na siyang pumila. May ilang applicante na kasi ang naka pila, kaya naman umupo na lang siya sa tabi ng isang babae na pang huli sa upuan.
Nginitian din ni Jasmine ang babae ng maka-upo na siya.
"Hi, Ms, mag-aapply ka rin ba?" malumanay na tanong niya sa babae.
Tiningnan muna siya ng babae ng isang mapanuring tingin. Tila kinikilatis siya mula ulo hanggang paa sa paraan ng paghagod nito ng tingin sa kanyang kabuohan.
"Ano sa palagay mo? Hindi naman ako mukhang bibili lang ng kape sa isang Carinderia, kaya malamang mag-aapply ako dito. At ikaw kung may balak kang mag-apply dito, dapat nagbihis ka muna ng maganda. Hindi ganyan na para kang pupunta lang sa palengke. Hi Class Cafè ang pinasukan mo, hindi isang Carinderia." mapang-uyam na wika sa kanya ng babae. Nasa mukha din nito ang pandidiri sa kanya.
"Iisa lang ang tinanong ko, ang dami naman niyang sinabi?!" sa isip-isip ni Jasmine. Hindi na lang siya sumagot sa babae, dahil ayaw niyang masira lamang ang kanyang araw sa babaing ito. 'Akala mo kung sinong maganda! para naman sinuntok ni Pacquiao ang nguso at mata." muling sabi ng kanyang isip. Hindi na lamang siya tumingin sa babae, dahil naiinis siya dito. Hindi pa 'ata nagbihis at galing pa sa Duty.
Hindi naman nagtagal at may isang lalaki na kumuha sa kanilang mga Resume. Isa-isa na din silang tinawag sa loob ng office, para sa interview. Kinakabahan si Jasmine, habang naghihintay sa tatawag sa kanyang pangalan. Pang lima siya sa pila, kaya medyo matagal din siyang naghintay. Lalong kinabahan si Jasmine, nang makita ang mga lumalabas na applicante na laglag ang balikat. Mukhang masungit ang may-ari ng Cafè, at mahirap itong kausap.
"Miss Jasmine Alvarez!." pagtawag sa kanyang pangalan. Agad naman na tumayo si Jasmine at pumasok sa loob ng opisina. Napaka lakas din ng kaba sa kanyang dibdib, habang papalapit sa table. Naka talikod ang upuan ng mag i-interview sa kanya, kaya hindi niya makita ang mukha nito. Ngunit alam niyang babae ang naka upo sa Swivel Chair.
"G-Good morning, M-Ma'am!" nauutal na pagbati niya sa may-ari ng Cafè. Parang gusto na din niyang ipikit ang kanyang mga mata dahil sa takot sa taong hindi pa niya nakikita ang mukha.
"Anyari sa mukha mo?!" biglang nag-angat ng mukha si Jasmine, dahil sa familiar na boses na kanyang narinig. Hindi siya maaring magkamali kakilala niya ang may-ari ng boses na iyon!.
"He-Heather?! anong ginagawa mo dito? teka! i-ikaw ang may-ari ng Cafè na ito?" gulat na gulat si Jasmine. Hindi siya maka paniwalang ang kanyang kaibigan ang kanyang kaharap.
"Yep! akin nga ang Heat Cafè. Pero secret lang natin ito ha? ayaw ko kasing malaman ng mga Students sa University na akin ito. Gusto ko kasing manatiling Low Profile, habang nag-aaral pa ako." paki-usap ni Heather sa kaibigan. Alam niyang mapag kakatiwalaan ang kanyang kaibigan, kaya safe ang kanyang secret dito.
"Oo naman. Ikaw ha! an'daya mo, bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin?." tanong niya sa kaibigan, habang nanghahaba ang nguso.
"Secret nga diba? pero ngayon hindi na, kasi alam mo na. Tsaka, tanggap kana at pwedi kanang magsimula ngayon din." naka ngiting wika ni Heather sa kanyang kaibigan.
Malakas naman na tumili si Jasmine, saka niyakap ang kanyang kaibigan.
"Thank you, thank you, thank you!..." malakas na wika niya, habang yakap-yakap ang kanyang kaibigan.
"But, in one condition!" muling saad ni Heather kay Jasmine.
"Ano 'yon?" wika niya habang nakatingin sa mukha ni Heather.
"Huwag mo akong tatawagin na Ma'am! at kung may magtanong sayo kung sino ang may-ari ng Cafè, sabihin mo hindi mo kilala. Maliwanag?!" tuloy-tuloy na wika ni Heather sa kaibigan.
"Yes, Ma'am!" pabirong sagot ni Jasmine.
"Okay, your FIRED!" sagot naman ni Heather.
"Oy! ito naman, hindi na mabiro!" naka simangot na wika ni Jasmine sa kanyang kaibigan.
Hindi naman nagtagal ang pag uusap ng mag kaibigan, dahil pareho pa silang may pasok. Hanggang sa mag paalam na si Jasmine sa kanyang kaibigan, upang mauna na sa kanyang klasi.
Pagkatapos ng klase ni Jasmine ay agad na siyang nagtungo sa Heat Cafè. Naglalakad siya palabas ng University, nang may tumawag sa kanyang pangalan.
"Jasmine, Jasmine!" narinig niyang pag tawag sa kanya ng isang lalaki. Agad naman na tumigil si Jasmine sa paglalakad, upang lingonin ang lalaking tumawag sa kanya.
"Nathan, ikaw pala! may kailangan kaba?!" tanong niya sa binata na hinihingal dahil sa pagtakbo nito.
"Yeah!" sagot nito, saka huminga ng malalim, dahil sa pagod.
"Ano bang sasabihin mo at talagang hinabol mo pa ako? pwede mo naman akong e text o kaya tawagan na lang. Napagod kapa tuloy." tanong niya na may pagtataka.
"Kasi ano! Umm, makiki-usap sana ako sa 'yo, na kung pwede ay samahan mo ako sa isang Party. Wala kasi akong kasamang pupunta. Since na magkaibigan naman tayo kaya ikaw na lang ang isasama ko." paki-usap ni Nathan kay Jasmine.
"Saan ba yan at kailan? baka may trabaho ako nun!" wika naman ni Jasmine
"Saturday night 8pm sharp!" sagot ni Nathan sa dalaga.
"Saan ba kasi ang Party na yan? baka naman puro mayayaman ang mga nandoon, naku nakakahiya. Wala din akong damit na pweding isuot sa mga ganyan na okasyon, huwag na lang. Baka pagtawanan lang ako doon." nanlalaki ang mga mata ni Jasmine, habang nagsasalita. Hindi pa siya nakaka dalo sa mga ganon na pagtitipon sa buong buhay niya. Kaya natatakot siyang mapahiya lamang doon.
"Don't worry, ako ang bahala sa isusuot mo at ganon din sa mag-aayos sayo. Sunduin na lang kita one hour before." muling sabi ni Nathan sa dalaga.
"Mag paalam muna ako sa Boss ko, baka matanggal ako sa trabaho kapag hindi ako pumasok na walang paalam." sabi na lang ni Jasmine, saka nag paalam na sa kaibigan.
Mabilis siyang naglakad, dahil late na siya sa kanyang unang araw sa Cafè. 3 hours lang ang Part Time niya sa gabi, kaya hindi ito makakasira sa kanyang pag-aaral.
Pagdating ni Jasmine sa Cafè ay agad na siyang pumasok sa Dressing room, upang mag palit ng kanyang damit. Isinuot niya ang Uniform ng Heat Cafè Staff. Isang three fourth sleeve blouse with black collar paired with black pencil-cut skirt. Bumagay kay Jasmine ang kanyang Uniform. Kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang katawan dahil sa damit na suot nito. Inilagay din niya ang kanyang Name Tag sa kaliwag bahagi ng kanyang dibdib. Matapos siyang maka pag-ayos ay agad na din siyang lumabas, upang mag simula sa kanyang trabaho.
"Jas, halika muna dito. May mga ipapakita muna ako sayo na dapat mong matutunan." sabi ng kanyang Manager. Agad namang lumapit si Jasmine sa lalaki.
"Sir, ano po yun? magalang na tanong ni Jasmine, habang hinihila ang upuan.
"Ito ang mga ibinigay sayo na trabaho ni Miss. Basahin mo na lang muna, bago ka mag simula." wika ng Manager, saka iniabot kay Jasmine ang papel.
Agad naman na binasa ni Jasmine ang mga naka sulat sa papel. Laking gulat ni Jasmine, nang makita nito ang naka sulat sa papel na hawak nito. Dahil siya ang inatasan na maging Casher ng Cafè. Waiter lang ang kanyang inapplyan, paano naging Casher ang trabaho niya.
"Naku sir! baka naman ma-short ang kaha at kulang pa ang sahod ko na pang abono? Mag Waiter na lang ako, Sir..." paki-usap ni Jasmine sa Manager. Pero umiling lang ang lalaki.
"Isa sa mga ayaw ni Miss, ay ang tinatanggihan ang gusto niya. Kaya kailangan mong tanggapin iyan, Jas." wika ng Manager, sabay tayo nito at naglakad palayo sa dalaga.
Kaya no choice si Jasmine, kung'di ang tanggapin ang trabaho na ibinigay sa kanya ng kaibigan. Kakausapin na lang niya mamaya pag-uwi niya sa Boarding House.
Agad din na tinurn-over nang kapalitan niyang Casher ang kaha. Ipinaliwanag din sa kanya ang mga dapat niyang gawin. Nag pasalamat pa siya sa babae, mukhang mabait naman ang Casher. Alam niyang mapag kakatiwalalan din ang babae.
"Miss Jas!" bigkas ng isang lalaki, sa kanyang Name Tag.
"Nathan, anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Jasmin sa kaibigan na binata.
"Nag kape!" agad naman nitong sagot sa kanya.
"Teka, sinundan mo ba ako kanina?" tanong niya sa binata.
"Yes! wala naman masama, diba? mag kaibigan naman tayo, hindi na?" wika ni Nathan, habang nakangiti.
"Oo na! nasaan na ang bayad mo? baka ako pa ang mag abono ng kape mo, ang mahal kaya ng isang tasang kaoe dito." sabay lahad ng kanyang palad.
Agad naman kinuha ng binata ang kanyang wallet, saka inilabas ang isang Gold Card. Mabilis nitong ininsert ang kanyang Card sa Credit Card reader machine, saka pinindot ang passcode.
"From now on, dito na ako magka kape. Masarap na ang timpla, maganda at mabait pa ang Casher." wika ni Nathan, saka pinindot ang ilong ng dalaga.
Masamang tingin naman ang isinagot ni Jasmine sa binata. Hindi niya alam, kung bakit natutuwa siya kapag kausap niya ang binata. Pero alam din niya sa kanhang sarili niya na kapatid lang ang turingan nila.
....
ABALA SA PAGLILINIS ang mga katulong sa Mansion ng mga Altamera. Sa makalawa na ang balik ng mag-asawang Altamera, mula sa ibang bansa. Halos tatlong buwan din silang hindi umuwi ng Pilipinas na mag-asawa. Dahil sa dami nilang mga Business sa iba't-ibang bansa.
"Kailangan malinis na malinis ang bahay na madatnan nila. Napaka selan pa naman ni Ma'am Amelia. Ayaw na ayaw 'nun na may nakikitang dumi at alikabok. Lahat ng nga kagamitan sa kusina, kailangan mahugasan lahat. Ayaw din nun na maka amoy ng malansa sa mga gagamitin na baso at kutsara." Wika ni Ligaya sa mga kasama niyang katulong. Sumang-ayon naman ang kanyang mga kasama at nagsimula na nga silang maglinis ng buong kabahayan.
Pati ang Harden ay mabusising nilinisan ng kanilang hardenero. Lahat ng tuyong dahon ay tinanggal nito, saka nag trim na rin ito sa ibang halaman.
"Manang Ligaya, lilinisan pa ba namin pati ang kuwarto ni Sir Dylan? Malinis naman iyon, kasi walang gumagamit." tanong ni Elena sa kanilang Mayordoma na si Ligaya.
"Oo, isama n'yo na rin. Baka biglang umuwi yun dito, kasi magkakaroon sila ng Party dito sa Mansion." Sagot naman ni Ligaya, sa kanyang kasama.
"Manang Ligaya, diba ikaw ang nagpalaki kay Sir Dylan? maitanong ko lang po. Bakit po kaya ayaw niyang tumira dito sa Mansion nila? nagtityaga siya doon sa Condo niya na mag-isa?" tanong ni Elena ka Ligaya, habang kinukusot nito ang mga kurtina na kanyang nilalabhan.
"Ewan ko ba sa batang iyon. Kahit anong paki usap ang gawin ko sa kanya na umuwi dito, ayaw talaga. Kesyo, wala naman daw ang kanyang mga magulang at hindi naman siya hinahanap ng mga ito." sagot ni Ligaya, napa buntong hininga pa siya, dahil sa kanyang alaga.