Chapter 1

2044 Words
Araw ng Graduation ni Jasmin. Talagang lumiban pa ang kanyang ina sa pagtitinda ng isda sa palingke, upang makadalo sa kanyang Graduation Day. Iyak ng iyak ang kanyang ina habang naka-upo ito sa isang silya na nakalaan para sa mga magulang ng mga magtatapos. Si Jasmine, ang Valedictorian sa kanilang klase. Napakadraming Award ang natanggap niya, kasama na ang Schoolarship para sa College. Meron din siyang natanggap na Cheque mula sa Governador ng kanilang Probinsya at Cash galing sa kanilang Mayor. Tuwang-tuwa ang mag-inang Jasmine at Emily, dahil sa mga natanggap nya. Malaking tulong ang mga ito sa kanyang pag-aaral. Hindi na rin sila mag-iisip kung saan sila kukuha ng kanyang pambayad sa Matrikula. "Jasmine, anak! tutal bakasyon naman ngayon, puwedi kabang tumulong muna sa akin sa palingke anak? Sigurado kasing dadagsahin na naman tayo ng mga mamimili, dahil bakasyon na. Maraming mga turista na naman ang dadayo dito sa atin upang magbakasyon." wika ng kanyang ina, habang naghuhugas ng mga pinagkainan ng mga bisita nila kanina. Meron kasi siyang kaunting handa, at marami din silang mga bisita na nagpunta upang batiin siya. "Sige po, Nanay! tutulong po ako sa inyo. May isang buwan pa naman po, bago mag pasukan Nay, kaya okay lang po na nasa palingke ako araw- araw. Mabuti na rin po yun para malibang po ako." magalang naman na sagot ni Jasmine sa kanyang ina. Habang binubuksan nito ang mga natanggap na regalo. Kinabukasan ay nag simula na si Jasmine, sa pagsama sa kanyang ina sa palingke, upang tulongan ito sa pagtitinda ng isda. Araw- araw naman na maganda ang benta nina Jasmine at nang kanyang ina. Maaga din silang nakaka-uwi sa kanilang bahay dahil mabilis nilang napapa-ubos ang mga paninda nila. Laging sinasabi ng mga kasamahan nilang nagtitinda ng isda, na suwerti daw si Jasmine. Dahil pati sila ay nadadamay sa suwerting dala ng dalaga. Makalipas ang isang Buwan. Naghahanda na si Jasmine, para sa balak nitong pag-alis. Bumili na din siya ng Bag na kanyang gagamitin. Itinago lang niya ito sa ilalim ng kanyang kama. Hindi naman mahilig maghalungkat ang Nanay niya sa loob ng kuwarto ng dalaga. Kaya panatag ang loob niyang hindi ito makikita ng kanyang Nanay ang malaking bag na may laman na ring mga damit. Bukas ng umaga ay luluwas na sya ng Maynila. Maiiwan na dito ang Nanay nya, matagal-tagal din siguro bago sila muling makita ng kanyang mahal na ina. Kapag nasa Maynila na siya, saka na lang niya tatawagan ang kanyang Nanay, upang humingi ng tawad dito. Sa ngayon ay kailangan niyang gawin ito, ang lumayo sa kanyang nilakihang lugar para tuparin ang kanyang pangarap. Maagang umalis ang Nanay ni Jasmine. Papunta ito sa pantalan upang mag-aangkat ito ng mga sariwang isda na kanyang ititinda sa palengke. Nang maka-alis ang ina ni Jasmine, ay agad naman siyang bumangon at naligo. Matapos niyang maligo ay nagbihis na agad siya upang maka-alis ng maaga. Nagbaon na lang siya ng tubig at tinapay upang may makain siya sa kanyang Biyahe patungong Maynila. Ilang oras din kasi ang itatagal ng biyahe patungong Maynila. Nasa Lima hanggang anim na oras ito mula sa kanilang bayan, kaya sigurado siyang gugutomin siya sa biyahe. Masakit sa puso ni Jasmine na iwanan ang kanyang ina. Ngunit ito lang ang tanging paraan upang matupad niya ang kanyang pangarap. Alam din niyang magagalit sa kanya ang kanyang ina, dahil sa pag-alis nito na walang paalam. Tatanggapin na lang niya ang galit nito. Alam din ni Jasmine na baka hanapin siya ng kanyang ina, upang muling ibalik sa kanilang probinsya. Bago sumakay ng Bus si Jasmine patungong Maynila, ay muli pa niyang nilingon ang kanyang pinanggalingan. Parang ang hirap para sa kanya na iwanan ang lugar kung saan siya lumaki at nagka-isip. Hindi rin maiwasan ni Jasmine na hindi mapaluha, dahil sa bigat ng kanyang dibdib. Sumakay ng Bus si Jasmine, baon ang pag-asa. Pag-asa na magiging maganda ang kanyang kinabukasan at maahon sa kahirapan ang kanyang mahal na ina. Dasal na lamang ng dalaga ay ang gabayan siya ng panginoong dios, sa lahat ng oras sa kanyang buhay. Upang makaya niyang harapin ang buhay na mag-isa sa isang lugar na hindi pa niya nararating sa buong buhay niya. Tanghali na nakarating sa Maynila si Jasmine. Agad siyang bumaba ng Bus, pagdating nito sa Terminal. Parang nanibago ang paningin ni Jasmine, para siyang nasisilaw sa liwanag at nananakit ang mata niya sa buong paligid ng makababa na siya sa Bus na kanyang sinakyan. Ilang beses pa niyang kinusot-kusot ang kanyang mga mata, upang masanay sa bagong kapaligiran na kinasadlakan niya. Agad niyang inilabas ang kanyang cellpone na keypad, upang tawagan ang kanyang Tita Ligaya. Ang nakakatandang kapatid ng kanyang ina, na namamasukan bilang kasambahay sa Maynila. Matandang dalaga ito, hindi na nag-asawa dahil sa kayang trabaho na mag-alaga ng bata. Hanggang lumaki ang alaga nito ay hindi na rin siya pinayagan na umalis ng kanyang amo. Kaya walang sariling pamilya ang kanyang tita. .... Abala sa pagluluto si Manang Ligaya, nang biglang may tumawag sa kanyang Cellphone. Agad naman niya itong sinagot dahil nakita niyang ang pamangkin nito ang tumatawag sa kanya. Namimis na rin niya ang kanyang napaka lambing na pamangkin. Ilang taon na din ang lumipas, nang huling makita ni Ligaya ang kanyang pamangkin. "Hello, Jasmine! kumusta kana, anak?" puno ng pananabik na sagot niya sa tawag ng kanyang pamangkin. "Tita, puwedi mo po ba akong sunduin dito sa Bus terminal? kararating ko lang po tita at wala po akong ibang alam na puntahan dito. Please tita..." agad na kinabahan si Ligaya dahil sa narinig niyang sinabi ni Jasmine sa kanya. Nabitawan din nito ang sandok na pinangsasandok niya ng ulam. "Jasmine, huwag mo nga akong pinag loloko na bata ka! paano ka naman nakarating dito sa Maynila, eh ayaw na ayaw ng Nanay mo na paalisin ka sa bayan natin?" patalak nito sa pamangkin, habang malakas ang kaba ng kanyang dibdib. "Tita, hindi po kita niloloko. Totoo po'ng nandito na ako sa Maynila, dahil tumakas po ako kay Nanay." muling saad ni Jasmine. Kaya naman nagmadaling nagbihis si Ligaya. Ibinilin na lang niya ang kanyang mga niluluto sa isang kasama nito sa bahay na pinaglilingkuran nya. "Elena, ikaw na muna ang magtuloy nitong mga niluluto ko. Susunduin ko lang sandali ang pamangkin ko sa terminal ng Bus, dahil lumuwas daw na mag-isa." paalam ni Ligaya sa kasama niyang kasambahay. "Sige, Manang. Bilisan mo at para makakain na tayo kaagad." pahabol naman ni Elena, habang hinahalo ang nilagang baboy na naka salang sa kaserola. Agad na sumakay si Ligaya ng Taxi, buti na lang at meron agad dumaan sa harapan ng bahay na pinag lilingkuran niya. Agad naman siyang nagpahatid sa Terminal ng Bus sa driver ng Taxi. Pagdating sa Terminal ng Bus, ay agad na hinanap ni Ligaya ang kanyang pamangkin. Natagpuan niya ito na naka-upo sa gilid ng pader, habang kumakain ng tinapay. Parang hinihiwa naman ang dibdib ni Ligaya, dahil sa awa niya sa kanyang pamangkin na basta na lang umupo sa isang gilid habang naghihintay sa kanya. "Jasmine, naku naman na bata ka! bakit ba biglaan ang pagluwas mo? hindi mo man lang itinawag sa akin ng mas maaga?" sermon pa niya kay Jasmine, habang hinihila ang kamay nito upang ipatayo. Hindi na naka pagpigil pa si Ligaya at pumatak na ang kanyang luha, habang yakap-yakap ang kanyang pamangkin. "Pasensya na tita, tumakas lang po kasi ako kay Nanay. Ayaw po kasi niya akong payagan na dito mag-aral ng College, kaya ko po naisipan na umalis ng walang paalam." sagot niya sa kanyang tita at mababakas din sa mukha ni Jasmine ang lungkot. "Hala, sige. Ano pang magagawa ko e, nandito kana. Tayuna at iuuwi muna kita sa bahay ng amo ko. Mabuti na lang at nasa ibang bansa pa ang mga iyon, kaya puwedi kang tumira doon pansamantala." wika ni Ligaya habang hawak sa kamay ang kanyang pamangkin. Muling nag-abang ng taxi si Ligaya, upang maka-uwi na sila kaagad sa Masion ng mga Altamera. Nakatanaw lang sa bintana si Jasmine, habang sakay ng Taxi, kasama ang kanyang tita Ligaya. Nagagandahan siya sa bagong tanawin na nakikita nya, dahil walang ganoon sa kanilang Probinsya. Nang pumasok na sa isang Village ang Taxi ay namangha naman si Jasmine, dahil sa napakalalaki ng mga bahay na kanilang nadaraanan. Talagang puro mayayaman lang ang nakatira sa lugar na iyon at sigurado siyang mga sikat na tao sa lipunan. Pag dating nila sa tapat ng Gate ng isang malaking bahay ay agad na nagbayad si Ligaya bago sila bumaba ng Taxi. Nakanganga pa si Jasmine, habang naka tingin sa napakalaking bahay na pinaglilingkuran ng kanyang Tita Ligaya. Agad naman bumukas ang maliit na Gate, at pinapasok sila ng guwardya na nagbabantay sa loob. Pagpasok ng Mansion, ay iginala pa ni Jasmine ang kanyang paningin sa napaka lawak na sala. Napaka ganda naman talaga nito at ang mga gamit sa loob ay alam niyang lahat ay mamahalin. "Bilisan mo Jasmine, kanina pa tayo hinihintay para sa tanghalian." pagtawag sa kanya ng kanyang tita. Kaya nabaling sa kanyang tita ang kanyang paningin. Agad namang sumunod si Jasmine sa kanyang tita, papunta sa kusina. "Halika, dito ka maupo. Kumain ka muna bago ka magpahinga." sabi sa kanya ng tita niya at ipinaghila pa siya ng upuan nito. "Salamat po, Tita." nahihiyang umupo si Jasmine sa upuan. Nakatingin lang kasi sa kanya ang mga kasambahay na kasamahan ng kanyang tita. "Siya ba ang pamangkin mo Manang Ligaya? Napaka gandang bata pala nya..." tanong ni Elena, habang nakatitig sa mukha ni Jasmine. Bakas din sa mukha ng babae ang paghanga sa dalagang bagong dating. "Oo nga, Manang, napakagandang dalaga ng pamangkin mo. Buti na lang at hindi umuuwi dito si Sir Dylan, baka masama pa itong pamangkin mo sa mga collection ng batang iyon." sabi naman ng isang kasambahay na si Ruby. "Mabuti na lang talaga, at wala sila dito ngayon. Kaya bago sila magsi-uwian, kailangan makahanap na ako ng mauupahan para dito kay Jasmine. Maghahanap kaagad ako bukas at doon na rin sa malapit sa papasukan niyang University para hindi siya mahirapan sa pagpasok." sagot naman ni Manang Ligaya, habang naglalagay ng plato sa lamesa. "Jasmine, ano bang kukunin mong kurso at dito kapa sa Maynila mag-aaral? ang mahal mahal kaya ng mga bilihin dito, baka hindi makayan ng Nanay mo na suportahan ka." tanong sa kanya ng kanyang Tita, bakas din sa mukha nito ang pag-aalala. "Fashion Designer po Tita, at dito lang po kasi sa Maynila ang mayroon ganon na Course. Kaya po ako lumuwas dito, tita, dahil iyon po ang pangarap ko." magalang na sagot ni Jasmine, habang naka titig sa mukha ng kanyang tita. "Ano pa ng ba'ng magagawa ko, e, nandito kana. Bilisan mong kumain at kailangan natin tawagan ang Nanay mo. Baka kasi nag-aalala na sayo iyon!." sabi ni tita Ligaya, saka nito nilagyan ng pagkain ang plato ni Jasmine. "Tita, ayaw ko po ng maraming karne, lalo na po ang taba. Nasusuka po akong kumain niyan." nakangiwing wika niya sa kanyang tita. "Ay ganon ba? naku naman na bata ka, kaya pala ang payat-payat mo kasi hindi ka kumakain ng karne. Oh, itong gulay na lang at pritong isda ang kainin mo." saka mabilis na pinagpalit ang kanilang mga plato. Matamis naman na ngumiti si Jasmine, nang makita ang gulay na nasa plato. Agad na rin siyang kumain dahil gutom na gutom na talaga siya. Matapos kumain ay sinamahan na rin siya ng Tita Ligaya niya sa silid nito. Dito muna siya pansamantala sa poder ng kanyang tita. Kapag naka enroll siya ay kukuha na siya ng kanyang Boarding house. Para hindi siya mahirapan sa pagpasok sa University. Tinawagan na rin niya ang kanyang Nanay at humingi ito ng tawad, dahil sa ginawa niyang pag-alis ng walang paalam. Iyak ng iyak ang kanyang ina, habang kausap niya sa cellphone kanina, pero wala na din itong nagawa dahil nasa Maynila na siya. Napakaraming ibinilin sa kanya ng kanyang ina. Alam niyang umiiyak ito habang patuloy siyang sinasabihan at pinapangaralan. Naiintidan naman iyon ni Jasmine, dahil magmula bata siya ay sila na lamang ng kanyang ina ang magkasama sa buhay. Wala din silang ibang kaanak na malalapitan, maliban sa kanyang tita Ligaya na nag-iisang kapatid ng kanyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD