.
.
TAHIMIK LANG si Jasmine, habang sinusundan ng kanyang paningin ang Spotlight na umiikot sa may Stage. Hanggang sa natapat na ito sa hagdan ng Mansion. Nang tumigil ang spotlight sa itaas ng hagdan ay nakita ni Jasmin ang isang lalaki na nakatayo sa itaas na bahagi ng hagdan. Naka suot ito ng Black mens suit, na bagay na bagay naman sa binata.
Napansin ni Jasmine na bata pa ito at mukhang baong Graduate lang nito sa College. Ngunit napaka seryoso ng mukha niya at mukhang mayabang din ang lalaki. Hindi man lang ito ngumiti o kumaway sa mga bisitang bumabati sa kanya.
"Nathan, kilala mo ba ang lalaking iyan?!" pabulong na tanong ni Jasmine sa kaibigan., habang ang mga mata nito ay nakatingin sa kinaroroonan ng lalaki.
"Siya ang pinaka batang CEO ngayon sa ating bansa. Kilala siyang matalino at magaling mag patakbo ng mga Negosyo. Maliban sa mga Negosyo ng kanyang pamilya, ay meron na din siyang sariling mga Negosyo na naipatayo niya galing mismo sa sarili niyang pagsisikap." Pabulong din na sagot ni Nathan.
Tumango lang si Jasmine dahil sa narinig niyang sagot ni Nathan. Wala siyang alam sa mga Negosyo, kaya hindi siya iteresadong alamin pa ang mga bagay-bagay tungkol dito. Hindi naman niya kilala ang lalaki na iyon, kaya binaliwala na lang niya ito. Hanggang sa mag simula nang umikot ang mag-anak sa mga bisita. Isa-isa nilang binati at kinamayan ang kanilang mga panauhin.
Lumapit ang mag-asawang Altamera sa kanilang table. Malawak pa ang pagkaka ngiti ng mga ito sa kanila, magalang din silang bumati kay Nathan.
"Nathan, Hijo! mabuti at nakarating ka ngayong gabi." pagbati ni Mr. Altamera kay Nathan.
"Magandang gabi po, Mr. Altamera!." sagot ni Nathan sa matanda.
"Masaya kaming mag-asawa, dahil pina unlakan mo ang aming imbitasyon. Sana maging magka sosyo din tayo sa hinaharap, Hijo. Isang malaking karangalan iyon sa amin, kung mangyayari." masayang wika ni Mr. Altamera, kay Nathan.
"Thank you Mr. Altamera." matipid na sagot ni Nathan, hindi man lang ito ngumiti sa kanyang kausap.
Naisip ni Jasmine na ibang klase din pala ang kanyang kaibigan kapag nakikipag usap na ito sa matataas na tao. Lumalabas din ang kanyang totoong istado sa buhay. Nagiging seryoso ang mukha nito at hindi man lang siya ngumiti sa kanyang kausap.
"Baka naman gusto mo kaming ipakilala sa napakaganda mong kasama, hijo?!" pabirong wika ni Mr. Altamera.
"Her name is Jasmine, and she is my sister." pakilala ni Nathan kay Jasmine. Inakbayan din siya ni Nathan at bahagyang inilapit pa siya sa kanyang katawan. Hinayaan lang ni Jasmine si Nathan, hindi na lang niya ito sinaway. Kung sabay hindi na rin masama kung ituturing siya ni Nathan na kapatid. Malaking karangalan na din ito sa kanya.
ISANG PARES ng mata ang nakamasid kina Jasmine at Nathan. Mataman nitong pina panood ang dalawa habang sila'y sumasayaw.
"Baka matunaw, Bro!." biro sa kaya ng kanyang kaibigan. Hindi niya namalayan na lumapit na pala ito sa kanya. "She's so beautiful! Do you know her?" tanong pa ng lalaki sa kaibigan niya.
Lumagok muna ng alak si Dylan, bago sagutin ang tanong ng kaibigan.
"No!" maikling sagot ng binata, saka muling uminom ng alak.
Masayang sumasayaw sina Jasmine at Nathan. Nawili ang dalawa sa pag sasayaw kaya naman hindi na nila namalayan ang paglipas ng oras. Hating gabi na nang sila ay umuwi na dalawa.
"Naku Nathan, lagot ako neto. Hanggang alas dyes lang ng gabi bukas ang Boarding house ko. Hindi na ako makaka pasok sa loob ngayon." wika ni Jasmine, habang hindi maipinta ng kahit sinong pinaka magaling na pintor ang kanyang mukha.
"Don't worry, sa Penthouse ka nalang matutulog. Mayroon naman akong Guestroom, bukas na lang kita ihahatid, okay?!" sagot naman ni Nathan, habang naka focus ang paningin nito sa kanilang daan.
"Nakakahiya naman! pero, sige na nga! kaysa matulog ako sa labas ng gate nang aking Boarding House." sagot niya sa binata na ikinalingon naman sa kanya ni Nathan.
"Hindi naman kita hahayaan na matulog sa labas ng Boarding house mo. Ako ang nag invite sa 'yo dito sa labas, kaya responsibilidad kita ngayon. Saka ako lang naman ang nakatira sa Penthouse na iyon. Kaya ayos lang na doon ka muna tumuloy." wika sa kanya ni Nathan.
"Salamat Nathan." pasalamat niya sa binata. Palagay ang loob ni Jasmine sa binata. Hindi rin siya natatakot kay Nathan, hindi niya mawari ngunit masaya siyang kasama ang binata.
TANGHALI NA NAGISING si Jasmine kinabukasan. Agad siyang naligo at nag bihis. Muli niyang isinuot ang kanyang damit na suot kahapon. Kinuha din niya ang kanyang bag na bigay sa kanya ng kanyang Tita Ligaya.
Matapos ma-ayos ang kanyang sarili ay agad na siyang lumabas sa kuwartong tinulogan niya. Paglabas niya sa kuwarto ay iginala nito ang kanyang paningin sa buong sala ng Penthouse, upang hanapin ang kanyang kaibigan. Ngunit hindi niya nakita ang kanyang kaibigan sa sala at wala din ito sa kusina. Kaya nag-iwan na lang siya ng sulat, upang ipaalam kay Nathan na umalis na siya. Pagkatapos mag sulat ni Jasmine sa papel ay mabilis na siyang lumabas ng Penthouse ni Nathan. Kailangan kasi niyang maka-uwi agad dahil may tatapusin pa siyang aralin ngayon, kaya nagmamadali na siyang maka uwi.
Paglabas ni Jasmine sa Building, ay agad naman siyang nakasakay ng Jeep, pauwi sa kanyang Boarding House. Mabilis naman siyang nakarating sa kanyang tinutuloyan. Pagbaba niya ng Jeep ay dumaan muna siya sa Carenderia, upang kumain ng kanyang pananghalian. Kanin at Monggo ulit ang kinain niya, ito lang kasi ang mura at masarap. Mabilis lang siyang natapos na kumain, kaya agad na niyang binayaran ang kanyang kinain upang maka-uwi na. Patakbo pa siyang tumawid ng kalsada, upang pumasok sa Gate ng kanyang tinutuloyan. Magka tapat lang kasi ang kanyang Boarding House at ang paborito niyang kainan.
Pagpasok ni Jasmine sa kanyang kuwarto ay napansin niyang hindi pa nababago ang ayos ng kuwarto nila ni Heather. Ibig sabihin nun ay hindi pa bumabalik si Heather, dahil wala pang bakas na bumalik ito sa kanilang tinutuloyan. Maayos parin kasi ang loob ng kanilang kuwarto. Hindi pa nagagalaw ang kama nito na inayos niya kahapon. Baka mamayang gabi pa iyon babalik, hihintayin na lamang niya ito.
Gabi na rin natapos ang lahat ng gawain ni Jasmine. Kaya inayos na niya ang kanyang mga gamit na dadalhin sa school kinabukasan. Natupi na rin niya ang kanyang mga damit at maayos na niyang inilagay sa kanyang Cabinet.
Gabi na rin kaya nag pasya si Jasmine na bumaba na upang bumili na ng kanyang pagkain. Hindi na rin siya nag meryenda kanina, upang maka tipid siya sa kanyang pera.
Palabas na si Jasmine sa gate nang may tumigil na sasakyan sa tapat ng gate. Natigilan pa si Jasmine, nang bumukas ang pinto. Isang lalaki ang lumabas sa drivers seat at umikot pa ito upang ipagbukas ng pinto ang kasama nito. Lalong nagulat si Jasmine, dahil ang lumabas sa loob ng kotse ay ang kanyang kaibigan.
"Heather!" masayang pagtawag ni Jasmine sa kaibigan, habang kumakaway.
Agad naman siyang nilingon ni Heather, ganon din ang kasama nitong lalaki.
"Jasmine, ikaw pala... halika dito, ipapakilala kita sa kuya ko." wika ni Heather, habang naka ngiti. Niyakap pa nito si Jasmine, na tinugunan naman ng dalaga. Para silang hindi nagkita ng dalawang taon sa higpit ng pagkakayakap nila sa isa't- isa.
"Jasmine, ang kuya ko pala. Si kuya Luke. Kuya, siya yung ikinukwento ko sa'yong kaibigan ko, si Jasmine Alvarez." pag papakilala ni Heather sa dalawa.
"Hi Jasmine, nice to meet you!" nakangiting inilahad ni Luke ang kanyang palad sa harapan ni Jasmine.
"Hello, kuya Luke! nice to meet you din po!." sagot naman ni Jasmine sa binata.
"You looks familiar, Jasmine. Did we met before?!" nag-aalangan na tanong ni Luke sa dalaga.
"Naku kuya, ha! luma na ang style mo na yan. Huwag mong isali ang kaibigan mo sa mga babae mo! umuwi kana nga, baka isumbong pa kita kay Mommy!." asar na asar na wika ni Heather s kapatid. Itinulak din niya ito, papasok sa loob ng kotse nito.
Naiwan naman na nag-iisip si Jasmine. Ngayon lang din niya napagtanto na parang nakita na nga nito dati pa ang kapatid ni Heather. Hindi lamang niya matandaan kung saan.
"Halika na sa loob, Jasmine. Mayroon pala akong baon na pagkain para sa ating dalawa." wika ni Heather sa kaibigan.
Tinulungan naman ni Jasmine ang kaibigan, upang buhatin ang mga dala nitong bagahe.
"Andami mo naman dala, Heather. Dito kana ba titira?!" tanong ni Jasmine sa kanyang kaibigan, habang dinadala ang mga paper bag na dala ni Heather.
Tinawanan lang si Heather ang kanyang kaibigan. Sadyang mapagbiro talaga si Jasmine at isa iyon sa ugali ni Jasmine na nagustuhan ni Heather. Dahil hindi ito boring kasama, matatawa ka sa mga ka enosentehan at kapilyahan nito.
Pagka pasok nila sa kanilang kuwarto ay agad na ibinaba ni Jasmin ang mga dala niyang paper bag sa sahig.
Kinuha naman ni Heather ang isang paper bag at ipinatong sa maliit nilang lamesa. Inilabas din nito ang mga tupperware na naka lagay sa loob saka binuksan.
"Wow! mukhang masarap ang dala mo Heather? ano ba ang mga iyan?!" wika ni Jasmine, saka lumapit sa kaibigan.
"Nagpaluto ako kay Yaya ng Bicol Express at Chopsuey. Alam ko kasing mahilig ka sa gulay at maanghang na pagkain, kaya heto, nagdala ako ng hapunan natin." sagot ni Heather, saka nagsimula nang sumandok ng kanin. "Halika na Jasmine, alam kong hindi kapa kumakain." muling pag-anyaya ni Heather sa kaibigan.
"Salamat, Heather. Hindi pa talaga ako kumain. Kaya nga ako bumaba para sana makakain." sagot niya sa kaibigan.
"Nagligpit ka pala dito sa kuwarto natin. Thank you, friend... ang linis at maayos na ang mga gamit ko." pasalamat ni Heather sa kaibigan.
Magkatabing umupo ang mag kaibigan sa harap ng maliit nilang lamesa. Pinag kasya na lang nila ang kanilang mga pagkain at plato sa maliit na space. May naka lagay kasing Computer sa ibabaw. Pag-aari ito ni Heather, lahat din ng mga books nila ay nasa mag kabilang gilid. Pang dalawahan ang kuwarto nila, kaya medyo maluwang naman ito kumpara sa ibang room. Dahil karamihan ay apat ang tao sa isang Room.
Habang pauwi si Luke sa kanilang bahay ay muli niyang naalala ang kaibigan ng kanyang kapatid. Pilit niyang inaalala kung saan niya ito unang nakita. Biglang nag ingay ang kanyang cellphone, kaya agad niya itong sinagot.
"Hello, Bro! ... where are you? ... okay, i'm on my way!." agad din pinatay ni Luke ang tawag. Mas binilisan din nito ang pag papatakbo sa kanyang kotse.
TAHIMIK na umiinom ng alak si Dylan, naka upo siya sa kanyang paboritong Bar Chair sa harap ng Mini-Bar sa kanyang Condo. Malalim itong nag-iisip, dahil hindi maalis sa kanyang sestema ang mukha ng babaing naging panauhin nila sa Mansion. Nagsisisi din siya dahil hindi niya nilapitan ang babae at naki pagkilala dito.
Tunog ng door bell ang nagpabalik sa kanyang sarili. Agad siyang tumayo at naglakad patungo sa pinto, upang buksan ito. Alam niyang ang kaibigan na niya iyon, kaya nagmamadali niyang pinag buksan ito.
"What is your problem, Bro? bakit ka nag-iinom na mag-isa?!" tanong ni Luke sa kaibigan. Umupo na rin ito sa katapat nitong upuan at nag salin ng alak sa baso.
"Bro, remember the girl, last night?!" tanong ni Dylan sa kaibigan, habang ang paningin nito ay nasa loob ng baso. Pinag mamasdan niya ang ice na umiikot sa loob ng baso habang pinapa ikot-ikot niya ito.
"Yeah! why? did she bother you, or something?!" nagtatakang tanong sa kanya ni Luke.
"Oo, Bro. Parang gusto ko na ngang e untog ang ulo ko, dahil hindi siya mawala-wala sa isip ko. Pati mukha niya ay nakikita ko na rin kahit saan ako tumingin. Ano bang meron sa babaing iyon? bakit ayaw niya akong patahimikin?!" wika ni Dylan sa kaibigan, binitawan din niya ang kanyang hawak na baso at saka hinawakan ang kanyang ulo.
"Inlove kana, Bro, Congrats!" tumatawang sagot ni Luke sa kaibigan. Hindi ito maka paniwalang mangyayari ito sa kanyang kaibigan. Dahil sa dami ng mga babaing dumaan sa kamay nito ay wala man lang na alala kahit isa, kapag nakuha na nito ang gusto niya.
"Karma ko na siguro ito, Bro. Bakit naman ako magkaka gusto sa isang babaing hindi ko kilala?!" naguguluhan na tanong niya kay Luke.
"Puntahan mo siya at kilalanin. Baka sakaling mahanap mo ang sagot sa iyong mga katanungan." payo ni Luke sa kaibigan.
"Saan? ni hindi ko nga alam ang pangalan niya. Paano ko siya hahanapin?!"