MAAGANG NAGISING sina Jasmine at Heather, upang mag handa sa kanilang pag pasok sa kanilang mga klase. Sabay din silang lumabas ng kanilang Boarding house.
Paglabas nila ng gate ay sinalubong naman sila ni Nathan. Nag hihintay ito sa kanilang dalawa sa kanilang paglabas.
"Nathan, ang aga mo naman?" gulat na tanong ni Jasmine sa kaibigan. Ngunit hindi siya pinansin ni Nathan, dahil naka tingin lang ito sa mukha ni Heather.
"H-Hi, Heather!" kinakabahan na pagbati ni Nathan, sa dalaga.
"H-Hello!" nahihiyang sagot ni Heather sa binata.
"Magtititigan na lang ba kayo diyan? may pasok pa kaya tayo!." wika naman ni Jasmine, na ikina tigil nina Nathan at Heather.
"Sakay na kayo sa kotse ko, para hindi na kayo maglakad na dalawa." pag-anyaya ni Nathan sa kanila, para mawala ang pagka pahiya niya.
Napa ngiti naman si Jasmine, may naglalaro din sa kanyang naisipan, kaya agad na sumang-ayon sa sinabi ni Nathan. Alam niyang may gusto si Nathan sa kaibigan niya kaya tutulongan niya ito kay Heather, upang magkalapit silang dalawa.
"Talaga Nathan? ay salamat at hindi na tayo maglalakad, Heather, halika na! sakay na tayo!" wika niya, ngunit nauna na siyang lumapit sa kotse ni Nathan at binuksan nito ang pinto sa likod saka mabilis na umupo. Maya-maya pa ay bumukas na rin ang pinto sa passenger seat. Nakita niya si Nathan ang nag bukas at inaalalayan pa si Heather na maka sakay. Matamis na ngumiti si Jasmine, dahil sa nakikita. Bagay na bagay kasi sina Heather at Nathan. Pareho din silang maykaya sa buhay, kaya dapat talaga sila ang nararapat magkasama.
Agad na nakarating ang tatlo sa kanilang University. Pagkababa ng sasakyan ay nagkanya-kanya na sila ng lakad at agad na silang pumasok sa kani-kanilang mga klase.
Sa dami ng ginawa ni Jasmine, ay hindi niya namalayan ang paglipas ng oras. Malapit nang mag-uwian, kaya naghanda na si Jasmine. Inayos na rin niya ang kanyang mga gamit upang mabilis siyang maka alis mamaya.
Sa Cafè na tumuloy si Jasmine, para sa kanyang 3 hours part time job. Kasalukuyan siyang nag-aayos ng mga gamit sa may counter, nang pumasok sina Nathan at Heather.
Palihim pang nginitian siya ng kanyang kaibigan, nang maka pasok na ito. Binati muna siya ng kanyang dalawang kaibigan, bago sila naghanap ng kanilang mauupuan.
Masayang pinagmasdan ni Jasmine ang dalawa, habang naka-upo ang mga ito sa tabi ng glass wall. Tahimik lang siyang kumain ng kanyang meryenda na hinatid pa sa kanya ni Nathan.
Nang matapos kumain sina Nathan at Heather ay muli na naman silang lumapit sa kanya, upang magbayad. Nag paalam na rin ang mga ito sa kanya upang maka uwi na sila.
Maraming customer sa Cafè, kaya abala si Jasmine sa kanyang trabaho. Hindi lang kasi pagiging Casher ang trabaho niya. Tumutulong din siya sa paggawa ng kape, lalo pa't napaka daming customer ang nag o-order nito.
Paglabas ni Jasmine sa Cafè ay nagulat ang dalaga sa taong tumawag sa kanyang pangalan.
"Jasmine!" malakas na pagtawag ni Luke sa dalaga, habang nakatayo ito sa tabi ng kanyang kotse.
Agad naman napalingon si Jasmine sa lalaking tumawag sa kanyang pangalan. Napa kunot pa ang kanyang noo nang makilala nito ang binata.
"Kuya Luke, anong ginagawa mo dito?!" tanong ni Jasmine, gulat na gulat din ang dalaga dahil sa biglang pag sulpot ni Luke sa kanyang pinagta-trabahuan.
"Hi Jasmine, pauwi kana ba?" tanong ni Luke sa dalaga, alanganin din ang ngiti nito na mukhang kinakabahan.
"Oo kuya. pauwi na ako. Bakit ka pala nandito kuya? magkakape kaba? sarado na kasi kami eh!." wika ng dalaga, nagtataka din siya kung bakit napadpad sa lugar na iyon si Luke.
"Pasensiya kana Jasmine ha! meron lang kasi akong ipapakilala sa 'yo na makulit na nilalang." pabirong wika ni Luke kay Jasmine, na siyang ikina kunot ng noo ni Jasmine.
"Anong makulit na nilalang ang sinasabi mo kuya?" naguguluhan na tanong ni Jasmine sa kaharap. Naka ngiwi din ang binata, sabay kamot ng kanyang ulo.
Magsasalita pa sana si Jasmine ng biglang bumukas ang pinto ng isa pang kotse na nasa tabi nila. Napa-urong pa nga si Jasmine, upang hindi siya mahagip ng pinto ng kotse.
Hindi naka pagsalita si Jasmine ng makilala nito ang lalaking bumama ng kotse. Natatandaan na niya kung sino nga ba ang lalaking ito. Dahil suot ng lalaki ang polo nito na suot din niya noong una niya itong makita. Biglang umakyat ang dugo ni Jasmine sa kanyang ulo nang maalala nito ang nakaraan. Kung paano siya sinabuyan ng tubig-dagat ng binata at hinila pa sa dagat. Kung hindi lang siya nanlaban noon, baka kung ano na ang ginawa ng bastos na lalaking ito sa kanya. Hinabol pa siya kinagabihan at ang suot nito ngayon ay ang suot niya noon habang hinahabol siya nito.
"Ikaw? anong ginagawa mo dito? ang lakas naman ng loob mong magpakita sa akin! matapos mo akong bastusin noon at kaladkarin sa dagat? nang dahil din sa 'yo kaya nawala ang paninda kong Bag. Ilang gabi kung pinag puyatan na gawin ang Bag na iyon, tapos nawala lang ng dahil sayo!." halos hindi huminga si Jasmine, habang pinag sasabihan nito ang binata. Hindi na rin niya namalayan na dinuduro-duro na rin niya ito.
Napalunok muna si Dylan, bago ito magsalita. Nagulat din siya sa mga sinabi ni Jasmine. Hindi niya akalain na ang babaing napagtripan nila sa isla Paraiso at ang babaing kaharap niya ngayon ay iisa.
"So-Sorry Miss, hindi ko sinasadya na gawin iyon sa 'yo. Aaminin kong kasalanan ko. Nag pupustahan kasi kami noon ni Luke, e nagkataon na ikaw ang napili ni Luke na mapag tripan. Sorry tala..." hindi natuloy ni Dylan ang kanyang sasabihin, dahil biglang dumapo ang kamay ni Jasmine sa kanyang mukha. Pagtingin niya sa dalaga ay si Luke na ang pinag sasampal nito. Todo iwas naman si Luke kay Jasmine. Ayaw din nitong hawakan ang kamay ng dalaga, dahil natatakot ito.
"Walang hiya ka! itinuring pa naman kitang kuya, tapos ikaw pala ang isa sa mga hayop na nambastos sa akin noon. Isusumbong kita kay Heather, sasabihin kong bastos ang kuya niya!" galit na galit na wika ni Jasmine, dahil hindi manlang niya nasampal si Luke. Kaya sa sobrang inis niya ay muli siyang lumapit kay Dylan at isang malakas ulit na sampal ang ipinag kaloob niya dito, saka patakbong umalis sa kanilang harapan.
Hindi naman nagalit sa kanya ang binata, buong puso naman niyang tinanggap ang pagsampal sa kanya ni Jasmine. Upang kahit papaano ay maibsan ang galit ng dalaga sa kanya. Napabuga pa siya ng marahas dahil sa naisip. Hindi niya lubos maisip na ang babaing napag tripan nila sa Probinsya, ay ang babaing biglang gugulo sa kanyang isipan. Hahayaan muna niya sa ngayon ang dalaga. Ngunit hindi ito ang huli na pupuntahan niya ito, ngayon lang siya nagka ganito. Dahil nasanay siyang ang mga babae ang lumalapit sa kanya at nag bibigay sa kanya ng ligaya kahit hindi niya hilingin. Ngunit iba ang nararamdaman niya kay Jasmine, kakaiba din ito sa mga babaing nakilala niya. Dahil si Jasmine lang ang unang babaing, umaway at naka panakit sa kanya.
Inis na inis si Jasmine nang iwanan nito ang dalawang lalaki. Mabilis siyang naglakad, pabalik sa kanyang tinutuloyan. Deretso siyang pumasok sa loob at umakyat sa kanilang kuwarto. Hindi na nga niya pinansin ang mga housemates niya na naka upo sa sala.
Pag pasok ni Jasmine sa loob ng kuwarto ay nadatnan naman niya si Heather na naka harap sa kanyang Computer.
"Hi Jasmine, kumusta ang Sales natin sa Cafè?" tanong sa kanya ni Heather, tinanggal din ng dalaga ang salamin nito saka ito humarap sa kanya. "Anyari sa mukha mo? bakit ka naka simangot ng ganyan?!" nag tatakang tanong ni Heather kay Jasmine.
"Naiinis lang ako sa dalawang kulogo na bastos!" sagot niya sa kaibigan, habang nanghahaba ang kanyang nguso.
"Ha? sinong kulogo at bastos?!" nag tatakang pag-usisa ni Heather kay Jasmine.
"Sino pa, edi yung kuya mo at ang kaibigan niya!" nanggagalaiting sagot ni Jasmine kay Heather.
"Si Kuya Luke? bakit, anong ginawa sa 'yo ni kuya, Jasmine?!" kinakabahan na tanong ni Heather, bigla din siyang natakot dahil kilala nito ang kanyang kapatid. Talagang may pagka tarantado ito at babaero din.
"Alam mo bang isa pala ang kuya mo sa mga nambastos sa akin noon sa Pribinsya? iyong ikinukwento ko sa 'yo dati pa! tapos yung kaibigan niyang si Dylan. Siya ang nag saboy sa akin ng tubig at hinila pa ako dagat. Siya din ang humabol sa akin noon sa resort kaya nawala ko yung Bag na tinitinda ko." naka simangot na sumbong ni Jasmine sa kaibigan.
"Humanda sa akin si kuya, isusumbong ko talaga siya kay Mommy!" pagbabanta ni Heather sa kanyang kapatid.
"Pinuntahan nila ako sa Cafè kanila, tapos gusto daw akong makilala ng kaibigan niya! joke ba 'yon?. Nagulat nga ako kasi kaibigan pala ng kuya mo ang bastos na lalaking iyon." patuloy ni Jasmine, hindi parin nawawala ang kanyang pagka inis sa dalawang lalaking sumira sa kanyang gabi.
ILANG MINUTO din naka parada ang kotse ni Dylan sa harap ng Boarding house ni Jasmine. Nauna na kasing umuwi si Luke kanina, pagka hatid sa kanya ng kaibigan sa lugar kung saan nangungupahan ang kapatid nito at ang kaibigan niya na si Jasmine.
Hindi parin maka paniwala si Dylan sa gulo ng mga pangyayari. Hindi niya inakalang ang babae sa isla at ang babaing nagpunta sa kanilang Mansion ay iisa. Hindi rin niya alam kung paano naging magkasama si Jasmine at ang isang batang Billionaryo na kasama ni Jasmine, nang nakaraan gabi. Alam ni Dylan na ang binatang iyon ang nag invite kay Jasmine, upang samahan siya sa party na iyon.
"Ano bang meron sa 'yo Jasmine? bakit mo ba ako ginugulo ng ganito?" tanong ng kanyang isipan. muling nahampas ni Dylan ang kanyang manebela, dahil sa inis sa kanyang sarili. Paano niya lalapitan si Jasmine ngayon? galit na galit ito sa kanya at kulang na lang ay sakalin siya nito kanina. Pero buo na ang isip niya, gagawin niya ang lahat upang mapatawad siya ng dalaga. Matinding challenge ito sa kanya, dahil hindi siya ang uri ng taong mag papakumbaba sa ibang tao. Ngunit gagawin niya ang lahat ngayon, mapatawad lang siya ni Jasmine.
Hanggang sa mag pasya na siyang umalis sa lugar at babalik na lang siya kinabukasan. May ngiti sa labi si Dylan habang iniisip niyang babalik siya kinabukasan at muli niyang masisilayan ang maamong mukha ng dalaga.
SUNOD-SUNOD na katok ang nagpagising kina Jasmine at Heather. Napakalakas kasi ng pagkaka kalabog ng kanilang pinto at parang gusto nang gibahin ng taong may kagagawan ng pagkatok na kanilang naririnig.
"Ano 'yun?!" magka panabay pang tanong nina Jasmine at Heather na kapwa nagulat sa malakas na kalabog ng kanilang pinto.
Agad na bumangon si Jasmine, upang buksan ang pinto ng kanilang kuwarto. Halos hindi pa nga ito makatayo ng deretso dahil sa gulat.
"Ano bang nangyayari? mayroon bang sunog?!" asar na asar na tanong ni Jasmine sa taong nasa harapan ng kanilang kuwarto.
"Walang sunog girl! pero ang Boarding house natin, malapit nang matabunan!." kinikilig na sagot ng babae kay Jasmine.
"Ha! bakit? may landslide ba? teka ano bang pinagsasasabi mo? hindi kita maintindihan!." naguguluhan na tanong ni Jasmine sa babae.
Maligo ka nga muna, saka ka lumabas. Para kang bruha, baka maturn off sa 'yo ang secret admirer mo!." pagtataboy sa kanya ng babae, itinulak pa siya papasok sa loob ng kanyang kuwarto at isinara ang pinto.
"Ano ba iyon?!" tinatamad naman na tanong ni Heather sa kaibigan. Sabay hikab din nito.
"Ewan ko, ang gulo nilang kausap. Mauna na akong maligo." paalam niya kay Heather saka kinuka ang kanyang mga isusuot na damit at pumasok na sa banyo.
Paglabas nina Jasmine at Heather ay tumambad sa harapan nila ang napaka daming bulaklak sa harapan ng kanilang pinto. Nagtaka pa ang mag kaibigan dahil wala na silang madaanan sa dami nito.
"Bakit ang daming bulaklak dito? kanino ang mga ito?!" nag tatakang tanong ni Jasmine kay Heather.
Agad naman na kinuha ni Heather ang sobre sa ibabaw ng napaka laking bouquet. Mabilis niyang binasa ito at biglang nanlaki ang kanyang mga mata.
"Friend, para sayo!" wika ni Heather, sabay pasa sa card na hawak niya.
Agad naman na kinuha ni Jasmine ang card at binasa ang nilalaman nito.
"JASMINE, PLEASE FORGIVE ME! DYLAN ❤️" ito ang nabasa ni Jasmine, sa card na hawak niya. Muling sumama ang mukha ni Jasmine, dahil sa kanyang nabasa. Muling bumalik sa kanyang isip ang pagka inis niya sa binata. Lalo pa siyang nainis dito, dahil sa napaka daming bulaklak na ipinadala ng binata sa kanya. Anong tingin nito sa kanya, Flower Shop? at binagsakan siya ng napakaraming bulaklak na ititinda?
"Friend, alam mo ba ang number ni Kulugo?!" tanong niya kay Heather.
"Hindi eh! sandali, itatanong ko kay kuya." sagot ni Heather, saka agad na tinawagan ang kanyang kuya.
Matapos ibaba ni Heather ang kanyang cellphone, ilang sandali lang ay tumunog na ito. Agad naman na pinorward ni Heather kay Jasmine ang Contact number na pinadala sa kanya ng kuya niya.
Matapos matanggap ni Jasmine ang number, ay agad niya itong tinawagan.
"Hello!" sagot ng nasa kabilang linya.
"Hoy, Kulugo! pumunta ka dito sa Boarding house at kunin mo ang mga bulaklak na iniwan mo dito! anong akala mo sa tirahan namin, flower shop at babagsakan mo ng mga bulaklak mo? paano pa kami makalabas nito kung sinakop na lahat ng mga bulaklak ang daanan namin palabas?!" halos maputol ang litid sa leeg ni Jasmine habang galit na galit na nagsasalita.